CHAPTER-8

1905 Words
JACKY Siguro, walang kahit na ano mang bagay ang makakasukat ng galit at pagkamuhi ko sa sarili kong ina dahil sa ginawa niyang pagpatay sa anak ko. Tila namanhid na rin ang puso ko. Wala na akong maramdaman. Ni hindi ko siya makitaan ng pagsisisi. Bagkus, tila tuwang tuwa pa siya at naniniwala siyang tama lamang ang ginawa niya. Masyado pa raw akong bata para mabuntis at wala pang kakayahang bumuhay ng isang sanggol. Yes, I wasn’t ready to become a mother, pero hindi kailan man sumagi sa isip ko na gawan ng masama ang sarili kong anak. Hindi ko kailan man naisip na kitilin ang buhay niya. Kahit nga puno ako ng takot at pangamba na baka hindi ko siya mabigyan ng magandang buhay, ay hindi sapat iyon para maisip kong hindi ituloy ang pagbubuntis ko. Sa katunayan, hinahanda ko na nga ang sarili ko sa bigat ng responsibilidad. Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagdating niya sa buhay ko. Kahit siguro gumapang ako sa hirap para maitaguyod siya ay gagawin ko. Alam kong makakaya ko.. Nang makumpirma ko nga na nagdadalang tao ako, hindi ko maitatanggi na sa kabila ng takot at pangamba sa dibdib ko ay nangingibabaw pa rin sa kaibuturan ng puso ko ang pananabik at saya ko na maging ina. Marami na nga akong magagandang plano para sa pagdating niya sa buhay ko. Pero natunaw lahat ng mga iyon dahil sa kasakiman ng sarili kong ina. Ang inang kaya niyang ipahamak ang sarili niyang laman at dugo. Ilang araw din akong tila tulala at wala sa sarili. Hindi ko talaga matanggap ang nangyari. Humihinga ako ngunit para rin akong walang buhay. Kusang tumutulo ang mga luha ko at hindi nauubos ito sa pagdaloy. Naging mailap sa akin ang antok, lagi akong binabangungot ng mga pangyayari. Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa sobrang pamamaga ng mga ito. “Hindi ka ba talaga titigil diyan? Tigilan mo na nga ‘yang pag-iyak mo. Huwag mo akong artihan Jacky! Hindi mo ako madadala sa ganyan!” ang gigil niyang bungad sa pintuan ng silid na iyon. Hindi ako sumagot or kahit nagpakita ng reaksyon. Nanatili akong nakatingin sa kawalan. Naninikip lagi ang dibdib ko sa tuwing sumasagi sa isip ang ginawa nilang pagkuha sa buhay ng anak ko habang wala akong malay. “Isipin mo na lang, mas natulungan pa nga kita. Mantakin mo kung hindi nawala ang batang iyon ng mas maaga? Sa hirap ng buhay ngayon baka mamatay lang din siya sa gutom!” Agad tumanggi ang isipan ko sa mababaw niyang dahilan. Mamatay lamang siguro siya kung isang iresponsabling ina katulad ni Mama ang magiging magulang niya. I wasn’t yet ready to be a mother but I am sure to my self that I am a loving and responsible one. Siguro, kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon ay gagawin ko ang lahat para lamang makatawid kami ng aking anak sa araw araw na buhay kahit pa nga gumapang pa ako sa hirap. “Alalahanin mo, wala kang tinapos, wala ka pang naaabot sa buhay so paano mo palalakihin ang batang yun?!” Hindi na ako sumagot dahil alam kong ang baluktot na katuwiran pa rin niya ang iiral at paniniwalaan niyang tama. Umupo siya sa tabi ko, napakislot ako ng hawakan niya ako. Ayaw kong mapadikit sa kaniya pero hindi ko magawang magprotesta nang hawakan niya ang buhok ko. Hinaplos haplos niya ang buhok ko, na para bang pinapatahan niya ako. “Mas maalwan ang naghihintay na buhay sa ‘yo.. sa inyo ni Ricky.. ‘yon ay kung susunod lamang kayo sa lahat ng gusto ko, sa lahat ng utos ko..” naging malumanay na ang pananalita niya. Ngunit alam kong lahat ng sinabi niya may nakapaloob na panganib at kasamaan. Makikita mo nga rin sa ngiti niya na may bahid ng kamandag. Hindi ko man alam lahat ng plano ni Mama sa amin ng kapatid kong si Ricky, pero alam ko, at nararamdaman kong may pinapasukan siyang gulo. “Ayaw mo bang maging maalwan ang buhay niyo ni Ricky? Isipin mo na lang Jacky kung mapapabilang kayo sa mga mayayamang tinitingala sa lipunan? Hindi ba’t nakakamangha iyon? Ayaw mo bang maranasan niyo iyon ng kapatid mo?” Kung maririnig lamang siya ng ibang tao sa ganoong pananalita, aakalain mo talaga na para siyang ulirang ina na ang higit na concern niya ay ang kapakanan naming magkapatid. Pero hindi. Ramdam ko na sa pinapasukan nitong gulo ngayon, alam kong siya ang higit na makikinabang. Ang sarili lamang niya ang alam kong iniisip niya. At kaming mga anak niya ay tila magiging kasangkapan lamang sa mga pinaplano niya. Ang siyang magsisilbing pain sa sakim niyang ambisyon na mapabilang sa mga taong mayayaman at tinitingala sa lipunan. NAPANSIN kong nadagdagan pa ang bantay namin ni Ricky. Kaya alam kong naniniguro na ngayon si Mama upang hindi talaga kami makatakas mula sa mga kamay niya. Palihim akong kinausap ng kapatid kong si Ricky. Higit kailan man siya ang higit na nakakaalam at nakakaunawa sa nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. “Kung patuloy nating pinapakita ang panglalaban sa kaniya, mas lalo niya tayong hihigpitan at hindi makakawala, ate. Mas mawawalan talaga tayo ng pag-asang makatakas at makaalis sa puder niya.” Ang makahulugang aniya. Napagtanto kong may punto ang kapatid ko. Kung patuloy kaming manglalaban at magmamatigas, mas lalo siyang manggigigil na dakmain kami sa leeg para pasunurin sa lahat ng gusto niya. Mas hihigpitan niya kami at mas mahihirapan kaming makawala mula sa kaniya. Ilang Linggo kong pinagluksa ang pagkawala ng anak ko. Hinayaan ko ang sarili na damhin lahat ng sakit. Kasabay ng pagkukundisyon ko sa aking sarili, pisikal at emosyonal. Ginuhit ko sa isipan ko at tinadaan ang araw na iyon. Sinumpa kong iyon ang huling araw na magiging mahina ako. Dahil simula bukas ay ipapakilala ko na ang bagong ako. Bagong ako, bilang anak na magiging masunurin sa paningin ng aking sakim na ina. Isang masunuring anak ang gusto niyang maging ako ‘di ba? P’wes, ibibigay ko na ang hiling niya. Isang masunuring anak na siyang tatapos rin sa kasamaan niya. Napangisi ako.. KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising. Inalis ko at winagwag ang lahat ng emosyon mula sa pagkawala ng anak ko. Nagtungo agad ako sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay sa walk-in closet agad ako tumuloy. Napatingin pa ako sa ilang mga damit na nakasanayan ko nang isuot. Mga simple ngunit lahat ng iyon ay binili ko at galing sa perang pinaghirapan ko. Barya lamang marahil ang halaga nun sa iba pero ang mga kasuotan na iyon ay galing sa sarili kong pawis. Napahinga ako ng malalim, tinabi ko na ang mga iyon bago lumipat ang mga mata ko sa mga signature clothing na hilihilirang naka-hanger sa napakalaking closet na iyon. Mga damit iyon na gusto ni Mama na siyang isuot ko. Pinili ko ang pinakamagandang damit na makikita sa closet na iyon na noon maski tingnan ay hindi ko magawa. Pagkatapos kong magbihis ay agad rin akong umupo sa harap ng vanity mirror. Saglit kong tinitigan ang hindi mabilang na produktong gamit pangkolorete sa mukha. Siniguro kong maayos na nakalapat ang bawat tinta sa mukha ko. Medyo kinapalan ko pa nga ang lipstick ko at eye liner. “Mag-ayos ka, gayahin mo ang mga mayayamang kabataan at kadalagahan sa school niyo! Sabayan mo sila or mas higitan, Jacky! Baka sakaling matuwa pa ako saiyo,” umaalingawngaw pa sa palintataw ko ang boses na iyon ni Mama. Napapalunok ako habang pinagmamasdan ang sarili kong itsura sa harapan ng salamin. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa ganitong routine na siyang gusto ni Mama. Papalapit pa lamang ako sa hagdanan ay dinig ko na ang boses niyang kinagagalitan ang kaniyang mga tauhan. Saglit akong napahinto sa dulo ng hagdan, humawak ako sa barandilya at lihim na tinanaw ang busangot at masungit niyang mukha. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang ihakbang ang mga paa, at bumaba. Pagbaba ko, nakita ko agad ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ang ayos ko. Napansin ko rin ang pagpasada niya ng tingin sa kabuuan ko. Lihim akong napaismid. I mentally tsked at her.. Hindi pa siya nagsasalita ay nakaguhit na agad ang tuwa sa mga mata niya. “O-Oh my gosh, Jacky.. bagay na bagay mo ang ayos mo, anak..” Tinago ko ang tila pag-alpas ng ngitngit na galit sa dibdib ko. Bagkus, nilabas ko sa harapan ng akin mg ina ang praktisadong ngiti sa labi ko. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya na akala mo’y walang namagitang masamang pangyayari sa pagitan namin. Na akala mo’y malapit talaga kami sa isat isa simula noon pa. “S-Salamat po, Mama.. napakaganda nga po ng mga damit sa closet ko. Nahirapan po akong pumili,” muli nakita ko ang tila pagkamangha niya sa naging response ko. Nakaawang ang labi niya na parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. Tumawa siya. Nakita kong tila nagnining ang mga mata niya nang muli siyang tumingin sa akin. “Well, there’s a lot to come Jacky, kaya mas mahihirapan ka sa pagpili, pero huwag kang mag-alala lahat naman ay bagay sa iyo anak,” ang aniya pa. Ngumiti akong muli. “Maraming salamat po, siguro mana lamang po ako sa inyo,” ang nakangiti kong sagot na muli. Muli, saglit siyang natigilan bago muling tumawa saka tumango tango sa akin. “Siyempre, kanino ka pa nga ba magmamana ng kagandahan?” ang malawak na ngiti niyang sabi. Tumikhim siya. “Napagtanto mo na rin ba sa wakas na tama lahat ng ginawa ko?” ako naman ang medyo natigilan. Sumisigaw sa isip ko ang sagot na hindi. Na kahit kailan hindi tama ang pagkitil ng buhay ngunit hindi ko iyon sinatinig bagkus, ngumiti akong muli kay Mama at tumango na siyang muling nagpaaliwalas ng mukha niya. “ Salamat naman at sa wakas anak ay na-realized mo rin na tama talaga ang ginawa ko. Mas maganda ang buhay na pinapangarap ko para sa inyo ng kapatid mo Jacky, hindi ko hahayaan na sa pagiging dalagang ina ka lamang masasadlak,” ang anitong tila pirmi nang nakapaskil ang kakaibang ngiti na iyon sa mga labi niya. Nang hapon din iyon, narinig ko siyang muli na pinagbibilinan ang mga tauhan niya. “Aalis ako mamaya, may dadaluhan akong party. Baka umaga na ako makakauwi—“ “Hindi mo ba ako isasama, Mama?” ang agad kong intrada. Muli nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya. “Gusto ko na rin po sanang sanayin ang sarili ko sa mga pakikipag sosyalan, malay natin sa pupuntahan niyong party ako makahanap ng mga kaibigan?” Kunwari kaswal kong sabi. Nakita ko ang tila pag-iisip niya.. Parang hinihimay himay niya sa isip ang suggestion ko. “Ang boring ng buhay namin ng kapatid ko, sa school naman ay wala pa kaming gaanong kilala—“ “Kung sasama ka sa akin, kailangan bumili na tayo ng gown na susuotin mo ngayon, anak. At tandaan mo, not Mama anymore. Call me mommy from now on, mas sosyal pakinggan ang mommy,” ang malawak na ngiting anito. Gusto kong mapangiwi pero mas pinili kong ngumiti at tumango sa kaniya. “O-Opo, M-Mommy..” mahina kong sabi. Agad niya akong niyakag patungo sa sasakyan upang pumunta sa bilihan ng gown. Halatang halata ko ang kasiglahan sa bawat kilos niya. Ang pag-iiba niya bigla ng mood dahil sa tuwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD