CHAPTER-7

1607 Words
JACKY “At saan kayo pupunta?!” Nagulantang kami ng kapatid kong si Ricky nang marinig namin ang boses niya kasunod ang pagbukas ng ilaw at pagkalat ng liwanag nito sa buong paligid. Nakita namin siyang nakapamewang habang masama ang tingin niya sa amin ni Ricky. Naroon din ang dalawang tao-tauhan niya at pawang mga nakangisi. Napalunok ako, nang sulyapan ko ang kapatid ko ay kita ko rin ang matinding takot sa mukha niya. “Sinasabi ko na nga ba’t balak niyo akong takasan.. dahil ba dito?” napaawang ang mga labi ko nang makitang hawak niya ang tatlong pregnancy test na ginamit ko. Napangisi siya, saka ibinato niya ang mga iyon sa mukha ko. Paanong napasakamay niya ang mga iyon? Siniguro kong hindi niya iyon makikita dahil pinakatago tago ko ang mga iyon sa ilalim ng aking damitan. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa tiyan ko. Napahawak ako roon. Napaatras ako nang unti unti pa siyang lumapit sa akin. Sa akin lang naka-focus ang buong atensyon niya. “Sinasabi ko na nga ba’t may tinatago kang kababalaghan na babae ka e,” may gigil na galit niyang sabi. Muli akong napaatras ngunit pader na dingding na ang sumalo sa likod ko. Kaya hindi na ako nakaiwas nang hablutin niya ang buhok. Sinabutan niya ako. Hindi ako na lumaban. Hinayaan kong doon niya dalhin lahat ng panggigil niya sa akin. Doon niya ibuhos ang galit niya. It’s all fine with me.... I can bear her rage, I can bear the pain. I just wish that she will spare my unborn child from her anger. Huwag lang talaga niyang targetin ang tiyan ko. Huwag lang niya sanang idamay ang bata sa sinapupunan ko. Damang dama ko ang matinding kirot sa anit ko gawa ng mahigpit na pagkakasabunot niya sa aking buhok. Kahit nasasaktan ng husto ay hindi ko magawang umiyak. Siguro, dahil nasanay naman na ako sa pananakit niya sa amin noon pa. Kaya naman namanhid na rin ako. Naalarma lamang ako nang tila inaabot na niya ang tiyan ko para suntukin. “M-Mama, huwag po, m-maawa ka!” Nahihintakutan kong pigil sa kaniya. “Kailangan mawala ang batang ‘yan!” Doon ay napaiyak ako at sunod sunod na umiling. “Walang hiya kang babae ka! Hindi ka maaaring mabuntis! Alalahanin mong hindi ka pa nakakabayad sa akin! Hindi bata ang hinihingi kong ibigay mo sa akin kun ‘di maraming pera!” Ang aniyang patuloy sa pananakit sa akin. Hindi ko hinayaan ang kamao niya na dumapo sa tiyan ko. Ginawa ko ang lahat pa protektahan iyon. Kaya muli niya akong sinabunutan. Ang mga kamay niya ay mas humigpit pa ang pagkakasabunot sa buhok ko. Pakiramdam ko nga, natuklap na ang anit ko mula sa aking ulo. Dahil sa madalas kong pagsusuka at pagkahilo ay nagduda na rin ako sa aking sarili kaya bumili na ako ng tatlong pregnancy test. Then, nakompirma ko ngang nagdadalang tao ako. Pinaghalong takot at tuwa ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Pinagtapat ko ang sitwasyon ko kay Ricky. Agad siyang nangamba sa magiging kaparusahan ko kapag nalaman ni Mama ang pagdadalang tao ko. Tiyak naming dalawa na kapag nalaman ni Mama ang tungkol dito ay siguradong hindi niya iyon matatanggap. Of course kilala namin ang makasarili naming ina na tanging ang importante lamang sa kaniya ay kung paano niya kami mapapakinabangan. Nagplano kaming dalawa ni Ricky, tatakasan namin siyang muli. Kahit sa dulo ng daigdig pa kami mapadpad ng kapatid ay okay lang. Kaya namin tumira kahit saan, basta kung saan hindi na niya kami masusundan pa. Maraming beses na kaming humanap ng pagkakataon para tumakas pero mahigpit ang mga bantay namin at hindi kami makahanap ng tyempo. At habang hindi pa kami makahanap ng pagkakataon ay pinilit kong tinago kay Mama ang lahat kahit na pakiramdam ko, ay tila nanghihila na rin siya. “Ate, kailangan na nating makaalis sa puder niya sa lalong madaling panahon, sa tingin ko, ay nakakahalata na siya,” ang ani Ricky pa nga sa akin na sinang-ayunan ko. Kaya nang sabihin ni Mama sa amin na aalis siya at ilang araw na mawawala ay nagkaroon kami ng pag-asa ni Ricky na maisakatuparan ang balak naming pagtakas. Pero heto nga at bigo kaming dalawa. Nahuli niya kami sa aktong pagtakas. Muli niyang pinagbalingan ang tiyan ko na muli kong kinaalarma. “P-Parang awa mo na Ma, h-huwag ang tiyan ko, maawa ka sa anak ko,” ang nahihintakutan kong pagmamakaawa sa kaniya habang sinasalong muli ang mga kamao niya mula sa tiyan ko. Nagmakaawa ako sa kaniya na hayaan na lamang niya ang anak ko. “Hindi puweding mabuhay ang batang yan Jacky! Hindi ako papayag!” Ang matigas niyang sabi. Mas tumindi ang takot ko nang tawagin niya ang mga tauhan niya at pahawakan ako. Napumiglas ako pero walang wala ang lakas ko kumpara sa lakas nila. Lumapit si Ricky para awatin si Mama pero sinampal din siya nito. “Magtapat ka na sa akin?! Sino ang ama ng dinadala mo ha?!” Duro niyang tanong sa akin. Umiling iling ako, “h-hindi ko po a-alam,”ang pagsisinungaling ko. “Kakaringking ka rin lang naman, mukhang nilibre mo pa! Boba ka talagang babae ka!” Ang duro niya sa akin. Hindi ko magawang sabihin na nang dahil sa pagbinta niya sa akin kay Mr. Ching kaya muling nag krus ang landas namin ng lalaking matagal ko nang pinakatangi tangi at walang pagdadalawang isip na naibigay ko ang sarili sa kaniya. Bakit ko pa iyon sasabihin e, alam ko naman na wala naman magbabago. Sasaktan pa rin niya ako. Mas sisihin pa nga niya ako dahil tumanggi ako kay Mr. Ching na napakalaki ng binayad na pera sa kaniya. Pero mas pinili kong takasan siya, nagawa ko pang saktan ang matandang intsik at ilagay sa alanganing sitwasyon ang kaligtasan naming lahat dahil sa nagawa kong pananakit sa intsik. Pagkatapos ay bibigay rin pala ako sa iba na maski kusing ay walang nakuha ang ganid kong ina. Dahil hawak na ako ng mga tauhan niya ay madali na lamang sa kaniya ang suntukin ang tiyan ko. Takot at galit ang magkahalong pumuno sa dibdib ko. “K-Kapag may nangyari sa anak ko, hindi kita mapapatawad!” Ang hindi ko na mapigilang sabi. Saglit siyang natigilan, tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala saka siya humalakhak. Panay ang tulo pa rin ng luha ko.. May ngising sa labing matiim niya akong tinitigan. “At hindi lang pagsagot sagot sa akin ang alam mo? Natuto ka na ring takutin ako, Jacky?” Ang tila sarkastiko niyang tanong sa akin. “Sa tingin mo ba, hihingiin ko ang kapatawaran mo? Sa tingin mo ba maapektuhan ako?” Ang nanunuya niyang tanong. “Wala akong pakialam sa nararamdaman mong babae ka!” Ang bigla’y galit nitong turan na muli kasabay nang muling paghablot sa aking buhok. Pagkatapos niyang magsawa sa kakasabunot sa akin ay kaliwa’t kanan naman niya akong pinagsasampal. Hanggang sa malasahan ko ang sarili kong dugo dahil sa pagputok ng labi ko. “Mama, tama na po,” dinig kong pagmamakaawang awat ni Ricky kay Mama. Hinawakan niya si Mama para pigilan na sa patuloy na pananakit sa akin. “Bitawan mo akong tonta ka! Pareho lang kayo ng ate mong walang maibigay na pakinabang sa akin!” Ang bulyaw niya kay Ricky kasabay nang paglagapak muli ng palad niya sa mukha nito. “Mama, bugbog na bugbog na po si Ate, baka po mapaano siya—“ “Tumigil ka na ngang gagu ka! Lumayo ka rito kung ayaw mong madamay ka rin sa galit ko!” Umiling si Ricky, “hindi ko iiwan si Ate.” Ang matigas na tanggi niya sa tila pagtataboy ni Mama. Pero nakita ko ang makahulugang pag senyas ni Mama sa isang dereksyon. Naalarma ako nang may isa pang lalaking tauhan niya ang nakatayo roon. Yun ang isa sa mga tumatayong bodyguards niya. Matatangkad at malalaki ang katawan ng mga tumatayong bodyguards ni Mama. Nanghihina na rin ako at bago ko pa man masabihan si Ricky ay agad nang nakalapit ang lalake mula sa likuran ng kapatid ko. “Hindi ako papayag na bugbogin niyo ang Ate ko—“ hindi na nito naituloy ang sasabihin nang tila karatihin ng lalake ang batok ng kapatid ko gamit ang kamay nito. Nanlalaki ang mga mata kong muling napaiyak. Nawalan ito ng malay, napabaling naman ako kay Mama nang tawagin nito ang pangalan ng kasambahay na agad namang lumabas na para bang nakaabang na sa pagtawag ni Mama sa kaniya. Inabot nito ang bag ni Mama, may dinukot si Mama sa loob nun. Mas tumindi ang takot ko nang may ilabas siyang tila injection. “A-Ano po y-yan?” naguguluhan at natatakot kong tanong sa pagitan ng pag-iyak ko. Ngumisi siya sa akin, “hawakan niyo siyang maigi,” ang utos niya sa dalawang may hawak sa akin. Pinilit kong magpumiglas. Nakaramdam ako ng panganib para sa pinagbubuntis ko nang makita ko iyon kaya inubos ko na ang lakas ko para manlaban pero wala akong nagawa. Pagkatusok ni Mama sa balikat ko ang injection na iyon ay unti unti na akong nanghina at nawalan ng malay. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero pagkagising at pagmulat ng mga mata ko, nasa hindi kilalang silid na ako naroon. Puti ang lahat ng makikita sa loob, ramdam kong hinang hina ang katawan ko. At agad akong napaiyak, dahil ramdam ko na, alam ko na, wala na ang inosenting bata na nasa sinapupunan ko. Pinatay ng sarili kong ina ang anak ko. At hinding hindi ko siya mapapatawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD