CHAPTER-9

2020 Words
JACKY Sa ilang oras na magkasama kami ni Mama, wala na siyang bukang bibig kun ‘di ang mga mayayamang tao na maaari naming makasalamuha sa pupuntahan naming party mamaya. Panay ang bilin at paalala pa niya sa akin, na para bang ang misyon talaga namin sa party na iyon ay makasilo ng mayamang lalake para sa akin. Natutulilig na nga ang tainga ko sa kakabanggit niya ng pangalan ng kung sino sino na hindi ko naman kilala at hindi ko alam kung matatandaan ko lahat pero hinayaan ko na lamang siyang magsalita nang magsalita. Ayaw ko siyang muling ma-disappointed sa akin kapag pinakita kong wala akong kainti-interes sa mga pinagsasabi niya. Kaya pilit akong umaarte na para bang interesadong interesado na rin ako sa kaniyang mga pinagsasabi at sa mga pangalan ng taong lumalabas sa bibig niya. “Hindi mo pagsisisihan ang gabing ito, Anak. Ito na ang magiging simula ng pagtahak mo sa landas patungo sa matayog na buhay gaya ng pinapangarap ko para sa inyo ni Ricky.” Muntik na akong mapaismid sa sinabi niyang iyon. Unang una sa tila napapadalas na pagtawag niya sa akin na anak at sa medyo malambing pang tono. Hindi naman talaga siya naging gentle at motherly sa amin ng kapatid ko. Sinusuka nga niya kami bilang mga anak niya. Pangarap daw niya para sa amin ng kapatid ko ang magkaroon ng masaganang buhay. Para sa amin nga bang talaga, o para lamang sa kaniya? Kahit nga mamatay kami sa gutom noon ni Ricky parang wala naman siyang pakialam. Sarili lang niya lagi ang iniisip niya. At alam ko, nararamdaman ko, may mas malalim na dahilan si Mama kaya ngayon ay ayaw niya kaming pakawalan ng kapatid ko at gusto niyang nasa puder lamang niya kami. Pakiramdam ko, mas malalim pa nga ang dahilan niya kaysa sa paniningil niya ng kabayaran sa akin bilang utang na loob namin ni Ricky sa kaniya. Alam ko, may tinatago siyang sekreto. Base sa obserbasyon namin ni Ricky, may lagi siyang katawagang tao at panay banggit niya tungkol sa kanilang mga plano. At sa planong iyon, may palagay akong gagawin niya kaming kasangkapan. At yun ang kailangan kong aalamin. Kung anong sekreto at mga plano iyon. At kung ano ang magiging papel namin. “Ipapakilala ko sa iyo si Mr. Ursula. Alam mo ba na isa ang pamilya nila sa mayayamang pamilya sa Ilo-ilo?” pabulong niyang sabi sa akin habang papasok kami sa loob ng malaking mall na iyon. “Kailangan mong makalapit sa pamilya nila Jacky. May anak na binata yun na mayaman na rin at isang abogado. Alam kong hihiga ka sa pera kapag siya ang napangasawa mo.” Patuloy niyang pagsasalita habang nakahawak siya sa braso ko. Panay ang haplos niya doon na parang close na close na talaga kami. Ngayon lamang siya nagpakita ng mga ganitong gestures sa akin. Noon, kahit nasusugatan ako, ni hindi niya ako hinahawakan. Ako ang gumagamot sa sarili ko. Para siyang diring diri sa amin ni Ricky lalo na kapag madungis kami. “Si Mr. Morales, may guwapong anak rin yun na may sarili nang negosyo, not bad kung siya rin ang masilo mo, kung saka sakali,” gustong bumaliktad ng sikmura ko sa mga lumalabas sa bibig niya pero tiniis kong pinakinggan. Hindi pa rin mawala wala ang excitement sa boses niya. Alive na alive siyang magsalita. Bagay na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Gusto kong mapailing at sarkastikong ngisihan siya pero siyempre nagpigil pa rin ako. Hindi na talaga siya nagbago, pagdating sa pera, parang laging full charge ang baterya niya. Kulang na lang ay magka logo ng pera ang mga mata nito sa tuwa. “Sobrang excited na ako para mamaya, ikaw rin ba ha, anak?” medyo nablanko ako. “Jacky, anak?” ang ulit niyang tanong. Doon ko napapilig ang ulo ko. “A-Aah.. O-opo, Mama..” “Mommy, Jacky.” Pagpapaalala niya. “O-Opo, M-Mommy..” “Mas masarap ‘yan pakinggan!” Ang abot batok niyang ngiti. “Pero, wait. Oh, s**t. Kailangan ikaw ang pinakamaganda at pansinin sa lahat ng dalagang naroon.” Nanlalaki ang mata niyang biglang sabi. “Sa ganda mo, idagdag pa ang magiging ayos at gara ng magiging suot mo, alam kong babaliktad lahat ng mga mata ng kalalakihan doon sa kakahabol ng tingin saiyo, Anak!” Napayakap pa siya sa akin. “Itataob mo lahat ng mga chakang babaeng dadalo dun. Pagkakaguluhan ka, pagkakaguluhan tayo at mas lalo tayong makikilala.” Kumikinang ang mga mata niyang tila nangangarap na dagdag na sabi. “Magpapa salon tayo, at maghaha-hire ako ng pinaka magaling na make-up artist mamaya,” ang aniya pa gayong hindi ko na naman iyon kailangan dahil kaya ko nang ayusan ang sarili ko. “ Mas lalo kong pakikinangin ang ganda mo, Anak..” kindat niya. Pakikinangin niya ako na parang isang bituin hindi dahil sa anak niya ako at concern talaga siya sa magiging tingin ng ibang tao sa akin. ‘Di ba nga, ang normal na magulang, papagandahin nila ang kanilang anak or paguwa-guwapohin dahil ayaw nilang mapahiya ito at maging katawa-tawa sa harap ng ibang tao? Mahal nila ang kanilang mga anak at ayaw nilang maging katawa-tawa sa paningin ng iba, ganun lang kasimple ang dahilan nila pero malalim naman sa aspetong emosyonal at kahulugan. Pero sa kaso ng Ina ko, alam kong pagagandahin niya ako at pakikinangin hindi bilang anak na mahal niya kun ‘di bilang isang produkto na kailangan mabinta sa lahat ng kalalakihang nasa mataas ang antas ng pamumuhay. Para sa kaniya, para akong isang bagay na may katapat na malaking halaga. Pakikinangin niya ako dahil gusto niya akong pakinabangan. At kung sakaling hindi ako maging kapuri-puri sa mata ng mga tao ay mas siya ang magiging kahiya-hiya dahil anak niya ako kaya kailangan niyang siguraduhin na magiging angat ako sa lahat. Hindi niya talaga concern ang magiging damdamin ko, at ang aabutin kong kahihiyan. Alam ko na mas concern niya ang taas ng kaniyang ego na maaring masaling kung saka sakaling mapahiya siya, nang dahil sa akin. Kahit hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng gown kahit na simple lang, alam ko nang may mataas na kalidad at pawang mayayaman lamang ang puweding maka-afford ng pinasukan naming boutique ni Mama. At hindi nga ako nagkamali dahil pawang nakakalula ang presyong nakasabit sa bawat gown na naka display sa boutique na iyon. Halos ituro ni Mama ang lahat ng gown na maibigan niya para ipasukat sa akin. Ako na yung medyo nakakaramdam ng hiya sa sales personnel na umasikaso sa amin. “Hmm.. parang kulang pa ang dating ng kaseksihan sa gown na ito—“ “Hindi naman po, Ma’am. Medyo simple nga po ang tabas at design ng gown na ito pero dahil sa ganda ng kurba ng katawan ng anak niyo, sigurado pong lalabas pa rin ang nautral niyang alindog—“ “I’m so sorry, pero hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Maganda ang balat ng anak ko at hubog ng katawan niya, sayang kung hindi niya mai-expose sa mata ng mga tao hindi ba?” nakataas na kilay niyang tanong sa sales personnel. Napatingin siya sa akin, pasimple ko siyang sinenyasan na tumango na lamang at sumang ayon. “Ano, tama ako hindi ba?” ulit na tanong ni Mama sa babae. May diin na ang tanong nito na hindi mo puweding salungatin ng sagot dahil siguradong away at pagtatalo ang kahihinatnan niyo. Medyo natataranta naman ang babaeng napatango ng sunod sunod. “Y-Yes po, M-Ma’am, t-tama po kayo,” ang medyo nagkabuhol-buhol na salita niyang pagsang-ayon kay Mama. May panunuyang napangisi si Mama sa kaniya. “Good. Ako ang ina, alam ko kung ano ang mas nababagay sa anak ko,” ang aniya pang sabi bago tinalikuran ang babae at nagtuloy tuloy sa mga nakahilirang pula na gown. Kinuha niya ang isang revealing style red night gown at siyang pinasukat sa akin. Walang reklamo ko iyong inabot at sinukat sa fitting room. Napalunok ako nang makita sa full mirror size ang pagkakahapit sa kabuan ko ang gown na iyon. Maganda nga siya pero masyadong seductive ang dating. Satin ang tela nito. Mababa ang tabas ng neckline kaya litaw na litaw ang umbok ng cleavage ko na para bang halos lumawa na palabas ang kabuuan ng dibdib ko. Labas ang likod, may mahabang slit pa iyon sa bandang gilid kaya litaw ang magandang hubog ng legs ko. PAGKATAPOS namin mamili ng gown na susuotin, ay dumeretso kami sa salon. Unang beses ko pa lang makaranas ng manicure and pedicure saka ng hair relaxing. Malambot na malambot na ang buhok ko pero pakiramdam ko, mas lumabot at dumulas pa iyon. Akala ko, uuwi na kami pagkatapos nun pero kahit paano nakaramdam ako ng tuwa dahil nagyaya siya sa isang restaurant na halatang pang mayaman din. Ramdam ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko kaya pag bigay ng waiter sa menu ay hindi na ako nagdalawang isip na buklatin. Natakam ako sa mga pagkaing makikita sa menu pero nang sabihin ko ang order kong spaghetti carbonara ay agad tumutol si Mama at siya ang pumili ng mga kakainin namin. Minsan pa lang ako nakatikim nun noong nagluto si Aling Koring dahil birthday niya. Sobrang sarap talaga nun, at talagang parang nag star ang mga mata ko sa kasabikang muling makakain nun nang makita sa menu. “Hindi ka puweding kumain ng mga ganyang pagkain, Jacky. You should take care of your figure. Iwasan mo ang mga nakakatabang pagkain. Kailangan manatiling maganda at kaakit akit ang katawan mo, iyan ang pinaka importanting pain natin para makabingwit ng malalaking isda, anak..” ang masinsinan niyang sabi sa akin. Pilit ang naging ngiti ko sa kaniya, saka marahang tumango. Akala ko ay makakain ko na ang gusto ko, pero hanggat sa kaliit liitang detalye ay siya pa rin talaga ang magpapasya. Well, sanay naman akong kumain ng gulay at dahon dahon tulad ng inorder niyang vegetable salad na may ka-partner na kapirasong karne. Pagkatapos naming kumain ay namili pa kami ng mga damit. Naging sunod sunuran lamang ako saan man niya ako yakagin. Lahat yata ng mamahaling bilihan ng sapatos, damit, bags ay pinasukan na namin. Masakit na ang mga paa ko pero hindi ako dumaing ng reklamo. Panay ang swipe niya gamit ang isang card na lagi niyang dinudukot sa shoulder bag niya. Nang sa wakas ay tila napagod siya ay nagyaya na rin siyang umuwi. Puno ng shopping bgas na bibit ang mga kamay ng dalawang body guards na kasama namin. “Sige na umakyat ka na at magpahinga na muna, maya maya ay darating na rin ang make-up artist na tinawagan ko para ayusan tayo,” ang matamis na ngiti niya sa akin. Agad na nga akong umakyat at nang makapasok ako sa tinutuluyan kong kuwarto ay doon lamang ako muling nakahinga ng maluwag. Nakaidlip ako at nagising lamang sa sunod sunod na katok ng kasambahay. Napatingin ako sa orasan at doon ko napagtanto na halos maggagabi na. Kasama ng kasambahay ang isang bakla na hula ko ay siyang make-up artist na mag-aayos sa akin. May dala itong malaking make-up kit. Wala naman siyang gaanong ginawa sa buhok ko kun ‘di ipinusod lamang niya iyon pataas. May iniwan siyang nakabagsak na umpok ng mga hibla sa magkabilang gilid ng sintido ko. Nagustuhan ko ang thin make-up na nilagay nito sa akin ngunit nang makita ni Mama iyon ay agad nag-iba ang timpla ng mukha niya. Mas nababagay raw sa akin ang medyo makapal na make-up ngayong gabi. “Kung tulad ni Mr. Ching ang gusto mong bingwitin Jacky, puwede ang make-up na yan dahil mas magmumukha kang nene kaysa sa edad mo, pero hindi mga tulad ni Mr. Ching ang gusto mo hindi ba?” taas kilay niyang patutsada. Bahagya talagang nag-iba ang timpla ng mood niya. Marahan akong tumango, at umupo ulit sa harap ng vanity mirror. Muli akong inasikaso ng make-up artist. At pagkatapos nun ay muli kong nakita ang ngiti ni Mama nang makuntento ito sa ayos na ginawa ng make-up artist sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD