CHAPTER-17

2340 Words
JACKY Soon after that encountered, Andres and his children arrived in our house. Inaasahan ko nang darating ang araw na iyon. Pormal kaming pinakilala sa isa’t isa. Hindi magkamayaw ang aming ina sa kakamando nang araw na iyon sa kasambahay. Nasa sala kaming lahat. Napansin ko ang medyo madiin na mga mata sa akin ni Andres. Napaingos ako. Problema nito? Pasimple ko siyang inirapan. Nakita niya ang ginawa ko. He pressed his lips together. May kalakip ng warning ang tingin niya. I want to smirk at him but I choose to shrugged my shoulders and just ignored his gaze. Alam kong sirang sira na ang image ko sa kaniya dahil sa paninira ng sarili kong ina ganun din sa naipakita kong pag-uugali. Sinulyapan at binista ko ng palihim ang mga anak niya, tsk. Pinag-aaralan ko ang kanilang kilos at itsura. Gusto kong mapailing. Ewan ko kung alin sa nararamdaman ko ang gusto kong i-acknowledge, ‘yong awa sa kanila or matinding inis dahil parang magiging kargo de konsensya pa namin ang dalawang ito kung wala man lang kaming magagawa ng kapatid ko sa maaring sapitin nila mula sa kamay ng aming ina. Damn it. Mas nagtagal ang mga mata ko sa panganay niyang anak. Parang hindi makabasag pinggan. I stared at her like examining her. Soft and fragile. Nararamdaman ko ang tensyon mula sa kaniya. Parang naramdaman ang pasimple kong paninitig. Sinulyapan niya ako. Inirapan ko siya. Mas lalo siyang hindi naging komportable. Siguro, napilitan ang dalawang ito para pagbigyan na lang ang kanilang ama. And her little brother, tahimik, mas kalma pero aninag pa rin ang disgusto sa pagparito. Masasabi kong parang mas may lakas ng loob itong bata kaysa sa babae. But I know, mahina pa rin ito at walang magiging kalaban laban sa aming ina. Useless. Weak. Siguradong kaonting pananakot at sindak lang ng ina namin sa magkapatid na ito sure na akong manginginig ang mga ito sa takot. “Hindi magtatagal mula ngayon, lilipat na kayo sa hacineda, magkakasama na tayo at mamumuhay bilang totoong magkakapamilya, at umaasa akong makakasundo niyo ang bawat isa,” seryosong pahayag ni Andres habang sa akin nakatuon ang matiim niyang tingin. Damn him. Ang sarap singhalan. But I silently calmed myself. I really wanted to raise my left brow at least but I didn’t. In the tone of his speech, and how he looks at me, para bang ako iyong magdadala or magiging dahilan ng problema sa pamilyang gusto niyang buoin. It’s like there’s a judgement already. Even if I haven't been yet with his children under the same roof. Sa kabilang banda, lihim akong nagngitngit sa impormasyong nilahad niya. “Wala kang proproblemahin, sweetheart. Ako na ang bahala sa mga bata, at sisiguraduhin kong masusubaybayan ko sila ng maigi, habang abala ka sa mga negosyo mo. Masasanay at matatanggap rin nila ang pagbabago sa kani-kanilang buhay. Matutunan rin nila akong tanggapin bilang pangalawa nilang ina,” ang malambing at masayang turan ni Mama. I wanted to roll my eyes, after I heard her. Plastic. Magaling talagang magpanggap. Sinulyapan kong muli ang magkapatid. They are so quiet. Hindi man lang sila magproprotesta? Damn. “I am very hopeful, Andrea and Andrie. That you will give me a chance,” dramang pakiusap ng aming ina. Napipilitang ngiti ang binigay ni Andrea habang ang binatilyo ay napilitang mag-angat ng tingin nang tawagin ni Andres ang pansin niya dahil parang lumilipad ang isip at hindi nakikinig sa pinagsasabi ng aming ina. He maybe feel the devilish aura of our mother. Kalaunan, marahan siyang napatango. I furtherly observed his children, laging nakayuko ang bunso nitong anak at minsan kong nahuhuli na tila natutulala ito. Si Andrea ay tahimik din, kapag kinakausap ng aming ina ay tila natitigilan at nagiging kimi ito sa pagsagot. Ganun siya palagi. Tsk. Ngayon pa lang, nakikita ko na ang nakakaawang sitwasyon ng dalawang ito sa kamay ni Mama. HINDI nga nagtagal ay lumipat kami sa hacienda. Napuno ako ng pagkamangha. Sobrang lawak ng hacienda mansion nila, tulad kung gaano kalawak din ang nasasakupan nitong lupain. Parang palasyo. Hindi ko mabilang ang kuwarto. Ang dami nilang kasambahay. Ang daming tauhan ang nakakalat sa hacienda. Kita ko ang nakakamanghang respeto ng mga taong naroon kay Andres. Wala sa sariling napalakbay ang imahinasyon ko. Imagining Andres as a king of this land and his children as the prince and princess. The dead queen, and the evil wanna be queen- my mother. Damn. Naghanda pa sila ng bonggang bongga bilang pa-welcome party sa pagdating namin. Maraming taong bumulaga sa amin sa pool area sa isang bahagi ng malawak nilang harden. I plastered my fake smile to everyone. I was like that the whole time. I felt being suffocated. But I endured. At pagkatapos kaming maipakilala sa lahat. Umunti-unting dumalang ang taong lumapit sa amin ng kapatid ko para makipag usap. Nakahinga rin ako ng maluwag. I once roamed my eyes around. Bawat isa ay may kaniya kaniya nang pakikisalamuha sa ibang bisita. Napabuga ako ng malakas na hangin. Parang akong nahapo. Marahan akong naglakad. I distanced myself from the crowd habang nagkakasiyahan sila. Nagtungo ako sa isang bahagi kung saan walang tao. Maraming tanong at bagay na tumatakbo sa utak ko. Gusto kong huminga muna at lumanghap ng sariwang hangin baka sakaling makapag-isip ako ng tama. Isang palad ang magaan na pumatong sa balikat ko, nilingon ko siya. Napahinto ako. My brother Ricky followed me. “Napag-usapan na natin ang plano natin ‘di ba? Walang magbabago,” mahina niyang sabi pero nalalakipan ng derterminadong paalala ang boses niya sa akin. “O-of course..” nasagot ko na lang. “You looked bothered since you met them,” hayag niya. Natigilan ako. Napapansin na pala ng kapatid ko. But do I really feel bothered? Yes, hindi ko itatanggi. Nakokonsensya ako kung halimbawa dumating na nga ‘yong time na susubukin namin muli ni Ricky ang lumayo sa anino ni Mama, maiiwan ang mga anak ni Andres ng walang kalaban laban. Isama pang may alam ako at hindi inosente sa balak ni Mama at ni Gov. Juancho kay Andres at sa pamilya nito, tinutusok nga ako ng konsensya. Tumabi siya sa akin at namulsa, tulad ko, tumanaw siya sa malayo. “Kaonting panahon na lang Ate, magtatapos ka na. Kahit paano, hindi tayo mahihirapan na magsimula. Tutulong din ako at siguguraduhin kong hinding hindi ako magiging pabigat—“ “Kahit kailan naman hindi ka naging pabigat sa akin, kapag nakahanap ako ng trabaho, wala kang ibang gagawin kun ‘di ang mag-aral ng mabuti Ricky. ‘Yon lang ang gusto ko.” Hindi siya umimik. Nilingon ko siya. “Makita lang kitang makapagtapos at maging maayos din ang buhay, tama na iyon sa akin,” ang mahina kong sabing nagpatigas sa lalamunan ko dahil sa pigil kong emosyon. Ginagap niya ang kamay ko at pinisil. Kaming dalawa lamang ang magkakampi. Kaya doon ako magfo-focus. NAPALINGON ako sa pintuan ng kuwarto ko nang marinig ang malakas na boses ng aming ina. Kasunod nun ay ang tila ngoyngoy ng iyak. Napasilip ako. Nakita ko si Mama at ang galit na galit niyang mukha. Natatakpan ng malaking paso at halaman ang sino mang kinakastigo nito sa bahaging ng pasilyong iyon. “Sa tingin mo ba may magagawa ‘yang pagmamatigas mo sa akin?” may dinuduro siya. Mas niluwagan ko ang siwang ng kuwarto ko at mas sinilip pa sa labas. “Your father will always believe in me and he will always choose me,” tumawa siya. Napalunok ako. Mag iisang buwan nang wala si Andres sa hacienda at nasa business trip ito. Gustong gustong sumama ng aking ina, panay ang parinig niya kay Andres tila nagbabakasakaling alokin siya nitong sumama pero hindi ganun ang natanggap niyang sagot. “This trip is very important to me, sweetheart dalawang malalaking investors ang kausap ko dun, hindi kita maaasikaso.” Ngumiti si Mama at tila determinadong mapapayag si Andres. “Walang kaso sa akin ‘yon, Andres. Kaya ko naman mamasyal ng mag-isa—“ “No. Hindi kita puweding ewan na lang dun ng mag-isa,” natunaw ang ngiti niya. “ Mahirap na baka may lumapit saiyo at magkagusto dun habang busy ako,” sweet na pabiro nitong dagdag na sabi. Napaingos ako. Kahit hindi naman ‘yan lapitan siguradong maghahanap yan ng ibang lalake dun. It maybe weird na ganito ang naiisip at naibabato kong kutya sa aking ina pero, kilala ko siya e. Mulat na mulat ako sa gawain niya. “Isa pa, gusto kong personal mong asikasuhin ang pagsama sa mga bata mula sa bagong school na papasukan nila,” ani Andres. Hilaw at pinilit ang ngiti niyang napatango na lamang. Wala siyang nagawa. Gusto kong ngumisi nang mga sandaling iyon. At ngayon mula nang umalis si Andres ay unti unting nasasaksihan ng mga anak nito ang pagladlad ng totoong pag-uugali ng aming ina. Napabuka ang bibig ko nang makita ang binatilyong anak ni Andres na nakasadsad sa sahig at sapo ang mukha nitong mapulang mapula. Umiiyak ito. “Andrie!” Narinig ko ang boses kasunod ang patakbong dalo ni Andrea sa kapatid. “Ano pong nangyari Tita Julia? Ano pong ginawa niyo sa kapatid ko—“ “Pagsabihan mo ‘yang kapatid mo ha?! Walang modo kung sumagot!” Ang galit na anito imbes na sagutin ang tanong ni Andrea. Nag martsa pang iniwan ang dalawa. “Ate, ayaw ko na dito. Hindi ko kayang pakisamahan ang mga taong ‘yan! Ayaw ko sa kanila. Sasama na lang ako kila Tita sa State.” Iyak na sigaw nitong sabi sa kapatid. “Huminahon ka muna Andrie, at huwag kang magpadalas dalos. Ano ba kasi ang nangyari?” Mahinahon at alu ni Andrea sa kaniya. Napangisi ako. Smart. Good boy. Sige, ganyan nga. Ayawan mo kami. Pero hindi ikaw dapat ang umalis sa pamamahay na ito kun ‘di kami kasama ng demonyeta naming ina! “H-Hindi ko talaga kaya, hindi ko sila matatanggap-“ “Shh.. Andrie, kumalma ka muna at sabihin kay Ate ang nangyari. Para alam ko rin ang sasabihin ko kay Daddy,” patuloy nitong alu sa kapatid. Inalalayan nitong makatayo ito mula sa pagkakasadsad sa sahig at inakay sa dereksyon ng pasilyo kung saan ang kaniyang kuwarto. PAGDATING ni Andres, nakita kong agad siyang kinausap ng kaniyang panganay na anak. I got excited what will be the outcome. Paano kaya ngayon lulusutan ng aking ina ang sumbong na pananakit nito sa bunsong anak ni Andres? Pero tila walang nangyari dahil nakita kong mas nagalit at senermonan pa ni Andres ang binatilyo nitong anak. Napakuyom ako ng kamao nang makitang mas buminta ang pagdradrama ng aming ina habang naglalahad ito ng sariling bersyon nito kay Andres. “Hindi ko sinasadyang matabig siya sa mukha Andres. Pinakikiusapan ko lang naman siyang bumaba na para makapag almusal dahil ayaw nitong sundin ang katulong pero pabalang din akong sinagot at binalak na saktan. I had to run from him gusto niya akong saktan. Hindi ako makapaniwalang magagawa ng anak mo iyon sa akin.” Kunway, mangiyak ngiyak nitong sumbong. Mabangis na binalingan ni Andres ang tila namumutla nang binatilyo. Umiling iling ito. Pero hindi siya pinaniwalaan. Theres no use. Naging lason na talaga kay Andres si Mama. He’s easily manipulated by her. At kung ganitong mas pinapaburan at pinaniniwalaan lagi ni Andres ang aming ina, mas makakabuting umayon talaga kami kung saan hindi kami mapapahamak ng kapatid kong si Ricky. Hanggang sa dumating ang araw ng pagtakas namin mula sa puder ni Mama. Lalo na’t pinili ni Andres na baliwalain ang sumbong ng kaniyang mga anak at mas pinanigan si Mama. Pinaubaya na rin niya kay Mama ang pagde-desiplena sa mga anak nito. Shit. Damn you, Andres! Bulag ka nang talaga! Mas ginugol ni Andres ang sarili sa pag aasikaso ng negosyo. Kapag napapabiyahe ito sa ibang bansa ay hindi naman mahagilap ang aming ina. Lagi itong wala sa hacienda at tanging sa personal at pinagkakatiwalaan nitong tauhan ito naghahabilin. Pero mas okay nga ‘yon na wala rin siya sa hacienda, kapag nariyan kasi siya lagi niyang napag-iinitan ang dalawang magkapatid. Samantalang kami naman ni Ricky ang naging maayos ang relasyon sa aming ina dahil mas pinili naming maging sunod sunuran sa kaniya. “Lampasuhin mo ‘yan gamit ang kamay mo nang magkasilbi ka!” “Hindi ko naman po sinasadya Tita, dumulas po sa kamay ko—“ “Wala akong pakialam! Hala, sige! Matuto kang kumilos!” Ang bulyaw nito. Kinagagalitan nito si Andrea habang naroon pa sa makintab na sahig ang natapon na orange juice. Nahihintakutang lumabas ng kusina at dumalo ang katulong na si Manang Soling. “Naku, Ma’am Julia. Ipapagawa ko na lang po ‘yan sa ibang kasambahay, hindi po sanay ang senyorita Andrea—“ “Ikaw ba ang kinakausap ko, Manang Soling? Hindi ba’t sa kusina ka dapat abala?” Walang nagawa ang matanda kun ‘di ewan at hayaan si Andrea na nang mga sandaling iyon ay mangiyak ngiyak na. Nakita ko pa ng ibato ni Mama ang basahan sa mukha ni Andrea saka ito iniwan. Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko, at lumapit sa kaniya. Napahalukipkip ako. Tiningala niya ako. Nginisihan ko siya, sa samot saring emosyon na nararamdaman ko, mas lamang ang nararamdaman kong inis kaysa sa awa para sa kaniya. Kung tutuusin nasa kaniya lahat ng karapatan kumapara sa aking ina pero isa siyang mahina! “Tanga! Magdusa ka!” Ang mahina ngunit inis kong sabi saka siya nilampasan. Nagpatuloy ang ganoong sistema sa loob ng hacienda mula sa pamumuno ng aming sakim na ina. Hanggang sa isang araw, nalaman na lang namin na wala na sa hacienda ang bunsong anak ni Andres. Tumakas. Pumunta sa kamag anak at ayaw nang bumalik sa hacienda. May pagtatalong namagitan kay Mama at Andres pero tulad ng inaasahan ko, si Mama ang mas nanaig. Ilang Linggo lang ang lumipas nabalitaan na lang namin na nasa America na ang bunsong anak ni Andres. Mas pinili nitong ewan ang ama at kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD