Chapter 2

4494 Words
At Marga's office, masinsinang nag - uusap sina Marga at ang kanyang superior na may ari ng company. Marga is working in a company na isa sa mga produkto ay ang pampaganda. " You are so pretty now," wika ni Mr. Arthur, ang may ari ng company. "Thanks sir," sagot ni Marga. Mas lumapit pa ng kunti si Mr. Arthur kay Marga. "I have some offer to you, if you like. " pabulong na sabi niya sa tenga ni Marga. Hinawid niya ang buhok ni Marga at dahan - dahang hinaplos ang mukha ni Marga. Nakakatunaw ang tingin ng binata at nakakaakit ang mga ngiti nito. Pagkatapos ng trabaho, niyaya ni Marga si Yasmin na kumain ng dinner sa kaniyang condo unit. "Punta ka rito Yasmin. Dito ka na kumain ng dinner. We will wait for you." sabi ni Marga sa phone. Walang magawa si Yasmin kundi pumunta sa condo unit ng kaibigan na nasa 10th floor.  Nakarating agad si Yasmin sa gusali. Nang nasa harapan na siya ng pinto ng unit ni Marga, pinindot niya ang doorbell nito. Binuksan naman ni Marga ang pinto. "Pasok ka!" Pumasok si Yasmin. Lumibot muna ang paningin niya sa loob nang humakbang ito papasok. Malaki laki rin ang condo unit ni Marga. Sa may hapag - kainan,  naroon  si Xian. Tahimik lang siya roon na nakaupo sa may gitna. Natigilan saglit si Yasmin at bumilis bigla ang kanyang t***k ng puso. Naririnig niya ang kabog nito sa loob niya. Inalok ni Marga ng upuan si Yasmin na nakaharap sa kaniya. Dahan - dahan namang umupo siya.  "Salamat.." sambit ni Yasmin na pasulyap - sulyap kay Xian.  Nagsimula na silang kumain sa hinanda ni Marga. The two couple were so sweet. Marga was so sweet kay Xian na sinusubuan pa niya ito. " Babe, kaya ko naman." nahihiyang sabi ni Xian na pasulyap sulyap kay Yasmin. Sumagot si Marga na nakanguso ang labi. "Eh, gusto kong subuan ka." Sumulyap naman si Marga sa kaibigan na tila nagpapakita at sinasadyang magpacute sa binata.Si Yasmin naman ay tahimik lamang na kumakain na kaharap si Marga. Kung pwede lang lumipad paalis sa lugar na yun, ginawa na ni Yasmin. Nagmumukhang walang lugar si Yasmin sa mga oras na iyon at parang wala silang kasamang iba.  Napatanong si Marga, "okay ka lang ba tomorrow? May pupuntahan tayo.""Huh?" "May pupuntahan tayo Yasmin!" dagdag ni Marga. Kinabukasan, araw ng Sabado, napaka-busy nilang tatlo. Pinuntahan nila ang para sa cake, decorations at iba pao ang schedule nila for today. Nakasuot ng bistida si Marga Habang si Yasmin ay nakasuot ng fit na jeans at blouse.Si Xian naman ay nakasuot ng maong jacket na puti ang t-shirt sa loob at pantalon.  " Ganito pala kapag ikakasal.Talagang napakabusy." Napagtanto ni Yasmin. "Mas pressure pa besh!" ani ni Marga na pangiti - ngiti sa kaibigan.  Ipinulupot agad ni Marga ang kamay sa kanang braso ni Xian at naunang naglakad sila. Sumunod naman si Yasmin sa kanila. Hindi pa sila nakakarating sa kanilang pupuntahan, tumawag bigla si Mr. Arthur kay Marga. Nag-ring ang cellphone ni Marga at tiningnan niya ito. Binitiwan niya agad ang braso ng binata. "Teka lang, sasagutin ko muna ito." Humakbang papalayo ng kaunti si Marga at sinagot ang tawag. Napatingin naman ang dalawa sa kanya. Ilang minuto lang ay bumalik na ito sa kinaroroonan nina Yas at Xian. "Maiwan ko muna kayo. May emergency meeting kami sa office," paliwanag ni Marga. "huh?" Gulat na reaction ni Yasmin. " I need to go. Babalik ako after. Ikaw muna bahala sa mga dapat asikasuhin. Love you!" sabi ni Marga sabay halik sa pisngi ni Xian.  Sinabihan din niya si Yas " Friend, I will leave my fiance with you. Tulungan mo muna siya. I trust you!" Nakangiti itong nagpaalam.  "Okay!" At umalis na si Marga.Naiwan ang dalawa sa kinatatayuan nila. Magkatabi silang nakatayo at naiilang sa isa't isa.  "Tara!" aya ni Xian na nauna ng naglakad at sumunod si Yasmin. Sinasadya ni Yas na dahan - dahanin ang paglalakad. Ayaw niyang mauna kay Xian at ayaw niyang magkasabay sila. Walang imik ang dalawa. Hindi man lang sila nag usap. Para bang wala silang kasama. Nagpatuloy sila sa paglalakad na walang pag - uusap hanggang nakarating na sila sa cake and pastry house. Maraming iba't ibang klaseng cakes and pastries. Makulay ang lugar at  talagang nakakaakit sa  mga mata. Pinuntahan ni Xian ang manager ng lugar kung saan nakipagtransact na sila noon tungkol sa  wedding cake. Kailangan nalang nilang ibigay kung anong flavor ng cake ang ihahanda at dagdag na  design ng cake. Dinala sila ng manager sa room kung saan naroon ang iba't ibang klaseng cakes na may iba't ibang flavors and designs. Namangha si Yasmin sa kanyang nakita. Napakaganda at talagang nanaisin mong magkaroon kayo nang ganitong cake sa kasal. Pinatikim si Xian para sa free tasting ng cake. Ang top flavor nila ay red velvet, chocolate, white chocolate, lemon. Coconut and lime, vanilla, carrot and pink champagne. Pero kahit natikman na ni Xian ang lahat, hindi pa rin siya makapagdesisyon kung anong flavor ang pipiliin.  Para sa kanya, lahat ay masarap at wala naman sa flavor ng cake ang essence ng kasal. Samantala, si Yasmin naman ay naaaliw sa paglilibot at pagmamasid sa mga cake na nasa paligid. Tulo laway ang mararamdam niya habang pinagmamasdan ito. Pinagmasdan muna ni Xian ang dalaga bago niya ito tinawag. "Yasmin!" Napalingon si Yas. "Huh?" "Pwede mo ba akong tulungan sa pamamili ng flavor ng cake?" tanong ni Xian.  Natigilan si Yas at di agad nakasagot. Naghintay ng ilang segundo ang binata. Nilakasan ni Xian ang kanyang loob na pansinin si Yasmin. Nahihiya kasi siya at kung bakit, hindi niya alam. "Tinatawag mo ba ako? Ako?" pagtataka ni Yasmin.  Tumango si Xian kaya dahan - dahang siyang lumapit kay Xian. Naririnig niya ang kabog ng kanyang dibdib at napalunok siya. "Halika, tikman mo nga ito," aya ni Xian at sinubuan si Yasmin.  Maliit lamang ang pagbukas ng bibig ni Yas na halatang nahihiya. Hanggang hindi lahat ay napasok sa kanyang bibig at nag-iwan ito ng bakas sa gilid ng kanyang bibig. Natawa si Xian sa mukha ni Yasmin na may icing. Palihim namang tumawa ang manager. "Bakit?" pagtataka ni Yasmin na nakatingin kay Xian at sa manager. Agad kumuha ng tissue si Xian at pinunasan ang gilid ng bibig ni Yasmin na may icing. Napatitig si Yasmin kay Xian. "Lakihan mo kasi," sermon ni Xian.  Hindi na napigilan ni Yas ang napakalakas na kabog ng dibdib niya. Parang sasabog ang puso niya sa mga oras na iyon.  Kumuha ulit ng slice ng lemon cake si Xian at sinubuan si Yasmin. Sa pagkakataong ito, talagang nakain niya at walang nasayang kahit icing. "Hmm...masarap!" sabi ni Yasmin. "Talaga?" Napatango si Yasmin na may ngiti sa labi. Napatingin naman sa kanyang labi si Xian.  "Haist," reaction nito sabay iwas tingin agad si Xian sa dalaga.  " Bakit?" usisa ni Yasmin. Kumuha ulit ng vanilla cake si Xian at pinatikim kay Yasmin. "Masarap rin," sabi ni Yasmin. "Heto kaya?" Tanong ni Xian habang sinusubuan si Yasmin Habang tumitikim si Yas ay may lumapit sa kanila na magkasintahan.  "Bro!" bati ng lalaki kay Xian.  Napatigil si Xian sa pagsusubo at napatingin sila sa magkasintahan. Nakita ni Xian ang isang kakilala. "Bro,kaw pala! Kumusta?" bati rin ni Xian. Humarap si Xian at nagbrotherly hug sila ang dalawang binata. ."Kumusta Jake?" pangngumusta ni Xian sa kaibigan. Si Jake ay kasamahan niya noon sa trabaho."okay lang,. By the way, congrats at ikakasal ka na! Tuloy na talaga!" bati nito sabay tingin kay Yasmin na nakatayo sa tabi ni Xian. "Congrats!" bati ng asawa ni Jake. "Thanks!"  "Ang ganda ng mapapangasawa mo! Ipakilala mo naman kami!" Nakangiting sabi ni Jake na nakatignin ulit kay Yas. Siya ang tinutukoy ni Jake.  Napaubo si Yasmin na nabulunan. Agad kumuha ng tubig ang manager at inabot kay Xian. Pinainom naman ni Xian kay Yasmin.  "Okay ka lang ba?" nag- aalalang tanong ni Xian.  Kinabahan tuloy silang lahat. "Okay na ako. Salamat."  Hawak hawak ni Xian ang kamay ni Yasmin sa mga oras na iyon. Inalalayan niya ito. Kinilig naman si Luz sa dalawa. "Ang sweet!" Agad binitawan ni Xian ang kamay ni Yas nang makita na hawak niya ito. Pinakilala na niya si Yas sa dalawa.  "By the way, si Yasmin kaibigan ng fiancee ko!" paliwanag ni Xian. Nagulat ang dalawa at hindi nila inaasahan.  "Kaibigan? Akala namin siya ang..." di matuloy - tuloy na sabi ni Jake.  Humakbang si Xian papuntang pinto at nagpaalam agad. "Next time nalang kami pipili ng flavor. Ang hirap kasi." ani ni Xian. "Ok po sir!' sagot ng manager. "Tara Yasmin! Mauna na kami.." "Sige." sagot ni Jake. Sumunod naman si Yasmin hanggang naglakad sila sa kalye. Nauna pa rin sa paglalakad si Xian. Sa isip ni Yasmin: " Akala ko ba gentleman ito. Eh, nauna pa sa akin sa paglalakad. Pano kung kidnapin ako rito. Haist!" nakangusong sabi ni Yasmin at kunot ang noo. Sa unahan, biglang tumigil si Xian. Tumigil rin si Yasmin. Nakatayo sila na may isang metro ang layo sa isa't isa.  "Huh? Bakit siya tumigil?" napatanong sa sarili si Yasmin. Napatingala si Xian at pinagmasdan ang maitim na kalangitan at ulap.Isang patak ng ulan ang napunta sa kanyang pisngi. Agad niyang tinanggal ang jacket nito at tumalikod. Bumalik siya sa dinaanan kung saan nakatayo si Yasmin. Pinuntahan niya si Yas sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata ni Yasmin nang lumapit si Xian sa kanya at inilagay ang kanyang jacket sa ulo.  Unti unti nang pumapatak ang ulan. Kaya naman hinablot ni Xian ang kanang kamay ni Yas at tumakbo sila. Bumuhos na ang malakas na ulan. Umuulan ng malakas. Nagpasilong muna sila Yasmin at Xian sa isang tindahan. Basang - basa na silang dalawa habang nakatayo roon. Nanginginig na rin si Yasmin dahil sa lamig. Napansin agadito ni Xian. " Gusto mo bang kumain ng mainit na sabaw? O di kaya uminom ng kape o tsokolate?" nag-aalalang tanong ni Xian sa dalaga. " Huh? Uhm..sige, saan naman?" tugon ni Yasmin. "Hmmm.. " Napaisip si Xian kung nasaan ang pinakamalapit na karenderia. Pagkatapos ng ilang segundo ay may pumasok sa isip nito. " Tama! May karenderia roon. Tara!" aya ni Xian sabay hawak sa kamay ni Yasmin. Patakbong papunta ang dalawa sa lugar na di inantana ang ulan. Habang lumilipas ang oras, medyo tumila na ang ulan. Nakarating na rin sila sa pupuntahan nilang karenderia. Isa itong simpleng karenderia pero maraming tao dahil sa masarap nitong pagkain higit sa lahat ang kanilang mami at batchoy. Sinalubong sila ng isang waiter, " Xian, long time no see." bati ng waiter. Ngumiti naman si Xian na mukhang kilala niya ito. " Doon na kayo umupo." ani ng waiter sabay turo sa upuan para sa kanila. Sinamahan din niya sila. Pinaupo niya sila Xian sa isang mesa na naaayon sa lasa nila. Nang nakaupo na sila, kinuha ang kanilang order. " Ano order ninyo?" tanong ng waiter. Napatingin si Xian kay Yas. " Ano sa 'yo?" tanong ni Xian sa dalaga. " hmmm... Gusto kong matikman ang mami nila rito. Sa tingin ko masarap.. " Nakangiting sabi ni Yasmin. " sige! Dalawang mami!" Order ni Xian. " okay.!" Umalis na ang waiter pagkatapos nilang sabihin ang kanilang order. Ang mga waiter na napapadaan sa kanila ay bumabati kay Xian. "Xian, kumusta?" " Xian, magandang buhay!" Nagtaka si Yasmin sa pagbati nila sa binata. Para bang kilala nila si Xian. " Madalas ka bang pumupunta rito? Kilang kilala ka sa mga tao at waiter," Usisa ni Yasmin. Sinagot naman siya ni Xian, " Pumupunta ako rito noon. Madalas akong kumakain ng hapunan o kahit meryenda rito. Binabalik balikan ko ang kanilang pagkain rito." " Talaga? Madalas pala kayo ni Marga rito, " sabi ni Yasmin. Nagsalita ulit si Xian, " Hindi alam ni Marga ang tungkol rito." Nabigla si Yasmin sa pag-amin ni Xian. "Huh? Bakit?" nagtatakang tanong niya. " Ako lang ang pumupunta rito. Hindi rin kasi hilig ni Marga ang ganitong lugar." paliwanag ni Xian. " Aie, akala ko dinadala mo rin siya rito. Tama ka nga, ang hilig niya ay mga restaurant na kilala," sabi ni Yasmin. Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ang kanilang order. " Two mamis para sa magcouple!" sabi ng waiter. Natawa silang dalawa ni Xian at Yasmin. "Huh bakit?" pagtataka ni Jun, ang waiter. " Napagkakamalan na tayong couple," sabi ni Xian. "Oo nga. Nasaan na kasi si Marga," sagot ni Yasmin. " By the way Jun, siya si Yasmin kaibigan ng fiance ko, " pakilala ni Xian. " Hi! Sorry akala ko ikaw ang fiance ni Xian," nahihiyang wika ni Jun sabay kamot sa ulo. Napangiti lang si Yasmin. " Xian, dalahin mo naman at ipakilala mo naman kami sa fiance mo. Sigurado, maganda siya kasi kaibigan niya palang, maganda na!" masayang biro ni Jun. Napangiti ulit si Yasmin na medyo nahihiya. Napatingin si Xian kay Yasmin na may ngiti sa kanyang labi. " Maganda nga!" pabulong na sabi ni Xian na nakatitig sa dalaga. Samantala, nasa isang restaurant area ng hotel sila Arthur at Marga. Kumakain sila roon. "Just want to offer this kind of deal with you," Arthur said while looking at Marga with tantalizing eyes. Nakakatunaw tingin ang binigay ni Arthur sa dalagang si Marga. Si Marga naman ay pangiti -ngiti at nagpapakipot muna. Inabot ni Arthur ang kamay ni Marga at hinawakan niya ito. Nakangiti sila pareho . Sa Karenderia, kumakain na sila Yasmin at Xian. " Masarap! Talagang masarap pala rito!" sabi ni Yasmin. Sumang-ayon talaga si Xian. Biglang nangumusta si Xian, " Kumusta na kayo ng boyfriend mo?" Nabigla si Yasmin. " huh? Boyfriend?" Nagulat rin si Xian sa reaction ni Yasmin, "Oo, boyfriend?" nagdadalawang isip sa pagtanong ulit. Napatawa si Yasmin. " Saan mo naman nakuhang may boyfriend ako? Wish ko lang! NBSB pa ako!" "huh? NBSB?" Napatango ang dalaga. Naalala ni Xian noon, noong 3rd year pa sila may gusto siyang gawin. Kasama niya si Dan, kaibigan niya sa varsity, sa quarters. " Ano na!? Anong balak mo Xian?" tanong ni Dan. Xian smiled. Xian's POV Tinamaan yata ako ni cupido kay Yasmin. I do not know why. I know she's following me but hindi ko pinapahalata na alam ko. Gusto ko na nakikita ko siya. Gusto ko na nariyan siya. Kahit nagtatago siya sa likod ng puno o sa pinto, masaya na ako. Napapangiti niya ako everytime sa pagiging careless niya. Sa bawat cheer niya sa game, naiinsipre akong pagbutihin yun. I want to take care of her. I want to protect her. " court her!" payo ni Daniel. Isang araw, may dalang isang box ng biscuits si Xian para ibigay kay Yasmin. Gusto niyang bigyan ang dalaga ng snacks. Bago pa siya nakarating sa kinaroroonan ni Yasmin, sinalubong siya ni Marga. "Hi Xian!" bati ni Marga. " Hi Marga!" bati rin ni Xian. " Nakita mo ba si Yasmin?" " Oo, naroon siya sa TLE room. Bakit mo siya hinahanap?" tanong ni Marga. " May ibibigay ang friend ko sa kanya," sagot ni Xian. "Ahh, ako nalang ang magbibigay sa kanya. Kung okay lang sa yo? Medyo busy kasi siya roon. " paliwanag ni Marga. " Ahh, ganun ba? Sige, pakibigay nalang nito," sabi ni Xian kay Marga at nakisuyong ibigay ang box kay Yasmin. " Thanks!" " No problem!" Sa mga sumunod nna araw, nakisuyo si Xian kay Marga na ibigay na naman ang isang regalo para kay Yasmin. Marga told him na ayaw daw ni Yasmin maistorbo sa practice. Until, isang araw Xian ask Marga if may boyfriend na ba si Yasmin. Marga answered, " Yes, she has!!" Hindi lang daw halata. Nabigla si Xian dahil ang akala niya ay wala. But Marga insisted, " Its just a secret. Ayaw niyang may makaalam. She has a boyfriend!" " Why you are asking?" nacurious si Marga. "Wala lang. May nagpapatanong lang. My friend asked me to ask," paliwanag ni Xian. But nahalata na ni Marga kung ano ang ibig sabihin ni Xian. It was him who is interested kay Yasmin. Isang araw, nakita ni Xian na may kausap na lalaki si Yasmin. Isang matiponong gwapong lalaki na nakatayo sa harap ni Yas. Sa pasilyo ng paaralan sa may third floor, nakita niyang biglang niyakap ng lalaki si Yas. Nakasuot ng ibang uniporme ang lalaki kaya ibig sabihin nag-aaral ito sa ibang paaralan. Halata sa mukha ng dalawa na masaya silang makita ang isa't isa. Napapangiti si Yasmin gayundin ang binata. ----- " Talaga? NBSB ka?" napatanong si Xian. Nagulat talaga siya. Hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga.  Napatango si Yasmin at sinagot ang binata." Yup! No boyfriend since birth! "  " Akala ko ba.. Teka.. Yung.. " nabubulol na tanong ni Xian. " Bakit?" Pagtataka ni Yasmin. "Wala." Nagpatuloy sina Arthur and Marga sa pagkain sa restaurant ng hotel. Pagkatapos,   pumunta ang dalawa sa isang kwarto sa fifth floor.  Agad nilang isinara ang pinto nang nakapasok na sila sa silid at sinunggaban ang isat isa ng mapusok na mga halik.They were kissing wildly.They were walking habang naghahalikan patungo sa kama at napahiga silang dalawa. "Its a deal!" sabi ni Arthur. Marga closed her eyes. Sa isip niya, " this is for the promotion! I want that position!" Inihubad ni Arthur ang kanyang coat at hinalikan si Marga sa leeg. Marga holds tightly ang ulo ni Arthur. Sinimulan ng binata na himasin ang binti ni Marga at pinataas ang skirt nito." Just take it slowly Sir Arthur!"" Just call me, Arthur!"Binigyan nila ang isa't isa ng mapupusok na mga halik. Tila nasasabik na matikman ang sarap sa mga oras na iyon. Ang bawat himas ng kamay ni Arthur sa gitna ng hita  ng dalaga ay nagpapainit kay Marga. Hindi na nila mapigilan ang pagnanasa. Habang gumagawa sila ng kababalaghan, tinatawagan ni Xian si Marga pero hindi niya ito sinasagot. Ilang beses ng sinubukang tawagan pero hindi nagparamdam ang kasintahan. Nakatayo na sa labas ng carenderia sina Yasmin at Xian. Tumila na rin ang ulan. " May problema ba?" Nag - aalalang tanong ni Yasmin. Hindi nila maiwasang hindi mag-alala. " Hindi niya sinasagot," tugon ni Xian. " Baka hindi lang niya napansin. Itutuloy pa ba natin ang pagpunta sa flower shop? Masmabuti kasi kung narito si Marga," aniya ni Yasmin."  "Masmabuti nga. Bukas nalang natin puntahan ang flower shop. Salamat nga pala sa pagsama mo sa amin," pasasalamat ni Xian. "Walamg anuman." Nagkahiwalay na sila Xian at Yasmin. Hindi maalis sa isip ni Xian ang kanyang mga nalaman. Si Yasmin pala ay NBSB pa. Sa kanyang mga nalamang impormasyon,ito ay bumabagabag sa kanya. Gumugulo sa kaniya ang tungkol sa lalaking kayakap ni Yasmin noon. Napapatanong siya kung sino. Naalala rin niya ang mga sinabi na Marga at iginiit na boyfriend iyon ni Yasmin. Pinagtataka niya kung bakit sinabi iyon ni Marga. Sa hotel, bumangon si Marga sa kama na tinatakpan ng kumot ang buong katawan dahil nakahubad ito. Naroon sa kama si Arthur na natutulog pa at kita ang mala-tinapay na abbs nito.Tiningnan ni Marga ang cellphone niya at nalaman niyang nagmissed call ng maraming beses si Xian at hinahanap siya.  Xian's text message: " Babe, asan ka na ba?"" babe, pls answer the call!"" babe, pupunta pa ba tayo sa flower shop ngayon?"" babe?""naghihintay kami rito?"" babe?"" Saan ka ngayon? Pupuntahan kita!"" Babe? Bukas nalang tayo pumunta sa flowershop. Kung okay lang sa yo? Masmabuti kung narito ka!" Binasa na ni Marga ang mga mensahe at napamura ito, "s**t!"Napalingon siya sa binatang nakahiga sa kama. Taas kilay itong tinitigan si Arthur na mahimbing na natutulog. Sa isip ni Marga: " Its all a deal! Walang personalan, trabaho lang!" Gabi na at nasa kwarto si Yasmin. Nasa kama siya at hindi siya makatulog. Naaalala niya ang nangyari kaninang umaga. Nagulat si Yas when Xian placed his jacket sa ulo niya dahil umuulan. Inangat niya ang kanyang mga palad. Pinagmasdan niya ito dahil ito ang kamay na hinawakan ni Xian ng tumakbo sila. Kinikilig si Yasmin habang inaalala ito.Napagulong tuloy siya sa kanyang kama. "Aiee." kilig na pagtukso sa sarili. Pero nahinto ito at napatingala sa kisame.  Bigla niyang naalala  na ikakasal na si Xian sa kanyang kaibigan na si Marga kaya napabuntong hininga nalang ito. Samantala, hindi rin makatulog si Xian dahil sa mga nalaman niya. "Haist!" Inis nitong reaksyon. Ang pagkainis ay napalitan ng ngiti. Naalala niya ang oras na sinusubuan niya si Yasmin at natawa sa itsura niya dahil sa icing. Bigla nalang siyang napapangiti kapag naalala niya ito. Hanggang, tumawag si Marga at naputol ang kanyang pagpapantasya.Nagising siya sa ingay ng cellphone at agad tiningnan kung sino ang tumatawag. Ang pangalan ni Marga ang bumungad sa screen kaya sinagot niya ito. Humingi ng paumanhin ang dalaga. " Hello Hon, sorry!"Nagmeeting kami kanina at nakasilent mode ang cellphone ko. Hindi ko napansin. Sorry hon!" Sinagot ni Xian, "okay lang babe. So ano na ang schedule natin tomorrow?"  "Pwede rin sa flower shop hon. Is it okay with you?" "No problem!""Thanks hon, love you!" "Ok!" " I will now text Yasmin to accompany with us." " Hindi ba nakakahiya sa kanya?""Okay lang yan sa kanya. Naka on  leave naman yun for our wedding."" Babe.. May itatanong lang ako sa yo?" Gusto na ni Xian na tanungin ang kasintahan tungkol sa mga nalaman niya kay Yas pero hindi niya itinuloy. " Ano yun? "Nothing.. Ok, see you tomorrow." Kinabukasan, pagkagising ni Yasmin ay marami na siyang text messages from Marga. Nakahiga pa siya sa kama ng basahin niya ito. Napabuntong hininga nalang siya. "Sigh." Medyo nalate si Yasmin sa pupuntahang flower shop. Naroon na sila Marga at Xian. Si Yasmin naman ay parang lilipad na sa pagtakbo.  " Sorry, may dinaanan pa kasi ako." Hinihingal na sabi ni Yasmin. "Its okay!" sagot ni Marga. Nilibot nila ang buong shop. Napakaraming iba't ibang klase ng bulaklak. Nahirapang pumili sila Marga but the manager gave them some suggestions for their wedding.It was so tiresome day for them. Pagkatapos sa flowershop ay bumalik rin sila sa pagawaan ng cake at nakapili na rin sila ng flavor.Pagkatapos ay nagshoppong ang dalawang dalaga kasama si Xian. Mukhang chaperone si Yasmin ng dalawa dahil nakasunod lang ito habang nakapulupot ang kamay ni Marga sa braso ni Xian. Lumingon si Marga sa kaibigan."By the way, sa unit ka na mag dinner. I will cook for us. And can I ask a favor Yasmin?" tanong ni Marga. "Ano naman iyon Marga?" " Pwede mo bang kunin yung pinagawa naming mga invitation sa printshop?"pakiusap ni Marga. "huh?" nagulat si Yas. Nahiya naman si Xian sa pakiusap ng kasintahan. "Ako na ang kukuha Babe, nakakahiya kay Yasmin," sabi ni Xian Marga stop him, "Hon, mauuna na tayo sa unit. Magluluto ako ng dinner natin tapos tutulungan mo ako. Kung okay lang sa 'yo at kay Yasmin," plambing na sabi ni Marga.  "Di ba tutulungan mo ako Hon?" Nagsalita si Yasmin, " Sige, kukunin ko yun." Ngumiti siya pero halatang napipilitan.Napatingin si Xian kay Yasmin. Abot tenga ang saya ni Marga sa pagsang -ayon ni Yasmin. Biniro pa niya at naglambing sa kaibigan. "Ang bait mo naman friend. Thank you!" Sianbayan ba ni Marga ng yakap kay Yas. Hindi na tuloy nakaimik si Yasmin. Umuwi na sila Marga kasama si Xian sa kanyang unit. Inihanda na nila ang dining table at pagkain.Pumunta na sa sala si Xian at nanood ng television. Minamasdan naman siya ni Marga na nasa kusina at nililigpit ang mga ginamit sa pagluluto. Ilang minuto lang ay dahan - dahan na palang lumalapit si Marga sa binata na hindi man lang namamalayan. Napakaseryoso ni Xian na nanonood nang biglang tumayo si Marga sa harapan niya. Naantala tuloy ang kanyang panonood.  Agad nitong pinatay ang tv. Nagulat talaga si Xian sa pinaggagawa ni Marga. Hindi niya alam kung ano ang binabalak nito.  " huh? Teka, anong ginagawa mo?" " Hon" paglalambing ni Marga na may pang- akit na tono ng boses. Napatingin naman si Xian kay Marga na dahan dahang humahakbang papunta sa kanya.Habang naglalakad ay tinatanggal ni Marga ang isang butones ng blouse niya. Pakagt- labi rin ito na direktang nakatitig sa binata. Napalunok ng laway nalang si Xian na titig na titig sa ginagawa ng kasintahan. nang nakalapit ay agad umupo siya sa harapan ni Xian na nakakandong ito at pabukas ang mga hita paharap sa binata. " I love you hon!" bulong ni Marga sa tenga ni Xian. Marahang kinagat ni Marga ang kanang tenga ng kasama at pinaikot ang dila sa gilid ng tenga.  "Anong ginagawa mo Marga?" Humarap si Marga at hinalikan niya sa labi ang binata. Tumugon naman si Xian sa mga halik.They kissed passionately. Napahawak si Xian sa may bewang ng kasintahan habang patuloy sa pinagsasaluhang halik. " I love you honey! I love you!!" Itinulak ni Marga pahiga sa sofa si Xian na nagpagulat talaga sa binata. Nasa ibabaw si Marga at tuwang - tuwa ito. She was so aggressive! "Babe?" "Shh.. Let me.. " Mahinang sabi ni Marga na dinampi ang hintuturo sa labi ni Xian.Isa - isang tinaggal ni Marga ang butones ng polo na suot ni Xian. Halata sa kanya na takam na takam na ito.  Dahan dahan niya itong binubuksan hanggang makita na ang abbs ng binata. "Hmmm.. Yummy!" Napakagat labi siyang habang tinititigan ang abbs ng kasintahan. Di na mapigilan ni Marga at hinalikan niya ang dibdib ni Xian. Napapikit tuloy si Xian. "Hmmm.." I love honey!" Nakatayo na sa may pinto si Yasmin at binuksan ito since alam niya ang code ng pinto ng unit ni Marga. " Narito na ako!" sabi ni Yasmin. Dala dala niya ang isang bag na naroon ang mga invitation. Pagkapasok niya ay isinara niya agad ang pinto. Nakangiti itong naglakad patungo sa sala na nasa loob pa. Si Marga naman ay ibinaba na ang zipper ng pants ni Xian.  Bakas sa mukha ni Marga ang gigil at kasabikan.  "Xian.. "  Hanggang nakarating na rin si Yas sa sala. Laking gulat niyang makita si Marga na nasa ibabaw ni Xian habang si Xian ay nakahiga sa sofa. Walang saplot si Xian sa pang itaas na kita ang abbs nito at bukas ang zipper ng pants. Namilog ang mga mata ni Yas at napatakip ng bibig. Napalingon din ang dalawa at nakita ang dalagang nakatayo na nakatingin sa kanila. Sa pagkagulat ay napabangon ang binata at naitulak kaunti si Marga na nagpaupo sa kanya sa sofa. Minadaling tumalikod at nagzipper si Xian na halatang natataranta. Tumayo na rin si Marga pero taas kilay na tinitigan si Yasmin. Inayos niya ang kanyang suot na skirt at blouse.   Aatras na sana si Yas pero nilapitan siya ni Marga na napangiti. "Nandito ka na pala. Nakuha mo na ba?"  Ang sinabi niya at reaksyon ay taliwas sa isip niya at tunay na nararamdaman.  "Istorbo!" Sumulyap muna si Yas sa binata na nakatalikod bago ito sumagot. "Nakuha ko." Lumingon si Xian at pinagmasdan si Yas na kausap ang kasintahan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD