bc

Perfectly Imperfect (R-18)

book_age18+
7.8K
FOLLOW
57.2K
READ
love-triangle
possessive
sex
one-night stand
fated
drama
bxg
first love
love at the first sight
affair
like
intro-logo
Blurb

Mapagbiro talaga ang tadhana! Kung sino pa ang childhood crush ni Yasmin, isang simpleng babae, ay siyang mapapangasawa ng bestfriend niyang si Marga. Gagawin pa siyang maid of honor nito sa kasal.

Nagulat talaga si Yasmin nang malaman niyang si Xian ang magiging asawa ni Marga. Walang magawa si Yasmin kundi kalimutan ang lihim niyang nararamdaman sa binata. Ang hindi nila alam, may nangyayaring kababalaghan kina Marga at ang boss niyang si Arthur, ang napakagwapo at matiponong binata at may - ari ng isang malaking kompanya.

May magbabago kaya sa takbo ng tadhana?

--------

Puppy love turns infatuation. True love changes the imperfections. When two crosses their roads, will their hearts meet again?

Perfectly destined match in an imperfect

love story.

perfectly imperfect!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Yasmin's pov Nalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend noong high school, si Marga. Maganda, sexy at napakacharming ang kaibigan kong ito. Masaya ako para sa kanya at ikakasal na siya pero talagang nagulat lang ako na ang mapapangasawa niya pala ay ang lalaking crush ko since elementary, si Xian, gwapo at sikat na varsity player. Hindi ko inakala na naging sila pala ni Xian at ngayon ay ikakasal na. Napapatanong nalang ako,  "Kailan naging kayo?"   By the way, I'm Yasmin Rodriguez. Simpleng babae na ang edad ay 29 and turning 30 next month. Nag migrate kami ng family ko abroad simula nong 3rd year high school pa ako at nakapagtapos ng kursong accountancy. I am now working in a company as an accountant.  Marga asked me to be her maid of honor sa kanyang wedding next month and I accepted it. So I filed for a vacation leave for two months. Tutulungan ko rin siya for the preparation sa kanyang wedding. Na- eexcite tuloy ako na tulungan si Marga pero mas na-eexcite ako na makita ang crush ko na si Xian. Hindi ko maiwasang di kiligin at maramdamang mahuhulog na yata ang panty ko. Hindi maalis sa isip ko ang mukha niya noong mga bata pa kami hanggang nagbinata siya noong high school.  For almost fifteen years na hindi ko nakita ang crush ko, ano kaya ang mararamdaman ko para sa kanya? Kailangan kong pigilan ang mala-kuryenteng kiliti sa loob ko at baka ito pa ang dahilan sa pagtatalo namin ni Marga.  Sigh! ----- Nakahiga pa sa kanyang kama si Yasmin nang tumawag si Marga. Nakapikit ang mga mata ng dalaga nang sagutin niya ang tawag ng kaibigan. " Yasmin, I have something to tell you," excited na pagkakasabi ni Marga na nasa kabilang linya. " Hmmm.. ano naman? " inaantok na sagot ni Yasmin na nakapikit pa ang mga mata.  Sinagot naman ni Marga," I'm getting married!! Ayieee!" kinikilig na pasigaw ni Marga sa kabilang linya. Napadilat si Yas at napabangon siya sa pagkakahiga. "WHAT!!? Really?" nagulat si Yasmin sa nalaman. Abot tenga ang ngiti ni Yas nang malaman niya na ikakasal na si Marga na bestfriend niya. Kinikilig tuloy siya. Nabuhayan tuloy ang natutulog niyang dugo. "So, ano na? Kailan ang kasal? Invited ba ako? Anong gagawin ko?" Di mapakaling tanong ni Yasmin. "Teka teka lang! Isa isa lang muna ang tanong," mungkahi ni Marga. Nagpatuloy sa pagsasalita si Marga, " Next next month ang kasal ko at ikaw ang maid honor ko." "Really? Sure!" Masayang malaman ni Yasmin na siya ang magiging maid of honor sa kasal. " So... kailangan ko nang magfile ng leave at magpabook ng flight?" tanong ni Yasmin. "Kailangan mo na talagang umuwi rito sa Pinas. Aasahan ko yan at tsaka, huwag mong kalimutan na tutulungan mo pa ako sa kasal ko. Okey?" sagot ni Marga. "Oo naman, uuwi ako. Kasal kaya yan ng bestfriend ko. Excited na nga ako!" masayang saad ni Yasmin.  Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Teka beshie, who's the lucky guy? Hindi mo ako sinabihan tungkol sa kanya. Sino ba siya? Kwento naman!"usisa ni Yasmin na tumayo.  Walang naikwento si Marga kay Yasmin tungkol sa kanyang boyfriend na naging fiance at magiging asawa kaya nacurious ito. "Okay, send ko picture namin sa messenger.. Wait," After two minutes, pinadala ni Marga ang litrato nila ng boyfriend niya sa messenger.  Tiningnan ni Yasmin ang messenger at naroon na ang picture na binigay ni Marga. Excited itong makita kung anong itsura ng lalaki. Di na siya makapaghintay habang nag-dodownloading pa ang imahe. Hanggang, laking gulat ni Yasmin ng makita niya ang lalaki na nasa larawan. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatutok sa imahe na nasa messenger. "Xian?" Hindi makapaniwala si Yas sa nakikita o di kaya namamalikmata lang siya.  "Siya!?" sambit ng dalagang agad napaupo sa kama na para bang binagsakan ng langit. Marga sent a message: " Si Xian.. Remember? Schoolmate natin sa highschool. The varsity player." Natahimik na si Yasmin at hindi na sumagot sa mensahe ni Marga. Natulala nalang ito at nabitawan ang dalang cellphone. Yasmin's POV Siya pala ang mapapangasawa ni Marga. Hindi ko inexpect na siya pala.  Napahiga si Yasmin sa kama at tinakpan ang mga mata nito ng kanyang braso. Inalala niya ang mga nangyari noon. Nakasuot ng malaking pabilog na eyeglasses si Yasmin at nakabraces ang ngipin noong elementarya pa siya. They called her "four-eyed monster". Binully siya ng mga grupo ng mga kabataan na ka-schoolmate niya. "apat ang mata!!" "pangit!!" "monster!!" Umiyak lang ng umiyak si Yasmin. Napaluhod siya sa may putikan at nakakalat ang mga gamit nito sa lupa. Napakarumi ng uniform niya pati mukha. "pangit!!" Pinagtatawanan nila si Yasmin. Tinuturo na para bang may ginawang kasalanan pero wala naman. Pagkatapos ng ilang minuto, may dumating na batang lalaki.  Pinagsabihan ng batang lalaki ang mga batang nagbubully kay Yasmin.  "Ano ba kayo? Mas mabuti pang mag -aral nalang kayo kaysa mang bully!!" galit na sabi ng bata. Tinulak niya papalayo ang mga bata kay Yasmin. Napaangat ang ulo ni Yas at napatingin  sa batang lalaki. Ito ang unang tingin na nagpatigil sa mundo niya. Napatitig siya sa batang lalaki napakatapang. He was like a knight and shining armor niya sa mga oras na iyon. Lumapit ang batang lalaki at inabot ang kamay niya kay Yas. Tinulungan ng batang lalaki si Yasmin sa pagtayo. Hindi napigilan ni Yas na mapangiti kaharap ang batang lalaki na ang pangalan ay XIan. ------- Yasmin's Pov Simula noong iniligtas niya ako, naging crush ko na si Xian. Para sa akin, siya ang knight and shining armor ko sa mga oras na iyon. Gusto ko siyang makita araw - araw dahil nagiging masaya ako. Minsan kapag wala akong klase, pinupuntahan ko siya sa kanyang silid. Nagtatago ako sa malaking puno sa harap ng silid nila. Sa bintana naman, tanaw ko siya. Tumatalon sa tuwa ang puso ko kapag nasisilayan ko ang mukha niya.  Simula noong pinagsabihan niya ang mga bata, hindi na nila ako tinutukso at binubully. Kaya, laking pasasalamat ko sa kanya. Hindi nagtagal, mukhang nagiging stalker na ako ni Xian.  Basta, sa mga panahong iyon. I dont know the word "Stalker". I just know how to admire a person. Susundan ko siya kahit saan na hindi nagpapakita.  Bata nga ako, hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa kong kalokohan noon. Kapag naiisip ko yun ngayon, natatawa nalang ako. Napapatanong, nagawa ko ba talaga yun? Nakakahiya! Sinusundan ko siya and alam ko kung ano ang mga class schedules niya, sino teacher, saan ang room at marami pang iba.Naku naman!! Alam kaya niya na sinusundan ko siya?  Obsess na yata ako kay Xian pero I'm just a kid that time. I'm just 8 years old. We are in the same level but different section. He's my first crush. My ultimate crush! Masaya na ako na makita siya kahit hindi niya alam ang aking nararamdaman. Samantala, nagsisimula na maghanda sina Marga at Xian sa kanilang kasal. "Hon, here's the list of names for our entourage. Okay na ba ito? Baka may nakalimutan pa ako, pakicheck nalang."  ani ni Marga kay Xian na inabot ang papel sa binata. Tinanggap ni Xian ang papel at binasa ito. "Principal sponsors.. Hmm. Best man.. Maid of honor.. Yasmin Rodriguez... Yasmin?" Reaksyon ni Xian pagkatapos isa - isahin ang nakalista. Medyo nagulat siya. "Yasmin?" Napatingin si Xian kay Marga. Napansin ni Marga ang pagkagulat ni Xian. "Naalala mo ba si Yasmin? Yung bestfriend ko sa highschool. Siya ang gagawin kong maid of honor, if you don't mind." pa-sweet na sabi ni Marga. Marga is somehow a spoiled brat but friendly lady. She's pretty and sexy. Si Xian naman ay gwapo at lapitin ng babae but loyal naman basta love niya.  May naalala si Xian tungkol kay Yasmin noon. Xian's Pov They bullied her noong elementarya pa kami. They called her four-eyed monster dahil sa nakaeyeglasses ito at may braces. But then, she changed when she's in high school.  Naalala ko pa ang paglingon ko nong dumaan siya. I was shocked when I saw her. Ibang - iba na siya sa high school. Ang pony tailed niyang buhok ay nakalugay na ito. Wala na rin ang braces at naging maliit na ang eyeglasses niya. Maaliwalas na rin ang mukha niya kaya napatitig tuloy ako. Napatanong ulit si Marga," Okay na ba ito?" Habang nagsasalita ay hindi na  nakikinig si Xian at wala na ito sa sarili.  Kaya naman tinapik ni Marga ang balikat ni Xian.  Napukaw agad ang atensyon ng binata. "Ahhh.. Tama pal!." pabiglang sagot ni Xian. "Okay na! Tara, kain muna tayo!" Agad niyang inakbayan si Marga at inilapag ang papel sa mesa bago humakbang sila paalis sa kinatatayuan. Samantala, di na mapakali si Yasmin. Iniisip niya ang tungkol kay Xian na siyang crush niya noon.  Yasmin's pov Ano kaya ang dapat kong reaction pagnakita ko na ang crush ko? Kilala pa kaya niya ako o kilala ba niya ako?  Napakaswerte talaga ng bff ko at ikakasal na siya sa sikat na varsity player na si Xian. Picture palang niya, mas gumwapo pa siya. Siguro it's the time to let him go. Kailangan ko na siyang kalimutan. Well, crush lang naman yun. It's just puppy love noong bata pa ako. I'm happy to see them happy at happy na rin ako. Nasa isang coffee shop sila Xian at Marga. Nakaupo sila sa isang table. Nakatingin sa may pintuan si Marga at para bang may hinihintay na darating. "May hinihintay ka ba?" usisa ni Xian kay Marga.  Pagkalipas ng limang minuto ay may pumasok sa pinto ng coffeeshop na ang isang babae. She was wearing a leader coat, nakaskirt at boots. Napatayo si Marga at ngumiti ito. Napatingin si Xian kay Marga at napalingon kung saan nakatingin si Marga sa may pintuan. Dahan - dahan ang paglingon ni Xian at nakita niya ang isang mala-dyosang babae na papunta sa mesa nila. Natameme si Xian at napatitig.  "Sino ang babaeng ito?" tanong ng isip ni Xian.  Biglang may pumasok sa isip niya, the same situation. When he was in high school, first time niyang nakita si Yasmin na nakalugay ang buhok at wala ng braces. Naglalakad siya sa pasilyo with a simple smile and shine sa kanyang mga mata. "Yasmin?" sambit ni Xian. Sinalubong ni Marga si Yasmin at niyakap. " I miss you my friend!! Matagal na kitang hindi nakita at nayakap. It's been fifteen years!" wika ni Marga.  Napatayo si Xian. Xian's pov Si Yasmin nga ito. Ang laki ng pagbabago niya. She's not wearing eyeglasses anymore. Nakacontact lens na siya. She's prettier than before. Nagkaharap na silang tatlo.  "Yasmin, kilala mo siya diba? Si Xian. "pagpapakilala ni Marga.  Tumango si Yasmin at napangiti. "He's my fiance," Marga continued at hinawakan niya ang braso ni Xian. "Babe, you know her too right?" tanong ni Marga. Napaisip si Yasmin," Naikwento kaya niya ako sa kanya. Sinabi kaya niya? Sinabi kaya niya na crush ko siya? OmG!" Kinakabahan tuloy si Yasmin. It's so awkward. -flashback- First year high school unang nagkakilala sina Marga at Yasmin. Medyo malikot at madaldal si Marga while mahiyain naman si Yasmin. But friendship blooms dahil sa pagkakaiba nila. Marga helps Yasmin to boost her confidence. Yasmin helps Marga sa studies niya. Inspiration niya si Yasmin sa pag - aaral. Yasmin is good in Math and Marga likes in fashion. She helps her to gain confidence by changing her looks. Unti - unting binago ang mala monster na mukha into a beautiful swan. Si Marga naman na mahina pagdating sa klase ay muntik ng mabagsak but dahil kay Yasmin, she passed. Ngunit hindi pa rin makalimutan ni Yasmin si Xian, ang crush niya noong elementary at ngayon ay schoolmate niya. He is now a varsity player. Tilian ang mga babae habang nagchecheer sa kanilang larong basketball. Si Yasmin naman ay tahimik lang sa tabi at nanonood. No one knows, she's also praying na manalo sila sa laro. Isang araw, sinundan ni Yasmin si Xian sa music room. Naglilinis si Xian dahil siya ang nakatukang maglinis sa mga oras na yun. Yasmin was hiding behind the door and looking at Xian. Dumating si Marga.  "Anong ginagawa mo rito?" pabulong na tanong ni Marga.  "Ssshhh!!"  "Sino ba ang tinitingnan mo at sinusundan mo?" Tiningnan ni Marga kung sino ang naroon. Nagulat siya nang makita niya si Xian.  "Si Xian!!" napasigaw si Marga na nakangiti.  Napalingon si Xian sa may pinto kung saan sila nagtatago.  Sa pagkagulat ni Yasmin ay naitulak niya si Marga papasok. Nabigla rin si Marga.  "huh?" Patay mali lamang si Marga.  " Hi!! Ikaw lang ang narito at naglilinis? Tulungan na kita!" Lumapit siya kay Xian at kinuha ang walis. Si Yasmin naman ay nagtatago sa likod ng pinto. Ang hindi niya alam, nakita rin siya ni Xian. Alam niya na naroon siya.  Katulad ng dati, when she was in elementary, sinusundan niya si Xian kapag wala siyang pasok. "crush mo siya?" tanong ni Marga. "huh? Bakit mo naman nasabi?" tanong ni Yasmin sa kaibigan. Nasa isang study table sila habang sila Xian ay naroon rin sa kabilang mesa. "halata kasi. " tukso ni Marga. "huh? Hindi ah!" pagtanggi ni Yasmin at umiwas na ng tingin kay Marga pero alam na ng kaibigan ito at nahahalat an niya. Hindi kalaunan, sinabi rin ni Yasmin na crush niya si Xian. Kinilig si Marga noong narinig niya ito. But Yasmin doesn't know that Marga also has a crush on Xian. Sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya, he is handsome, mabait at varsity player pa. No girlfriend since birth daw. Hmm... nacurious tuloy ang lahat kung sino ang crush ni Xian. No one knows! -end of flashback-     "Tomorrow bff, samahan mo kami sa boutique at sa mga pupuntahan namin. Di ba you promised na tutulungan mo kami sa kasal?" pa-sweet na sabi ni Marga. "yes bff, sasamahan ko kayo. " pasulyapsulyap ang mga mata ni Yasmin kay Xian habang sinasabi ito.  "haist, ano ba Yasmin.. Stop na!" Sermon ni Yas sa sarili. Kinabukasan, pumunta sila Xian, Yasmin at Marga sa isang boutique para tingnan ang mga wedding dresses.  Habang namimili si Marga sa mga wedding dress at sinusukatan siya, tahimik lang nakaupo si Xian sa may gilid at hinihintay ang dalaga na matapos sa pagsusukat. Si Yasmin naman ay tumitingin tingin sa mga nakadisplay na mga gowns.  Dumating si Harold, ang designer at may ari ng boutique. Nakita niya si Yasmin at napasigaw ito,  "Yasmin!!" Nagulat si Yasmin. Napatingin silang dalawa. Si Harold ay kaibigang bakla ni Yasmin nong elementarya. They were weirdo noon pagdating sa fashion but now he is a famous designer.  "Kumusta ka na friend?" tanong ni Harold. "ikakasal ka na ba?" "huh? Hindi!" sagot ni Yasmin. Napatawa nalang siya. "aie, hindi ba?"  Napatingin si Harold kay Xian, "wow, gwapo ng groom!"  Nilapitan niya ito.  "teka, parang kilala kita... Hmmm.. " -flashback- "Yasmin, anong ginagawa mo riyan sa taas ng puno?" tanong ni Harold.  "sshhh.. Huwag kang maingay Harold." sagot ni Yasmin. Napatingin sa field si Harold at nakita si Xian na naglalaro ng football.  "aahhh.. Siya ba ang tinitingnan mo?"  Biglang tinawag ni Harold si Xian. Sumigaw ito, " hoy Xian! Lumingon ka naman rito!!" Nabigla at nahiya si Yasmin sa pinaggagawa ni Harold, "Harold! Ano ba!! Itigil mo na yan!!" Dahil sa napakalikot ni Yasmin sa itaas ng puno ay nadulas ito at... nakakabit ito sa sanga. "tulong!!" sigaw ni Yasmin. Nataranta si Harold,"Aieee!! Mahuhulog si Yasmin!! Oh no!! Tulong!!" sigaw niya. Hindi na natiis ni Yasmin at bumitiw na siya sa pagkakahawak.  "Aaahhhh!!" Harold just covered his eyes. A boy catch her! When Harold opened his eyes, nakita niyang sinalo ni Xian si Yasmin sa pagkakahulog. Napabulong na lang si Harold, " Catch me Im falling.. " -end if flashback- Napangiti si Xian. "aie, tama! Ikaw si Xian!! Si Xian na cru-----" Sinadyang napaubo si Yasmin, " ehemmm. Uho!" " kumusta ka na schoolmate?" tanong ni Xian kay Harold at hinawakan niya ang balikat nito. " still pretty and you are so handsome!" sagot ni Harold. Napatawa si Xian. Meanwhile, sinukat na ni Marga ang kanyang wedding gown sa fitting room.  " Ikakasal ka na pala Xian? Ikaw pala ang ikakasal," sabi ni Harold na medyo sarcastic ang tanong. He nodded. Medyo hindi boto si Harold kay Marga at halata ito sa kanyang facial expression. Biglang may naisip si Harold.  Tinawag niya si Yasmin, " halika girl." "huh?" "May ipapasukat ako sa iyo." wika ni Harold at he grabbed her hand papasok sa kabilang fitting room. After ten minutes, sabay na lumabas ang dalawang babae. They were both wearing a wedding gown. Fish tail ang style sa suot na gown ni Marga at si Yasmin naman ay parang ball gown. Napawow ang mga kasamahan ni Harold pati si Xian. "PERFECT!!" Pabiglang sabi ni Harold sabay palakpak. Medyo nahihiya si Yasmin sa suot ang gown at si Marga naman ay medyo nakataas noo ito at taas kilay. "maganda girl.. Nice.. Bagay kayo sa groom!" pabirong sabi ni Harold.  Napatingin lahat kay Harold.  "joke! Nice at bagay kayo sa magiging groom mo in the future!" binawi niya ang kanyang sinabi. Xian looked at the two girls but mas tumigil ng matagal ang paningin niya kay Yasmin. " Hindi siya nice sa iyo Yasmin! Kaya hubarin mo na yan dahil hindi ka naman ikakasal!!" mataray na pagkakasabi ni Marga. " aie, ang taray!!" reaction ni Harold. Yasmin just bowed her head.  Yasmin was a bit hurt sa sinabi ni Marga at bumawi siya. Marga treat her sa isang restaurant at binigyan ng perfume. " sorry kung naoffend kita. Sorry!!" Marga apologized. Then she hugged her. Xian's condo unit. Naliligo sa shower room si Xian. The water flows on his body.  He turned off the shower afterwards. "Bakit? Bakit ba? Xian naman, stop looking at her! Hindi na ito katulad ng dati na single pa. Malapit ka ng ikasal!. " Sinesermonan ni Xian ang sarili. To be continued... Crush ba talaga? O higher na? Paano ba kalimutan ang crush mo?  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
85.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
176.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
134.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
78.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook