Chapter 3

3006 Words
Hindi natuloy ang binabalak ni Marga. Sa kalooblooban niya ay naiinis ito pero hindi niya pinahalata sa kaibigan. "Istorbo naman! Hmp!" Sabay kumain ang tatlo sa hapag-kainan. Tahimik lamang silang kumakain na para bang may ilangan. Natapos nalang silang kumain pero hindi man lang sila nag-usap.  Tinulungan ni Yasmin si Marga na hugasan ang pinagkainan sa kusina. Habang naghuhugas ay di na makatiis si Yas at napatanong ito kay Marga.  " Tungkol kanina.. Uhmm... " mahinang sabi ni Yasmin. Tumugon agad si Marga kahit di pa natatapos ang sasabihin ng kaibigan sa kanya. " Yasmin, baka isipin mo na may nangyari sa amin ni Xian. I'm still virgin. Hindi ba nangako ako sa iyo, I will be virgin until my wedding," seryosong paliwanag ni Marga. Napilitang ngumiti si Yasmin na hindi alam kung ano ang dapat magiging reaction niya. Talagang nakakailang lang talaga ang mga nangyayari. Nagsalita ulit si Marga. "Sigurado namang nakita mo ang katawan ni Xian? Nakita mo siguro kung gaano ka yummy ang abbs niya! Nakita mo?" Pakagat - labi siyang nagsasalita kay Yasmin. "huh? Bakit mo naman naitanong? Anong ibig mong sabihin?" nabigla si Yasmin. "Hindi ka ba naiinggit?" tanong ni Marga.  Humarap si Yas sa kaibigan. Taas noong sumagot ito na napakaseryoso ng mukha niya."Huh? Seryoso ka ba? Bakit naman ako maiinggit?" sagot ni Yasmin. Mas lumapit pa si Marga at bumulong ito sa tenga ni Yasmin, "HIndi ba crush mo siya dati? Am I right?" Bumilis ang pagtibok ng puso ni Yas na para bang sasabog na ito. Napakalakas ng kabog na parang tambol sa loob ng dibdib niya. Kinabahan tuloy siya at nataranta. Umiwas siya agad ng tingin sa kaibigan at hinarap ang mga platong huhugasan. "Ano ka ba Marga! Noon iyon.! Naka move on na ako sa kanya!" paliwanag ni Yasmin. Pumalakpak ng pabigla si Marga, " Ganoon ba? Magaling! Hindi pala dapat ako mag-alala." Masaya itong malaman na nakamove on na si Yas sa boyfriend niya. Napalunok ng laway si Yasmin habang si Marga ay natutuwa sa nalaman. Nagsalita ulit si Marga, "May ipapakilala ako sa 'yo. He was a friend of mine sa college. If you don't mind, ipapakilala kita sa kanya! Malay mo, magugustuhan mo siya. Para naman may boyfriend ka na friend! Want to try to meet him?" " Huh?" " I will set you a date!" Sa sala naman, naroon si Xian at nakaupo sa sofa. May center table at nakapatong roon ang cellphone ni Marga. Nagriring ito bigla at lumabas ang salitang boss.Inabot ni Xian ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Ang boss ni Marga ang siyang tumatawag sa mga oras na iyon. Ilang beses itong nag-ring.  "Babe, may tawag ka! Tumatawag ang boss mo!" Pasigaw na tawag ni Xian sa kasintahan. Narinig nila ang pagtawag ni Xian kay Marga. Napalingon si Marga at bumakas sa mukha niya ang kaba. Napatingin si Yasmin kay reaksyon ng kaibigan at nagtaka ito. Nagmadali itong pumunta sa may sala para tingnan ang cellphone. Hawak ni Xian ang cellphone at nakaangat ang kamay nito para iaabot sa kasintahan." Babe, may tawag ka. Boss mo yata." Napatigil si Marga nang makita na hawak ni Xian ang cellphone at patuloy sa pag-ring nito. Humakbang si Marga at hinablot niya ang cellphone sa kamay ni Xian. Nang nasa kamay na ni Marga ang cellphone, tumigil naman ang pag-ring. Ibinaba na ng nasa kabilang linya ang tawag.  "Thanks hon!" Hindi na tiningnan ni Marga kung sino ang tumawag. Alam na niya kung sino at kung bakit.  " May meeting na naman ba kayo? Napapansin ko yata na panay sa katatawag ang boss mo sa 'yo. Wala bang ibang matawagan?" usisa ni Xian. Napangiti si Marga at sinagot ng malumanay si Xian. "Ako lang kasi yata ang maaasahan nila pagdating sa mga paperworks. Alam mo naman na napakaworkaholic ang kasintahan mo!" "Ganoon ba?"  "Teka, nagseselos ka ba?" sagot ni Marga. Lumapit si Marga kay Xian at kumandong ito sa binata. "Huwag ka nang magselos honey. Ikaw lang ang mahal ko." paglalambing ng dalaga. 'Napaka-workaholic ko pero ikaw pa rin ang priority ko!" Binigyan ng halik ni Marga ang kasintahan. Tumugon na naman ang binata. Napahawak sa may bewang ni Marga si Xian habang ang dalaga ay pumulupot ang braso sa may batok ng kasama. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik. Kinakagat ni Marga ang ilalim na bahagi na labi ni Xian. Nagsimula ulit sila na mag-init. Mas napapahigpit ang kapit ni Marga sa ulo ni Xian habang bumababa ang mga halik ng binata sa may leeg ng dalaga.  "Tapos na akong maghugas, "ani ni Yasmin. Nakangiti itong naglalakas patungo sa sala. Nang nasa sala na ito, namilog ang kanyang mga mata nang makita niya ulit ang dalawa sa sala na naghahalikan.   "Oh my!"Reaksyon ni Yas sa kanyang isip. " Kailangan ko na talagang umalis. Nakakadistorbo na ako sa kanila." Umiwas ng tingin si Yasmin at naisipang umalis nalang kahit hindi magpaalam. Ayaw niyang madistorbo ang dalawa kaya dahan dahang naglakad siya patungo sa pinto. Kahit na pilit niyang hindi distorbohin sila, napansin siya ni Xian na dumaan.Tumigil si Xian sa kanyang ginagawa. Naitulak rin niya ng kaunti si Marga papalayo. "Bakit?" gulat na tanong ni Marga na medyo nabitin sa ginagawa ni Xian na halik sa may leeg niya. "Yasmin, saan ka pupunta?" tanong ni Xian.  Napatigil si Yasmin sa may harapan nila. Hindi siya makaharap sa dalawa dahil nahihiya ito na madistorbo niya ulit sila. "Sorry ulit! Nadistorbo ko ba kayo?" pag-aalalang  sabi ni Yasmin na may mahinang boses. Napataas ng kilay si Marga sabay tayo. Kinakabahan si Yas na baka magalit ang kaibigan niya. Napayuko nalang siya dahil sa hiya. " Hindi naman." ani ni Marga na mabait sa harapan nilang dalawa. Napaangat ang ulo ni Yas at napangiti sa kaibigan.   Tumayo rin si Xian."Ihahatid na kita Yasmin sa inyo. Lumalalim na ang gabi," aniya ni Xian. "Huh?" Gulat ang dalawang dalaga sa sinabi ni Xian. Parehong napalingon ang dalawa sa binata. Tumingin din si Yasmin kay Marga na gulat sa sinabi ni Xian. "Okay lang ba Marga? Pauwi na rin naman ako. Gabi na, baka mapano pa ang iyong kaibigan sa daan," paliwanag ni Xian. Natahimik saglit si Marga bago ito nagdesisyon. " Ah..ehh.... Sige. Mag ingat kayo." Halata sa kanya na napilitan lang ito.  "Teka, pero.." sambit ni Yas na nag-aalala kay Marga. "Tara!" aya ni Xian. Naunang umalis si Xian sa sala.  "Sige Marga, mauna na kami." pamamaalam ni Yasmin. Sumunod agad ito sa binata. Napaupo lang si Marga sa sofa na bumakas sa mukha ang inis at selos.  Umalis na sila Yasmin at Xian sa unit ni Marga. Sumakay sa likuran ng motorcycle ni Xian si Yasmin.  Tinulungan ni Xian si Yasmin na isuot ang helmet nito.  "Kumapit ka ng maigi!" payo ni Xian. Pinayakap niya si Yas sa kanyang bewang. "Huwag kang bibitiw!" "Huh?Okay.." Napatango nalang si Yas. Nahihiyang humawak si Yasmin kay Xian.Nang paandarin niya ang motor, nabigla si Yasmin at napayakap siya ng husto sa binata. Palihim naman na napangiti si Xian na nakahelmet rin. Sa mga oras na iyon, napakasaya ni Yasmin na napakalapit niya sa crush niyang si Xian. Para bang sasabog ang puso niya dahil sa saya. Napasandal niya ang ulo niya sa likod ni Xian. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa binata. Bumulong si Yas sa kanyang isip. " Can I stay like this? Bago ka man makasal sa kaibigan ko, salamat at naranasan kong kasama ka.." Medyo matulin at mabilis ang kaniyang pagpapaandar. Ramdam ni Yasmin ang lamig ng hangin sa gabi. Napatingala siya sa kalangitan at nakita ang mga ilaw na papaitaas. "Ano yun?" " Huh?" Huminto si Xian at pinarada sa gilid ng kalye.  "Ano ang mga ilaw na 'yan?" Usisa ni Yasmin. Napatingala rin ang binata. "Sky lantern yata yan. Doon sa park." sagot ni Xian. " Wow! Ang ganda nilang tingnan." paghanga ng dalaga.  Kumikinang ang mga mata ni Yasmin. "Gusto mo bang makita kung paano nila paliparin yan?" tanong ni Xian. "Sige, gusto ko! Paano ba?" naexcite tuloy si Yasmin. "Tara, puntahan natin sa park!" Pinaandar niya ito ulit at pumunta sila sa park kung saan naroon nanggagaling ang mga nakikita nilang mga sky lantern. Sa park, naroon ang maraming magkasintahan at may dala dalang tig - iisang sky lantern. Sa mga oras na iyon, maraming nagbebenta roon ng sky lantern. " Wow!" Namilog ang mga mata ni Yas sa galak.Ipinarada ni Xian muna ang motor bago sila bumaba. "Ang gaganda nila!" "Sinabi mo pa!" Ani ni Xian na nakatitig sa dalaga. Agad naglibot si Yas at sinamahan siya ni Xian. Isang matanda ang nagbebenta ng sky lantern ang lumapit sa kanila. "Hija, hijo, Bili na kayo. Maganda ito sa inyo na magsing-irog!!" sabi ng matanda. Panay tanggi ang dalawa at natawa lang."Naku Manong, Hindi po kami magkasintahan!" paliwanag ni Yasmin. "Mali ang iniisip ninyo sa amin manong!" ani ni Xian na napapakamot ng ulo.  "Eh, kahit na. Maganda ito sa inyo. Humiling kayo para sa inyong kinabukasan... na magkasama!" giit ng matanda. " Hindi po talaga kami couple. Magkakilala lang po talaga kami, " paulit ulit na paliwanag ni Xian. Mapilit ang matanda. " Nagsisimula sa magkakilala ang lahat, pagkatapos magkaibigan.. Tapos mag Ka - IBIGAN na!! Crush crush muna at madevelop na agad." dagdag ng matanda. Natawa si Yasmin at halatang nahihiya dahil totoong crush niya talaga si Xian. "Palabiro ka pala manong!" patawang sabi ni Yasmin. "Crush mo siya hija?" usisa ng matanda. Namula tuloy si Yasmin at panay tanggi ito na nakangiti. "Hindi po!" Napilitang bumili si Xian para tumigil na ang matanda. "Tumigil na kayo. Bibili na kami! Heto po!" Tinanggap ng matanda ang bayad at binigyan sila ng sky lantern. Bago umalis ang matanda, may hirit pa ito." Bagay naman kayo. Nakikita ko iyon sa inyong mga mata ang lahat ng lihim na nararamdaman."  Napatingin sila sa matanda .Bumulong pa siya sa kanila, " Gusto niyo ang isa't isa pero may pumipigil lang!"Tumatawang umalis ang matanda sa kanyang kinatatayuan. Natawa na lamang sila sa pinagsasabi ng matanda. Napalingon sila sa isa't isa at napatingin sa mga mata.  "Tara, isulat na natin ang wish natin." aya ni Yasmin. Isinulat nila ang kanilang hiling sa lantern sa magkabilang bahagi. Pagkatapos ay hinawakan nila ang magkabilang dulo.  Pagsulyapsulyap ang mga mata ng dalawa habang nakahawak sa lantern.Kahit malapit man sila, hindi nila alam kung ano ang isinulat nila sa lantern.  Sinimulan na ng iba na paliparin ang kanilang sky lantern. Bakas sa mga mukha nila ang galak na makasama ang kanilang minamahal. Masaya rin si Yas na sa huling pagkakataon ay nakasama niya ang kanyang crush na si Xian. " Tara! Paliparin na natin!" mungkahi ni Xian.  Parehong napangiti ang dalawa at sinundan ng tingin ang sky lantern na unti - unting umaangat sa kalangitan.  -------------------- Tinupad ni Marga ang sinabi niya kay Yas na may ipapakilala siyang lalaki. Tinawagan niya ang kanyang classmate sa collage.  "May ipapakilala ako sa iyo. She's my friend. Her name is Yasmin." Ani ni Marga sa kabilang linya ng phone. " Okay. I'm on my business trip right now," tugon ng kausap ni Marga sa phone. " Pagbalik mo na lang rito. I will set you a date with her!" dagdag ni Marga. "Okay. No problem!" Lumilipas ang oras at araw. Palapit na ng palapit ang araw ng kasal nina Marga at Xian. Malapit na rin na matapos ang mga inihanda nila mula sa mga abay, reception, invitations at iba pa. Kailangan na lang ibigay ang mga invitations sa mga kamag - anak, kaibigan at mga kakilala.Napatingin sa kalendaryo si Yasmin at napatulala. May mga bagay na bumabagabag sa kanya. Naalala niya na pagkatapos ng kasal, babalik na rin siya sa abroad. Napapa-isip siya na kapag aalis na sya, mamimiss kaya niya ang lugar o ang isang tao? Sa kalendaryo, may marka ang araw at guhit na pabilog.  Napabuntong - hininga nalang siya. " I'm already 30 today! Sigh!" Ngayong araw ay ang kaarawan niya. Dahil nasa abroad ang mga pamilya niya, alam niyang mag-isa lang siyang magdiriwang ng kaarawan niya. Kaya naman, naisipan niyang magluto ng spaghetti. Masaya siyang nagluto at inilagay sa dalawang lunchboxes.  " Ibibigay ko ito kay Marga at Xian," excited na sabi ni Yasmin. Abot tenga ang ngiti ni Yasmin habang dala ang mga lunchboxes para sa dalawang tao na napakahalaga sa buhay niya. Pupuntahan niya sa office ni Marga bago si Xian. Excited si Yasmin na ibigay ang lunchbox kay Marga. Napahanga si Yasmin nang makita ang napakataas na gusali kung saan nagtratrabaho si Marga. "Wow! Sing taas nito ang mga building roon sa amin," sabi sa sarili ni Yasmin. Pumasok na siya sa gusali at nagtanong sa front office kung saan niya makikita si Marga. Ang sabi ay nasa 10th floor ang office niya.Hindi pa nakakarating ng elevator si Yasmin, nakita niya si Marga na papunta sa ibang direksiyon. Nagtaka ito. "Hindi ba si Marga 'yun?" Napatanong si Yasmin sa sarili.May kasamang isang lalaki ang babae na pinaghihinalaang niyang si Marga.Sinundan ni Yasmin si Marga. Sigurado siyang si Marga talaga 'yun.Hanggang nakarating sila sa isang sulok ng building. Naroon pa rin ang dalawang sinusundan niya.Napatigil si Yasmin nang tumigil rin sila roon sa may sulok.Napangiti si Yas at lalapitan na sana niya nang biglang nakita niyang hinalikan ng lalaki ang pisngi ng babae.Namilog ang mga mata ni Yas. Tumigil sa paghakbang ang dalaga na para bang ayaw niyang lapitan ang kaibigan.  " Marga?" sambit ni Yas May narinig na boses ng isang babae mula sa likod ni Yas" Excuse me miss?" Napalingon si Yasmin. "Huh?" " May hinahanap po ba kayo?" tanong ng staff. "Uhm, kasi.. " nalilitong sagot ni Yasmin. "Si Marga ang sadya ko.." "Si Maam. Marga po ba ang sadya ninyo?"  Napatango si Yasmin.  "May ibibigay ako sa kaibigan ko na si Marga,"  Pagbalik ng kanyang tingin sa kinaroonan ng nakitang kaibigan ay wala na roon ang dalawa.  "Teka.. " Nagtataka si Yasmin. "Nasaan na sila?"  "Miss, kung hinahanap niyo po  si Ma'am Marga? Nasa 10th floor ang office niya po, " sagot ng staff. " Pero, narito ko siya kanina rito. Sure ako. May kasama siyang isang..." hindi na niya pinagpatuloy ang sasabihin. Naisipan nalamang ni Yasmin na makisuyo sa staff na ibigay kay Marga ang dala nito." Pwede bang makisuyo? pwede, pakibigay nalang ito kay Marga? Pakisabi mula kay Yasmin, " pakikisuyo ni Yasmin. " Ah sige po miss. Papunta na rin ako roon sa office niya," sagot ng staff.  Inabot ni Yasmin ang paperbag na may lamang lunchbox na may spaghetti. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang tungkol sa nakita niya. Pero sumagi rin sa kanya na baka namalikmata lamang siya at hindi si Marga ang nakita niya. Kaya, nagpatuloy siya at pinuntahan na niya si Xian para sa maibigay niya ang ginawang spaghetti.Medyo malapit lang ang opisina nila Xian at Marga kaya nilakad nalang niya ito patungo sa binata. Hanggan sa mga oras na iyon di maalis sa isip niya ang tungkol kay Marga. Kahit pilit niyang kalimutan at balewalain, mas nagiging mausisa pa ito. Napakalayo ng tingin ni Yas habang nakatayo sa may pedestrian lane at hinihintay na huminto ang mga sasakyang dadaan upang makatawid.Pagkatapos ng ilang segundo, huminto na ang mga sasakyan at nagpakita na ang ilaw para sa tatawid.Tumawid ang mga tao at sumabay si Yasmin sa kanila. Nakayuko siya habang naglalakad at napatigil lang siya nang napansin niyang may nakatayo sa harapan nito at sa dadaanan niya. "Huh?" " Yasmin?" boses ng isang lalaki. Napaangat ang ulo ni Yasmin at nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hindi niya inaasahan na makikita niya roon si."Xian?" Tumawid rin pala si Xian roon at hindi inaasahang magkakasalubong sila sa gitna ng daan. Habang ang ibang tao ay tumatawid, nakatayo sila Yasmin at Xian na nakaharap sa isa't isa. Napatingin sila sa isa't isa.  "Yasmin..." "Xian.." Samantala, sa opisina ni Marga, hindi mapakali si Marga. Kinakagat niya ang kuko ng kanyang hinlalaki habang nag -iisip. Napansin pala ni Marga ang pagsunod ni Yas sa kanya. "Nakita kaya niya ako kasama si Arthur at hinalikan ang pisngi ko kanina?" tanong sa sarili ni Marga. Hindi mapakali ito at pabalik-balik ang lakad niya mula sa isang sulok patungo sa kabila. Napatigil si Marga sa kakalakad nang may kumakatok sa pinto. "Pasok!" Binuksan ng staff ang pinto. "Anong kailangan mo?" Mataray na tanong ni Marga.  "Ma'am Marga, may nagpapabigay sa 'yo nito. Kaibigan mo raw," sabi ng staff.  Lumapit siya kay Marga at binigay ang paperbag. "Nasaan siya?" tanong ni Marga. "Umalis na po, " sagot niya ---------- At the park, naroon sina Xian at Yasmin nakaupo sa isang bench ."Papunta talaga ako sa inyong opisina para ibigay ito," nahihiyang sabi ni Yasmin na inabot ang paperbag kay Xian. "Ano ito?" tanong ni Xian. "Gumawa ako ng spaghetti kasi.. " sagot ni Yasmin. Di matuloy - tuloy ni Yas ang sasabihin.  Naghintay pa si Xian sa sasabihin mula kay Yasmin. Nahihiya tuloy si Yasmin. "Eh, kasi..."  Nagsalita si Xian, "Dahil ba kaarawan mo?" Nabigla si Yasmin sa kanyang narinig. Alam ni Xian na birthday niya. "Paanong.. " Pagtatakang tanong ng dalaga. "Alam ko dahil... "  Magpapaliwanag sana si Xian nang biglang nagtext si Marga. " Hon, nasaan ka na? I'm hungry already! Pupunta ka pa ba rito" Tumayo agad si Xian." Happy birthday Yasmin!" nakangiting bati ng binata. Hindi mapigilan ang pamumula ng pisngi ni Yas at ang kabog ng puso nito. Pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya. "Mamaya, may sorpresa ako. May ibibigay akong isang munting regalo!"saad ni Xian. " Talaga?"Di makapaniwalang reaksyon ni Yasmin dahil sa sinabi ng binata. "Ibibigay ko ito kapag maghihintay ka rito. Sa pagbalik ko, ibibigay ko ito!" pabirong sabi ni Xian. "Talaga? Sige! Pangako maghihintay ako rito!" excited na sagot ni Yasmin. "Hindi ako aalis! Hihintayin kita!" Humakbang na si Xian paalis ng park. " Aasahan ko 'yan!" sigaw ni Xian.  "Mangako ka rin na babalik ka!" sigaw ni Yasmin. "Pangako, babalik ako!" sagot ni Xian. Nakangiti si Yasmin habang minamasdan ang binata na naglalakad paalis ng park. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD