Kabanata 2

1168 Words
Arah POV “Ano na naman kaya ang gusto nang lalakeng ‘to? Pupunta lang dito para sirain ang gabi ko. Hindi ko alam kung sinasadya niyang pumunta dito para asarin ko o nagkakataon lang ba na tuwing araw na nasa restaurant siya saka naman eto pupunta at wala etong ginagawa kundi hilingin na ako ang magsilbi sa kanya” sa isip niya at ilang beses niya nang minura eto sa isip niya simula kanina pagdating nito. “Arah hiniling ni pogi na ikaw ang magdala nang pagkain niya. Pakabait ka alam mo naman malaki mag tip ‘yon saka pumupunta lang siya dito tuwing duty ka. Mukhang tinamaan sa’yo ang hot papa. How to be pretty like you?” Turan ni ate Mia na may kasama pang kindat sa akin na ikinasimangot ko. Si Mia ang pinakamatagal nang waitress dito at kilala nang mga taong madalas kumain dito. Siya din ang nag training sa akin sa pagiging waitress. “Arah paki serve naman ‘to sa table 5” “Naku naman bakit ako pa ang mag serve sa lalakeng ‘yon na sobrang nakakainis” bulong ko. “Okay po sir Mark” Wala na siyang nagawa kundi gawin ang trabaho niya. Papalapit pa lang siya sa mesa nito nakatitig na eto sa kanya at nakikita niya na pinipigilan nito na mangiti. “Ano kaya ang problema nang lalakeng ‘to?” sa isip niya at inirapan niya eto. “Enjoy your food, sir. Kung may kailangan pa po kayo tawagin n’yo lang po ako” “Matanda na ba akong tingnan para mag po ka nang paulit-ulit?” “Matanda naman talaga kayo tingnan sir. Mukha na nga kayong 40” Pangaasar niya dito kahit sa totoo lang mukha etong 25 pa lang. Hindi ko alam ang edad niya pero dahil kanina niya pa ako iniinis hindi ko sasabihin sa kanya na mukha siyang 25. “What the f—” Hindi nito tinuloy ang sasabihin nang masama ko etong tiningnan; Uri nang tingin ko na nagbabaga na handa siyang sapakin pag tinuloy niya ang pagmumura sa akin. “Enjoy your food sir” madiin niyang bigkas saka niya eto tinalikoran. Narinig ko pa ang mahinang mura nito na lalong nagpainis sa akin. “Bakit kasi sa dami-dami nang restaurant sa buong Maynila dito pa kumain ang mukhang kuto na ‘yon na ang sarap tirisin” turan niya habang naglalakad siya patungo sa banyo. Hindi niya namalayan na may nakasunod sa kanya. Hinawakan nito ang braso niya at mabilis na gumalaw ang kamay niya para sana suntokin eto. Mabilis etong nakailag at hinila siya palapit sa katawan nito kaya nasubsob siya sa dibdib nito. “Napakabango naman. Parang pamilyar ang amoy na ‘to hindi ko lang maalala kung saan at kanino ko naamoy ang swabeng amoy niya” sa isip ko. Pinikit ko pa ang mata ko para amoyin ang swabeng amoy nang scent nito. Ilang beses ko pang sininghot singhot eto habang nakapikit. Nagulantang ang buong sistema ko nang maramdaman ko ang pangahas na labi na nakadikit sa labi ko, marahang gumagalaw at makailang beses na kinagat ang pangibabang labi ko. “Walanghiya ka. Bastos, Manyak!” Hindi niya eto magawang suntokin dahil hawak nito ang mga kamay niya. Mukhang sanay na sanay din etong makipaglaban. May ngisi eto sa labi na lalong nagpapakulo nang dugo niya. “Bitawan mo ako!” Tinitigan ko eto nang mariin at saka ako nito binitawan. Mabilis akong kumilos at buong lakas ko etong sinampal. Sunod-Sunod na mura nito ang sunod kung narinig. Nanginginig ang katawan ko sa galit sa ginawa nang pangahas na lalakeng ‘yon na angkinin ang labi ko. Walamg lingon ko etong iniwan at tumuloy ako sa banyo. “Ang labi ko na wala pang nakakahalik na kahit sino ay basta na lang hahalikan nang bastos na lalakeng ‘yon na mukhang kuto” sambit ni Arah habang naglalakad eto pabalik sa kusina. Hindi ko akalain na sa ganong pagkakataon makukuha ang unang halik niya. “Sa susunod na may gawin ang lalakeng ‘yon hindi lang sampal ang aabotin niya. Nakakainis talaga” “Sino ang nakakainis? Napasigaw ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likoran ko. “Ate Mia naman bakit ka ba nanggugulat?!” “Sino na naman ba ang kinaiinisan mo? Si pogi ba? Bakit ka naman inis na inis lagi sa kanya. Napaka hot niya kaya at makalaglag panty. Crush na crush nga siya nang mga kasama natin kasama na ako” sambit ni ate Mia na may kasama pang papungay nang mga mata na animoy nasa harapan nito ang lalakeng ‘yon. “Iwan ko ba sa inyo, ano ba ang nakikita n’yo sa lalakeng ‘yon. Mayabang, presko at sobrang nakakainis” Iniwan niya si Mia na iiling-iling sa kanya. Simula sampong taon gulang siya lahat nang kamalian sa mga lalake nakikita niya. Para sa kanya pare-pareho lang ang mga lalake at iisa lang ang mga hangarin sa babae kundi ang makuha ang pinakiingatan nang babae. Simula nang may mangyari sa kanya noong sampong taong gulang pa lang siya naging bato ang puso niya, naging malamig siya sa mga lalake at kahit kailan hindi pa siya humanga sa kahit sinong lalake, artista man yan o kahit sinong sikat na lalake wala siyang pakialam. Hanggang sa makabalik siya sa kusina dala-dala niya ang inis at hindi maipinta ang mukha niya. Hindi niya pinapansin ang mga bumabati sa kanya. “Arah paki hatid naman sa table number 5” Kinuha niya agad ang pagkain na nasa harapan niya at nang malapit na siya sa mesa napasimangot niya at masama ang tingin na pinupukol niya sa lalakeng nakaupo na animoy isang hari na naghihintay na pagsilbihan. “Wala bang kabusogan ang lalakeng ‘to. Pangalawang order niya na ‘to?!” bulong ko. Kung nakamamatay lang ang tingin baka kanina pa ‘to nawala sa mundong eto dahil sa uri nang tingin niya. He smirked na lalong nagpakulo nang dugo niya, napatitig siya nang matagal dito nang makita niya ang bakas nang palad niya sa lakas nang pagkakasampal niya dito kanina. Kahit papaano nakaramdam siya nang habag dahil sa ginawa niya na agad din napalitan nang inis nang ngumisi na naman ‘eto. “Nang aasar talaga ang lalakeng ‘to” bulong niya at sinamaan niya eto nang tingin. Inilapag niya ang pagkain sa mesa nito at tumalikod na siya. Naka isang hakbang pa lang siya nang magsalita eto. “I’m not going to say sorry for kissing you, you have the sweetest lips, my love” Mahinang sambit nito sapat lang para marinig niya at hindi marinig nang ibang tao. “Fúck you” mariin niyang mura dito sapat lang para marinig nito. “I would love that if you fúck me, my love” sambit nito at sabay ngisi sa akin na lalong nagpakulo sa dugo ko. “Bwesit talagang lalakeng ‘to mabulonan ka sana” bulong niya at tinalikoran niya na eto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD