bc

The Billionaire’s Sweetest Desire

book_age18+
3.0K
FOLLOW
29.9K
READ
billionaire
HE
opposites attract
curse
badboy
powerful
heir/heiress
sweet
bxb
like
intro-logo
Blurb

#Tagalog-Love Game with the Hot Billionaire

#TagalogWritingContest

Arah Mercado masungit at sadyang galit sa mga lalake dahil sa nangyari sa kanya noong sampong taon gulang pa lang siya. Simula noon isang malaking pader ang hinarang niya sa sarili niya para walang sino mang lalake ang makalapit sa kanya. Hanggang sa makilala niya ang Bilyonaryong si Syds Yuchengco na sadyang makulit at ayaw siyang tigilan. Syds Yuchengco na may natatagong sekreto. Kaya bang paamohin at mapaibig nang isang Syds Yuchengco ang babaeng tigre na si Arah Mercado?

Paano kung malaman ni Arah na si Syds ang taong nagligtas sa kanya noon pero huli na dahil naglaho eto na parang bola at nang magbalik eto hindi na siya nito kilala. At ang mga ngiti nito at pagmamahal na para sa kanya lang noon ay sa ibang babae na nito inuukol. Naging arrogant and ruthless din eto. Ano ang mangyayari kung si Syds ang magiging boss niya?? Muli bang maibabalik ni Arah ang pagmamahal ni Syds sa kanya???

chap-preview
Free preview
Prologue
“Ate Alysa mauna ka na umuwi dadaan lang ako sa bahay nila Fate kukunin ko lang ‘yong hiniram niyang libro sa akin kahapon” “Baka gagala ka na naman Arah. Pagagalitan ka na naman ni Nanay” “Hindi ate sandali lang ako sa bahay nila Fate. Bye ate, mag ingat ka ate kung napakaganda” Napangiti ang ate Alysa niya. Ang ate niyang lagi siyang pinagtatakpan sa magulang nila tuwing nakakagawa siya nang kalokohan o kaya pag gumagagala siya. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang bunso kaya mahal na mahal siya ng nag iisa niyang ate. Sampong taong gulang na siya at ang ate niya naman ay labing-anim taon na. Lagi siyang sinusundo nang ate niya sa eskwela at pag gusto niyang pumunta sa bahay nang kaibigan niya ang ate niya na ang nagsasabi sa mga magulang nila. Spoiled siya sa ate Alysa niya kaya nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Lagi siya nitong pinagtatanggol pag nagagalit ang kanilang nanay at tatay sa kanya. Masayang masaya siya habang naglalakad sa daan patungo sa bahay nang kaibigan niyang si Fate. Nakakaangat sa buhay sina Fate kaya marami etong mga bagay na wala siya na hindi niya naman gustong magkaroon katulad nang telepono, ginawan din siya nito nang faceb**k na hindi naman siya interesado kaya bihira niyang tingnan eto. Mayron din sina Fate na malaking TV at may mga magagandang pelikula na pwedeng panoorin na kinahihiligan niya. Malapit na siya sa bahay nila Fate nang makasalubong niya ang lalakeng matangkad na hindi niya masyado makita ang mukha nito dahil sa suot nitong sombrero at facemask at may pagmamadali ang lakad nito. Nang tumapat eto sa kanya bumagal ang lakad nito kaya nalanghap ko ang kakaibang amo’y nito na hindi pangkaraniwan. Napapikit ako at ilang beses kung nilanghap ang scent nito na kay sarap amoyin. Pagdilat ko nang mata ko nakatitig ang napakaganda at nangungusap nitong mga mata sa akin. Sa bata kung edad nakaramdam ako nang kakaiba. Tinitigan din ako nito mula ulo hanggang paa na nagpakalabog sa puso ko. Sunod-Sunod na pagtunog nang telepono nito ang nagpabalik sa katinoan ko. Nagmamadali nitong sinagot at lumayo na eto sa kanya. “Copy, I get it, Allan. Keep an eye on the black SUV, I’m on my way” Narinig niya pang sambit nito. Nilingon ko pa ang misteryosong lalake nang ilang beses at sa kakalingon ko sa kanya hindi ko namalayan ang poste sa harapan ko. “Aray” Hinawakan niya ang noo niyang tumama sa poste at narinig niya ang pag tawa nang lalake na may dahilan kung bakit siya nabungo at nakapamaywang na nakatingin eto sa kanya. “Anong nakakatawa?!” sigaw niya dito. “Keep your eyes on the path ahead so you don’t bump into something at huwag ka tingin nang tingin kung saan” sambit nito. “Yabang hindi kita tinitingnan d’yan” Tumawa ulit eto at nagmamadali nang naglakad patungo sa kung saan. Nilingon niya pa eto ng isang beses pero hindi niya na eto nakita pa. “Ang bilis naman nawala” bulong niya. Dumiretso na siya nang lakad at ilang sandali pa nasa labas na siya nang bahay ni Fate. Maganda ang bahay nang kaibigan niya, dalawang palapag eto, kulay puti ang pintora nang labas nito at may maliit silang garden na may magagandang bulaklak at mayron din silang sasakyan. Nag doorbell na siya at agad na lumabas ang mama ni Fate at pinagbuksan ako nang gate. “Magandang hapon po tita Hope, nasaan po si Fate?” “Nagpaalam ka ba sa nanay mo Arah? Naglakad ka na naman mag isa papunta dito alam mong delikado na ang panahon ngayon. Pagagalitan ka na naman ni Mareng Aba niyan” “Huwag ka na magalit tita Hope papangit ka niyan. Nagsabi naman po ako kay ate Alysa” “Ikaw talagang bata ka. Puntahan mo na si Fate nasa silid niya” “Salamat Tita” Mag kumare ang nanay niya at si tita Hope dahil inaanak ni tita si ate Alysa. Alam na alam ko na din ang bawat sulok sa bahay nila dahil madalas ako tumambay dito. “Fate!” Tawang tawa siya kay Fate na gulat na gulat sa pagsigaw ko. “Ano ka ba Arah aatakihin ako sa puso sa’yo” “OA mo wala ka naman sakit sa puso. Ano ba kasi ang ginagawa mo at hindi mo man lang namalayan na pumasok ako?” “Tingnan mo etong profile nang anak ng bilyonaryong si Mr. Yuchengco, ang gwapo gwapo. Ganitong lalake ang gusto kung maging asawa” Tiningnan niya ang sinasabi ni Fate. Singkit ang mata nito, may matangos na ilong, matangkad, mapulang labi, napakaganda din nang ngiti nang lalake sa larawan. Napatitig siya sa mata nitong nakakaakit at nangungusap, napakaganda din nang kasuotan nito. “Nakatulala ka na d’yan Arah. Oh diba ang gwapo niya. Ganyan talaga ang pangarap kung lalake na maging asawa” “Eleven ka pa lang asawa na agad ang iniisip mo. Saka hindi naman gwapo yan” “Basta siya na ang magiging asawa ko Arah” “Bahala ka nga d’yan. Buksan mo na ang TV manood na lang tayo nang pelikula” ***** Nalibang siya masyado sa panonood at hindi niya namalayan ang oras. Nagmadali na siyang tumayo at nag martsa palabas nang bahay nila Fate. Iniwan niya ang kaibigan niyang nakatulog na. “Tita alis na po ako” “Arah ipahatid na lang kita kay Will padilim na” “Huwag na tita, ayaw ko nang abalahin si kuya Will. Bye po” Lakad takbo na ang ginawa niya, Iniisip niya na agad ang sermon nang kanyang ina sa kanya. Medyo padilim na kaya mas binilisan niya ang paglalakad. Nakaramdam siya nang kaba nang makakasalubong niya si Mang Berto ang kilalang adik sa lugar nila. Nag madali siyang malampasan eto. Kabang kaba na siya nang tiningan siya nito mula ulo hanggang paa at nanglilisik ang mata nito na namumula. Tatakbo na sana siya nang bigla nitong hablotin ang braso niya at nakakatakot ang ngisi nito. “Bitawan niyo po ako Mang Berto. Parang awa niyo na” umiiyak na siya at nagmamakaawa dito. “Alam mo bang matagal na kitang gusto. Inaabangan kita araw-araw. Napakaganda mong bata” Inilapit nito ang mukha sa akin. Nakakakilabot at napakabaho ang hininga nito. Lalo siyang naiyak nang tumingin siya sa nanlilisik nitong mga mata. Inipon ko ang buong lakas ko at sinipa ko eto kaya nabitawan niya ako. Tumakbo ako nang tumakbo hindi ko nakita ang malaking bato kaya nadapa ako. “Tulongan niyo po ako” malakas na sigaw niya. Ipinikit ko na lang ang mata ko at umiyak nang makita kung ilang hakbang na lang sa akin si Mang Berto. “Sino ka ba? Huwag kang mangialam” Dinilat niya ang mata niyang hilam na nang luha at hindi na lang si Mang Berto ang nasa harapan niya ngayon may isang lalakeng nakatalikod sa gawi niya at iniharang ang katawan nito para hindi siya malapitan ni Mang Berto. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot at tuloy-tuloy ang buhos nang luha niya. Nagtangka si Mang Berto na suntokin ang lalake na naiwasan naman nito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas nang kalabog nito. Sa takot at nebyos na nararamdaman ko nahihirapan na akong huminga. May kinuha ang lalake sa may baywang nito. Takot na takot na kumaripas nang takbo si Mang Berto nang itutok nang lalake ang hawak nitong bagay na hindi ko alam kung ano. “Are you okay?” ang paulit-ulit na tanong nang lalake. Na hindi ko na kayang sagotin dahil nahihirapan na akong huminga at nagdidilim na ang paningin ko bago pa ako tuloyang mawalan nang malay sinulyapan ko pa ang mata nito at naamoy ko pa ang napakabango at kakaibang amoy nang scent nito. Hindi siya pwedeng magkamali eto ang lalakeng nakasalubong niya kanina.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook