Kabanata 1

1072 Words
Arah POV “Ate Alysa may dalawang lalake na nagpunta dito kanina hinahanap ka. Ate sino ba talaga ang ama ni Jude?” “Baka malate ka na pumasok ka na. Malalaman mo din sa mga darating na araw Arah. Saka ko na sasabihin sa’yo ang lahat-lahat” Umalis ako nang bahay na nagugulohan sa mga nangyayari. “Ano nga kaya ang totoong nangyari kay ate Alysa at sa ama ni Jude? ‘Yong dalawang lalake na nagpunta sa bahay kanina mukhang hindi sila pangkaraniwang tao sa ayos at pananamit nila masasabing tinitingala sila sa lipunan. Parehong matangkad ang mga eto. They look so strong and arrogant. The way they look is the screaming of the wealthy and smart men. Ayaw ko sa mga lalakeng mayayaman na katulad nila na walang ginawa kundi gamitin ang pera para makuha ang lahat nang naisin nila. Sana lang hindi magpadalus-dalos si ate Alysa na bumalik sa lalakeng ‘yon. “Awts. Bulag ka ba? Ang laki-laki nang daanan” sigaw ko sa taong bumangga sa akin. “I’m so sorry I don’t mean to. May hinahabol lang akong tao” Nang tumingala ako sa taong nagsalita ganon na lang ang gulat ko na eto ang pangalawang lalake na nagpunta sa bahay kanina na hinahanap si ate Alysa. “Ikaw na naman? Nananadya ka ba? Sinusundan mo ba ako? Stalker ba kita? Baka gusto mo baliin ko yang buto mo kahit matangkad ka hindi kita uurongan Mister” “Miss I don’t know what you talking about” May diin na pagkakasabi nito. Sa pagkainis ko inapakan ko ang paa niya at tumakbo na ako papasok sa restaurant na pinapasokan ko. Wala akong klase pag Friday kaya pumapasok ako bilang waitress sa isang kilalang restaurant. Isa ang pagiging waitress sa sideline ko. Swerte at nakapasok ako sa sikat na restaurant sa buong bansa ang SY Kitchen and Bar seafood restaurant. Sabi nang mga kasama ko ang SY ay hinango sa pangalan nang mayari nito. Dalawang buwan na akong nag pa-part time sa restaurant na eto at sobrang nagustohan ko dahil malaki ang sahod kahit part-time lang ako. Mababait din ang mga manager at mga kasama ko na matatagal nang namamasokan dito. “Buti nga sa’yo mayabang na lalake. Pa english english ka pa! Yabang” sambit ko pagkapasok ko sa loob nang restaurant. May sampong minuto pa ako bago ang oras nang pasok ko. “Sino na naman kaaway mo Arah?” tanong ni sir Mark ang isa sa manager dito at naging kaibigan ko kahit tatlong taon ang tanda nito sa akin para ko na siyang kuya noong una sinasagot sagot ko siya lagi dahil lalake nga siya at hindi ako nagpapatalo sa mga lalake. Hindi ko din alam kung paano at kailan kami naging close ni kuya Mark. Isang araw na lang nag aasaran na kami at mabait na siya sa akin. Ako din ang pinakabata sa restaurant na eto sinabi kung eighteen na ako kahit seventeen pa lang ako. Hindi naman nila ako gaanong hinanapan nang papel sa tulong nang ate Alysa ko. Kaibigan daw nang boss ni ate ang may-ari nito. “May mayabang na lalake lang na bumangga sa akin. Sa sobrang pagkainis ko inapakan ko ang paa niya” ngisi ko kay kuya Mark na ikinatawa din nito. “Ikaw talaga umiral na naman ang pagka amasona mo. Pwede bang tumulong ka muna nandito ka na rin naman. Umuwi kasi si Lily kaya kulang na nang waitress” “Sure boss manager. Magpapalit lang ako nang uniform sa locker” Tumawang muli si sir Mark. Tinalikoran ko na siya at nagtuloy-tuloy na ako sa locker. Ang uniform namin ay black skirt na hanggang tuhod, white long sleeves at waist apron kung saan nakalagay ang notepad, ballpen at iba pang gamit sa pag serve sa customer at ang pinakahuli kung sinuot ang name tag ko. Pagkatapos kung magpalit tumungo na ako sa kusina. “Arah pakikuha naman ang order nang nasa table 5” Nag thumbs up lang ako kay sir Mark at tumuloy na ako sa table 5 para kunin ang order nang customer. “Good evening sir, My name is Arah, and I will be your server tonight. Can I get you something to d—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mag angat nang tingin sa akin ang lalakeng nasa mesa at seryoso etong nakatingin sa akin. Tinaasan ko eto nang kilay at iningosan. “Ikaw na naman? Sinusundan mo ba talaga ako?” “Is that truly how you serve customers? I thought this establishment prided itself on providing top-notch customer service, but this has been incredibly disappointing” sambit nito. “Ano po bang maipaglilingkod ko mahal na hari? Ganyan po ba ang gusto nyo?” “I want to speak to your manager” sambit nito at ngumisi pa sa akin na parang nangaasar. Baka dahil sa lalakeng ‘to mawalan pa ako nang magandang part-time eto pa naman ang pinakagusto kung trabaho sa lahat. “I’m sorry sir. Can I get you something to drink?” Pilit kung iniiwasan na masapak ko ang lalakeng ‘to. Pasalamat siya at nasa trabaho ako na gustong-gusto ko kung sa labas lang baka nabugbog ko na ‘to sa sobrang inis ko. Sinimangotan ko eto habang hinihintay ko ang gusto nitong inomin. “Much better if you smile a little bit” Ngumiti ako nang pilit na ikinatawa nito na ikinainis ko naman. “Anong nakakatawa?” “A bottle of wine please, the most expensive wine they have in here, looks like I going to enjoy my night” Inirapan ko pa eto bago ako tumalikod narinig ko pa ang pagtawa nito. “Mukhang hindi maganda ang magiging gabi ko. Nakakaasar ang sarap sapakin nang lalakeng ‘yon” “Sino na naman kaaway mo?” “Mia pwede palit tayo nang table? Nakakainis kasi ‘yong customer ko. Sige na please?” Tumango si Mia na ikinatuwa ko. Hinahanda ko na ang pagkain para sa table 11 na nakatuka kay Mia nang bumalik eto agad sa kusina at nakasimangot. “Ikaw daw ang gusto ni pogi na mag serve sa kanya. Pinabalik ‘yong wine na dala ko. Eto dalhin mo na baka magreklamo pa sa manager natin. Ang hot niya girl bakit ayaw mo baka malaki ang tip mukhang mayaman” “Ano ba ang gusto nang lalakeng ‘yon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD