Kabanata 5

2007 Words
Arah POV “Arah sabi nang big boss sa pang umaga ka nang shift simula bukas. Diba bakasyon mo naman sa school kaya mas mabuti din kung pangumaga ka” Hindi ko inaasahan na ililipat ako nang pangumagang shift kahapon lang ako nakiusap na mag full-time sa restaurant habang nakabakasyon ako sa klase. Limang buwan na akong namamasokan sa pagiging waitress hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang big boss na sinasabi nila. Wala naman nakakakilala kundi ang mga manager lang nitong restaurant. “Kailan ako magsisimula nang pangumagang shift sir Mark?” Ang usap-usapan nang mga kasama ko isang bilyonaryo ang may-ari nitong restaurant at marami pa etong ibang businesses kaya hindi eto nagpupunta dito sa SY Kitchen kahit ang mga kasama kung matatagal nang namamasokan dito walang makapagsabi kung ano itsura nang big boss namin. Ang alam nang lahat may edad na eto kung pagbabatayan ang estado nito sa buhay na isang tanyag na businessman at maraming businesses eto sa bansa at sa ibang bansa. Kahit pangalan nang big boss namin walang nakakaalam. His identity is a mystery for all of us. “Bukas na bukas din 10 Am ang start nang shift mo hanggang 6 PM” Masaya na rin ako na sa pangumaga ang shift ko hindi ko na kailangang umuwi nang madaling araw. Matutuwa din ang ate Alysa ko pagnalaman niyang pang umaga na ang trabaho ko. Tutol na tutol eto noon na pumasok akong pang gabi na trabaho. “Okay, sir Mark. Mami-miss ko kayo na mga pang gabi lalo ka na at si ate Mia” “Sus ang drama makikita mo naman kami pagpauwi ka na” sambit ni sir Mark at pinisil pa ang pisngi ko” Hinampas ko siya sa braso nang may kalakasan dahil sa inis ko sa pagpisil niya sa pisngi ko. “Aray naman! Grabe ka talaga Arah mapanakit ka” sambit ni sir Mark at ngumisi sa akin. “Ikaw kasi ang sakit nang pagpisil mo sa pisngi ko” sabay bungisngis ko sa kanya. Walang kamalay-malay si Arah na kanina pa may nagmamasid sa kanila. Mataman nitong pinagmamasdan ang dalaga na abalang nakikipagusap sa isang lalake. Nagsasalubong ang kilay nito at umiigting ang panga. “Arah nand’yan na si pogi kanina pa masama ang tingin sa inyong dalawa ni sir Mark” sambit ni ate Mia at inginuso ang kinaroroonan nang lalakeng sobra kung kinaiinisan. “Ano na naman kaya ang gusto nang lalakeng ‘to?” sa isip ko habang tinitingnan ko ang kinaroroonan niya. Napaka formal nitong tingnan na lagi nakasuot nang two-piece suit na bagay na bagay dito. Mukha talaga etong kagalang-galang. Hindi ko alam kung eto talagang restaurant ang paborito niyang puntahan. Sa kasuotan niya mas bagay sa kanya ang magpunta sa mga fine dining restaurant ‘yong mga tipong pang five-star hotel. Hindi rin naman maipagkakaila na maraming mayayaman ang nagpupunta sa restaurant na eto na malaking magbigay nang mga tip sa amin. “Puntahan mo baka lalong magalit pag hindi agad napagsilbihan mag reklamo pa sa nakatataas” sambit ni sir Mark at muling pinisil ang pisngi ko. “Nakakailan ka na sir Mark. Humanda ka sa akin mamaya” Nginisian lang siya nito at tinalikoran. Napangiti ako sa kakulitan ni sir Mark. Nang mapasulyap ako kay Syds masama ang tingin na pinupukol nito sa akin hindi ko maiwasan kabahan sa pagsasalubong nang kilay niya at umiigting ang panga niya. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nagagalit o may kinaiinisan siya dito. Bumuntong hininga ako para maalis ang kabang nararamdaman ko. “Good evening sir, how are you today? Can I get you something to drink?” nakangiti kung pagbati sa kanya. Ayaw kung masira ang gabi ko kaya maayos ko siyang hinarap ngayong gabi total naman last time ko na siyang makikita dahil pangumaga na ako bukas. Nang maisip ko ‘yon hindi ko napigilan ang mapangiti. “What’s that smile for? You look so happy tonight. Is that because of the guy your flirting with?” Walang kangiti-ngiti nitong tanong na nagpainit sa ulo ko. “Ano daw? Ako nakikipagflirt? Inuubos talaga nang lalakeng ‘to ang pa censiya ko. Si sir Mark ba ang tinutukoy niya?” nagsusumigaw ang pagkainis ko sa kanya sa isip ko. Kung wala lang kami sa restaurant kanina ko pa siya sininghalan. Hindi ko napigilan ang pagtaas nang kilay ko dahil sa kasungitan nang lalakeng nasa harapan ko ngayon. “Sir wala ka nang pakialam kung masaya ako ngayon. Kung ayaw mo akong ngumingiti tatawag na lang ako nang ibang magsisilbi sa inyo sir” Mariin ang bawat pagbitiw ko nang salita sa kanya at hindi ko inaalis ang mariin kung tingin sa mata niya. Akala niya ba uurongan ko ang pagsusungit niya sa akin ngayong gabi?! Nakipagtagisan ako nang titigan sa kanya hanggang siya ang unang nagbaba nang tingin na ikinangiti ko. “Ikaw din naman pala ang susuko” bulong ko. “Are you saying something?” “Wala sir ano po ba ang order n’yo?” “One bottle of whiskey” Muli ko siyang pinagmasdan. Hindi kaya may problema siya? Madalas wine ang order niya tuwing nagpupunta siya rito kaya napamaang ako na whiskey ang order niya. Maari siyang malasing nang sobra kung uubosin niya ang isang bote nang whiskey. Hindi ako manginginom pero marami na akong nakitang nalasing sa pagubos nang isang bote nang alak. “That’s it for now you may leave” Napaawang ang labi ko sa tinuran niya. Hindi man lang ba siya kakain muna bago uminom? Hindi ko maaatim na uminom siya nang walang laman ang sikmura niya. Kahit naman naiinis ako sa kanya kaibigan pa rin siya ni kuya Justin kaya baka magkasakit siya pag hahayaan ko na magpakalasing siya at wala akong gagawin. ‘Yon lang ba talaga ang dahilan Arah?” sigaw nang isip ko. “Hindi ka ba muna kakain bago ka uminom? Masama ang iinom ka nang walang laman ang tiyan mo? Hindi mo ba alam ‘yon? Mas matanda ka sa akin dapat alam mo ‘yon” Hindi ko na napigilan na bitawan ang mga salitang nasa isip ko lang kanina. Napaawang ang labi niya at mariin ang pagkakatitig sa akin. Tumikhim ako para kunin ang attention niya at tumigil siya sa paninitig sa akin. Tumingin eto sa menu at basta na lang e-tinuro ang pagkain na una nitong nakita. Hindi man lang nito binasa kung ano ang pagkaing ‘yon. Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil alam kung ayaw na ayaw niya nang maanghang. Alam na alam ko na ang mga gusto niya dahil tuwing pupunta siya dito ako ang nagsisilbi sa kanya. “You are so beautiful when you smile” sambit niya at titig na titig na naman sa akin kaya naitikom ko ang bibig ko. Inalis ko ang ngiti ko sa labi at muli kung pinaseryoso ang mukha ko. Naginit ang magkabila kung pisngi sa papuri niya sa pagngiti ko. “You blushing” sumilay ang ngiti ni Syds at ako naman ang napamaang sa maganda niyang ngiti. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako nang husto sa mga titig niya. Binaling ko sa ibang direction ang tingin ko at nagkunwari akong may tinitingnan. Nang muli siyang magsalita saka lang ako tumingin sa kanya. “What is your recommendation for tonight's meal? Tumayo ako sa gilid nang upoan niya at tiningnan ko ang menu. Itinuro ko sa kanya ang favorite kung pasta na madalas kung kainin dito. Libre ang pagkain namin tuwing break time at paminsan-minsan nagpapasobra nang luto ang chief para sa amin. “Chicken Alfredo is my favorite, I love pasta. Tiyak na magugustohan mo yan” Bigla akong nakaramdam nang gutom hindi pa pala ako naghahaponan. Maaga akong umalis sa bahay para hindi ako ma traffic. Nang sulyapan ko siya hindi ko akalain na sobrang lapit ko pala sa kanya. Para akong napaso nang dumikit ang kamay niya sa kamay ko kaya mabilis akong umalis sa tabi niya. “You ‘wanna join me? Mukhang malaking serving ‘to hindi ko kayang ubosin” “Hindi ako nagugutom. Saka bawal sa amin ang kumain kasama ang customer sa oras nang trabaho” sambit ko at kasabay nang pagtunog nang tiyan ko dahil sa gutom. Pinagkanulo ako nang sarili kung katawan. He smirked and laughed. Napatitig ako sa kanya. Biglang naginit ang mukha ko. Pakiramdam ko pulang pula na ako. “Yan lang ba order mo?” sambit ko at nang tumango siya nagmadali akong umalis sa harapan niya para iwasan ang mapanukso niyang ngiti. “Ano ba yan Arah nakakahiya ka naman. Sinabi mong hindi ka gutom iba ang sinasabi nang tiyan mo” Pagkausap ko sa sarili ko at nagpapadyak ako. Dumiretso ako sa kusina at ibinigay ang order sa chief. May isang oras pa ang break time kaya hindi pa ako pwedeng kumain. Muling tumunog ang tiyan ko. “Arah ‘yong order nang sa table 6 sa VIP room mo na lang dalhin. Nag request na siya na manatili ka sa loob hanggang sa matapos siyang kumain” “Ano na naman kaya ang naisipan nang lalake ‘yon? Aasarin na naman ba niya ako?” sa isip ko. Tinulongan ako ni ate Mia na dalhin ang mga order ni Syds, nagdagdag pa eto nang ilang mga pagkain na ipinagtaka ko. Naisip kung baka gutom lang eto kaya ang daming enorder. Nang maamoy ko ang lahat nang pagkain sa tray na hawak ko lalo akong nagutom. Dala ni ate Mia ang ibang pagkain at whiskey na order din ni sir Syds. Kumatok muna ako bago ko buksan ang VIP room na kinaroroonan niya. May sampong VIP room sa restaurant na eto na pangkaraniwang mga mayayayaman ang nagpapa reserved at umuukopa. Kasya ang sampong katao dahil sa laki nito. Pwedeng pagdaosan nang party o meeting. Isa-isa naming nilapag ang pagkain sa mesa. Lumabas si ate Mia at tumayo ako sa gilid at hihintayin ang ipaguutos niya. “What are you doing there? Sit down here. Hindi ko mauubos ang lahat nang eto” Muling napaawang ang labi ko. Dahil ba sa akin kaya lumipat siya sa VIP room at umorder nang pagkarami-raming pagkain?!Nang hindi ako kumilos tumayo siya at hinila ako. Pinaupo niya ako sa harapan niya at nilagyan ang maraming pagkain ang plato ko. Sobrang natatakam ako sa mga pagkaing nasa harapan ko. “Ang dami naman niyan. Hindi ko yan kayang ubosin” reklamo ko nang halos punong-puno ang plato ko. “Eat it all para magkalaman ka. Ang payat-payat mo” sambit ni Syds at bumalik na siya sa kinauupoan niya at nagsimulang kumain. Napatitig ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na sumusunod ako sa kanya. “Eat now Arah stop staring at me” turan ni Syds. Sandali lang niya akong sinulyapan at pinagpatuloy na ang pagkain. “Yabang mo hindi naman kita tinitigan. Talagang kakain ako dahil gutom na ako saka libre ‘to. Hindi ko naman tatanggihan ang grasya. Anong akala mo magiinarte ako?! Ang sarap kaya nang mga pagkain na ‘to” Iningosan ko siya at nagsimula akong kumain. Malakas na tawa niya ang maririnig sa buong VIP room. Hindi ko na siya pinansin dahil sa gutom na nararamdaman ko. Nagsunod-sunod ang pagsubo ko. “Slow down love baka mabulonan ka” sambit ni Syds at inabotan niya ako nang tubig. Napaangat ako nang tingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na pinagmamasdan niya akong kumain. Napalunok ako at napaubo-ubo dahil puno ang bibig ko nang nagangat ako nang tingin sa kanya. “I told you to slow down” sambit niya sa napakalambing na boses. Hindi ko namalayan na nakatayo na siya sa gilid ko at hinahagod na ang likoran ko. Pinunasan niya ang bibig ko. Nang tumigil ako sa pagubo inabotan niya ako nang tubig at muling pinunasan ang bibig ko. Napaawang ang labi ko sa pinapakita niyang sobrang ka-sweeten sa akin. Dahan-Dahan niyang nilalapit ang mukha sa akin sa pagaakala kung hahalikan niya ako tinakpan ko ang bibig ko gamit ang palad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD