Kabanata 4

1551 Words
Arah POV Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig niya. At pakiramdam, ko matutunaw ang malamig na pader na matagal kung itinayo sa pagkatao ko. Ang mainit niyang yakap na humahaplos sa puso ko at sa buong pagkatao ko. Makulong sa mga bisig niya ay nagdudulot nang kakaibang pakiramdam sa akin na hindi ko kayang pangalanan. Malakas ang kalabog nang puso ko habang mahigpit ang yakap niya sa akin. Ayaw kung umalis sa pagkakakulong sa bisig niya. “Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dapat hindi ko hinahayaan na yakapin niya ako nang ganito. Galit ako sa mga lalake pero bakit ganito gusto kung hayaan ang sarili ko na makulong sa bisig niya?!” sigaw nang isip ko. Tinulak ko siya at tinalikoran. Umalis ako at nagtungo sa loob nang mall. Para mawala sa sistema ko ang lalakeng ‘yon. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad ako. Hindi ko namalayan ang pagsunod niya sa akin. Lakad lang ako nang lakad na walang tiyak na patutungohan. “Arah! What are you doing here?” “Ben anong ginagawa mo sa Maynila?” Si Ben ang kababata ko at best friend ko na lalake. Siya lang ang lalakeng comfortable ako. Tatlo kaming magkakaibigan ako, si Fate at si Ben. Noon pa man sobrang malapit na kami sa isa’t isa. Anak nang Mayor sa lugar namin si Ben. Mabait at hindi matapobre ang pamilya niya at si Ben kaya naging sobrang malapit kami sa isa’t isa. “Ako ang unang nagtanong” sambit niya at umakbay siya sa akin. Ngumiti ako at hinayaan ko lang ang kamay niya sa balikat ko. “Nakita mo ba ‘yong ganap sa labas nang mall kanina? Nag propose ang boyfriend ni ate Alysa sa kanya. Nakakaiyak nga eh. Hindi ko akalain na may lalakeng ganon at mahal na mahal si ate Alysa sa kabila nang layo nang agwat nang estado nang buhay nila” “Wow, si ate Alysa pala ‘yon. Ang sweet sweet naman nang boyfriend niya. Marami namang lalake sa mundo Arah na nagmamahal nang totoo kung bubuksan mo lang ‘yang bato mong puso. Maraming nasa paligid mo ang minamahal ka nang lihim” Napatingin ako kay Ben sa makahulogan niyang sinambit. “May mga ganon ka pang nalalaman. Anong ginagawa mo dito sa Maynila? Alam ba ni Fate na nandito ka?” Sumimangot eto na ikinatawa ko. “Huwag mo nga banggitin ang babaeng maarte na ‘yon” Kinurot ko siya sa tagiliran. Hinuli niya ang kamay ko at hindi binitawan. Bumungisngis ako saka pilit kung hinihila ang kamay ko kay Ben. “Let her go!!” Napalingon kami ni Ben sa likoran nang umalingawngaw ang galit na boses nang isang lalake. Napatitig ako sa kanya. Magkasalubong ang kilay niya. Umiigting ang panga. Napaawang ang labi ko sa nakikita kung galit sa mata niyang nakatutok sa kamay ni Ben na nakahawak sa akin. “Ano na naman kaya ang problema nang lalakeng ‘to?” sa isip ko. “Kilala mo Arah?” tanong ni Ben na may pagtataka sa mata niya. Pababalik-balik ang tingin ni Ben sa akin at kay Syds. Pinagtataka ko ang galit na nakikita ko sa mata nito habang nakatingin sa amin ni Ben. “Hindi ko yan kilala” turan ko at hinila ko na si Ben palayo kay Syds. Nakaisang hakbang pa lang kami nang hilain niya ang isang kamay ko at ang isa namang kamay ko ay hawak ni Ben. Napapagitnaan nila akong dalawa habang hila nila ang magkabila kung kamay. “Ano bang problema mo pare?” mariin na tanong ni Ben. Nang sulyapan ko si Syds nagsasalubong ang kilay niya at matalim na tingin ang pinupukol niya kay Ben. Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya. “Ikaw anong problema mo? Let go of her hand” May diin ang bawat salitang binitawan ni Syds. Muli niyang hinila ang kamay ko ganon din ang ginawa ni Ben. Napapadiin ang pagkakahawak nila sa kamay ko. “Ano bang problema n’yong dalawa? Bitawan ny’o nga ang kamay ko nasasaktan ako” Nang bitawan nila ang kamay ko tinalikoran ko sila at walang lingon ko silang iniwan. Malalaki ang hakbang ko patungo sa labasan nang mall. Para akong may tinatakasan. “Bakit ba kailangan kung magmadali?” bulong ko. Binagalan ko ang lakad ko. Bumuntong hininga ako nang makarating ako sa labas nang mall. Bumalik ako sa kinaroroonan nila ate Alysa at kuya Justin. Kinuha ko Jude kay ate Alysa at kinarga ko. Nakagawian ko nang laging kargahin si Jude. Simula nang baby pa siya ako na ang nagalaga sa kanya. Kaya sobrang malapit niya sa akin. “Nakakainis talaga ang kutong lupa na ‘yon” sambit ko. “Sinong kutong lupa?” napalingon ako sa baritonong boses na nagsalita sa likoran ko. Hindi ko inaasahan na sobrang lapit niya sa akin. Sumayad ang labi ko sa labi niya sa paglingon ko. Nanglaki ang mata ko at nanigas ang katawan ko. “Tita Arah gusto ko nang water” sambit ni Jude na nagpabalik sa ulirat ko. Hindi ko alam kung ilang secondo akong nakatulala sa kanya. Kinuha niya sa akin si Jude at siya na ang nagkarga. “You look so skinny marahil sa kaka-karga mo sa nephew mo” turan niya. ‘Yan din ang tinuran niya kanina nang kunin niya si Jude sa akin nang papunta kami nang banyo. “Wala kang pakialam! Saka ganito talaga ang katawan ko. Hindi ko kailangan magpaliwanag sa’yo” Hinayaan kung kargahin niya si Jude dahil tama naman eto mabigat na ang pamangkin ko at mabilis nang mangalay ang mga braso ko sa pagkarga sa kanya. Parang sanay na sanay etong humawak nang bata. Parang wala lang dito na kargahin si Jude dahil sa maganda niyang pangangatawan. Mukhang nasa 6 feet din ang taas nito. Kanina nang sumayad ang labi ko sa kanya nakayuko siya nang bahagya. Sa taas kung 5 feet and 4 inches kailangan ko tumingala tuwing nakikipagusap ako sa kanya. Tuwing mapapatingin ako sa kanyang mata nahihipnotismo ako sa ganda nito. Makailang beses ko nang iniisip kung saan ko nakita o may kakilala akong katulad nang mata niya dahil parang noon pa man nakita ko na eto. Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang pagsayad nang malambot niyang labi sa labi ko. Nawala sa isip ko na nasa harapan ko pala siya at pinapanood ang bawat galaw ko. “You have the sweetest lips, my love” Napaigtad ako nang bumulong siya at sumayad ang labi niya sa tainga ko. May gumapang na kung ano sa buong katawan ko. “Lumayo ka nga sa akin” Tinulak ko siya nang bahagya. Muli akong napatitig sa kanya nang ngumiti eto. Nakakaakit ang ngiti niya. “Nakakainis naman puro na lang papuri ang isip ko sa kutong lupa na ‘to” sa isip ko. “Tita I want water” Nawala na sa isip ko na kanina pa pala humihinge nang tubig si Jude. Humalakhak si Syds na kinainis ko nang husto. “Anong nakakatawa?” Mataray kung tanong sa kanya. Wala akong kangiti-ngiti na nakatingin sa kanya. Tinikom nito ang bibig at mariin akong tinitigan. “You're still so beautiful even though your a bit cranky” sambit nang baritono niyang boses. Iningosan ko siya. “Let’s get Jude some water now” sambit niya at hinila na ang kamay ko. Hawak-Hawak nang isang kamay niya ang kamay ko habang ang isa naman nitong kamay ay karga si Jude. Napakalakas niya talaga parang wala lang sa kanya ang bigat ni Jude. Pinagmamasdan ko ang malaki niyang kamay na nakahawak sa kamay ko. Nauuna siyang naglalakad habang hila-hila ako. Huminto siya sa isang maliit na tindahan sa mall nang may makita siyang tubig. Nagpapa-cute ang babaeng saleslady. Makailang beses nitong hinawi ang buhok at ngumingiti nang matamis kay Syds habang si Syds naman mukhang tuwang -tuwa sa pag-flirt nang babae sa kanya. “Babaero talaga” bulong ko at napasimangot ako. Mga lalake talaga kahit kailan ang lalandi. Hinila ko ang kamay ko na hawak-hawak niya at pinag-crossed ko sa dibdib ko. Sobrang pagkainis ang nararamdaman ko. Lumingon siya sa akin nang may pagtataka. Lalo akong napasimangot nang iabot nang babae ang tubig at sinadyang pasayarin ang kamay sa kamay ni Syds. Ngumiti si Syds dito at nagpasalamat. “Thank you keep the change” “Thank you pogi. Balik ka” sambit nang babae. Iniipit pa ang buhok nito sa tainga at kinagat ang pang-ibabang labi at etong si Syds mukhang gustong-gusto din ang pagpapansin nang babae sa kanya. “Lalakeng kuto na malandi” bulong ko. “Are you saying something, Love?” “Huwag mo nga akong tawagin nang ganyan doon ka makipaglandian sa babaeng kasing landi mo” sambit ko at tinalikoran ko na siya. Napalingon ako kay Syds nang marinig ko ang pagtawa niya. Masama ko siyang tiningnan. “Are you jealous?” sambit niya na ikinalaki nang mata ko. Ngayon ko lang na realize sa inasta ko kanina para akong girlfriend na nagseselos. “Bakit naman ako magseselos. Wala akong pakialam kahit sino pa ang landiin mo” Kinuha ko sa kanya si Jude at mabibilis ang hakbang kung iniwan siya. “Nakakainis talaga”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD