Kabanata 3

1025 Words
Arah Pov “Kaya kung dalhin ang pamangkin ko sa cr nang mall at alam ko kung nasaan ‘yon hindi ko kailangan nang kasama at mas lalo na kung ikaw ang makakasama ko” Hindi ko akalain na makikita ko ang lalakeng ‘to sa surpresang proposal ni kuya Justin para kay ate Arah. “Babaeng Tigre. What did I do to you? Bakit lagi kang galit? “Ano? Huwag mo nga ako tawagin nang ganyan” Hindi ko mapigilan ang singhalan siya. Ako tatawagin niyang tigre. “Kung tigre ako ikaw lalakeng kuto na ang sarap tirisin. Alam mo ba ‘yon nakakasira ka nang araw. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang kita nakikita kahit saan” “Maybe we’re destiny” “Ang tanda mo na naniniwala ka pa sa ganyan?” Tumahimik eto at mariin akong tinitigan. Hindi lang ako naniniwala sa mga ganong bagay. Ayaw na ayaw ko ang mga salitaan na destiny. “Do I look old to you Ms. Arah Mercado?” May diin niyang turan at mataman niya akong pinagmamasdan. Mukhang dinibdib nito ang sinabi ko na matanda na eto. Sa totoo lang siya ang pinaka gwapong lalakeng nakita ko, matangkad, matangos na ilong, singkit na mata na napakaganda at laging nangungusap, manipis at mapulang labi, at malapad na balikat. He looks so strong and smart. Nagsusumigaw din sa itsura niya ang karangyaan. Sa suot nitong two-piece suit na color blue he looks so intimidating and arrogant and charming at the same time. Kahit sinong babae hahanga at mapapalingon sa kanya but not me. Hindi ko alam ang salitang paghanga sa lalake. “Tinatanong pa ba yan? Matanda ka naman talaga diba?! Ilang taon ka na ba 35?” “What the fu—” “Subokan mo lang etuloy ang pagmumura mo Mister!” Mariin kung sambit at pinangliitan ko siya nang mata. Tumalikod ako at kinarga si Jude para dalhin sa banyo nang mall para palitan nang damit. “Babaeng tigre talaga” bulong nito na narinig ko naman. Kaya nilingon ko siyang muli. Hindi ko alam na sumusunod pa rin siya sa akin. Inilang hakbang niya ang pagitan namin at kinuha niya sa akin si Jude. “He’s heavy let me carry him to the bathroom. Baka kakabuhat mo sa kanya kaya ang payat mo” Karga niya na si Jude at tumalikod na eto at naglakad patungo sa banyo. Nangingibabaw eto sa mga taong kasabayan niyang naglalakad. Matangkad, mahahaba ang binte at malapad na balikat. Likod pa lang nito nakakahanga na. Nakikita ko ang mga babaeng sinusundan siya nang tingin. Ang mga mata nilang humahanga sa kanya. Mga babaeng kulang na lang ay maglupasay sa kilig habang nakatingin sa kanya. Na kinaiinis ko. Sa kauna -unahan nakaramdam ako nang kilig nang kunin niya sa akin si Jude. Ngingiti na sana ako nang bigla etong lumingon kaya muli kung pinatigas ang mukha ko at sinimangotan ko siya. “Ano pang tinatayo mo d’yan. Tara na baka magsimula na ang proposal hindi mo pa nabibihisan si Jude. Tumalikod na etong muli at tinuloy ang paglalakad. Tinakbo ko ang pagitan namin hindi ko inaasahan ang biglang pag-hinto niya kaya bumangga ako sa likoran niya. “Aray” “Are you okay? Hinawakan niya ang noo ko na tumama sa likoran niya. Hinaplos niya eto. May gumapang na boltahe nang kuryente sa katawan ko nang humaplos naman ang palad niya sa kamay ko. “Be careful. Tumingin ka sa nilalakaran mo para hindi ka masaktan. Medyo mapula ang noo mo” Hinawakan niya ang kamay ko. Muli kung naramdaman ang boltahe nang kuryente na gumapang sa katawan ko. Hinila ko ang kamay ko sa kanya. “Sayang may asawa na pala. Bagay na bagay silang dalawa at ang gwapo nang anak nila” “Wala na girl isa na namang magandang lalake ang taken na wala nang para sa atin” Mga naririnig kung usapan sa paligid at alam kung narinig din niya. “Bakit ka kasi tumigil sa paglalakad” Singhal ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at mataman akong pinagmamasdan. “Ano ba yan bakit nanghihina ang mga tuhod ko sa tingin niya” sa isip ko. “Akin na nga si Jude” Nagmadali akong makalayo sa kanya pagkakuha ko kay Jude. Pagkapasok ko nang banyo huminga ako nang malalim at pilit kung kinakalma ang sarili ko. Ang lakas din nang kalabog nang puso ko, hindi ko alam kung bakit. Muli akong huminga nang malalim. Mabilis kung nilinisan si Jude at binihisan. “Ang gwapo naman nang pamangkin ko at ang bango-bango na” Jude giggles nang halikan ko siya sa pisngi. Gulat na gulat ako na nang buksan ko ang pintoan at makita ko siya. Muli niyang kinuha si Jude sa akin. “Bakit ba ganito ang lalakeng ‘to?’ bulong ko at sinabayan ko na ang paglalakad niya. Nang magsimula ang proposal ni kuya Justin hindi ko napigilan ang mapaluha. Masaya ako para kay ate Alysa na natagpoan niya na ang lalakeng mahal niya at mahal din siya. Nakikita ko kung gaano kasaya ang ate. Naramdaman ko ang paghagod sa likoran ko kaya napatingin ako sa gilid ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Inabotan niya ako nang panyo at ngumiti sa akin. Napatulala ako sa mukha niyang nakangiti. Ang ngiti niya na nakakaakit. Ang ngiti niyang ang sarap pagmasdan. “Salamat” tanging nasabi ko. Gamit ang panyo niya pinunasan ko ang luha ko. Hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang. Hindi kami makapaniwala nila nanay at tatay na isang bilyonaryo ang ama ni Jude na naging boss nang ate Alysa ko. Noong una galit na galit ako kay kuya Justin dahil sa pagaakala ko na niluko niya ang ate. Nang tumira kami ni Jude sa mansion nang mga Johnson at makasama ko ang mga magulang niya doon ko napagalaman ang katotohanan sa totoong nangyari kina ate Alysa at kuya Justin. Masayang masaya ako para kay ate Alysa na walang ginawa kundi unahin kami. Hindi ko na naman napigilan ang pagbuhos nang luha ko. Kinabig niya ako at niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD