Malamig ang simoy nang hangin at nakaka relax na pakiramdam ang mga huni nang ibon habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin. Nagtatayogang mga puno ang madadaanan ko bago ako makarating sa bahay. Kagagaling ko lang sa university nag pa enroll ako sa kursong nursing. Ang nakatatanda kung kapatid na si ate Alysa ang magpapaaral sa akin. Ang ate kung mahal na mahal ako at kami nila nanay at tatay ang laging inuuna bago ang sarili nito.
“Pangako ate magtatapos ako nang pagaaral para maging proud ka sa akin” bulong ko.
Nang makarating ako sa bahay narinig ko agad ang inay na may kausap sa telepono at mukhang si ate Alysa ang kausap niya. Napatigil ako sa paglalakad patungo sa silid ko nang marinig ko ang sinabi ni Inay na buntis ang ate at kailangan namin lumuwas nang Maynila. Lumapit agad ako kay Inay at tumabi ako sa kanya.
“Inay ano pong problema?” Narinig ko na ang pag banggit ni Inay kanina na buntis ang ate Alysa gusto ko lang kumpirmahin kung totoo.
“Ang ate mo buntis at hindi na nagpakita ang lalakeng nakabuntis sa kanya. Ayaw naman sabihin kung sino. Kailangan natin samahan ang ate mo sa Maynila gusto pa rin magtrabaho kahit sinabi ko nang umuwi na lang siya dito sa atin ngunit ayaw naman nang ate mo”
Nakaramdam agad ako nang galit sa lalakeng nangiwan kay ate. Walang kwenta talaga ang mga lalake kaya ako magpapakatandang dalaga na lang ako.
“Inay kung kailangan kung huwag muna mag aral para samahan si ate gagawin ko. Ang dami nang ginawa ni ate para sa akin kaya ako naman ang tutulong sa kanya”
******
Kinabukasan lumuwas kami nila Inay at Itay sa Maynila para samahan si ate Alysa at damayan eto. Awang-awa ako sa ate dahil sa ginawa sa kanya nang lalakeng ‘yon. Pero ayaw naman sabihin ni ate kung sino ang lalakeng nakabuntis sa kanya. Isang buwan ding nanatili sila Inay at Itay sa Maynila bago sinabi ni ate na ayos lang siyang maiwan pero ako ipinilit kung magpaiwan at samahan si ate sa Maynila.
Sa Maynila ko na e-tinuloy ang pagaaral ko at kahit buntis si ate nagtatrabaho pa rin eto bilang secretary nang isang tanyag na attorney. Hangang-hanga ako kay ate Alysa sa kabila nang nangyari dito naging masayahin pa rin eto at matapang na hinaharap ang buhay niya. Si ate Alysa pa rin ang nagpapaaral sa akin. Namamasokan akong crew sa isang fast food restaurant habang nagaaral ako para sa pang allowance ko at hindi ko na kailangan huminge kay ate Alysa.
“Ate malapit ka nang manganak. Kailan ba ang bakasyon mo sa trabaho? Isang buwan na lang manganganak ka na”
“Dalawang linggo na lang Arah mag maternity leave na ako. Napakabait nga nila Atty. Elijah and Atty. Lilian sasagotin nila ang panganganak ko”
Ma swerte si ate Alysa sa trabaho niya hindi siya itinuring na iba. Ilang beses nang dumalaw ang magasawa sa amin. Napakabait nila at hindi matapobre sa kabila nang estado nila sa buhay.
“Ate plano ko munang huminto sa pagaaral pag nanganak ka na. Ako muna magaalaga sa anak mo habang nagtatrabaho ka. Isang linggo na lang matatapos na ang 2nd-semester ko”
“Arah hindi mo kailangan gawin yan. Kukuha na lang ako nang magaalaga sa pamangkin mo”
Ang ate Alysa ko na lagi iniisip ang kapakanan ko bago ang sarili niya. Kaya gustong-gusto kung makabawi sa kanya. Simula pagkabata ako lagi ang inuuna niya at siya ang tagapagtanggol ko.
“Ate hayaan mo naman muna na tulongan kita. Ayos lang talaga sa akin. Bata pa naman ako hindi naman ako mahuhuli kung hihinto ako nang isang taon. Ayaw kung ipaalaga ang pamangkin ko sa iba. Ako na ang bahala sa pamangkin ko habang nagtatrabaho ka”
Wala nang nagawa ang ate kundi ang pumayag na ako ang mag alaga sa pamangkin ko. Maraming pinagdaanang hirap ang ate Alysa sa panganganak, kay Jude. Ako ang kasama niya sa hospital noong manganak siya at parang ako ang nakakaramdam nang sakit na makita siyang hirap na hirap. Matapang ang ate Alysa hindi ko siya nakitang umiyak o gumawa nang ingay kahit nasasaktan na siya. Kaya pinangako ko sa sarili ko na pag nakita ko ang lalakeng nang iwan kay ate makakatikim sa akin nang suntok sa mukha.
Bata pa lang ako black belter na ako sa taekwondo. Nagaral ako na hindi alam nang mga magulang ko at ni ate Alysa. Nang muntik nang may mangyari sa akin noong sampong taon gulang pa lang ako pinangako ko na sa sarili ko na hindi ako papatalo sa mga lalake at magpapakatandang dalaga na lang ako. Galit ang laman nang puso ko sa mga lalake walang nagtatangkang may umaligid sa akin sa school dahil palapit pa lang sila sinusungitan ko na at tinataboy.
Dalawang taon na nagsikap si ate Alysa na magtrabaho para sa pamangkin ko na si Jude. Tinuloy ko ang pagaaral ko pagkalipas nang isang taon pagkapanganak nang ate Alysa. Nagtutulongan kaming dalawa sa pagaalaga kay Jude pang umaga ang trabaho ni ate Alysa kaya sa pang hapong klase ang kinuha ko. Ako ang nagbabantay kay Jude sa umaga habang nasa trabaho si ate Alysa at pagkauwi niya ako naman ang papasok sa university. Ngayong dalawang taon na si Jude nasa 3rd year college naman ako sa kursong nursing. Pag day off ni ate Alysa nag pa-part time ako bilang tutor para sa pang allowance ko.
“Sino ka? Anong kailangan mo? Kung magbibinta ka nang kung ano-ano wala kaming pambili” Tiningnan ko ang lalake mula ulo hanggang paa. Mukha etong mayaman at kagalang galang dahil sa suot nitong suit.
“Are you done checking up on me Miss?”
Tumaas ang kilay ko sa kasungitan nang kaharap ko. Akala niya naman matatakot niya ako.
“Anong kailangan mo?”
“Dito ba nakatira si Alysa Mercado?”
“Anong kailangan mo sa ate ko?” Tinitigan ko siyang mabuti at napansin ko ang pagkakahawig nila ni Jude.
“Hindi kaya siya ang ama ni Jude?” sa isip ko.
“I didn't know that Alysa has a sister” sambit nito. Kung tama ang hinala ko eto ang lalakeng nangiwan kay ate Alysa.
“Oo kapatid niya nga ako. May problema ka ba doon? Wala ang ate ko bumalik ka na lang. Mabilis nitong nailagan ang suntok ko kaya sa ere tumama eto” Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pabagsak kung isinara ang pintoan.
Alam kung ‘yon ang tatay ni Jude dahil sa magkamukhang magkamukha silang dalawa.
“Nakakainis talaga. Ano kaya ang kailangan niya kay Ate Alysa?”
Isang katok na naman ang nagpagambala sa ginagawa ko.
“Ano na naman kailangan mo? Sinabi ko nang wala ang ate Alysa ko. Ang kuli—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumungad sa akin ang isang lalake na may singkit na mata, matang kaakit-akit, matangos na ilong, magandang ngiti.
“Hi, pwede ko bang makausap si Alysa?”
“Bakit ba ang daming naghahanap kay ate? Sino ka naman at ano ang kailangan mo kay ate?”
“I’m Syds Yuchengco kaibigan ako ni Justin boyfriend nang sister mo”
“Wala ang ate. Kung kasama ka nang naunang lalake na nandito kanina sinabi ko na wala ang ate. Ang kulit n’yo saka walang boyfriend ang ate ko”
Pabagsak kung sinarang muli ang pintoan.
“Ang gwapo naman nang lalakeng ‘yon”