Ang Pagpapakilala Kay Keyf

3074 Words
Pagkatapos naming mag-usap-usap nila Eunice ay nakapagdesisyon na talaga akong ipakilala ko na sa kanila si Keyf, para matapos na at maging maayos na ang lahat. Magiging maayos nga ba? tanong ko sa isip ko. "Jeantou, umayos ka. Kumalma ka. Magiging maayos ang lahat bukas," sabi ko habang nasa shop ako at habang kinakausap ko ang sarili ko. “Walang pangit na mangyayari bukas, ipinapangako ko iyan sa iyo, self!” sabi ko habang tumatango. Kaso, aaminin ko, natatakot ako. Hindi ko kasi alam kung ano talaga ang kalalabasan bukas. Paano kaya kung hind imaging maganda? Paano kaya kung hindi nila magustuhan si Keyf? “Hah? Ano? Bakit ko ba naisip iyon?” tanong kong bigla sa sarili ko. “Wala lang naman kung ipakilala ko siya hindi ba? Hay… Tama na nga. Tigilan mo na ang pag-iisip mo ng kung ano-ano, Jean… Tama na!” "Ma'am Jean…" Tawag sa akin ni Kara. Napatingin naman ako rito. "Yes, Kara?" sambit ko. “May kailangan ka ba hah?” tanong ko sa kanya. “Si Sir Keyf po nandiyan at hinahanap kayo," sabi nito. Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya. “Hah? Sino kamo ang nandiyan?” tanong ko rito. “Si Sir Keyf po, Ma’am Jean.” Ulit niyang sabi sa akin. Huminga naman muna ako nang malalim bago sumagot. "Ah okay sige. Salamat, Kara," sabi ko na lang sa kanya. “Lalabas na ako,” dagdag ko pa. Nasa loob kasi ako ng kwarto na maliit na pinagawa ko sa itaas ng shop.   Nauna na ngang lumabas si Kara at pagkalipas ng ilang segundo ay sumunod naman ako. Inayos ko kasi muna ang sarili ko bago ako bumaba. Bumaba na nga ako at nagtungo kung nasaan si Keyf. Nang makita ko na siya ay… “Hey..." bati ko rito. "Oh? Kumusta? ‘Di kita nakita kanina sa school ah. Ano ba ang oras ng klase mo?" tanong niya sa akin. Imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi ko. "Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya na halatang hindi ko siya gustong makita. “‘Di ba bukas pa naman kita ipapakilala sa mga barkada ko?" sabi ko. Tumaas pa ang kilay ko. "Oh? Nakataas na naman ‘yang kilay mo, Madam,” sabi naman niyang sita sa akin. “Baba mo muna dahil hindi ako nagpunta rito para asarin ka." Nakangiti niyang sabi sa akin. Pinagsalo ko naman ang aking dalawang braso at tinanong na naman siya. “Oh, ano nga ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya. “Jean…” “Huwag mo na nga akong matawag-tawag sa pangalan ko kung wala ka namang sasabihin,” inis ko na namang sabi sa kanya. “Hay… Napakainit talaga ng ulo.” "Bakit ka nga kasi nandito? Ano ang ginagawa mo rito? At ano ba ang kailangan mo?” Muli ko na namang tanong sa kanya. “Marami akong ginagawa. Nakita mo naman ang daming costumers. Baka kung ano pa ang isipin nila sa atin," sabi ko rito. "Iyan ka na naman sa mga iniisip mo,” he said. “I don’t care about them, Jean. Hindi naman nila tayo pinapakialaman eh.” Tuloy niyang saad sa akin. Napamaang naman ako sa sinabi niya. “Hoy, para sabihin ko sa iyo, hindi mo ako madadala sa mga ganyan-ganyan mo kaya tigilan mo ako,” mahina kong sabi sa kanya. “What? Ugh! I can’t really believe you, Jean,” he said. “Oh bakit, naiinis ka na ba hah? Hoy, para sabihin ko sa iyo, wala kang karapatang mainis sa akin dahil ikaw ang nagpunta rito at hindi ako!” Inis ko nang sambit sa kanya ngunit mahina pa rin. “Fine!” Nagulat naman ako nang magsalita siya nang ganoon sa akin. “For your information, I just came here to seek some advice for tomorrow. I don’t have any hints nor ideas about your friends. But you welcomed me with your nonstop big mouth! Kung ganyan ka rin lang naman, bahala ka na!" he said sabay tumalikod na sa akin at naglakad na palabas ng shop. Nagulat naman talaga ako sa sinabi niya. “Fine! Akala mo hahabulin kita! Manigas ka!” sabi ko rin na bumalik na sa counter. “Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ni Kara sa akin. “I’m fine, Kara! Ugh!” Inis kong sambit. Naiinis ako sa kanya! Ang kapal ng mukha niya! Siya pa itong may ganang magalit sa akin eh siya na nga itong nagtatanong! Naiinis talaga ako. “Ma’am, alam ninyo po, kanina pa po nandito si Sir Keyf pero hindi niya po kayo pinatawag o kaya ay hinanap kaagad kasi baka raw po busy kayo,” Kara said dahilan para mapatingin ako rito. “What? Anong sinabi mo, Kara?” tanong ko kay Kara. “Kanina po no’ng dumating siya, nilapitan ko po siya kaagad para kunin po ang order niya pero ang sabi lang po niya ay okay lang po siya,” Kara said. “Tapos tinanong ko po kung may iba po ba siyang kailangan, at ang sabi lang po niya ay kayo pero mamaya na lang daw po kasi baka may ginagawa pa raw po kayo.” Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Kara sa akin. “Alam ninyo, Ma’am, ako na nga po ang nagkusa na tawagin kayo kasi kanina pa po talaga nandito si Sir Keyf pero hindi lang po niya kayo pinapatawag,” dagdag pa na sabi ni Kara sa akin. “Kara…” tawag ko tuloy rito. “Yes po, Ma’am?” baling nito sa akin. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko sa kanya. “Po? Eh kasi po ngayon ko lang po kayo nakausap,” she said. Napasapo na lang ako sa noo ko sabay alis at sinundan na ang papasakay na ng sasakyan na si Keyf. “Keyf!” tawag ko sa kanya upang pigilan siya na papaalis na. Napatingin naman siya sa akin. “What?” tanong niya nang makalapit na ako sa kanya. Gusto kong magtaas ng kilay ngunit pinigilan ko. Alam ko naman kasing kasalanan ko. “Oh, bakit? May sasabihin ka ba?” tanong niya sa akin. Hindi ko na tuloy natiis. Tinaasan ko na naman siya ng kilay. "’Wag mong sabihin sa akin na hindi pwedeng magtaas ng kilay ah. Dahil hinihingi ng sitwasyon," sabi ko tuloy sa kanya. Pinangunahan ko na. Baka manita na naman eh. "Kahit ikaw na nga ang may mali, ikaw pa rin talaga ang galit,” he said. “Eh kasi naman ikaw eh. Naiinis ako sa iyo kapag nakikita kita,” I said. Kailangan ko nang sabihin sa kanya para alam niya. “Hah? Bakit? Inaano ba kita? ‘Di ba nga tinutulungan pa kita?” he said. “Oo, alam ko iyon. Nandoon na ako. Pero kasi hindi nga ako sanay na may tumutulong sa akin lalo na at isang kagaya mo pa, lalaki,” tugon ko sa kanya. “Hah? Bakit naman? Threatened ka ba sa akin?” tanong niya. Umiling naman ako sa kanya. “Hindi sa ganoon. Pero…. Basta! I just don’t want your presence near me,” I said. “Hindi kita maintindihan, Jean. Alam mo sa sarili mo na kailangan mo ng tulong, pero ‘yan, nagmamatigas ka pa rin,” he said. Tinaasan ko na naman siya ng kilay. “Hindi ko kailangan ng tulong,” I said. “Are you sure?" tanong niya sa akin. “Oo! Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino,” ulit kong sabi sa kanya. “I doubt,” he said. “Eh naipakilala mo nga akong boyfriend mo sa makulit mong manliligaw eh tapos sasabihin mo na hindi mo kailangan ng tulong ko?” May point siya sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot. “Oh see? Napatahimik ka, kasi totoo,” sabi niya. “Totoong kailangan mo ang tulong ko,” he said. Hindi na naman ako nagsalita. “Alam mo, Jean, hindi naman mahirap sabihing, Keyf, I need your help,” he said. “Kasi alam ko namang kailangan mo talaga ng tulong.” “Hindi nga sabi.” Matigas kong sabi sa kanya. “Okay, sabi mo eh. Sige na, mauna na ako at may gagawin pa ako,” he said sabay paalam sa akin. Ugh! Nakakainis! sambit ko sa isip ko. Nairnig kong pinaandar na niya ang makina ng sasakyan niya. “Bye! See you around,” he said na itataas na sana ang salamin ng bintana ng sasakyan niya nang tawagin ko siya. “Fine!” I said. Napatingin naman siya sa akin. “I need your help! Ano, masaya ka na ba?” I said. Napangiti naman siya at… “Hindi… Let’s go sa loob,” he said sabay baba sa kotse niya at inaya na akong pumasok sa loob. “Ugh!” Inis na lang sa naisambit ko. No choice na rin naman kasi ako. Kahit hindi ko aminin ay kailangan ko talaga ng tulong niya dahil siya nga ang involve at hindi lang ako. Bumalik na nga kami sa pwesto niya kanina at naupo na rin siya. "I will just say it once ah,” I said, naupo naman ako sa kaharap niyang pwesto. Napatango naman siya sa akin. "Sige bibigyan kita nang kaunting advice. Pero dapat sa iyo na ‘yung iba. Mukhang mapagkakatiwalaan ka naman eh," sabi ko na rito. "Of course naman. Ako ata si Keyf," sabi naman niya. "Hangin ah…” sabi ko tuloy. “Naka-aircon kami pero bakit parang biglang lumakas ang hangin?" Parinig ko rito. Natawa naman siya sa akin. “I don’t know. Baka kasi nakabukas ang ibang windows ninyo," he said sabay tawa nang nakakairita. Tinaasan ko na naman siya ng kilay. "Oh? Relax ka lang. Joke lang naman iyon,” he said. "Umayos ka kasi," sabi ko. "Oo na po, Madam…" Iniripan ko pa siya bago muling nagsalita. "Okay. Ganito ‘yan......" At sinabi ko nga ang ibang mga attitudes ng mga barkada ko. Syempre hindi ko naman siya pwedeng iwan sa ere. Baka mamaya biglang nando’n pala si Nick sa canteen tapos nagkakanda mali-mali na si Keyf, edi lalong napurnada ang plano ko? "Now I know. Thanks for the advice anyway," sabi niya. “’Ge. Wala ‘yon. Sige na. Umalis ka na. Baka may iba pang makakita sa iyo rito at kung ano pa ang sabihin nila," sabi ko. Nasa labas na kami niyan ng shop. "Oo na. Ito naman kung makapaalis sa akin akala mo bata ako," sabi niya. "Ang dami pang sinasabi. Oh ano na? Hindi ka pa ba aalis? Sabi mo may pupuntahan ka pa?" turan ko sa kanya. "Oo na. Aalis na nga ako," sabi niya na tumungo na sa sasakyan niya at... "See you tomorrow, Baby!" sabi niya sabay kindat na kinalaki ng mga mata ko at kinataas na naman ng isang kilay ko. “Ang kapal talaga ng mukha niya!" Naibulong ko na lang. Pumasok na nga ako sa coffee shop habang ang isang kilay ko ay nakataas ng dahil sa lalaking iyon. - - - - - - - Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil maaga rin ang klase ko. "Hi, Jean…" bati sa akin ni Jo nang makita niya ako. "Hi, Jo…” bati ko rin sa kanya. "This is the day ah," sabi nito. Ngumiti lang ako. Alam ko na kasi ang tinutukoy niya. Gets na gets ko na ang pinaparating niya. "Hi, friends!" Si Amery naman na bagong dating ng nasa loob na kami ng room. "Hi, Ame," bati naman ni Jo sa kanya. "Hi, Jo. Hi, Jean…" bati naman niya sa akin. “Hi, Ame…" bati ko rin sa kanya. "Parang may magaganap pala ngayon…" sabi nito. “Oo nga eh. Remember mo rin, Ame?" sabi naman ni Jo. "Oo naman, friend…" wika naman ni Amery kay Jo. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa. “Alam ninyo ang O.A ninyo ah. Nandito lang ako, kung makapag-usap naman kayo riyan na akala ninyo eh wala ako rito..." sabi ko sa mga ‘to. "Ha ha!" Malakas na tawa nilang dalawa. "Gano’n talaga, friend. Syempre baka makalimutan mo kaya pinapaalala lang namin sa iyo ni Joey," sabi ni Ame. “Oo nga naman, Jean. Ikaw talaga masyado kang affected," dagdag naman na sabi Joey. “Kasi naman kayong dalawa, naka-ready naman ako at sinabihan ko naman na si Keyf. ‘Wag na kayong mag-alala. Mamaya makikilala ninyo na siya," sabi ko. "’Yan ang gusto namin sa iyo, Jean. Ready ka parang girl scout, always ready," sabi ni Jo. Nagkangitian na lang sila ni Amery tapos... "Good morning, fellas!" Napatingin kami sa nagsalita. "Eunice!” sambit nila Jo at amery. “Mukhang good ang morning mo ah," sabi ni Ame rito. Tumingin naman sa akin si Eunice na nakangiti sabay... "Oo naman, guys. Maganda talaga ang morning ko," sagot nito. Lumunok naman akong bigla. Nakakakaba kasi kapag ganyan ang mga tinginan ni Eunice eh. Parang may nakahandang pain or what na parating. "Gusto ko talaga niyan!" sabi ulit ni Jo. "Basta relax lang daw tayo kasi nga alam naman daw niya ‘yon. Hi hi…" tawa ni Amery. I just rolled my eyes na lang. Para silang mga sira talaga. Alam ko naman kung ano ang mangyayari ngayong araw eh. Hay naman. "Good morning..." bati sa amin ni Fio. "Hi, Fio." Ngiti at bati ni Jo sa kanya. "Hi, Jo…" Mahinhin naman nitong bati rin kay Joey. "Hi hi. May naaalala ka ba na mangyayari ngayong araw?" tanong ni Jo rito. "Am about sa pagpapakilala ni Jean kay Keyf? Oo naman alam ko iyon.” Ngiting sabi ni Fio na napakamahinhin pa rin ang bawat pagbigkas niya ng mga salita. Napapalakpak naman si Jo sa sinabi ni Fiona. "Good girl ka talaga, Fio…" sabi nito. Agh! Tigilan nga. Nakakainis lang. Alam ko naman eh. Paulit-ulit lang? nasabi kong bigla sa utak ko. "Basta...." si Eunice. "Walang gagawa ng hindi maganda mamaya ah? Remember, boyfriend siya ng kaibigan natin." Paalala nito sa kanila. "Agreeeee!" sabi ng dalawa although nag-open din ang mouth ni Fio pero hindi nga lang malakas ang pagkakasabi niya. "Goooood!" sabi ni Eunice sabay tingin at kindat sa akin. Aw. Iba ‘to… nasabi ko na lang. “Guys, let me just remind you, hindi ko boyfriend si Keyf ah, fake lang ang lahat just in case you forgot it,” I said as I let them reminded. Hindi sila sumagot, bagkus ay nagtawana silang apat. Hay. Napailing na lang ako sa kanila. At dumating na nga ang professor namin. After hours of discussions and reporting’s, sumapit na nga ang kinatatakutan kong oras. Ang BREAK TIME. “Oh, Jean, una na kami ah? Hintayin ka na lang namin do’n sa canteen," sabi ni Eunice. I nodded naman. "O-Oo. Darating kami," sagot ko. "See yah!" Ngiti ni Amery sa akin. "Bye, Jean!" Ngiti rin naman ni Jo. Napailing na naman ako sa kanila. Hay. Kaya ko ‘to. Ako pa ba? Hindi ako dapat mapanghinaan ng loob. Dapat kayanin. Ako ang nagsimula kaya dapat ako ang tatapos. Huminga ako nang malalim at nagsimula nang maglakad. Patungo akong parking lot kasi ro’n ko sinabihan si Keyf na makipagkita sa akin para sabay kaming pumunta ng canteen nang.... "Jean!" Napatingin ako sa biglang tumawag sa akin at napatigil na rin sa paglalakad. "Nick?" Gulat ko rito. "Ano na naman ba?" Naiinis ko na namang tanong dito. "I’m sorry kanina," he said. "Kanina?" Napataas naman ang kilay ko. "I mean kahapon pala,” he said. “I was so depress kaya ko nasabi ‘yon sa iyo. I hope you understand. I just want to let you know that no matter what happen, I will always be here for you," he said na kinainis ko na naman. "Hah?! What are you talking about?! ‘Yung kahapon na nangyari wala na ‘yon okay? At isa pa, Nick, maliwanag pa sa sikat ng araw, utang na loob at labas, tigilan mo na ako!" I Said na tatalikod na sana nang bigla niyang hapitin ang bewang ko at akmang hahalikan ako nang..... "Get away from her!" Narinig kong sabi ni..... "Keyf?!" Gulat kong sambit. Nahatak niya palayo si Nick sa akin at hinawi ako papunta sa likuran niya. “Pare, how many times do I have to tell you that Jean is my girlfriend and that you have no rights to touch her?!" sabi ni Keyf. Halatang naiinis na rin. "And who the hell do you think you are?!" sabi naman ni Nick. "You don’t know me, Dude. I know everything. Kaya ‘wag na kayong magpalabas pa! I love her kaya wala kang karapatan para pangunahan ako o pagsabihan ako na lubayan na si Jean!" "Eh sira ulo ka pala talaga eh. Girlfriend ko nga siya ‘di ba? Nakakaintindi ka ba?" "Hindi mo nga sabi girlfriend si Jean!" sabi ni Nick na bigla lumapit kay Keyf at sinuntok ito sa mukha. "Ahhhh!" Tili ng mga mag-aaral na nando’n sa paligid namin. "Keyf!" Tawag ko rito. Ayoko siyang hawakan. "Jean… Please… Let me show you how much I love you!" sabi ni Nick sa akin. "Baliw ka!" I shouted. “It’s because of you!" Sigaw ni Nick. "I just love you kaya ako nagkakaganito. Now tell me, masama bang mahalin ka hah?" Hinatak niya ako sa braso palapit na naman sa kanya. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" sabi ko rito habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa braso ko. "Bitiwan mo siya sabi eh!" sabi ni Keyf na sumuntok naman ngayon kay Nick dahilan para makuha niya ako. "Jean!" Nagulat ako sa tumawag sa akin. Sila Eunice. "Anong nangyayari rito?" Tanong ni Eunice sa akin. "Sinabi ng hindi mo siya girlfriend eh!" sambit ni Nick. "Ayyy!" Tili ng mga estudyanteng nanonood dahil sinuntok na naman ni Nick si Keyf. "Nick, ano ba?! Tumigil ka na nga!" sabi kong awat dito. "Nick, enough!" Narinig kong sabi ni Eunice. Lumapit na sila sa akin. "Tumigil ka na. Nakakasira ka na ng relasyon!" Si Amery naman ang nagsalita. "Jean. Okay ka lang ba?" tanong ni Fio sa akin nang lapitan niya ako. I nodded naman. “Ikaw, sumusobra ka na eh! Umalis ka na nga rito! Masasapak na kita eh!" sabi naman ni Joey. "I will let you for now pero hindi pa ako tapos sa iyo!" ‘Yun lang tapos umalis na si Nick. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD