Pumayag naman si Keyf na ipakilala ko siya sa mga kaibigan ko.
Oo, natuwa ako kahit papaano dahil hindi ko na siya kailangan pang pilitin o i-please pa.
In short, talagang hindi ako nahirapan na i-convince siya.
Mabuti naman hindi ba?
Pero pinaalalahanan ko pa rin siya dahil kilala ko ang mga kaibigan ko.
"’Wag kang gagawa ng d**k move ah? Lagot ka talaga sa akin kapag may ginawa kang hindi maganda." Paalala ko sa kanya nang magkasabay kaming mag-park ng sasakyan parking area ng school.
Ngumiti naman siya sabay kindat sa akin.
"You don’t have and need to worry, Baby," sabi niyang nakangiti sa akin na hinawakan pa ang baba ko bago tumalikod at maglakad palayo sa akin.
"Sinabi ko ng huwag mo akong hahawakan eh!" Sigaw na sabi ko sa kanya habang naiinis na naman!
Humarap naman siya sa akin at....
"Sorry, Baby. See you later! I love you!" he said tapos nag-flying kiss pa habang nakaharap sa akin at ang kanyang lakad ay patalikod.
"Ang kapal ng mukha! May-pa- I love you pang nalalaman! Ang kapal!” sambit ko habang naiinis talaga sa kanya. Pero mahina lang naman ang pagkakasabi ko sa kanya.
“Yes, Baby! Magkikita tayo mamaya, okay? I’m gonna be missing you too…” dagdag pa niya bago tuluyang tumalikod na sa akin.
“Loko ‘yon ah!" sabi ko habang tinitimpi ang galit at ang inis ko sa lalaking iyon.
Naiinis kasi ako sa mga sinabi niya.
Narinig at nalaman pa ng mga tao sa buong paligid. Nakakainis!
“Lagot ka sa akin mamaya!” mahina kong sabi ngunit hindi ko naman ito nilakasan. Ako lang ang nakarinig sa aking tinuran.
Pagkatapos ay napalingon ako sa ibang direksyon nang mahagip ng mga mata ko si Nick.
I saw Nick habang nakatingin from afar sa amin ni Nick.
Napalunok pa ako nang bahagya.
Kaya naman pala ganoon siya kanina. Nandon pala si Nick sa kabila, sabi ko.
Napatingin na lang ulit ako sa naglalakad na palayong si Keyf at bigla itong tinawag.
"Keyf!!" Tumingin naman siya sa akin.
Kahit ayoko ay hindi ko naman pwedeng hindi ko siya tawagin kunwari.
"Bakit, Baby? Miss mo na ako agad?" Tanong niya na huminto pa at ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin.
Ang kapal mo! Gusto kong isigaw pero nagtimpi ako dahil ayoko nang sumimangot pa at baka mahalata lang ni Nick na hindi talaga totoong magkasintahan kaming dalawa.
"Kita tayo later! Ingat!" sabi ko na kumaway kuno habang ngiting-ngiti talaga ako sa kanya.
Tumango naman siya tapos nag-wave goodbye rin sa akin.
Ngumiti na lang ako nang pagkapeke-peke sa kanya habang kumakaway rin sa kanya.
Pagtalikod ko ay kinuha ko ang cellphone ko at kunwari ay nagtipa ng mensahe ngunit ang nilagay ko ay ang mood ko na sobrang naiinis habang nanggigigil dahil sa pinaggagagawa naming dalawa ni Keyf para lang hindi mahalata ni Nick na nagpapanggap lang kami.
Pero kung tutuusin, ayoko talaga ng mga ganoon.
Hindi naman dapat talaga kami ganoon kaso nandoon naman pala ang lalaking impakto rin na iyon.
Naglakad na nga ako papunta sa room ko pero hindi pa ako nakakalayo ay may biglang humawak naman sa braso ko.
Napalingon ako at napatingin sa kamay na nakahawak sa braso ko.
"Nick?!” Gulat na sambit ko. “How many times do I have to tell you not to hold me nor touch me hah?!" sabi ko rito habang nakatingin sa kanya nang masama.
Tinanggal naman niya kaagad ang kamay niya sa akin.
"I’m sorry, Jean…" he said tapos naglakad na naman ako palayo sa kanya.
Napasimangot naman ako habang palayo sa kanya ngunit tinawag na naman niya ako.
"Jean!” tawag niya sa akin ngunit hindi naman ako humarap sa kanya.
“Bakit na naman ba?" tanong ko habang patuloy pa rin na naglalakad para lang makalayo sa kanya.
"Jean, naman…" Pakiusap naman niya sa akin.
Humarap naman ako nang maayos sa kanya at...
“Nick, can you plea----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita na naman.
"I can’t, Jean.” ‘Yan naman kaagad ang sabi niya.
Kumunot na naman ang kilay ko.
"Please don’t try to tell me to stay away from you ‘coz I can’t. I really can’t, Jean," sabi niya.
“Nick, hi----,” Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil muli na naman siyang nagsalita.
"Jean, sI really like you so much that I can’t get you out of my mind. Gano’n ka ka-intense sa akin."
Tinaasan ko naman siya ng kilay at...
"Nick, pwede ba, ‘wag ka ngang O.A diyan," sabi ko.
Ang o.a kasi nang sinasabi niya. Ang corny. Nakakainis lang.
Akala naman niya ay matutuwa ako or kikiligin sa mga pinagsasasabi niya sa akin.
Hindi ako natutuwa dahil naiinis ako.
"Jean, even if you don’t want me, I still want to court you," he said.
"Nick, ano ka ba? Bingi ka ba? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? O talagang hindi ka lang nakakaintindi sa kahit anong mga sinabi ko sa iyo?" turan ko sa kanya.
"Please don’t get me wrong, Jean,” saad naman niya sa akin. “I really like you kaya ako nagkakaganito. At hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako ng dahil lang sa iyo!"
Napapamaang naman ako sa mga sinasabi niya.
“You are just wasting my time and your time, Nick,” sabi ko. “Diyan ka na nga!”
Iyon lang at tinalikuran ko na siya.
“Jean!” Muli na namang tawag niya sa akin.
“Nick, ano ba?” Humarap na naman ako sa kanya. "Ugh! Will you please stop it?!"
Tumingin akong muli sa kanya.
"May boyfriend na ako at si Keyf ‘yon," sabi ko na halos ayokong sabihin kasi hindi naman totoo pero wala naman akong choice kundi ipamukha sa kanya na talagang may boyfriend nga ako.
Nagmumukha na nga siyang tanga sa kakasunod sa akin eh, tapos pinagpapatuloy pa rin niya.
"Ayokong mag-away kami ni Key dahil lang sa ayaw mo akong tigilan," dagdag na sabi ko pa sa kanya.
"Pero, Jean, gusto talaga kita. Kahit ilang beses mong sabihin sa akin na layuan at kalimutan na kita, hindi ko magagawa. Okay? Kahit magalit ka sa akin ay hindi ko gagawin ‘yon kasi ayoko. Ayoko!" mariin niyang sambit sa akin na talagang hindi nga niya gagawin ang nais ko na layuan at tigilan nga niya ako.
Inirapan ko na naman siya at namewang pa sa harapan niya.
"Eh talaga naman pa lang napaka-imposible mo eh,” saad ko na rito. “Hindi ko alam kung ano ang nilalagay mo sa pag-iisip mo pero isa lang ang gusto ko Nick. Tigilan mo na ako!"
‘Yun lang at talagang umalis na ako. Tinalikuran ko na siya talaga at hindi na pinansin pa.
“Jean!” Muli pa ring tawag niya sa akin ngunit talagang hindi ko na siya pinansin pa.
Nakakainis na kasi. Paulit-ulit na lang ang mga sinasabi niya sa akin. Hindi na natapos. Hindi na talaga kami natapos.
Pumasok na ako ng room namin at nakita kong nandoon na sila Joey.
"Oh? Bakit nakasimangot ka, Jean? Ang aga naman niyan," sita at tanong ni Jo sa akin nang makita niya ako.
Naupo naman ako sa pwesto ko. Hinagis ko pa nga ang gamit ko kasi naiinis talaga ako.
"Kasi naman! Nakakainis eh!" sabi ko.
"Bakit na naman ba, Jean? Ano na naman ba ang kinaiinis mo riyan?" tanong ni Eunice sa akin.
"Hindi ano, kundi sino,” I said.
“Ay… Parang alam ko na kung sino,” sabi ni Amery. “Friend, don’t tell me na si Nick na naman ‘yan?" tanong niya sa akin.
Tumingin naman ako sa kanila at lalong sumimangot.
"That answers our question," Ame said.
Naupo naman niya sa may tabi ng upuan ni Eunice.
"Ano na naman bang ginawa sa iyo nang makulit na ‘yon hah? Sabihin mo lang at nang masuntok ko na para sa iyo! Kating-kati na kasi ang kamay ko na dumapo sa mukha niya eh!" Gigil naman na sabi ni Joey.
"Relax ka nga lang diyan, Joey. Para ka na namang hindi babae eh," saway ni Amery rito.
"Lalaki ako!" sabi naman na sagot ni Jo kay Ame.
"Hay, ewan ko sa iyo! May dibdib ka ano, tumigil ka nga sa kakaganyan mo. Magpakababae ka nga riyan!" sabi pa ni Ame rito.
"Lalaki ako, Ame. Tapos ang usapan," turan naman ni Joey.
"Hay nako. Huwag na nga kayong magtalo pa riyan.” Pigil at saway naman sa kanila ni Eunice. “Sinabayan ninyo pa ‘tong si Jean…"
“Ito naman kasing si Amery eh,” sabi ni Jo.
“Oh, bakit ako? Ikaw kaya riyan. Sinasabihan lang naman kita na magpakababae ka eh,” Ame said.
“Oh tingnan mo, Nice, pinipilit niya ang isang bagay na hindi ko naman gustong gawin,” sumbong naman ni Jo kay Eunice.
“Hay nako… Tumigil na nga kayo. Hindi kayo ang dapat nagkekwento at naggaganyanan. Pwede ba, si Jean nga ang magkwento sa atin, hindi ‘yong kayong dalawa ang sumasabat diyan,” medyo inis na sabi na ni Eunice sa kanila.
“Hmp. Oo na,” sabi na lang ni Jo.
“Oh, Jean, tell us what happened. Ano na naman ba ang ginawa ni Nick at napi-piss off ka na naman sa kanya?" Tanong nito sa akin.
Nakasimnagot pa rin ako.
“Ano? Ready ka bang ikwento sa amin o hindi?” tanong ni Ame.
Huminga naman ako nang malalim at saka sumagot sa kanila.
“Oo, ready naman akong ikwento sa inyo. Kaso baka kasi pati pagkekwento ko ay maapektuhan sa sobrang inis ko na sa Nick na iyon,” sabi ko.
Medyo natawa naman si Eunice sa tinuran ko.
“Ganito, mag-relax ka muna nang ilang segundo bago ka magsalita at magkwento, okay ba sa iyo iyon?” tanong ni Eunice sa akin.
Tumango naman ako biglang pagsagot sa kanya.
At binigyan nga niya ako ilang segundo.
“Oh, ready ka na ba, Jean?” tanong ni Jo.
Tumango naman ako.
“Oo,” sagot ko. “Ganito kasi iyon…” At sinimulan ko na nga ang pagkekwento sa kanila. “Hindi raw niya kayang layuan at tigilan ako talagang gustung-gusto raw niya ako,” sabi ko.
"Grabe siya, friend,” sabi ni Amery.
“Eh talaga pa lang loko ang lalaking iyon eh,” sabi naman ni Joey.
“Sandali nga muna kasi…” Muli na namang sita sa kanila ni Eunice.
Natahimik na naman silang dalawa.
“Pwede ba kasing makinig muna tayo kay Jean at patapusin ang kwento niya? Pwede ba iyon?” tanong niya kila Joey at Amery. “Mamaya na lang tayo magbigay ng mga opinions at saloobin natin kapag kailangan na nating magsalita, pwede ba iyon hah?”
Tumango naman sina Amery at Joey.
“’Yan. Thank you. Sige na, Jean, ituloy mo na,” sabay baling sa akin ni Eunice.
Tumango naman ako sa kanya.
“Hindi raw niya kayang pagsabihan ang sarili niya kasi para na raw siyang mababaliw kakaisip sa akin,” sabi ko.
Napasimangot na naman ako at napatingin sa kanila nang maaala ko ang sinabi niya kanina na isa pang kinainis ko.
“At liligawan pa rin daw niya ako kahit na may boyfriend na ako!” sabi ko.
“Hah?!” Gulat naman na sambit nina Joey at Amery.
Nagkatinginan pa nga silang dalawa dahil nagulat sila na sabay ang naging ekspresyon nila.
“Totoo ba iyan, Jean?” tanong ni Joey sa akin.
Tumango na naman ako rito. “Oo. Sinabi niya ‘yon kanina sa akin,” sagot ko.
“Grabe naman si Nick,” sabi ni Amery. “Hindi ako maka-get over sa sinabi niya sa iyo na kahit may boyfriend ka na eh liligawan ka pa rin niya.” Tuloy pa rin na sabi ni Ame.
“In short, malakas talaga ang tama niya sa iyo, Jean," sabi ni Joey.
“Tama si Joey..." Napatingin naman kami sa nagsalita.
“Fio!” sambit ko tuloy.
Wala kasi siya kanina.
“Oh, Fio, saan ka ba nanggaling?” tanong ni Joey.
“Pasensya na kayo na-late ako,” sabi niya. “May ginawa lang kasi akong mahalagang bagay,” dagdag pa niya.
“Ah… Okay lang. At least nakapasok ka,” Amery said.
“Well, sinabi ninyo ng lahat nang pwede kong reactions," sabi ni Eunice. "But I guess you really need to say yes to my suggestion," saad nito na kinatingin namin sa kanya nang seryoso.
Napalunok pa ako dahil bigla kong naramdaman ang kaba sa mga mata ni Eunice.
Para kasing alam ko na ang sasabihin niya, pero sana ay hindi iyon.
"Ano ‘yon, Nice?" Tanong dito ni Amery.
Napangiti muna si Eunice sabay umayos nang pagkakaupo sa kanyang pwesto at...
"Don’t try to say no, Jean,” she said dahilan para mapalingon naman sa akin sina Jo at Amery.
“Guys, huwag ninyo naman akong takutin.” Pakiusap ko sa kanila.
“Jean, hindi ka naman namin tatakutin or tinatakot. At mas lalong hindi talaga kita tinatakot,” Eunice said. “It’s the only way left na alam ko at nararamdaman kong titigilan ka na ni Nick." Ngiting-ngiti siya sa akin. Natatakot tuloy ako sa sasabihin niya.
"Ano ba kasi ‘yon, Nice? ‘Wag ka na magpa-suspense pa riyan at pati kami ay nadadala na sa takot ni Jean dahil sa iyo," sabi ni Joey.
“’Wag nga kayong atat. Alam kong magugustuhan ninyo rin ‘to,” sabi nito.
Nagkatinginan na naman sina Jo at Amery.
“Mukhang okay iyan ah,” sabi ni Amery. “Splook mo na iyan, Eunice. Dali na. Huwag mo nang patagalin pa.” Pakiusap naman ni Amery kay Eunice.
“Fine… Jean..." tawag ni Eunice sa akin.
Tumingin at talagang tumitig siya sa akin.
Napalunok naman ako kasi parang nakikinita ko na ang gusto niyang suggestion.
Kaya ko kaya ang nasa isip niya?
Iyon kaya ang iniisip niya?
Magkatulad kaya kaming dalawa nang iniisip?
Hay, ang dami ko namang tanong. Halatang hindi ko gusto ang magiging suhestyon niya.
Ahhh! Good luck sa iyo, Jean! sambit ko sa isipan ko.
Hinawakan niya ako sa balikat at...
"It’s time to meet, Keyf," she said na kinakaba ko talaga.
As in bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
‘Yung ngiti niya kasi ay nagsasabing hindi ‘yun suggestion kundi dapat talagang gawin ko.
"Ay bet ko ‘yan, friend!" sabi ni Amery na halatang sang-ayon siya sa sinabi ni Eunice ngayon lang.
"Ako rin, Jean. Approve sa akin ‘yon," sabi naman na pagsang-ayon ni Joey kay Eunice. “Gusto ko ring makilala ang Keyf na iyon. Nawi-weird-ohan ako sa pangalan niya pero parang okay naman siya,” dugtong niya sa sinabi niya kanina.
Napatingin naman kami kay Fio na naghihintay naman nang sasabihin at isasagot.
Ngumiti naman siya sa amin at…
"Hindi ninyo na kailangan ng sagot ko kasi sa majority naman ako palagi kaya kung saan kayo ay ro’n din ako." Mahinhin naman na sabi ni Fio dahilan para mapalunok na naman akong muli.
Napabuntong hininga pa ako at napapikit sabay...
"Yes. Maybe you are all right,” sabi ko. “Dapat na talagang ma-meet ninyo si Keyf," I said dahilan para mapangiti si Eunice sa akin.
"Wohooo!" Masayang sabi naman ni Ame.
"Yes!" Masaya rin naman na sambit ni Joey.
Ngumiti lang si Fio.
At sana talagang tama ang desisyon kong ipakilala na si Keyf sa kanila.
Pero alam ko namang ready na si Keyf eh. Sinabihan ko naman na siya.
Pero sana tama ‘yung gusto kong mangyari.
Sana tama na iyon nga ang gawin ko.
Sana tama nga talaga.
Please help me.
Para matapos na ang pangungulit ni Nick, dahil ayoko talaga nang kinukulit-kulit ako.
Alam ko namang matagal ko na siyang b-in-asted, pero talagang makulit siya.
Hindi siya marunong sumuko.
Ano ba kasi ang meron sa akin para hindi niya ako tigilan?
Hindi naman ako katulad ng ibang babae na sopistikada.
Hindi naman ako makolorete sa mukha.
Hindi ako mahinhin.
Maton pa nga ako kung kumilos eh, pero bakit ako pa rin ang nagustuhan niya?
Nandiyan naman sina Amery at Eunice, even Fiona, bakit ako?
Hay!
Ngumiti na lang ako nang pilit kanila Eunice.
"So friend, kailan ba namin siya mami-meet?" Tanong ni Amery.
Tumingin lang ako rito at saka sumagot.
“Sa totoo lang, hindi ko pa alam,” tugon ko kay Amery.
“Hah? Edi matagal pa?” tanong pa rin ni Amery sa akin.
Napaisip naman ako habang nakatingin sa kanila.
"Jean, don’t think of us,” Eunice said. “Ready kami lagi. Ang tanong lang naman ay siya ba ready na to meet us?" Tanong ni Eunice.
Napabuntong hininga na naman ako.
Ready na nga ba talaga si Keyf? O ako lang ang nag-iisip na ready na siya?
Paano kung hindi naman pala siya handa na makilala ang mga kaibigan ko?
Kaya kaya talaga namin?
Ahhh! Mababaliw na ata ako kakaisip!
Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado.
"Yeah. He was. I mean, he was ready to meet you before," sagot ko lang sa kanila. “Ewan ko lang ngayon.”
"Well kung gano’n, you better tell him na gusto na rin naman siyang makilala at makasama,” sabi ni Eunice. “Bring him tomorrow at the canteen." Ngiting utos at wika ni Eunice sa akin.
“Hah?” Naisambit ko.
“Yes. Bring him tomorrow at the canteen, Jean. At least may isang araw pa siya na maghanda bago niya kami makilala,” Eunice said.
“Ah… Ano…. Um…” Nagkakandautal-utal na sambit ko kay Eunice.
“Jean, relax. Kami lang naman ang makikipagkilala sa kanya. Hindi naman namin siya aanuhin eh,” sabi ni Amery.
“Oo nga naman, Jean, hindi naman siya kakainin ng buhay, babalatan lang,” sabi naman ni Joey sabay tawa nang malakas.
“Sira ulo ka talaga, Jo!” sabi naman ni Eunice.
“Ha ha!” tawa ni Jo.
“Hay nako… Basta bukas ipakilala mo na siya sa amin, Jean. Okay?” Kindat ni Amery sa akin.
Napatingin na naman ako kay Eunice.
“It will be very fine, Jean, mark my word,” Eunice said dahilan para mapatango na ako sa kanya at mapangiti.
Sana nga tama talaga ang gagawin ko.
Sana tama nga talaga ang mangyayari.
Bahala na!