Nakita ko namang lumapit si Amery kay Keyf.
"Okay ka lang ba?" Narinig kong tanong ni Amery kay Keyf nang makalapit ito sa kanya.
Tinulungan niya itong tumayo nang maayos at...
"Thank you..." sagot naman ni Keyf dito.
Ngumiti naman si Amery sa kanya at saka sumagot.
"Wala ‘yon,” sabi nito sabay lahad ng kamay niya kay Keyf. "I’m Amery,” sabi nitong pagpapakilala kay Keyf. “Friend ni Jean,” dugtong pa nito.
Naglahad din naman si Keyf ng kanyang kamay at sumagot din naman kay Amery.
"Nice meeting you. I’m Keyf," sagot din nito.
"Ehem..." Pakunwaring ubo ni Joey na naging dahilan para mapatingin naman kami lahat sa kanya lalo na si Amery.
Alam ko naman kasing way lang niya iyon para maialis ang ginagawa ni Amery kay Keyf.
Eh wala naman akong pakialam kung paano ipapakilala ni Amery ang sarili niya sa impaktong iyon. Basta ang importante at mahalaga ay makilala nila ang fake boyfriend ko na si Keyf.
"Joey, pare,” sabi naman na pagpapakilala ni Joey kay Keyf.
"Hi, Joey,” sambit naman ni Keyf. “Keyf.” Pagpapakilala rin ni Keyf sa kanya sabay shake hands naman nilang dalawa.
Tapos...
"Fiona," sabi naman ni Fio na nakipagkamay rin dito.
"Hello, Fiona," wika naman ni Keyf. “I’m Keyf.” Pagpapakilala rin niya kay Fiona.
At ang huli...
"Hi…" sabi ni Keyf dito pero hindi naman siya nito pinansin agad.
"Sana naman nag-offer muna tayo ng first aid sa mukha niya ‘di ba?" sabi bigla ni Eunice na kinatingin naman namin nila Fio, Ame at Jo rito.
Pati si Keyf ay napatingin din sa amin.
“Puro kayo pakilala sa sarili ninyo, hindi ninyo man lang naisip na may sugat ‘yong tao,” sabi nito sa amin sabay baling ng tingin kay Keyf. "Come. Pumunta muna tayo ng clinic," aya ni Eunice kay Keyf.
“Hah? Um ano ka-----,” Hindi na natuloy pa ni Keyf ang sasabihin pa niya nang muling magsalita si Eunice.
“I insist. Hayaan mo na muna sila riyan. Kaya nila ang sarili nila at huwag ka nang mag-alala pa dahil mababantayan nila si Jean. For sure hindi na rin naman babalik iyong Nick na iyon eh.” Mahabang saad ni Eunice kay Keyf habang nakatingin pa rin sa amin.
Napamaang naman ako sa sinabi niya.
“Op! Huwag ka nang magsasalita, Jean. Sige na, hintayin ninyo na lang kami sa canteen.” Iyon lang ang sinabi niya bago niya hinawakan ang braso ni Keyf at yayain na itong umalis papunta nga ng clinic.
Sumama naman sa kanya si Keyf.
Nagkatinginan naman kami nila Amery, Jo at Fio habang napapakibit na lang ng aming mga balikat.
“Oh, narinig ninyo naman ang sinabi ni Nice, mauna na tayo sa canteen at hintayin na lang natin silang dalawa ni Keyf do’n,” sabi ni Amery.
“Oo, narinig namin. Tara na, Jean,” aya na ni Jo sa akin.
Nakatingin pa rin kasi ako sa papalayong sina Eunice at Keyf.
Nag-aalala lang naman ako na baka mamaya ay iba ang mapag-usapan nila na wala sa napag-usapan namin ni Keyf.
Baka kung ano pa ang masabi niya.
“Jean!” Tawag ni Jo na nagpabalik ng aking huwisyo.
“Hah?”
“Sabi ko, tara na. Halika na. Mauna na tayo sa canteen at baka magalit pa si Eunice kapag hindi niya tayo nakita roon pagbalik nila galing clinic,” sabi ni Jo sa akin.
“Ah… O-O-Oo, T-Tara na…” Naisagot ko na lang dito.
At ‘yon na nga. Sumunod na lang kami sa sinabi ni Eunice na hintayin siya sa canteen.
Nang makarating na kami sa canteen ay naupo na nga kami sa pwesto nila kanina.
Napaalis lang naman sila dahil sa may narinig silang nagkakagulo kanina at iyon nga sina Nick at Keyf.
"Friend! Ang gwapo naman pala eh!" sabi ni Amery sa akin nang makaupo na kami sa upuan.
"At mukhang mabait,” dagdag naman ni Joey. “Biruin mo, pinagtanggol ka talaga kay Nick kanina?" saad pa nito.
"At wala siyang pake kahit masaktan pa ang cute niyang face!” Kinikilig naman na sabi ni Amery. “Kainis ka friend! Ang swerte mo naman sa kanya!" dugtong pa na sabi ni Amery na kinataas ko naman ng kilay sa kanya sabay...
"Ame, Jo,” tawag ko sa kanila. “Baka nakakalimutan ninyo na trabaho niya ‘yon as my fake boyfriend. Palabas. Gano’n lang. Syempre kapag hindi niya ginawa ‘yon, edi nahalata ni Nick na hindi talaga kami? Mas lalo niya akong kukulitin. Ayoko nang gano’n. Kaya mas okay na ‘yung ginawa ni Keyf kanina. Pinakita at pinamukha lang niya na talagang dapat na akong layuan ng Nick na iyon," mahabang sagot ko naman sa kanila.
"Ay grabe siya… Kawawa naman feslak ni Keyf, friend. Kita mo naman nagkabukol siya ng dahil sa pagtatanggol sa iyo. Hay. Ikaw talaga..." sagot nito.
"Oo nga pero bilib ako sa kanya ah?” sabat na naman ni Jo. “Nakaya niyang suntukin si Nick eh mas matangkad pa ‘yon sa kanya eh ha ha!” Tawa nang malakas ni Jo. “Ibig sabihin........" Napatigil naman sa pagsasalita si Jo.
Nagkatinginan silang dalawa ni Amery ngunit hindi namin inaasahan na magsasalita si Fio.
"Ibig sabihin ay may gusto siya sa iyo…" Dugtong ni Fiona na kinagulat namin at kinatingin sa kanya sabay ngiti naman nina Jo at Amery.
"Ay pwede…" sabi ni Jo. “Ang galing mo sa part na iyon, Fio,” dagdag pa na sabi ni Jo rito.
Ngumiti lang si Fiona kay Joey.
"Oo nga naman, friend," bigla namang sabat ni Amery. “May point si Fiona sa sinabi niya. Baka nga may gusto sa iyo si Keyf kaya gano’n na lang siya kung ipagtanggol ka?”
Tumingin naman ako sa kanilang dalawa na nakataas ang kilay.
"Seriously?” sambit ko sa mga ito. “Alam ninyo, si Keyf kabisado ko na. Akala ninyo lang meron pero wala. Pati ba kayo? Guys, ano ba? Palabas lang ‘yon. Okay? At huwag ninyo kong gawan ng issue sa mga ganyang bagay. Kilala ninyo naman ako. Ayoko sa mga gano’ng lalaki. Kaya ko lang siya ipapakilala ay para makumbinsi natin si Nick na may boyfriend na nga ako nang totally ay tigilan na ako no’ng lalaking iyon. At saka nag-usap na kami ni Keyf na ganoon ang gagawin niya para talagang ma-convince namin si Nick na kami nga talaga. Huwag nga kayong ano riyan! Kung ano-ano ang mga pinag-iiisip ninyo eh. Masyado naman kayong malisyoso. Huwag gano’n kasi nga talagang napag-usapan na namin ni Keyf ang bagay na iyon. Huwag ninyong pag-isipan nang masama ‘yong ginawa ng tao kasi nga-----," Mahaba kong sagot sa kanila na natapos na dahil nagsalita si Amery.
“Oo na, friend. Gets na namin. Hindi ka na gusto no’ng tao. Ang haba na nang sinabi mo eh. Naintindihan naman na namin,” sabi ni Amer.
Nagkatinginan naman sila at nagkangitian na parang hindi kumbinsido sa sagot ko na kinainis ko sa kanila.
"Ano ba ‘yan, Guys. Kung iniisip ninyo ngang may gusto sa akin si Keyf, pwes nagkakamali kayo. Nag-usap na talaga kaming dalawa. Okay? Kaya ‘wag ninyo nang ipilit pa ‘yang iniisip ninyo. Tara na nga! Baka maubusan pa tayo ng pagkain. Pumila na tayo!" sabi ko na lang sa kanila na nauna na nga sa bilihan ng kung ano sa canteen.
Nang nakapila na kami sa canteen para bumili ng pagkain ay…
"Dito na lang tayo para sakto ‘yung upuan," sabi ni Jo. Nakakita kasi siya nang mas maluwag na pwesto kaya naman kinuha nilang dalawa ni Fiona ang mga gamit namin at inilipat sa mas maluwag na pwesto.
Sumunod naman kami nila Ame at Fio tapos umupo na. “Mamaya na lang tayo bumili ng pagkain kasi wala pa naman sina Nice,” sabi ni Amery.
“Um, tama. Baka kasi hindi naman nila magustuhan kung ano ang bibilhin natin,” sabi naman ni Jo.
"Guys!" Napalingon kami sa biglang tumawag sa amin.
"Nice!" Si Jo.
Lumapit naman sila Eunice at Keyf sa pwesto namin.
"Oh, kumusta? Okay ka na ba Keyf?" Tanong ni Ame rito na kinataas ko ng kilay.
"Okay naman na ako. Salamat kay Eunice." Ngiti naman ni Keyf sabay tingin kay Eunice.
"Oy! Ano ‘yan hah?!" Si Ame.
"’Wag kayong malisyoso. Malamang ako ‘yung kasama niyang nagpunta sa clinic. Ako ang nag-asikaso sa kanya ‘no. Wala ba namang nag-initiate nang tulong sa inyo eh kaya malamang ako na lang," sagot ni Eunice.
"Bakit, wala ba si Nurse?" Tanong ni Jo.
"Nandon si Nurse Lala pero may mga inaasikaso eh. At kaya naman namin na i-assist ang sarili namin ni Keyf kaya ako na lang tumulong sa kanya. ‘Di ba, Keyf?" Tinging ngiti ni Eunice kay Keyf.
"Yes.” Pagsang-ayon naman ni Keyf na may kasama pang pagtango. “Tama ‘yung sinabi ni Eunice. Kaya naman namin kaya hindi na kami tinulangan pa ni Nurse Lala."
"Magkakilala na pala kayo…" Nasabi kong bigla na kinatingin nila sa aking lahat.
"May masama ba, Jean?" Tanong ni Eunice.
Pati ako ay nagulat sa tinuran ko.
"H-Hah? Wala naman. Nasabi ko lang. A-Ang ibig kong sabihin eh mabuti naman kung nagkakilala na kayo," sabi ko na ngumiti nang pilit.
"Ah… Akala ko kung ano eh," sabi lang nito sabay tingin kay Keyf. "Tara. Upo na tayo." Aya nito sa kanya.
Umupo na nga silang dalawa.
Hindi naman sila magkatabi. Kasi ako ang katabi ni Eunice tapos si Amery naman ang katabi ko. Ang katabi naman ni Amery ay si Joey. At teka? Wala naman akong pakialam kung sino man ang tumabi o tabihan niya. Okay lang naman sa akin dahil mga kaibigan ko naman ang kasama niya.
"Order na tayo, guys,” sabi ni Jo.
“Hindi pa pala kayo nag-order?” tanong ni Eunice.
Pare-parehas naman kaming umiling.
“Hindi pa,” sabi ni Jo.
“Bakit hindi pa?” tanong na naman nito.
“Eh kasi baka hindi ninyo magustuhan kung ano ang bibilhin namin kaya hindi na lang muna kami bumili,” tugon naman ni Amery.
“Hay nako…” sabi ni Eunice habang napapasapo na lamang sa kanyang ulo.
"Ako na lang ang bibili," biglang presenta na sabi ni Keyf na kinatingin naming lahat sa kanya. "I mean, my treat." Ngiti niyang sabi.
Nagkatinginan naman sila Jo, Ame at Eunice.
"Ehm… Sige. Ikaw ang bahala,” sabi ni Eunice.
"Ano ba ang gusto ninyo?" Tanong ni Keyf sa kanila.
"Ako ‘yu----" Hindi na natuloy pa ni Jo ang sasabihin sana niya kasi nagsalita bigla si Amery.
"Samahan na kita, Keyf, para hindi ka mahirapan. Alam ko naman ang mga ino-order ng mga ‘yan eh," sabi nito.
“Yeah. Sure," sagot naman ni Keyf dito habang tumatango at nakangiti kay Amery.
Napatingin naman sa akin si Amery.
“Jean, okay lang ba?” tanong nito sa akin.
“Hah? O-Oo naman. Okay lang sa akin,” sagot ko naman dito.
“Oh, halika na…” Aya na ni Amery kay Keyf.
At nagsama nga silang dalawa.
Kitang-kita ko na natutuwa si Keyf kay Ame at halata namang crush ni Ame si Keyf.
Wala naman sa akin ‘yon. Okay lang kung maging sila or what. Basta ang mahalaga eh bahala na sila sa mga buhay nila. Matatanda na sila.
"Huy!" Gulat sa akin ni Eunice.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Hah? Bakit?" sambit ko tuloy.
"Okay ka lang na riyan?” tanong nito. “Eh kanina ka pa nakatingin sa dalawa eh," sabi nito.
"Hah? Hindi ah. Sa iba ako nakatingin," pagsisinungaling kong sagot dito. “May nakita kasi ako ro’n na. Si ano ata…. Ay hindi pala,” sabi ko sabay tawa nang bahagya para makalusot.
“Hay nako. ‘Wag magsinungaling dahil kilala na kita” sabi nito. “Okay lang ‘yan, Jean. ‘Wag kang mag-worry kay Keyf. Kino-close lang siya ni Amery para naman makumbinsi talaga natin si Nick na mag-jowa nga kayo nitong si Keyf. Relax ka lang. Huwag kang mag-isip nang mali dahil walang malisya at mali sa kanilang dalawa, okay?" sabi ni Eunice.
"Hah? Ano ba ang pinagsasasabi mo riyan, Eunice? Relax lang ako. Ano ba kayo? At isa pa, hindi naman sila ang tinitingnan ko eh. Bakit ko naman sila titingnan?" sagot ko naman sa kanya.
Nagkatinginan naman silang tatlo sabay nagngitian.
"Owkey. Sabi mo eh," sabi lang ni Eunice.
“Guys, ano ba kayo? Okay lang ako. Hindi ko naman talaga sila tiningnan eh,” sabi ko pa rin sa kanila.
Hindi ko naman sila tinitingnan eh. At bakit ko sila titingnan? sabi ko sa isip ko.
“Oo na, hindi na kung hindi…” sabi ni Jo.
"Pero in fairness, Jean. Mukhang mabait nga siya. Pinagtanggol ka niya kanina eh. I admired him for that," sabi ni Eunice na nakatingin na din kanila Ame at Keyf.
"’Yun nga ‘yung sinasabi namin kanina sa kanya ni Amery. Eh ito naman kasing si Jean walang pakialam," sabi ni Joey.
"What? Bakit naman?" Gulat na tanong ni Eunice sa akin.
"Guys, naman. Parang hindi naman kayo aware. ‘Di ba alam ninyo naman na show lang ‘to? I mean, palabas. Palabas para mapasakay si Nick na may boyfriend ako, ‘di ba? Kaya ‘yung nakita ninyo kanina, isa na ‘yon sa palabas. Oh kita ninyo na? Pati kayo naniwala? In short, effective," sabi ko.
"Hah?" Si Eunice.
"Hay naman. Basta. ‘Yung nangyari kanina, part nang pagpapanggap ‘yon, okay?" aabi ko na lang sa kanila para matigil na.
"Heto na ang mga food!" sabi ni Amery sa tonong excited kumain na nagpatigil na sa amin sa pag-uusap nila Eunice at Jo.
Nagpalit ng pwesto si Ame at Joey kasi katabi ko na ito. Bale si Amery na ang katabi ni Keyf sa kaliwa at ako naman sa kanan.
"Keyf…” Napatingin kami kay Eunice. "Salamat nga pala kanina sa ginawa mong pagtatanggol sa kaibigan naming si Jean ah. Actually, nakita namin ‘yon,” sabi nito na kinatingin ko sa kanya. "Kaya lang we saw you to the rescue kaya alam naming hindi mo pababayaan ‘tong friend namin na mahawakan ng Nick na ‘yon." Mahabang sabi nito.
"Thank you rin,” sagot naman ni Keyf.
"Bakit ka naman nagte-thank you sa amin?" tanong ni Amery.
"For trusting me. I mean, hindi ko pa kayo ka-close pero nasasabi ninyo na sa akin ang mga ‘yan," sabi niya.
"Ah. Wala ‘yon. Lahat ng kaibigan ng kaibigan namin ay kaibigan na rin namin. Mas lalo ka na kasi boyfriend ka ni Jean," sabi ni Eunice.
"Fake." Interrupted ko naman sa kanila. "Fake boyfriend," ulit ko pang sabi.
Tumingin naman sa akin si Nice.
"Oo na. Fake na kung fake. Basta Keyf, ikaw na ang bahala kay Nick. Matigas ulo no’n eh. Sadyang malakas lang ang tama niya kay Jean kaya gano’n ‘yon. Intindihin mo na lang. Pero alam naman namin na makukumbinsi mo ‘yun na boyfriend ka nga nitong kaibigan namin." Ngiting sabi ni Eunice sa kanya.
"No worries. Kaya ko ‘yan." Kampante namang sagot dito ni Keyf.
"Magaling kung gano’n kasi laging nakabuntot dito si Nick eh." Dagdag pa ni Jo.
"Hindi siya tinatantanan." Si Amery naman.
"Kaya dapat lang na makagawa kayo nang paraan na makumbinsi siyang kayo nga nitong kaibigan namin. Don’t worry kasi handa kaming tumulong kung kinakailangan. Basta ang importante, mapalabas ninyong kayo nga." Mahabang sabi na naman ni Eunice.
"Okay. Walang problema. Maaasahan ninyo ako." Ngiting pagsang-ayon ni Keyf sa mga sinasabi nila.
"Pero....." sabat na naman ni Amery.
"Hmmm?" baling naman namin kay Amery.
"Para mas ma-convince natin si Nick na kayo nga, kailangan mong maki-join sa mga lakad namin. You know. To bond with us," sabi ni Amery.
"I agree!" sabi naman ni Joey.
Nag-nod naman si Fiona.
"Kasi matalas ang paningin at pang-amoy ni Nick. Mabilis niyang mahalata kaya mas magandang sumama-sama ka sa amin minsan. Kung okay lang naman sa iyo…" sabi ni Eunice.
Napatingin naman ako kay Keyf.
Okay lang naman sa akin kung sumama siya.
Wala namang problema iyon.
"That’s nice. I mean, I’m in," sabi niya.
"Woooooh!" Napatili naman sila Ame at Nice sa sagot ni Keyf habang si Jo naman ay napa...
"’Yun ‘yon!"
Si Fiona naman ay ngumiti lang.
At ako?
Wala.
Sakto lang.
Lumipas pa ang ilang minuto at nagkasundo nga sila na dapat kasa kasama namin si Keyf sa ilang mga lakad namin.
"At kapag napaniwala na natin si Nick, saka kayo magsisimula ni Jean na paunti-unting hindi na magsasama para hindi naman mahalata ni Nick ‘di ba?" Si Ame.
“In short, unti-unti na kayong magkakalabuan kunwari…” sabi ni Eunice.
"Okay. I agree." Si Keyf.
"Good. Tapos kapag ka okay na, date tayo ah?” biglang aya ni Amery rito.
Nagulat kami sa sinabi ni Ame kaya naman tinawag ko siyang bigla at...
"Friend, tara samahan mo naman ako magbanyo," sabi ko.
"Hah? Ikaw na lang. O kaya pasama ka kay Fio," sagot nito sa akin.
"Ikaw na. Ikaw naman ang lagi kong kasama eh. Halika na." Pilit ko rito.
Tumayo naman na siya at nagpaalam pa kay Keyf bago sumama sa akin.
Nang nasa banyo na kami ay....
"Amery, halata ka naman masyado. Crush mo si Keyf ‘no?" Tanong ko rito.
"Friend, naman. Wala naman sigurong masama ‘di ba?" sabi niya.
"Amery… Oo walang masama. Pero paano kapag nakita ka ni Nick na ganyan ang trato mo sa boyfriend ko?" Tanong ko rito.
"Boyfriend mo, friend? Ikaw ah..."
"I mean, ni Keyf,” sabi ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Don’t worry, friend. Hindi ko naman ipapakita kay Nick eh. Okay? Kumalma ka. Crush ko lang siya. ‘Wag kang mag-alala dahil hindi ko naman siya aagawin sa iyo," sabi niya sabay ngiti.
“Ano?! Amery… Wala akong pakialam kung gusto mo siya or what. Ang akin lang, lumugar ka," sabi ko rito.
"Nagseselos ka ba?" tanong niya.
"Hah?! Hindi ah. Bakitt naman ako magseselos?! Sinasabi ko lang ‘yung point ko." Dire-diretso kong sagot.
"Ah. Oo na. Magbe-behave na ako. Kumalma ka na. Hindi na. Masyado ka namang hot eh. Ha ha!" Tawa nito.
Hay naman. Napasapo na lang ako sa noo ko.
"Inaya mo pa ako sa banyo ah? Ikaw talaga, friend… ‘Wag kang mag-alala, hinsdi ko aagawin si Keyf sa iyo okay? Halika na. Bumalik na tayo ro’n," sabi nito.
Hindi ko na lang sinagot ‘yung sinabi niya. Baka kasi isipin pa niya eh nai-insecure ako sa kanya. Hindi naman. Pinapaalalahanan ko lang naman siya.
Hay naman.