Ang Manliligaw na si Nick

3414 Words
Hindi ko inaasahan na makikita ko ang lalaking manyak na iyon sa bar at dito pa talaga sa University kung saan ako nag-aaral.   “Ang kapal ng mukha! Ang presko!” Naiinis kong sambit habang naglalakad nang mabilis palayo sa bwisit na lalaking iyon.   Magkadikit na naman ang aking mga kilay dahil sa inis.   Paano naman kasi ay umagang-umaga, siya na kaagad ang bumugad sa akin!   Hay nako!   “Akala naman niya gusto kong makipagkilala sa kanya! Duh! Arr!”   Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit nagagalit ako at nakakaramdam nang pagkainis.   Basta na lang naramdaman ko ang aking inis nang makita ko ang bwisit at impaktong lalaking iyon.   “Nakakainis! Hindi na naman maganda ang umaga ko!” wika ko habang patuloy sa paglalakad.   Napatingin akong bigla sa tumawag sa akin.   “Hi Jean!”   Kabisado ko na ang boses na iyon kaya naman napataas na ako ng kilay.   “Hi…” muli niyang sambit nang makalapit na siya sa akin para sabayan ako sa paglalakad.   “Personal space, Nick,” sabi at inis na paalala ko rito.   Umusog naman siya nang bahagya palayo sa akin habang patulo akong sinasabayan sa paglalakad.   “Ang init naman ng ulo mo, Jean. It’s still early in the morning,” he said.   Hindi pa rin ako humihinto sa paglalakad patungo sa building kung saan ang klase ko.   “Hey…” sabi niya sabay biglang hawak sa braso ko.   Napatigil naman na ako sa paglalakad at doon ay mabilis na iwinasiwas ang kamay ni Nick upang matanggal mula sa pagkakahawak sa aking braso.   “Don’t touch me, Nick!” utos ko rito. “Alam mo namang ayaw na ayaw kong hinahawakan ako!” dagdag ko sabay layo at lakad na namang muli.   “Sorry… Ayaw mo kasi akong pansinin,” he said.   Huminto na naman ako at muli siyang hinarap.   “Bakit? Mahalaga ba na pansinin ka?” tanong ko rito habang nakataas pa rin ang mga kilay sa kanya.   Alam ko namang kilala na niya ang ugali ko kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganoon na lang ako kung umasta sa kanya.   “I’m sorry... Umagang-umaga naman kasi ay ang init na kaagad ng ulo mo,” ika niya.   “Talagang mainit ang ulo ko! At huwag ka nang sasabay pa sa kainitan ng ulo ko kung ayaw mong pati ikaw ay madamay!” sabi ko at saka mabilis na naglakad na naman palayo sa kanya.   “Nadamay na rin naman ako eh,” he said.   Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating na ako sa building ng klase ko.   “Sabay tayong mag-lunch ah,” wika pa niya.   “Mag-lunch ka mag-isa mo!” sabi ko at saka nagmamadaling umakyat na sa second floor kung saan ang klase ko.   “Ang kapal ng mukha para yayain akong mag-lunch! Nakakagigil!” sambit ko pa habang papasok na ako sa room ko.   Mabuti na lamang at wala pa ang Professor namin.   Naupo na ako at mabilis na nagbuklat ng notes ko at sandaling nagbasa ng nakaraang aralin. Baka kasi magkaroon kami nang maikling pagsusulit.   Hindi ko kasi kaklase sina Jo, Fio, Nice at Amery sa klase na ito. Magkakaiba naman kasi kami ng kurso. Pero ang totoo ay ako lang talaga ang iba sa kanila.   Kaklase ko lamang sila sa tatlong subjects pagkatapos sa iba ay hindi na.   Pagdating ng aming Professor ay hindi nga ako nagkamali. Nagkaroon nga kami nang isang maikling pagsusulit. Mabuti na lamang at ako ay nagbasa kahit papaano.   Pagkatapos ng aming klase ay nagsilabasan na kami.   “Jean!” Muli ko na namang narinig ang boses ng isa sa mga kinaiinisan ko.   Hindi ko ito pinansin bagkus ay nagdire-diretso ako sa paglalakad.   “Hey…”   “Ano na naman ba, Nick?” tanong ko ngunit hindi ako huminto upang humarap sa kanya.   “Hindi ba sinabihan kita kanina na sabay tayong mag-lunch?” sabi niya.   “And so?”   “Eh saan ka pupunta?” tanong niya.   Doon na ako huminto.   “Bakit? May sinabi ba akong makikisabay ako sa iyong kumain ng lunch? Wala naman ah. Pumayag ba ako sa alok mo? Hindi naman ah,” sabi ko rito. “Alam mo, Nick, assumero ka rin eh ‘no. Hindi naman kita boyfriend pero ang feeling-feeling mo,” I said. “Pwede ba, marami pa akong gagawin. Kung gusto mong may kasabay kang mag-lunch, ayan oh, ang daming babae riyan na pwede mong yayaing sumabay sa iyo. Huwag na ako at wala akong oras sa mga ganyang bagay.”   Iyon lang naman ang sinabi ko sa kanya bago tuluyang tinalikuran siya at naglakad na palayo sa kanya.   “Nakakainis! Wala naman akong sinabi na pumapayag ako sa alok niya, pero kung makaalok siya akala mo naman kami! Tse!”   Nagmadali na nga ako sa paglalakad dahil kailangan ko pang sunduin ang bunso naming kapatid na si Jeanella.   Mabilis akong nakarating kung saan ko p-in-ark ang sasakyan ko.   Ako na kasi talaga ang nagmamaneho ng sarili kong sasakyan.   Hindi na ako nagpapahatid at nagpapasundo pa sa kung sino man.   Napatingin pa ako sa orasan ko.   “Oh no! Ilang minuto na lang lalabas na pala si Ellay! Baka mahuli ako at magtampo iyon!”   Pinaandar ko na tuloy ang makina at saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko.   Kaso…   “Ahh!” sambit ko nang mapaapak ako sa preno bigla dahil sa biglang pagtawid ng kung sinong lalaki mula sa kabilang kalsada.   Mabuti na lang ay naka-seatbelt ako.   Bumaba naman ako at tiningnan kung sino ang muntik ko nang masagasaan.   “Miss, ano ba?” sabi ng lalaki habang inaayos ang kanyang damit.   “So----,” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makilala ko siya sa pagharap niya sa akin.   “Ikaw na naman?!” sabay na naman naming sambit sa isa’t-isa.   “At talaga bang binibwisit mo ang araw ko ah!” sabi ko rito. “Kanina ka pa eh!”   “Wait, Miss, ikaw na nga itong muntik nang makasagasa sa akin, ikaw pa itong galit. Wow ah!” saad naman niya.   Tinaasan ko na naman siya ng isa kong kilay.   “Hoy, lalaking antipatiko at presko! Ikaw itong bigla-biglang sumusulpot diyan!” sabi ko. “At anong ako ang may kasalanan hah?! Nakita mo na ngang paparating na ako, tumawid ka pa riyan! Nananadya ka ata eh!” sabi ko.   “A-Ano?! Ako pa talaga, Miss?! Wow! I can’t believe you!” he said.   Nilayasan ko na nga siya at bumalik na ng sasakyan ko para sumakay na.   “Hey! Ikaw na nga itong tinulungan sa bar last night, hindi ka man lang nag-thank you,” he said. “Tapos ikaw na nga itong muntik nang makasagasa, ikaw pa ‘tong nagmamalaki ngayon diyan. Wow! Wow talaga!” he said.   Hinarap ko naman siya at saka nagsalita.   “Hoy, lalaking singtaas ng ulap ang ka-preskuhan sa katawan, para sabihin ko sa iyo, hindi ako humingi nang tulong mula sa iyo ano! At isa pa, talaga namang kasalanan mo dahil ikaw itong biglang tumawid diyan! Huwag mong isisi sa akin ang kasalanan mo!”   Iyon lang at pinaandar ko na ang sasakyan ko sabay alis na.   “Thank you ah!” Narinig ko pang sigaw niya pero wala na akong pakialam pa.   “Nakakainis!” naisambit ko na lamang.   Sinundo ko na ang kapatid kong si Jeanella kasi nangako ako sa kanya sa text na lalabas kami ngayon dahil hindi ko siya nailabas kagabi since nag-bar kami ng mga kaibigan ko.   Matagal na rin kasi silang nagsasabi sa akin at nagyayaya ngunit talagang hindi ko sila pinapansin dahil nga sa shop.   “Hi ate…" bati niya sa akin. Hinalikan pa ako sa pisngi at niyakap.   Ganyan kasi kaming magkakapatid. Pinalaki kasi kami ng aming mga magulang na maging mabuti at marespeto. Kasama na rin doon ang pagiging malambing syempre.   "Mukhang na-miss ako ng kapatid ko ah?" sabi ko habang nakangiti sa kanya.   Ayoko kasing makita niya sa aking mga mata ang init at galit dahil sa mga nangyari sa akin kanina.   “Syempre naman po, Ate. Ikaw pa ba?" ika naman ni Ellay sa akin. Iyan kasi ang tawag ko sa kanya.   Ngumiti naman ako sa kanya.   "Oh, kanina ka pa ba nakalabas ng klase mo? Naghintay ka ba nang matagal sa ate? Medyo natraffic kasi ang ate kaya ngayon lang ako nakarating."   Umiling naman siya at saka sumagot.   "Hindi naman po. Ayos lang naman po ako, Ate."   “Mabuti naman kung ganoon. Um, halika na at pumunta na tayo sa sasakyan,” pag-aya ko na sa kanya.   “Sige po.”   At nagtungo na nga kami sa sasakyan.   "Saan mo pala gustong kumain tayo, Ellay?" tanong ko rito.   "Kahit saan po, Ate. Basta kasama kita ay okay na." Ngiti niya.   "Aba. Ang sweet ng kapatid ko ah? Mukhang may naaamoy akong request?" sabi ko rito habang nagmamaneho na ako.   Natawa naman siya nang bahagya sa sinabi ko.   “Wala naman po, Ate. Gusto ko lang po sanang sumama sa fieldtrip namin," sabi niya.   "Ah. Field trip?" tanong ko.   "Opo. Okay lang po ba sa iyo, Ate?"   "Umm... Okay naman sa akin. May kasama ba dapat?" tanong ko.   "Opo. ‘Yun po ang sabi ng teacher namin. Dapat may parent kaming kasama."   "Ah. O sige. Sasamahan kita." Ngiti kong sabi rito.   "Talaga, Ate?"   Tumango ako habang nakangiti sa kanya.   “Oo naman. Sasamahan ka ng ate sa field trip mo. Panigurado mag-e-enjoy rin ako sa paglalakbay na iyan,” masaya kong sabi rito.   “Yehey! Salamat, Ate." Masaya rin niyang sambit sa akin. Niyakap pa niya ako.   Ganyan kami ka-close ng kapatid ko. Gano’n din si Jeantelle. Lalo na kapag tatlo kaming magkakasama. Talagang magkakasundo kami.   "Basta sabihin mo sa akin kung kailan ang field trip ninyo para maayos ko ang schedule ko. Okay?”   Tumango na naman siyang muli sa akin. "Opo, Ate. Ako na po ang bahala sa sinabi ninyo."   “Mabuti kung ganoon.”   Nag-date kami ng kapatid ko sa simpleng fast food lang. Hindi naman kasi kami maarte pareho. Simple lang. Tapos nanood kami ng sine at syempre nag-shopping na rin. Hindi nawawala ‘yun basta kapag lumalabas kami, lagi dapat may shopping na magaganap.   Iyon na lang kasi ang regalo ko sa mga kapatid ko, bonding. Hindi naman kasi kami nakakapag-bonding nang malimit since may shop akong inaasikaso.   "Nanay!" Tawag niya kay Nanay Lusing nang makauwi na kami.   "Oh? Aba. Mukhang namili na naman kayo ng Ate mo ah?" sabi ni Nanay.   “Opo,” tugon naman nito. “Nanay, para po pala sa inyo ni Tatay Berning," sabi ng kapatid ko sabay abot ng mga binili niyang pasalubong kanila Nanay at Tatay. "Nandiyan na po ba ang Ditse?" tanong ni Ellay kay Nanay.   Ditse kasi ang tawag niya kay Jeantelle para hindi siya maguluhan sa amin.   Ako ay ate, habang si Tel naman ay ditse.   "Nako wala pa. Baka mamaya pa ‘yon. May group project daw sila eh,” sagot naman ni Nanay. “Salamat dito, Ellay, anak…"   “Wala po ‘yon, Nanay."   "Nay, nabanggit po ninyo na may group project sila Tel, Saan naman daw po gumawa ng project ang kapatid kong iyon?" tanong ko naman kay Nanay.   Wala kasing nasabi sa akin si Jeantelle na may gagawin silang project.   “Sa kaibigan daw niya, Anak. Sabi niya magte-text na lang daw siya sa iyo mamaya kapag magpapasundo na siya,” sabi ni Nanay sa akin.   Parang hindi ko naman alam iyon.   Hay nako, pasaway talaga ang kapatid kong iyon.   “Ah. Pero nakakapagtaka naman po dahil hindi siya nagpaalam sa akin,” I said.   “Baka nakalimutan lang, Anak,” sabi ni Nanay.   “Okay po. Am, Nay, may sasakyan po sa labas. Kanino po iyon?" tanong kong bigla nang maalala ko ang sasakyan na nakita namin ni Ellay sa labas kanina.   “Ay, oo nga pala, Anak. Nandito si Nick. Kanina ka pa nga niya hinihintay. Sabi ko lumabas kayong magkapatid. Nandon sa likod, naghihintay sa iyo," sabi ni Nanay.   “Ano po? Nandito siya? Ano na naman ang ginagawa niya rito?” tanong ko naman kay Nanay habang naiinis.   “Ay may usapan daw kayo,” sabi nito.   “Po? Wala po----,” hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang maisip ko ang nangyari kanina. “Ah. Bago po ang sasakyan niya?" tanong ko na lang.   "Ay hindi ko alam, Anak. Siguro nga bago ang kanyang sasakyan," sagot lang ni Nanay.   "Baka nga po. Okay po. Am, Jeanella, akyat ka na sa kwarto mo ah? Magpunas ka na tapos magpahinga na ah?" sabi ko kay Ellay.   “Opo, Ate." At humalik na ito sa pisngi ko. "I love you, Ate."   "Mahal ka rin ni ate," sagot ko naman.   Umakyat na nga ang kapatid ko sa kwarto niya.   "Am, Nanay, pahanda naman po ng meryenda para kay Nick," sabi ko na lamang kay Nanay.   Kahit naman kasi ganoon ako sa kanya ay hindi naman ako bastos kapag nasa bahay namin siya.   "Oh sige. Ihahatid ko na lang sa inyo."   "Salamat po."   At tumungo na nga ako kung nasaan si Nick.   Oo nga pala. Nakalimutan ko. Si Nick. Ang manliligaw ko.   Nakilala ko lang siya no’ng one time na ako mismo ang tumao sa coffee shop namin. Hindi naman sinasadya ‘yon. At ayokong magpaligaw pero sadyang makulit at mapilit kahit sinabi kong wala naman siyang aasahan sa akin, still, manliligaw pa rin daw siya sa akin. Baka raw kasi magbago ang isip ko.   Hay naman.   "Nick…" Tawag ko rito.   "Jean…" Lumapit din siya sa akin.   "Anong ginagawa mo rito?" ‘Yun agad ang tanong ko habang nakataas pa ang isang kilay ko. Ayoko kasi sa mga presensya ng mga lalaki.   "Am, I came here to know if you're okay. Kasi hindi ka nagre-reply sa mga messages ko," sabi niya.   "Nick… Nag-usap na tayo ‘di ba? Ang sabi ko sa iyo ay ayoko magpaligaw. Pero ikaw ‘tong makulit. So don’t tell me na hindi ako nagre-reply sa mga texts mo kasi in the first place eh it’s not my obligation to do it," sabi ko. "You are not my boyfriend para mag-reply ako sa lahat ng mga messages mo."   Nakaupo na ako niyan habang kinakausap siya. At maayos naman ang pakikipag-usap ko sa kanya.   "Yeah. I get that. But Jean, I really like you. You can’t just shut me out. At kahit gawin mo ‘yon, I will still court you. Not unless may boyfriend ka. Do’n lang ako titigil," he said.   "What? Ugh!" Napamaang na lang ako. "Okay fine. Bahala ka. Basta sinabi ko na sa iyo na wala kang mapapala at maaasahan sa akin. Matigas ang ulo mo, okay fine. Ikaw na talaga ang bahala," sabi ko.   Bahala na talaga siya.   Hindi ko na kasalanan kung kaya niyang panindigan ang sinasabi niya pero bahala na talaga siya.   "Kumalma kayo riyan. Heto na ang meryenda," Nanay said.   "Ay, thank you po, Nanay Lusing," sabi ni Nick na tinulungan pa si Nanay upang kunin ang dala-dala nitong meryenda.   "Ay salamat, Hijo. Oh paano, maiwan ko na muna kayo ah?"   "Opo, Nay," sabi lang ni Nick.   "Nick..." Tawag at tingin ko rito.   "Yes?"   "Stop being nice, okay? Kilala ko kayong mga lalaki. Kunwari mabait tapos kapag nabola ninyo na kami, napaikot sa mga kamay ninyo at hawak ninyo na kami sa leeg, saka ninyo kukunin ang lahat sa amin," sabi ko rito.   “What? Seriously, Jean? You really think of that? Sorry, but I am not those guys na iniisip mo," he said.   I just rolled my eyes and said…   "Yeah. I really think of that way," sabi ko pa rito.   "Really hah?"   I nodded. "Aha." Pagsang-ayon ko sa kanya.   "Wow. That’s awesomely humiliation," he said.   "I told you," sabi ko naman dito at saka uminom ng juice.   "But still, I won’t stop courting you," sabi niya na ngumiti pang nang-aasar.   Ugh! Tigas talaga ng ulo!   "Fine! Bahala kang maghabol diyan," sabi ko na lang tapos biglang nag-ring ang phone ko.   Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag sa akin.   "Hello, Jeantelle?" sagot ko rito.   “Hello, Ate?"   "Oh, nasaan ka? Susunduin kita,” sabi ko.   "Ate, nandito ako sa bahay ng kaibigan ko. Opo pauwi na kami," she said.   "Saan ‘yan?" tanong ko.   "Dito po sa Cavite," she said.   "Cavite!?” Gulat kong tanong sa kanya. “Paano ka nakarating diyan?" tanong ko sa kanya.   "Eh Ate dito ‘yung napili naming place na ifi-feature sa project namin eh," paliwanag niya sa akin.   My God! Ilang oras ang byahe papunta roon at hindi pa ako nakakapunta roon. May goodness naman.   "Hindi ko alam papunta riyan, Tel,” sabi ko.   "I know." Napatingin ako kay Nick. "I know how to go there. Taga ro’n ang Dad ko,” sabi niya. “Do’n kami pumupunta kapag nagbabakasyon kami kaya I know how to go there," saad niya na kinasimangot ko.   "Ate, is that kuya Nick?" bigla niyang tanong sa akin.   "Definitely yes," sagot ko naman sa kapatid ko.   "So, my car?" tanong na niya kaagad sa akin.   "Did I say yes already?" sabi ko naman dito.   "Ah. Not yet,” sagot naman niya.   "’Yun naman pala eh," sabi ko naman.   "Ate, don’t hesitate. Baka mawala ka pa kung ikaw lang mag-isa ang pupunta rito,” sabi naman ni Tel sa akin.   "May google map naman, Tel. Ako na ang bahala ro’n," sabi ko.   "Pero Ate baka mawalan ka nang connection kapag medyo malayo ka na sa city," Jeantelle said.   "Edi magtatanong-tanong na lang ako. May bibig at boses naman ako para magtanong,” sagot ko rito.   "Ate, baka mas lalo kang maligaw sa mga directions na ibibigay sa iyo," sabi naman ng kapatid ko.   "So what is your point kapatid ko? Are you telling me na magpasama na lang ako sa lalaking ito papunta riyan kung nasaan ka ngayon?" tanong ko rito.   "Ate, much better. See the point? Kuya Nick's knows how to go here. You have to trust him, Ate," she said. Hindi naman niya ako pinipilit, sina-suggest lang niya sa akin pero parang pinipilit na rin niya sa akin.   Tumingin naman ako kay Nick. Nakangiti lang siya sa akin.   "No,” sabi ko rito.   "Seriously, Jean? Ako na nga ‘tong nagmamagandang loob na tulungan ka, ako pa ‘tong nagiging mali?" sabi ni Nick.   "Did I ask you to do it? Hindi naman ‘di ba? So stop being so nice wherein hindi naman talaga kayo ganoon!" sagot ko naman dito.   “Ate, mas okay na may kasama kang may alam papunta rito kaysa naman ikaw lang. Baka mapano ka pa," sabi ni Jeantelle.   Ugh! Naman!   “Ikaw naman kasi Jeantelle, ang dami-dami namang lugar dito sa Manila na pwede ninyong i-feature, bakit diyan pa? May Luneta Park naman tayo, Intramuros, Nayong Pilipino, bakit diyan pa?"   "Ate, mas interesting kasi rito dahil dito iwinagayway ang bandila ng Pilipinas kung saan tuluyan na tayong naging malayang bansa." Paliwanag ng kapatid ko na kinababa na ng kilay ko.   “Okay fine," sabi ko na lang sa kapatid ko. "Magpapasama na ako sa lalaking ‘to."   Tapos tumingin kay Nick.   "You will come. You will help me find this Cavite place," sabi ko.   "Yeah," sabi naman ni Nick. "You owe me."   “What do you mean by you owe me na iyan hah? Wala akong magiging utang na loob sa iyo dahil in the first place, hindi ako nanghihingi ng pabor or tulong sa iyo kaya ‘wag mong masabi-sabi sa akin na you owe me ano!” sabi ko rito.   Napakamot na lang siya ng ulo sa sinabi ko.   "Ate, relax please. Huwag mo namang awayin si Kuya Nick. Just be thankful for his help na lang,” sabi ni Tel. “Thanks, Ate."   Hay…   Wala na nga akong nagawa pa.   "Oh sige na. Papunta na kami riyan," I said.   "Oh sige, Ate. I’ll call ulit. Love you!"   "Mahal ka rin ng ate."   At binaba na nga ang tawag niya.   "Ikaw umayos ka ah," sabi at paalala ko kay Nick.   "Yeah. Don’t worry," he said habang nakangiti sa akin.   "Use my car. You drive since ikaw naman ang nakakaalam papunta ro’n gaya nga nang sinabi mo," sabi ko rito na hinagis ang susi ng kotse ko sa kanya.   “Yes, Ma’am!" sabi lang niya.   Okay, for the record, wala akong nagawa. Hindi ko kasi alam ‘yung place eh. Basta ‘wag lang talagang gagawa ng mali itong lalaki na ito at kung hindi eh masasapak ko talaga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD