Muli pa akong lumagok ng alak na in-order ko bago ko naisipang magpaalam na dahil pupunta pa ako ng shop.
“Jean, are you okay?” tanong sa akin ni Fiona.
Actually, hindi ko naintindihan ang sinabi niya kasi malakas ang tugtog na nanggagaling mula sa malalaking speakers na nas loob ng bar.
“Sorry, Fio, but I need to escape,” sabi ko na lang dito.
Tumayo na nga ako at marahang naglakad nang bigla akong tawagin ni Jo.
“Jean, saan ka na naman pupunta?” tanong nito sa akin.
Medyo nakakaramdam na kasi ako ng hindi maganda.
Kilala ko naman kasi ang sarili ko kapag ganitong mga party at umiinom ng alak. Alam ko kung hanggang saan lang ako kaya hindi na kailangan pang magtagal at baka hindi na ako makauwi.
"I need to go home, Jo,” tugon ko kay Jo. “Medyo nahihilo na kasi ako eh. Baka kasi hindi na ako makauwi kapag nagtagal pa ako." Paalam ko kanila Jo at Fio.
"Amats ang tawag diyan, Jean. Bago ka pa lang kasi kaya medyo hindi ka pa sanay. Hayaan mo kapag palagi ka nang sumasama sa amin, masasanay ka na rin at hindi ka na mahihilo kagaya sa amin,” Jo said.
Ngumiti lang naman ako at tumango sa kanya.
“I don’t know. Basta ang alam ko gusto ko nang umuwi at magpahinga,” saad ko rito.
“Oh sige na. Umuwi ka na, Jean. Alam ko namang kailangan mo na talagang umuwi. Kami na ang bahala ni Fio kanila Ame at Nice. Kami na lang ang magsasabi sa kanila na nauna ka nang umuwi,” mahabang sabi ni Jo sa akin.
"Sige sige. Salamat, Jo,” sabi ko naman dito na kinuha na ang bag ko.
"Hatid na ba kita sa kotse mo?" tanong ni Jo sa akin.
Umiling naman ako sa kanya at saka nagsalita.
“Hindi na, Jo,” sabi ko. “Kaya ko naman nang umuwi mag-isa. Nandiyan naman ang sasakyan ko sa labas. Salamat na lang. Dito na ako. Fio, Jo,” muling paalam ko sa kanila. “Magkita na lang tayo bukas,” sabi ko. “Mag-ingat kayo ah,” dagdag ko pang sabi sa kanila.
Nakita ko namang tumango sa akin sina Fio at Jo senyales na ako ay naintindihan nilang dalawa.
"Sige,” sagot naman ni Jo habang si Fio naman ay tumango lamang sa akin.
Kumaway pa ako sa kanila bago tuluyang maglakad palabas na ng bar.
Hindi ko na nakita sina Amery at Eunice hanggang sa makalabas na ako ng bar.
Hindi ko na alam kung nasaan silang dalawa. Basta nakita ko sila kanina pero ngayon kasi ay hindi na.
At lumabas na nga ako ng bar nang tuluyan.
Grabe! Nahihilo na ako. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang maglakad ngunit kailangan kong makalapit sa aking sasakyan.
Kinapa ko ang susi ng aking sasakyan mula sa aking bulsa.
“Ugh! Where is that d*mn key!” sambit ko pa habang patuloy sa pagkapa ng susi sa aking bulsa.
Hindi ko naman kasi makuha dahil sa sobrang lalim ng bulsa ko kaya naman naiinis na ako.
"D*mn!” muli ko na namang sambit. “May amats na nga talaga siguro ako," sabi ko. “Tama nga si Jo. Talaga ngang may amats na ako.”
Hindi ko na kasi maipasok ng tama sa susihan ng kotse ko ang hawak kong susi.
Natatawa na tuloy ako.
Medyo umiikot na kasi talaga ang paningin ko.
“Pumasok ka na. Uuwi na tayo," sabi ko habang kinakausap ko ang sarili ko. “May pupuntahan pa ako,” dagdag ko pa.
Nasa ganyan akong ginagawa nang biglang may magsalita mula sa aking likuran.
"Ah, Miss. Need a help?" tanong ng isang lalaki.
Napatingin naman ako rito at…
"Hindi ba ikaw ‘yong sa may---- oops!" sabi ko ng hindi ko na naituloy ang balak ko pa sanang iwika nang biglang malaglag ang susi na hawak ko.
Nakuha ko na kasi ang susi mula sa bulsa ng suot kong pantalon upang maipasok sa susian ng sasakyan ko kaya lang ay nahulog ito mula sa kamay ko at sumakto naman na nasalo niya.
Hindi ko nga namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.
"Let me help you," sabi nito tapos binuksan ang pintuan ng kotse ko.
Siya na pala ang nagpasok sa susian ng sasakyan ko.
Pagkatapos ay inabot na sa akin ang susi ng sasakyan ko.
Tumingin lang ako sa kanya pero inalis ko rin kaagad ang tingin ko rito.
Marahan akong humakbang papasok ng kotse ko kaso naman ay na-out of balance ako sa paghakbang kaya naman ang naging recourse ay nasalo niya ako dahil hindi ko nahawakan ang hawakang ng kotse ko.
Nagulat naman ako nang mapadikit ang katawan ko sa kanya.
“Miss, okay ka lang ba?” tanong niya dahilan para magising ang diwa ko at mabilis na tumayo at itinulak siyang palayo sa akin.
“Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!” singhal ko rito.
“What?!” Gulat din namang sambit niya sa akin.
“Move away!” muli ko pang singhal sa kanya.
Pumasok ako ng kotse kaso hindi ko naman maihakbang nang maayos ang kanang paa ko.
"Hey, need help? I’m----," sambit niya dahilan para mapatingin na naman ako sa kanya at mabilis na iharang ang aking kanang kamay upang hindi siya makalapit.
"No! Don’t come near me. I’m fine,” I said. “Kaya ko, okay?" muli ko pang saad dito habang pinipilit na umayos ang pagkakatayo ko upang hindi niya na ako matumba pa.
"Okay, okay. Just relax. I’m no harm," sagot naman no’ng lalaki sa akin.
Hindi ko naman na ito pinansin pa sa kanyang mga sinasabi pa.
Pinilit ko na lang na makapasok sa loob ng sasakyan ko kahit na nahihilo na ako.
“Miss, I guess you really can’t do it. Let me help you," muli na namang sabi niya.
Pipigilan ko pa sana siya para muling makalapit sa akin ngunit tinulungan na niya ako hanggang sa makapasok naman ako nang maayos sa kotse ko.
"See?” ika niya. “Kapag hindi mo kasi kaya ang isang bagay, at may nagmamagandang loob sa iyo, don’t hesitate to nod and say yes. Wala namang masama eh," mahaba niyang saad at saka sumilip pa sa bintana ng sasakyan ko.
Inirapan ko naman siya sabay sabi nang…
“Excuse me! Hindi ko kailangan ng kahit anong tulong mula sa kahit na sinong tao!” muli ko na namang singhal sa kanya. “I can handle myself with care! Umalis ka na nga riyan!” wika ko sabay mabilis na isinara ang bintana ng sasakyan ko.
At saka mabilis na pinaandar na ang makina ng kotse ko.
"You're welcome!" Narinig ko pang sigaw sa akin nang makaalis na ako.
"Presko!" Nasabi ko na lang habang nagmamaneho nang medyo mabilis. Buti na lang at nakauwi pa ako ng buhay dahil talagang naramdaman ko ang pagkahilo na talaga ng aking mga paningin.
Kahit nga kanina sa pagmamaneho ay hindi ko na halos makita nanag maayos ang daanan. Buti na lamang at wala akong mga kasalubong na mga sasakyang malalaki kundi ay hindi ko na alam kung talagang buhay pa ako o hindi na. Baka nasa ospital na sana ako, ha ha!
"Señorita! Ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ni Tatay Berning nang dumating na ako habang luluray-luray akong naglalakad.
Inalalayan ako ni Mang Berning upang makababa nang maayos ng kotse at saka ipinasok sa bahay.
"Lusing! Lusing!" Narinig kong sigaw ni Tatay Berning kay Nanay Lusing.
"Oh? Ano gang nangyayari?" tanong ni Nanay Lusing kay Tatay Berning.
Kahit naman nakainom ako ay naririnig at naiintindihan ko pa rin naman ang kanilang pinag-uusapan.
"Ang señorita Jeantou! Bilis at bumaba ka rito." Narinig kong sabi ni Tatay Berning.
Sa totoo lang ay hindi ko na kaya talaga pang maglakad dahil nga sa nahihilo na ako.
"Diyos ko po ginoo. Ano ang nangyari kay Señorita?" tanong ni Nanay Lusing kay Tatay Berning.
"Halika at dalhin natin siya sa kanyang silid. Madali ka at kumuha ka na nang malamig na tubig upang maihaplos na ito sa Señorita nang siya ay mahimasmasan," sabi ni Tatay Berning.
Dinala nga ako nila Tatay Berning at Nanay Lusing sa aking silid. Inihiga ako sa malambot kong kama.
“Aayusin ko na muna ang pwesto niya, Lusing. Kumuha ka na nang malamig na tubig at bimpo,” sabi ni Tatay Berning kay Nanay Lusing.
“Oo. Kukuha na ako.”
Naramdaman ko naman na inayos ni Tatay Berning ang aking pagkakahiga.
Nilagyan niya ako ng unan sa aking ulo at inihilig ito nang mabuti.
“Ito na, Berning.s” Narinig kong sabi ni Nanay Lusing kay Tatay Berning.
“Oh, ikaw na rito at aayusin ko pa ang kanyang sasakyan,” sagot naman ni Tatay Berning.
Naramdaman ko ang pagpunas nang malamig na bimpo sa aking mukha.
Pinunasan ako ng bimpo na may maligamgam na tubig ni Nanay Lusing. At ang sarap sa pakiramdam.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Nanay Lusing kay Tatay Berning. Nasa loob pa rin kasi ng kwarto ko si Tatay Berning.
"Sa pakiwari ko ay nalasing ang Señorita,” sabi ni Tatay Berning.
"At bakit naman niya gagawin iyon? Hindi naman niya alam ang maglasing. Wala naman siyang alam na mga pinag-iinuman,” sabi ni Nanay Lusing.
"Nayaya siguro ng kanyang mga kaibigan," wika naman ni Tatay Berning.
Naririnig ko lang silang nag-uusap ngunit hindi ako sumasabat hanggang sa maramdaman kong bumibigat na ang aking likod at ang aking mga mata kahit nakapikit naman ako.
“Siguro nga ay tama ka. Baka niyaya siya nila Señorita Eunice,” sabi ni Nanay Lusing.
“Sa pakiwari ko ay tama ka,” tugon naman ni Tatay Berning kay Nanay Lusing.
Hindi ko na kinaya pa ang aking antok kaya naman ay hinayaan ko na lamang na tuluyang makatulog ang aking diwa.
At nakatulog na nga akong talaga.
Nagising ako sa tunog ng telepono ko nang marinig ko na nag-alarm na ang aking telepono.
Nagmulat ako at...
"Ah!" Mahinang daing ko habang marahan na nag-iinat ngunit hawak-hawak ko ang aking ulo dahil sa ito ay kumikirot. Ang sakit kasi ng ulo ko. Tapos kinuha ko ang telepono ko at pinatay ang alarm ko.
"Señorita…" Narinig kong tawag sa akin ni Nanay Lusing.
Napatingin naman ako at napabangon na sa kama.
Napalingon ako rito.
“Nanay…” sambit ko tuloy.
"Inumin ninyo po ito, Señorita," sabi niya.
May dala-dala siyang isang tasa na hindi ko alam kung ano ang nakalagay.
"Tsaa po ito, Señoritra,” tugon na sabi ni Nanay Lusing. “Panigurado ay masakit ang ulo ninyo. Ito po ay mabisang pampawala nang sakit ng ulo," saad nitong sabi sa akin.
Kinuha ko naman at ininom.
Marahan naman akong umayos nang upo habang sumasandal sa headboard ng aking malambot na kama.
"Salamat po, Nanay. Ang sarap po pala nito," ika ko nang muli akong uminom nang mainit na tsaa.
Nanay na kasi ang tawag ko kay Nanay Lusing simula no’ng inalagaan niya kaming magkakapatid. At parang ina na rin kasi talaga ang turing ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni Tatay Berning.
Sila na kasi ang tumayong mga magulang namin magmula nang mamatay ang aming mga magulang.
Sa kanilang dalawa nila kami hinabilin kaya naman Nanay at Tatay na talaga ang tawag namin sa kanilang dalawa.
Sila na talaga ang naging mga magulang namin.
“Bakit naman po kasi kayo naglasing?” biglang tanong nito sa akin. “Ano po ba ang pumasok sa isip niino, Señorita?"
"Wala po. Nagkaayaan lang po kaming magbabarkada, Nay,” tugon ko rito. “Pasensya na po kayo kung naistorbo ko ang inyong pamamahinga kagabi," turan ko pa.
"Señorita, wala po iyon. Wala naman po kasing ibang mag-aasikaso sa inyo kundi kami lamang po," sabi ni Nanay Lusing.
"Nanay, ang mga kapatid ko po pala?" tanong ko rito.
“Pumasok na ang kapating mong si Jeanella," Nanay said, (read and pronounced as Shanela). "Si Jeantelle naman ay mamaya pa gigising dahil mamaya pa naman ang klase niya," dagdag pa niya. (read and pronounced as Shantel).
Si Jeanella ang bunso sa aming magkakapatid. Nasa ika-anim na baitang na siya ngayon habang si Jeantelle naman ay kapareho kong nasa kolehiyo ngunit nasa unang baitang pa lamang siya.
“Gano’n po ba?” muli kong sabi sabay higop na naman nang mainit na tsaa. “Hinanap po ba ako ng mga kapatid ko, Nay?" tanong ko kay Nanay Lusing.
“Kagabi, oo. Pero sinabi kong may pinuntahan kayong magkakaibigan," tugon ni Nanay sa akin.
"Salamat po, Nanay." Ngiti kong turan kay Nanay.
"Wala iyon. Oh, maghanda ka na at may pasok ka pa sa eskwela. Baka ikaw ay mahuli." Paalala niya sa akin.
Tumango lang ako.
"Opo, Nay. Maliligo na po ako," tugon ko naman.
Bumaba na si Nanay Lusing habang ako naman inubos muna ang tsaa na dinala niya para sa akin at saka ako naligo na rin.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na rin ako para kumain ng almusal. Dinala ko na rin pababa ang baso ng tsaa na dinala ni Nanay Lusing sa akin kanina.
“Nanay, anong oras po ang pasok ni Jeantelle?" tanong ko nang nakababa na ako at nakaayos na.
"Mamaya pa siya, Señorita. Sabi niya ay gisingin ko siya bago magtanghalian dahil anong oras na rin siyang natulog kagabi. Tinapos niya kasi ang kanyang takdang-aralin para ngayon."
"Gano’n po ba? Ay, sino po pala ang magmamaneho sa kanya mamaya sa pagpasok niya sa eskwelahan?" muli kong tanong kay Nanay.
"Si Arturo na lamang tutal ay marami naman siyang oras."
"Ah, si Mang Arturo po. Oh sige po."
Kumain na nga ako ngunit kaunti lang. Hindi ko pa kasi maramdaman na nagugutom ako.
Tapos nagpaalam na rin ako kay Nanay.
“Pasok na po ako, Nay,” paalam ko rito.
“Mag-iingat po kayo, Señorita,” paalala na sabi nito.
“Opo.”
Umalis na nga ako at pumasok na.
Hindi pa man ako nakakarating sa University ay nakita ko kaagad si Amery na naglalakad.
"Ame..." Tawag ko rito.
"Oh, Jean, ikaw pala. Pasok ka na?" tanong niya.
"Oo. Halika. Sabay ka na sa akin," aya ko naman sa kanya.
Tumango naman siya.
Pinasabay ko na siya sa akin tutal naman ay parehas kaming papunta ng University.
"Nasaan pala ang kotse mo?" tanong ko.
"Nasa pagawaan na naman,” tugon niya. “Paano ba naman, tumirik kagabi. Buti na lang hindi ginamit ng kapatid ko ‘yung kotse ni Daddy kaya nasundo ako,” kwento niya. “Ikaw? Bigla ka na lang nawala kagabi. Sabi ni Joey nahilo ka raw, ha ha. Malakas ang naging amats mo ano?" sabi nito sa akin.
Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi naman. Pero first time ko kasing uminom nang gano’n karami. Grabe ang sakit sa ulo at lalamunan," sabi ko.
"Buti hindi na masakit ulo mo?"
"Hindi naman na. Nanay gave me a tea kanina. Nawala ‘yung sakit."
"Buti naman. ‘Di bale, masasanay ka rin. Sa ngayon kasi nagulat ka pa pero kapag nakatikim ka ulit, hahanap-hanapin mo na iyon," sabi ni Ame sa akin.
"I dont know." Kibit-balikat ko na lang na tugon dito.
Nang makarating naman na kami sa Universit…
“Oh, ayan na pala si Joey oh," sabi ni Amery.
Bumaba naman na kami at nilapitan si Joey.
"Oy. Sabay na tayo," wika ni Amery rito.
"Oh, dito na pala kayo," sabi naman ni Jo.
"We saw you kaya heto sumabay na rin kami," I said.
"Ang saya nito!" sabi ni Jo na inakbayan pa kami ni Amery at tumakbo para mas mabilis.
"Joey! Nakatakong kami ni Jean!" sigaw ni Amery rito.
"Ha ha! Okay lang ‘yan!"
Natatawa na lang din ako.
Grabe! Ang saya talaga ng mga kaibigan ko kahit na iba ang tingin sa kanila ng mga tao.
Hindi naman sila kilala para husgahan katulad ko. Kilalang-kilala ko na sila kaya naman okay lang sa akin na sila ang mga kaibigan ko.
- - - - -
“Kita tayo ulit mamaya ah? Gala tayo." Aya na naman ni Eunice sa amin.
"Pass na ako riyan ah? Hindi ako pwede ngayon. May appointment ako," sabi ko na kaagad.
"Uuuh! Mukhang mabilis umayaw ang friendship natin ah," sabi naman ni Jo.
"Hindi naman sa gano’n. I just need to visit our business. Hindi na nga ako nakapunta ro’n kagabi ‘di ba? Kailangan ko ring pumunta ro’n syempre. Baka mamaya may nangyayari na pa lang hindi maganda ro’n. Alam ninyo naman ang trend dito sa Manila,” explained ko naman sa kanila.
“Okay, okay. Naiintindihan ko. Sige. Pass muna si Jean. Kayo hindi pwede ah?" sabi ni Nice. Iyan kasi ang tawag ko naman kay Eunice.
"Thanks,” sagot ko lang sa kanya habang nakangiti.
"Ako sama ako riyan. Present ako lagi. ‘Di pwedeng hindi," sabi ni Amery.
“Mas lalo naman ako. Ako pa ba?" sabi naman ni Jo.
Napatingin naman kaming lahat kay Fio.
Naghihintay ng sagot niya.
Ngumiti lang siya at tumango.
"Hay, Fio, just a single word to say?" tanong ko rito.
Nakangiti pa rin siya habang umiiling.
"Seriously?"
Tumango ulit siya sa akin.
"Okay. Alright. She nodded guys. She just nodded," sabi ko.
Napatawa naman ‘yung tatlo sa akin.
Ahhhh. ‘Di bale, masasanay rin ako sa kanya.
New classmate kasi namin si Fiona. Eh walang kumakausap sa kanya kaya kinausap siya ni Joey at do’n na nagsimula ang pagsama niya sa grupo namin.
“Oh, guys, kita na lang tayo ulit bukas. Enjoy na lang kayo," sabi ko sa kanila.
“Bye, Jean! Asahan ka namin next time ah?" sabi ni Ame.
I just nodded. Tapos naglakad na sila palayo habang ako naman ay nakatalikod habang naglalakad kasi nakatingin pa rin sa kanila nang....
"Ah!" sambit ko. May nakabangga kasi ako sa paglalakad ko nang patalikod.
"Hey, Miss. Are you okay?"
Tinulungan naman ako nang nakabanggaan ko.
Tumayo ako at…
"Don’t touch me," sabi ko kaagad. Pero hindi malakas.
"Okay. Okay. I just-----," sakto namang tumingin ako sa nagsasalita at…
"Ikaw?!" Sabay naming sambit sa isa’t-isa.
"Ikaw na naman?" sabi ko habang nagugulat.
"What a small world. ‘Di ba ikaw ‘yung girl kagabi sa bar na... am, what do you call it... Ah, ayon, the one I helped to get away sa isang guy sa restroom? Tapos ikaw rin ‘yung girl na tinulungan kong magbukas ng car. Oh, it’s really you," sabi nito sa akin. Nakangiti pa ang loko.
Sinimangutan ko naman siya agad at…
"Yes. Ako nga ‘yung tinutukoy mo. Ikaw naman ‘yung preskong lalaki sa bar!" sabi ko rito.
"Seriously? Presko? Ako? Excuse me, Miss, ako na nga ‘yung tumulong sa iyo kagabi, ako pa ‘yung presko? Wow ah?" sabi niya.
"Oo. At pwede ba, don’t ever touch me again. Don’t you dare come near me!" sabi ko rito.
"Okay. Okay. Fine. No problem. But let me introduce myself," sabi niya tapos naglahad ng kamay sa akin at... "I’m Keyf. Keyf Torres. And you are?"
"IM NOT INTERESTED," mariin kong sabi sabay tumalikod sa kanya at naglakad na palayo rito. "Antipatiko!"
I don’t care about men. I can live without them.
Wala akong paki kung hindi sila mag-exist sa mundo ko. Basta ako masaya sa kung anong meron sa buhay ko ngayon.