Pagkasundo namin kay Tel sa Cavite ay niyaya kami ni Nick na magmeryenda muna.
“Are you hungry? Let’s have some snacks,” sabi niya.
“Hindi na kailangan, Nick,” tugon ko naman sa kanya. “Busog pa naman ako,” ika ko.
“Ako, Kuya Nick, gutom,” nakangiting sabi naman ni Tel dahilan para mapatingin ako sa kanya.
“Jeantelle?!” sabi ko tuloy.
“Hi hi! Ate, kung hindi ka nagugutom dahil nabusog ka, ako po ay sobrang nagugutom dahil hindi ako nakapagmeryenda,” she said.
Napailing naman ako sa kanya.
“Hay nako!”
“So, majority wins! Kain tayo, Tel, my treat!” sabi ni Nick.
“Yes, Kuya Nick! Let’s go!” Masayang sabi naman ni Tel sa kanya.
Napapailing na lang ako habang sila ay masaya.
Hay nako…
“Siguraduhin ninyo lang na mabilis kayong matatapos sa pagkain ah,” sabi ko sa kanila.
“Opo, Ate,” sagot naman ni Jeantelle sa akin.
“Don’t be so killjoy, Jean. It’s just a simple snack lang naman,” Nick said.
“Ewan ko sa iyo!”
Nagtawanan na naman silang dalawa.
Nag-stop over nga kami at nagpunta sa isang convenient store.
Bumili sila ng pagkain nilang dalawa at kumain sa loob ng sasakyan.
“Siguraduhin ninyo lang na hindi kayo magkakalat dito sa sasakyan ko ah,” paalala at sabi ko sa kanila.
“Yes, Ma’am,” sagot naman ni Nick.
“Opo, Ate!” sagot naman ni Jeantelle sa akin.
Masaya sila habang kumakain at nagkekwentuhan pa habang ako naman ay nananahimik at nagse-cellphone lang.
Ayoko rin naman kasing makipag-usap lalo na kay Nick.
Naiinis lang kasi ako sa kanya.
Hindi naman dapat siya ang kasama ko eh.
As in dapat hindi siya dahil wala naman dapat akong kasama! Dapat ako lang mag-isa!
Nakakainis talaga!
Kami dapat ng kapatid ko ang nagba-bonding at hindi sila!
Hmp!
Napapikit muna ako at napasandal sa likuran ng sasakyan. Si Jeantelle kasi ang pinaupo ko sa upuan sa harapan habang ako ay rito sa likod.
Ayoko ngang makatabi si Nick at baka mamaya kung ano pa ang gawin niya sa akin.
Napamulat ako ng aking mata at napatingin sa relos ko.
“Wala ba kayong balak umuwi?” tanong ko bigla sa kanila.
Nakita ko kasi na passed 10 na ng gabi. Pare-parehas pa kaming may pasok nang maaga bukas.
“Opo, Ate, ito na po. Tapos na po kaming kumain,” Jeantelle said.
“Mabuti naman,” wika ko naman.
Bumalik na nga ako sa pagpikit ng aking mga mata at saka muling sumandal sa aking likuran.
“Dapat pagmulat ko ng mga mata, nasa bahay na tayo ah,” sabi ko kay Nick.
“Sure! Just relax, Jean. Pagkagising mo mamaya, nasa inyo na tayo,” tugon ni Nick sa akin.
“Siguraduhin mo lang. Huwag puro yabang!” saad ko sa kanya sabay pikit na talaga ng mga mata ko.
Nakaidlip ako sa buong byahe kaya naman ginising ako ni Jeantelle.
“Ate… Ate…” gising sa akin ni Jeantelle.
Marahan naman akong nagmulat at nakita ko nga si Jeantelle sa harapan ko.
“Nandito na po tayo sa bahay, Ate. Gising na,” sabi nito.
Nagmulat na nga ako ng aking mga mata.
“Nasa bahay na ba talaga tayo?” tanong ko sa kanila.
“Opo, Ate. Nandito na tayo,” sabi ni Tel sa akin.
“Okay.”
Umayos na ako nang upo at saka dahan-dahang nang tumayo.
Sabay-sabay na kaming pumasok sa bahay.
“Jeantelle, sa uulitin magpaalam ka kay Ate ah? Alam mo naman masyado akong kinakabahan kapag malalayo ang mga pinupuntahan ninyo eh," sabi ko sa kapatid ko habang nasa salas na kami.
Hindi naman ako galit. Nagsasabi lang ako upang ipaalala sa kanya.
“Opo, Ate. Pasensya ka na, Ate,” sabi naman niya sa akin.
"Tandaan mo, hindi galit ang Ate. Gusto ko lang sabihin sa iyo." Paalala ko rito.
"Opo, Ate. Sorry po talaga. Kailangan lang kasi sa project namin kaya ro’n kami nagpunta. Sorry..." Niyakap niya ako.
Hay. Ang kapatid ko talaga.
"Oo na. Hindi naman talaga ako galit. Nag-alala lang naman ako sa iyo. Lalo na babae ka."
"Pero Ate, marami naman kami at aminin mo, hindi ako nagkamali na isama mo si kuya Nick kasi alam talaga niya, ‘di ba?" Nakangiting sabi nito sa akin.
"Oo na. Pero kahit na. Hindi talaga dapat siya sumama. Alam mo namang ayoko ro’n eh. Sadyang makulit lang kaya gano’n, pero wala talaga siyang mapapala sa akin," sabi ko na lang.
“Hmmm…" Mas lalo akong niyakap ng kapatid ko. "Okay naman siya Ate eh. Mabait. Matulungin. Maalalahanin. Sweet pa. Bakit ayaw mo ba sa kanya?” tanong sa akin ni Tel.
“Jeantelle, hindi sa ayaw ko sa kanya. Oo mabait siya, matulungin, maalalahanin, pero wala talaga siyang pag-asa sa akin. Ayoko talaga sa mga lalaki, tapos ang usapan,” ika ko.
“Hay nako, Ate… Ikaw talaga, hindi mo man lang bigyan ng chance si Kuya Nick,” sabi nito.
Umiling naman ako sa kanya.
“Ayoko. Period.”
“Ikaw po ang bahala. Pero, pwede mo na rin naman po siyang sagutin eh,” sabi ni Tel dahilan para manlaki ang mga mata ko sa kanya.
"Hah?! Nako, Jeantelle, that would be the least thing na gagawin ko,” tugon ko rito. “Hinding-hindi ko sasagutin ‘yon ‘no. Alam ko na ang mga karakas ng mga ‘yon. Walang mapagkakatiwalaang lalaki," sabi ko na tumingin sa kapatid ko at hinawakan ang pisngi niya. "Tandaan mo, Tel, ang lahat ng mga lalaki ay magnanakaw," sabi ko.
"Po? Ate, naman. Ano ba ang mga pinagsasasabi mo?” sabi niya. “Hindi naman lahat. Eh ‘di sana ninakawan na tayo ni Kuya Nick? Eh ang yaman-yaman kaya nila, Ate, ‘di ba?"
Umiling naman ako.
"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon kasi bata ka pa. Pero sa tamang panahon, malalaman mo rin ang ibig kong sabihin, Tel,” sabi ko. “Sa ngayon, ‘wag mo nang isipin ang ginawa ni Nick. Pakitang tao lang ‘yon. Hindi totoo. Gano’n. Ipapakita niya na mabait siya pero hindi naman pala. Kaya iyon dapat ang tatandaan mo," sabi ko na lang.
"Hay. Oh sige, Ate. Pero kakainin mo rin ang mga sinabi mo..." sabi lang niya.
Pasaway talaga.
"Mabuti pa, umakyat ka na at magpahinga. Alam ko naman na may klase ka rin bukas," sabi ko.
"Opo. Ba-bye, Ate. Goodnight." Paalam nito sa akin at saka sinabayan pa nang paghalik sa aking pisngi.
Gesture na kasi talaga niya iyon.
Pero bago siya umakyat ay...
"Nga pala Jeantelle, nag-shopping kami kanina ni Ellay. Binilhan ka namin ng mga gusto mo. Pinalagay ko na kay Nanay sa kwarto mo. Tingnan mo na lang," sabi ko
"Ang daya ninyo naman ni Ellay, Ate. Pero next time kasama na ako ah?"
"Oo naman. Mas maganda kapag tatlo tayo nila Ellay ang magkakasamang lalabas." Ngiti kong sabi.
“Thank you, Ate. I love you."
"Mahal ka rin ni ate." At nag-flying kiss pa sa akin kaya sinagot ko rin siya ng flying kiss.
Umakyat na nga si Jeantelle.
“Ang ganda ninyo talagang pagmasdan, Anak. Napakalalambing ninyong magkakapatid sa isa’t-isa," sabi ni Nanay nang makita niya ang namagitan sa amin kanina ni Jeantelle.
Lumabas kasi siya galing ng kusina.
Napangiti naman ako.
"Alam ninyo naman po Nay, kami na lang ang magkakasama kaya gusto ko busog na busog pa rin sila sa pagmamahal kahit wala na sila Papa at Mama, sabi ko.
"Oo naman. Alam ko naman na ‘yon ang nais mo, Anak."
Napangiti naman ako kay Nanay.
"Nanay, maraming-maraming salamat po sa pag-aalaga sa aming magkakapatid. Hindi ko po kayang mag-isa kaya nagpapasalamat po ako at lagi po kayong nandiyan ni Tatay Berning para sa amin. Maraming salamat po."
"Wala ‘yon, Anak. Nangako ako sa inyong mga magulang na aalagaan ko kayong tatlo."
Niyakap ko naman si Nanay.
“Salamat po."
Tinapik naman ako ni Nanay sa likod.
“Nga po pala Nanay, magbabantay po ako ngayon sa coffee shop. Gusto ko pong mangamusta sa mga empleyado natin doon."
"Eh, maaga ka pa bukas ‘di ba?"
"Ayos lang po. Hindi po kasi ako nakapagbantay kagabi kaya bumabawi lang po ako ngayon," sabi ko.
"O sige. Ikaw ang bahala. Pero mag-iingat ka ah? Gabi na kasi." Paalala sa akin ni Nanay.
"Opo." Tango ko naman sa kanya.
Nagbihis lang ako at umalis na para magtao rin sa coffee shop namin. ‘Yun kasi ang business na pinundar ko sa naibenta kong hacienda namin sa probinsya. Bumili rin ako ng bahay namin dito sa Manila para hindi kami mangupahan lang. At masaya naman dahil kumikita nang malaki ang coffee shop na pinundar ko.
“Good evening po, Ma’am," bati sa akin ng guard.
"Good evening din po," bati ko rin naman dito.
Pagpasok ko ay nakita kong puno ang shop at nakakatuwa dahil busy’ng-busy ang mga empleyado namin.
"Hi po, Ma’am Jean," bati na sabi ng isa sa mga empleyado.
“Hello. Kumusta kayo rito?” tanong ko. “Hindi ako nakapunta kagabi kasi may pinuntahan kami ng mga kaibigan ko. Mukhang maganda ang kita ng shop ah?"
"Okay naman po kami, Ma’am,” tugon nito sa akin. “Opo, Ma’am. Ilang araw na po tayong ganito kapuno. Nakakatuwa nga po dahil nasasarapan sila sa menu natin," saad ni Katrina sa akin habang nakangiti.
Ngumiti naman ako. "Nice to hear that," sabi ko naman.
Pumunta naman ako sa pwesto ng cashier at naupo.
May napansin akong magnobyo.
Noong isang buwan ko pa sila nakikita rito na pabalik-balik sa coffee shop namin. Pero hindi ko man lang alam ang pangalan nila dahil lagi na lang silang tapos ng um-order.
"Coffee mocha for Fraud and Adarina." Narinig ko ang sinabi ng isa sa mga waiter namin.
Tapos nakita kong tumayo ‘yung lalaki na tinitingan ko.
Ah. So Fraud pala ang pangalan niya. At Adarina ‘yung kasama niya. Nasabi ko tuloy. Tiningnan ko ito at bumalik sa table ng kasama niyang babae. Girlfriend niya siguro.
Pumunta ako sa tanggapan ng order at tumingin ng mga supplies kung marami pa ba para mailista at makabili na nang...
"One cappuccino and a slice of your black forest cake." Order nito ng boses lalaki.
Wala kasi ang isang waiter namin kaya naman ako na ang kukuha ng order ng costumer.
Kinuha ko naman ang listahan ng order namin at...
"Yes, Si------- ikaw!?" Sabay naming sabi ng lalaking um-order.
Tumingin kasi ako sa kanya.
"Oh… What a small world again? Ikaw na naman, Miss?" sabi niya. Ngiting nang-aasar ang makikita mo sa kanyang mukha.
Nagtaas naman ako ng kilay.
Kumalma ka Jean, sabi ko sa sarili ko. Costumer siya. Baka kapag nag-hysterical ka rito ay mawalan ka ng mga costumer.
I inhale and exhale.
"What is your order again, Sir?" tanong ko rito. Malumanay na ako.
"Kaya mo naman palang magsalita ng hindi galit eh,” sabi niya. “Teka, you work here?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. Bagkus ay iba ang sinabi ko.
"I got your order, Sir. One cappuccino and a slice of black forest cake," sagot ko rito. Mabuti na lamang at natandaan ko ang order na sinabi niya kanina.
“Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko, Miss," sabi niya. Naupo na.
“Just wait for your order, Sir," sabi ko at saka ginawa na ang order niya.
“Alam mo, Miss, hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakasungit mo," sabi niya.
Hindi ako nagsasalita.
Gumagawa pa rin ako ng order niya. Hindi ko kasi kailangang makipag-usap sa kanya.
"But you know what, I like your attitude. Fierce. Ganyan ang mga type of girl na masarap ligawan," sabi niya na kinaharap ko na sa kanya at...
"Sir----,"
"Just call me Keyf." Nilahad pa niya ang kamay niya for shake hands pero tiningnan ko lang.
"Sir,” sambit ko sa kanya. “Let’s put it this way,” wika ko. “I don’t care about your name." Mahina kong sabi rito dahilan para alisin niya ang kamay niya sa pagkakalahad sa akin.
"Oh? Sarcastic," sabi naman niya.
"I am working here and I have no time for whatever you were talking." Seryoso kong sabi rito sabay.... "Your order, Sir." Sabay abot ng order niya at kumuha ng cake na order din niya. At inabot din sa kanya.
"Ang sungit mo naman. Mag-smile ka naman. Baka makita ka ng boss mo, mapagalitan ka pa," sabi niya. Kung alam lang niya.
Hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Alam ba ng boss mo na nagpupunta ka sa mga bar?" tanong niya habang nagpupunas ako ng mga nagamit kong panggawa ng kape nang mapaharap na naman ako sa kanya.
"Would you stop talking with non-sense?" sabi ko rito.
"Grabe ka naman, Miss. Ang sungit mo naman. I was just asking. Baka kasi mamaya malaman ng boss mo tapos mapaalis ka pa rito.” Patuloy pa rin niyang daldal sa akin.
"The hell you care," sambit ko rito.
"Ow? Ang hard mo naman," sabi niya. Inirapan ko pa siya.
"Kung wala kang magandang sasabihin, pwede bang ‘wag ka na lang magsalita?"
Napatingin naman siya.
"Hmm? Wait. I’ll think first," sabi niyang nag-isip pa talaga.
Nang-aasar ba talaga siya?!
"Oops! Sorry. But I couldn’t stop talking," sabi niya.
Ugh! Nakakainis naman ‘tong lalaking ‘to! Kanina si Nick, ngayon naman ang lalaking ‘to! Arrrrr! sambit ko sa isipan ko.
"Ma’am Jean, ito na po ‘yung mga supplies na paubos na. Nandiyan na rin po ‘yung bagong mga coffee products na masarap i-blend sa products natin," sabi ni Kara, ang inuutusan kong mag-tally ng mga supplies namin.
Napatingin naman ako ro’n sa presko at mayabang na lalaking kanina pa daldal nang daldal dahil tumahimik siyang bigla tapos ngumiti ako nang pang-asar sa kanya.
“So, you are the boss? You own this coffee shop!?" Gulat niyang tanong sa akin.
"Thank you, Kara," sabi ko kay Kara pero sa lalaking nasa harapan ko ako nakatingin. "Yes. And for your information, hindi ako mahilig magpunta sa mga bars. Naaya lang ako ng mga kaibigan ko,” saad ko sa kanya. “Oh, why am I explaining? Eh hindi naman kita kilala," sabi ko pa rito.
"Keyf is the name," sabi na naman niya.
"Whatever. I’m not interested with who you might be."
Tatalikod na sana ako nang...
"So Jean pala ang pangalan mo ah? Nice. Jean. A fierce name. Bagay na bagay sa iyo. Well, nice seeing you again, Jean."
Nakaharap na ako sa kanya at siya naman ay paalis na nang....
"Ow by the way, nice meeting you. I know for sure, we will meet again," sabi niya sabay kindat sa akin.
Ugh!?
Tapos...
"Bye, Sis. Bye, Kuya Fraud. Una na ako." Paalam niya sa magnobyo na tinitingnan ko kanina.
Magkapatid sila no’ng girl?! Nagugulat ko na lang na sabi. My God!
Na-bad trip na naman ako dahil sa lalaking ‘yon!
"Nakakainis! Ang presko na, ang yabang pa! Kala mo naman ang gwapo!" sabi ko. Nakauwi na kasi ako at nasa kwarto na.
Hindi kasi ako makatulog. Naiisip ko kasi ‘yung nangyari kanina.
“Ang yabang talaga niya!"
Kinabukasan ay bad trip pa rin ako nang gumising ako.
"Good morning, Ate…" Bati ni Jeanella sa akin.
"Um. Morning…" Bati ko rin naman sa kanya.
Naupo at nagkape na ako.
"Am, Ate, nakalimutan ko po pa lang ipakita ito sa inyo kagabi," sabi ni Jeanella na pinakita sa akin ang kanyang kwaderno at may nakadikit dito.
Binasa ko naman ang nakalagay.
"Pwede na po pa lang magbayad ng field trip. Next next week na po kasi ‘yung trip namin Ate at nandiyan na rin po ‘yung mga pupuntahan namin. Ate, magbayad ka na po para nasa bus tayo na unahan lang," sabi nito.
“O sige. Magbabayad ako mamaya sa school ninyo. Maaga naman uwi ni ate eh kaya ako na ang personal na magbabayad no’n," sabi ko rito.
"Opo, Ate. Lalabas ba tayo ulit mamaya, Ate?" tanong nito.
"Am, baka bukas na lang Jeanella kasi magbabantay si ate ng shop eh," sabi ko rito.
"O sige po. Sa susunod na labas natin Ate, isama na natin si ditse Jeantelle."
Tumango naman ako.
"Oo naman."
Kumain na nga kami. Pagkatapos ay sinundo na si Jeanella ng service niya at ako naman ay pumasok na rin.
“Labas ba tayo mamaya, guys?" Tanong ni Jo.
Magkakasama na kasi kami.
"Gusto ninyo ba? Tara labas tayo," sabi naman ni Nice.
"Pass ako ah? May lakad kasi kami ng utol ko. Next time ako sasama," sabi ni Jo.
"Ah gano’n ba? O sige. Walang problema. Kayo?" Tanong ni Eunice.
"Hindi rin ako pwede mamaya kasi may aasikasuhin ako sa sasakyan ko. May sira kasi," sabi naman ni Ame.
"Ganito na lang, para lahat tayo makasama, next time na lang, okay ba?" sabi ni Eunice.
Um-oo naman kaming lahat sa sinabi niya.
"’Yan."
Pumunta na kami ng canteen para mag-break time.
“Fio, banyo tayo. Samahan mo ko," aya ni Joey kay Fiona.
Nag-nod lang si Fio tapos nagbanyo na sila.
"May nakalimutan ako sa room. Balikan ko lang guys." Paalam naman ni Amery sa amin.
“Sige lang..." sagot naman ni Nice.
Pumila na nga kami at nag-order. "Burger, Ate," sabi ko tapos...
"Jean!" Napatingin pa ako sa tumawag sa pangalan ko.
Sumimangot akong bigla sabay taas ng kilay at tumingin dito.
"Ikaw na naman?! Huwag mong sabihin sa akin na dito ka nag-aaral?!" Tanong ko rito. Nagulat ako eh.
“Ah, oo. Ikaw? Dito ka rin pala. Small world talaga." Ngiting sabi niya.
"Alam mo, ‘wag mo na akong tatawagin ah? Kasi hindi naman tayo close," sabi ko.
"Owwwww… Tablado ka, men," sabi ng isa sa mga kasama niyang lalaki.
“Ikaw naman. Ang sungit mo pa rin. Hindi ka ba natutuwa na nagkita tayo ulit? ‘Di ba sabi ko naman sa iyo magkikita ulit tayo? Malay mo ako pala ang soul mate mo." Ngiti na naman niyang sabi na nakakainis.
"Excuse me?! In your dreams," sabi ko lang dito tapos umalis na sa harapan nito.
Naupo na at....
Nagdabog!
"Nakakainis!" sabi ko.
"Oh? Sino ‘yon? Bagong manliligaw mo?" Tanong ni Nice.
Nakita pala niya.
Umiling naman ako.
"Hindi ah! Umay na umay na nga ako kay Nick tapos magdadagdag pa ba ako? Hay nako, Nice. At hindi ko manliligaw ang tukmol na iyon."
"Eh bakit parang magkakilala na kayo?"
“Siya kasi ‘yung tumulong sa akin sa bar tapos nagkita kami sa shop kagabi. Grabe napakapresko niya, Nice! Nakakainis niya! Napakayabang! Akala mo gwapo!" Inis na inis kong sabi rito.
"Hah? Eh gwapo naman ah? Ang hot nga niya eh," sabi ni Eunice.
"Hah?! Anong hot?! Baka payat?" sabi ko rito.
“Hindi ah? Ikaw talaga. Hindi ka marunong tumingin ng gwapo. Si Nick gwapo naman. Ba’t ba ayaw mo ro’n?"
"Ayoko sa mga lalaki. Hindi ako interesado."
"Nako, Jean, lulunukin mo ‘yang sinabi mo. Mark my word. Baka magulat ka bigla kang ma-in love," sabi pa nito.
Umiling naman ako.
"It won’t never going to happen," sabi ko bago sumubo ng pagkain ko. “I know myself. Hinding-hindi na ako magkakagusto sa kahit sino pa. Mark my word.”