Ang Hindi Dapat Na Kasinungalingan

3314 Words
“Ewan ko sa iyo. When the time comes, lahat ng mga sinabi mo, kakainin mo. Mark my word as well,” she said na kinailing ko na lang habang nangingiti rito.   “Eunice, I know myself, definitely,” wika ko. “Alam ko na ang mga lalaking kagaya niya ay paglalaruan lang ang isang katulad ko. Kaya ready na ang puso ko sa sinasabi mo,” mahabang saad ko sa kanya. “And this is the most important…” sabi ko sabay harap sa kanya.   “Um? At ano naman iyon, aber?” tanong niya habang nakaharap din sa akin.   “Kapag sinabi kong hindi ako mai-in love sa mga lalaki, ibig lang sabihin no’n ay talagang wala silang mapapala sa akin, and that is final.”   Ngumiwi naman siya sign na hindi siya naniniwala sa akin.   “Okay… Sabi mo eh. Ikaw na.” Iyan na lang ang naiwika niya.   “Good…”   At nakabalik na nga sina Jo, Fio at Amery.   “Oh, nakabili na pala kayo ng mga pagkain natin. Ano pang hinihintay natin? Kainan na!” Aya na sa amin ni Jo para kumain.   At sabay-sabay na nga kaming kumain.   Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam naman na ako sa kanila.   Kailangan ko kasing pumunta ng school ni Jeanella dahil kailangan kong magbayad ng para sa p*****t ng field trip niya. Baka kasi magtampo siya kung hindi ako makakabayad on time. Gusto pa man din niya na sa unahan kami.   "Kita na lang tayo guys bukas ah? Pupunta pa kasi ako sa school ni Jeanella. Magbabayad lang ako para sa field trip niya. Iyon kasi ang gusto niya. Makapagbayad ako nang maaga para sa harapan kami ng bus. Ayaw kasi niya sa likuran, nakakahilo raw," sabi kong paalam sa kanila pagkatapos kong kumain.   “Sige lang. Dito na rin kasi ako. May klase pa rin kasi ako,” paalam din ni Jo sa amin. “Basta bukas ah?" Paalala pa niya.   Tumango naman ako.   "Oo. Asahan ninyo ako. Bukas makakasama ulit ako. Bye guys!" At kumaway na ako sa kanila.   Nakangiti ring tumalikod si Jo at sabay na nga kaming naglakad.   “Saan ang klase mo, Jo?” tanong ko sa kanya.   “May defense ako ngayon,” she said.   “Oh talaga? Hala, best of luck, Jo. Alam kong kaya mo iyan,” sabi ko sa kanya para pampalakas ng loob.   “Salamat, Jean. Oh paano, dito na ako. Mag-iingat ka ah. Kita tayo bukas, ba-bye!” sabi niya sabay takbo na papunta sa kabilang building.   “Oo! Bye!”   Tumaliko na rin ako sa kanya at nagtungo na sa sasakyan ko.   Nilagay ang susi at...   “Jean!"   May tumawag na naman sa pangalan ko at boses pa lang ay alam ko na kungi sino. Kaya sumimangot ako agad.   Ito na naman kasi ang isa pang nagpapapangit ng araw ko.   Hay!   Kailan kaya ako titigilan ng mga bwisit na mga tao sa paligid ko?!   Nakakainis!   "Jean... Sabay ka na sa akin. Kain tayo sa labas," aya at sabi nito sa akin.   Humarap naman ako sa kanya.   "Nick…” sambit ko. “May sasakyan ako, okay?” Nakataas na naman ang kilay ko habang kausap siya.   Hindi ko kasi gusto ang presensiya niya kapag nakikita ko siya at mas lalo kapag nakalapit siya sa akin. Para akong naaalibadbaran.   “At isa pa, hindi ako gutom. At pwede ba, ‘wag mo nga akong lalapitan dito sa school. Hindi naman tayo close ‘di ba?" sabi kong pagtataray sa kanya.   "Jean, naman. Alam naman ng lahat na nanliligaw ako sa iyo eh. And besides, ako lang naman ang nanliligaw sa iyo," saad naman niya sa akin na nasa tonong nagyayabang.   "That’s definitely my point. Nanliligaw ka. Pero kung umasta ka, akala mo boyfriend na kita,” I said. “Nick… Sinabi ko na sa iyo ‘to ‘di ba? Ayokong magpaligaw. Pero ikaw itong parang aso na sunod nang sunod sa akin. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Nagmumukha ka nang shunga sa kakasunod sa akin,” sabi ko sabay binuksan ang pinto ng sasakyan ko kaso bigla niya akong hinawakan sa aking braso.   “Napi-piss off na ako sa iyo, Jean!” bigla niyang sabi sa akin. “You always shut me out. Wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Why don’t you try me? Mabait naman ako. I can love you more than what you think."   Tapos hinawakan niya ako nang mas mahigpit sa braso ko.   "Nick, ano ba, bitiwan mo nga ako." Pagpupumiglas ko.   Ayokong nilalapitan ako. At mas lalong ayokong hinahawakan ako ng kung sino-sino na lang.   "Hindi kita bibitawan,” he said. “Jean, kahit ngayon lang. Pumayag ka naman na ihatid kita. Ipapakuha ko na lang sa driver namin ‘yang car mo. Please. It’s just a snack with me. Wala namang masama eh," sabi pa niya na hindi ko alam kung nagmamakaawa ba o nag-uutos sa akin.   Hawak pa rin niya ang braso ko.   "Ayoko nga!" malakas na sabi ko naman sa kanya.   Nang....   "Dude! She doesn’t want to. Makinig ka naman sa sinasabi ni Jean," sabi bigla ng lalaking presko sa bar.   Tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin ni Nick at dinala ako sa likuran niya.   "And who the hell are you?" Tanong naman ni Nick sa kanya.   Hindi naman agad nakasagot ‘yong lalaking presko.   "Umurong na ba ang dila mo ah?" Pang-aamok na sabi sa kanya ni Nick.   "I’m Keyf," biglang sabi nito.   "Nick..." Tawag ko bigla kay Nick.   Tumingin naman ito sa akin.   Lumunok muna ako.   Kahit ayoko ay wala akong maisip na paraan para matigil na ang panliligaw sa akin ni Nick.   God bless me, Lord! naiwika ko na lang sa isipan ko bago tumuran nang…   "He's my boyfriend," sabi ko.   Napatingin naman sa akin ‘yung lalaking presko.   Tumingin din ako sa kanya na nagsasabing um-oo na lang muna siya at na mamaya na lang ako magpapaliwanag.   "What!? Boyfriend?! Anong boyfriend?! Ako lang ang nanliligaw sa iyo tapos may boyfriend ka na kaagad? Hindi ko nga siya nakitang naghatid sa iyo or what.” Hysterical na sabi ni Nick. “Don’t make me laugh, Jean," pahabol na sabi pa ni Nick.   "Alam ko mahirap paniwalaan. Pero nanatili siyang malayo sa akin kasi ayokong ipaalam na may boyfriend na ako. At sinabi ko rin naman sa iyo na wala kang aasahan sa akin ‘di ba? Ikaw lang ‘tong makulit eh," sabi ko.   "What!? So talagang boyfriend mo ‘tong ulupong na ‘to?"   "Excuse me? May problema ka ba sa akin, Dude?" sabi naman ng lalaking presko.   “Nick, ano ba. Tigilan mo na nga ako. Please lang. I need to hide him for personal reasons. At hindi ko kailangang ipaliwanag iyon sa iyo," sabi ko na humawak sa braso ng lalaking presko kahit ayoko.   "Narinig mo, Dude? Leave my girlfriend alone," sabi nito kay Nick.   “Hindi pa tayo tapos!” Mariing sambit ni Nick sa lalaking presko habang matiim na nakatitig lang sa kanya ito bago tuluyang tumalikod at maglakad paalis.   Sinundan na lang namin siya nang tingin.   Nang wala na ito ay mabilis pa sa alas kwatro kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso ng lalaking presko.   "Back off," sabi kong bigla sa lalaki.   "Excuse me?"   "Hindi mo ba ako narinig? I said back off," ulit ko.   "Oww. What's that supposed to mean?" tanong niya.   "Malamang umalis ka sa harapan ko," sabi ko rito na medyo tinulak pa siya para makadaan ako.   "Wow! Gano’n na lang ‘yon? Matapos kitang iligtas do’n sa mukhang adik na ‘yon, matapos mong sabihin na boyfriend mo ako, ‘yan lang ang sasabihin mo?" he said.   Tumingin naman ako sa kanya.   "Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako hah? Nanghingi ba ako nang saklolo sa iyo? Ikaw ‘tong umepal na lang bigla tap----," hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang magsalita na naman siya.   “Umepal? Really? Ikaw na nga ‘tong tinulungan, ikaw pa ‘tong antipatika," sabi ng lalaki sa kin.   "I don’t care! I don’t need your help! At kung nasabi ko man na boyfriend kita, pasensya, okay? Excuse me!"   ‘Yun lang at sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar na ito.   "You're really welcome!" Narinig kong sigaw no’ng lalaking presko.   Sumimangot naman ako at nag-drive na lang.   Wala naman kasi akong sinabi na tulungan ako or what. Siya ‘tong biglang sumulpot diyan tapos siya pa ang magagalit?   Anong gusto niya? Magpasalamat ako dahil tinulungan niya ako?   Edi wow!   Hindi ko hiningi sa kanya na tulungan niya ako dahil kaya ko naman si Nick.   Masyado lang siyang pumapel kanina.   Nag-drive na lang ako papuntang school ni Jeanella. Magbabayad kasi ako ng fieldtrip niya.   "Magbabayad po ng fieldtrip." sabi ko.   "Kanino po?" Tanong ng cashier.   “Kay Jeanella Chee po."   "Grade six?"   "Opo."   "Mam 2,500 po ang sa grade six," sabi ng cashier.   "Dalawa po."   "Bale 5,000 po."   Inabot ko naman.   "Ma’am, bus no. 3 po kayo, seat no. 4 letter A and B po."   “Okay po. Thank you."   At inabot sa akin ang resibo.   Pagtapos kong magbayad ay umalis na rin ako kaagad para umuwi muna at magbihis bago pumunta sa mall para mamili ng mga supplies para sa shop.   “Nanay…" Tawag ko kay Nanay Lusing.   "Oh, Jean, nandito ka na pala."   "Opo,” tugon ko. “Nay… Nakapasok na po ba si Jeantelle?" tanong ko rito.   "Kanina pa. Si Jeanella mamaya pauwi na. Nanggaling ka ba sa eskwelahan ng kapatid mo? Kasi pinaalala niya sa akin kanina nang tumawag siya na kapag nakauwi ka na raw eh tanungin kita kung nakabayad ka na sa field trip fee raw niya."   "Okay naman na po, Nay. Nakabayad na po ako. Nasa akin na po ang resibo."   “Mabuti naman. Bakit ka nga pala umuwi? Akala ko ba magbabantay ka sa shop?"   “Magbibihis lang po ako, Nanay. Baka hanggang gabi na naman po kasi ako roon eh. Mas maganda na pong mabango at maayos akong haharap sa mga costumers doon."   "Ah. O siya sige. Magbihis ka na muna."   Paakyat na sana ako nang tawagin ako ulit ni Nanay.   "Ah, Jean, anak…"  Tawag niya sa akin.   "Po?"   "Nagpunta pala si Nick dito kanina. May tinatanong siya sa akin," sabi ni Nanay.   Napatingin naman ako kay Nanay at napahinto sa pag-akyat.   "Ano po iyon?" tanong ko.   "Tinatanong niya sa akin kung kilala ko raw ba ang nobyo mong si Keyf," sabi ni Nanay Lusing na kinagulat ko.   "Po?!"   “Oo. Nagulat nga ako kanina sa tanong niya."   "Am, ano pong sinabi ninyo?"   “Ay syempre hindi ko kilala kasi hindi pa naman nagawi rito ang Keyf na ‘yon na sinasabi niya," sabi ni Nanay.   Napahawak naman akong bigla sa noo ko.   “Ay bakit ba? May problema ba kayo ni Nick? Ay sino ba itong Keyf na sinasabi niyang nobyo mo raw? Ay wala ka namang pinapakilalang nobyo mo sa akin."   Pasaway na Nick! Talagang inalam pa niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi, sabi ko.   Huminga naman ako nang malalim bago sumagot kay Nanay.   "Mahaba pong kwento, Nanay," sabi ko.   "Sasabihin mo ba?" Tanong ni Nanay.   Hay. Hindi naman ako naglilihim kay Nanay.   Bumaba ako at inaya ko si Nanay na maupo sa sofa.   "Si Keyf po ‘yung lalaking presko na mayabang na tumulong sa akin sa bar," sabi ko.   Napaisip naman ang Nanay sa sinabi ko.   Inalala niya siguro ang kwento kong iyon.   "Naalala ninyo po ba no’ng nagkayayaan ang mga kaibigan kong pumunta ng bar?" tanong ko kay Nanay.   Tumango si Nanay.   "Siya po ‘yung tumulong sa akin no’ng may nambastos po sa aking lalaki. Tapos siya rin po ‘yung tumulong para makasakay ako sa kotse ko dahil hilong-hilo na po ako. At siya pa rin po ang tumulong sa akin kanina no’ng pinipilit po akong sumama ni Nick para kumain sa labas,” mahabang kwento ko kay Nanay.   "Ay mabait naman pa lang bata ang Keyf na iyon."   "Hmf. Kung alam ninyo lang po. Mayabang siya, Nanay. Presko pa,” sambit ko naman.   “Aba, kung mayabang at presko siya, bakit ka naman niya tutulungan kung hindi ka naman niya kilala?" sabi ni Nanay na kinakibit balikat ko na lang.   Hinawakan ni Nanay ang kamay ko.   "Alam mo, Anak, hindi na kayo iba ng mga kapatid mo sa akin. Tinuring ko na kayong mga parang anak ko. At tatandaan mo itong sasabihin ko. Sa panahon ngayon, wala ng lalaki ang gagawa nang ganoong tulong lalo pa at hindi ka naman niya kaano-ano. Nagmagandang loob lang ang batang iyon. Napakabuti niya para tulungan ka," mahabang pahayag naman ni Nanay sa akin.   "Parang wala naman pong ganoong lalaki na ngayon, Nanay," sabi ko naman.   "Wala na nga maliban sa kanya. Tingnan mo tinulungan ka," sabi pa nito.   Oo nga naman. Tinulungan nga naman niya ako at hindi ko naman talaga hiniling ‘yon. Kusa lang siyang tumutulong.   It’s just that hindi ko lang ikinatutuwa na may tumutulong sa aking lalaki.   "Dapat pa nga ay ipagpasalamat mo ang ginawa niyang pagtulong sa iyo ng walang kabayaraan," wika pa ni Nanay.   Tumingin naman ako rito.   "Anak, ‘wag mong isipin na ang lahat ng lalaki ay kagaya ni Theodore," sabi ni Nanay dahilan para maalala ko na naman bigla ang nakaraan ko.   Bigla tuloy akong napatingin sa ibang direksyon at napaluha.   "Anak, alam ko hindi madaling kalimutan ang ginawa niya ngunit nais ko lang naman na ibahin ang pananaw mo sa mga lalaki. Hindi naman lahat sila ay lolokohin at sasaktan ka," sabi pa ni Nanay.   Tumayo naman akong bigla. Nagpunas ng luha at...   "Wala pong kapatawaran ang kahayupan na ginawa sa akin ng lalaking iyon, Nanay Lusing! Hindi ko siya mapapatawad hangga’t nabubuhay ako!" sabi ko sabay lakad paakyat sa kwarto ko.   Hindi ko sinasadyang iwan si Nanay ngunit nawala na naman ako sa huwisyo ko nang mabanggit ang pangalan ng lalaking iyon.   "Napakawalang hiya niya!" Iyak ko. "Hayop siya! Demonyo!"   Nakatulog ako sa sobrang pag-iyak at nagising na lang ako sa tawag ni Amery sa akin.   "Hello?"   "Hello, Jean!"   "Ame, bakit?"   “Wala. Tatanong lang sana kung busy ka ba. Papasama sana ako sa iyong kunin ‘yung sasakyan ko kasi okay na. Gawa na siya. Maayos na naman."   “Am... Sorry, Amery ah? Pero kailangan ko kasing pumunta ng shop ngayon eh. Kailangan kong mamili ng mga supplies namin sa shop kasi paubos na. Sorry talaga hindi kita masasamahan," tugon ko naman sa kanya.   “Ah, gano’n ba? Okay lang. Wala ‘yon. Sige si Eunice na lang."   “Sorry, friend ah? Galit ka ba?"   "Ano ka ba? Hindi ako galit. Ikaw talaga. O sige na. Labya!" ‘Yun lang at binaba na ni Amery ang tawag niya sa akin.   "Nakatulog pala ako."   Bumangon na ako at naligo tapos bumaba sa salas.   Walang tao.   Nagpunta ako ng kusina.   May note na iniwan si Nanay sa ibabaw ng ref.   Jean, mamimili lang kami ni tatay Berning mo ng mga gamit at pagkain. Wala na kasing mga maluluto.   ‘Yun ang nakalagay na binasa ko.   "Okay,” sabi ko na lang sabay tapon ng note. Ganoon kasi kapag nabasag na.   At tinawag ko naman si Mang Arturo.   "Mang Arturo, aalis na po ako. Pupunta po ako ng shop. Kayo na po muna ang magbantay ng bahay. Nandiyan naman po si Manang Huli sa likod at nagdidilig po ng mga halaman," sabi ko rito.   "Opo, Ma’am."   At umalis na nga ako. Nagtungo ako sa shop at....   "Jean!"   "Nick? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Nagulat kasi ako na nandito siya.   Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin?!   "I went to your house kanina. I talked with Manang Lusing. She doesn’t know about this Keyf guy na sinasabi mong boyfriend mo. It means niloloko mo lang ako. Pinapalabas mo lang sa akin na may boyfriend ka kahit wala naman talaga," sabi nito.   "What!?" Gulantang ko namang sabi rito.   “And to think na titigil ako sa panliligaw sa iyo? No. I won’t. Lalo mo lang pinatibay sa akin na dapat kong ipagpatuloy ang panliligaw ko sa iyo."   "Nick, will you shut up?" sabi ko na kinatingin ng mga costumers namin sa akin.   Oh my God! This is not good, sabi ko sa utak ko kaya naman hinatak ko palabas ng shop si Nick.   "Nick, ano ba? Stop, okay? I don’t like you. At pwede ba, tigilan mo na ako. Si Keyf? Boyfriend ko siya, okay? At oo hindi pa siya kilala ni Nanay Lusing kasi hindi ko pa siya pinapakilala. Hindi ko kasi alam kung paano. Pero ngayong alam na ng lahat, I think this is the right time for them to know na may boyfriend na ako because you already gave them the hint," sabi ko sabay ngiti sa kanya nang pang-aasar. “And thank you for that.”   "I don’t believe that!"   "Hindi ko naman sinabing maniwala ka eh. Nasa sa iyo kung maniniwala ka o hindi. I don’t owe you an explanation. At wala ka ring pakialam sa buhay ko kung sino ang gustuhin ko dahil hindi naman kita boyfriend!" sabi ko naman dito na akma na naman akong lalapitan para hawakan nang biglang may sumuntok sa kanya. "Hah!?" Nagulat pa ako.   "Dude, ang kulit mo talaga ah? Sinabi na ngang layuan mo ang girlfriend ko! ‘Pag nakita pa kitang nilapitan mo siya, hindi lang ‘yan ang aabutin mo sa akin!"   Si Keyf.   "Hindi mo siya girlfriend!" Suntok din sa kanya ni Nick.   "Ayy!" Napatili naman ako.   "Ah gano’n!?" sabi no’ng lalaking boyfriend ko kuno.   At nagsuntukan silang dalawa.   "Guard!" Tinawag ko ang guard namin para pigilan sila.   "Nick, tama na! Ano ba!” sabi ko naman habang pinipigilan silang dalawa ngunit hindi naman ako makalapit sa kanila.   Napigilan naman ng guard si Nick habang ako naman ay ang lalaking boyfriend ko kuno ang inaawat ko.   "Keyf, tama na." Awat ko rito.   At natawag ko na siya sa pangalan niya.   "Halika na,” sabay aya ko sa kanya. “Kuya, kayo na pong bahala riyan," sabi ko sa guard.   Hinawakan ko na si Keyf para papasukin sa loob ng shop at dinala sa taas dahil may mini room akong pinagawa roon.   Pinasok ko siya at...   Kumuha ako agad ng yelo sa baba at first aid kit.   Pinaupo ko siya at sinimulang gamutin.   "Ang tigas din ng ulo nang manliligaw mo ‘no?" sabi niya.   Hindi naman ako sumasagot. Dinadampian ko lang ng yelo ‘yung suntok sa kanya kanina ni Nick.   "Aray!" Daing niya. "Dahan-dahan naman," sabi pa niya. Pero hindi pa rin ako nagsasalita. "Magsalita ka naman, Jean," sabi niya.   Ginagamot ko pa rin siya.   Hindi talaga kasi ako nagsasalita kasi naiinis ako!   Bakit ba kasi kailangan niya laging dumating?   "Dito ka muna," sabi ko na aalis na sana pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.   "Jean."   "Bitiwan mo ko," sabi ko na ginawa naman niya.   “Bakit ba ang sungit mo?" Tanong siya pagkatapos ay tumayo siya. "Ikaw na nga ‘tong tinulungan ikaw po ‘tong masungit."   "Kasi hin----," hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang magsalita siyang muli.   “Kasi hindi mo naman sinabi na tulungan kita? Jean, hindi mo hiningi pero hindi ko alam kung bakit nagkukrus sa gano’n lagi ang landas natin. At mas lalong ayokong may nasasaktang babae sa harap ko dahil may kapatid din akong babae," sabi niya.   "Pwede ba? I will just say it once."   Humarap ako sa kanya at lumapit.   "I don’t need your help," sabi ko rito.   Nakipagtitigan pa siya sa kin bago sumagot nang....   "Don’t say that ‘coz I know for sure that you'll need me more than I need you," sabi niya sabay kuha ng jacket niya at tumalikod sa akin tapos... "Thank you nga pala sa pagtawag sa pangalan ko and for this."   At tuluyan nang lumabas ng mini room ko.   Napatameme na lang ako sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD