Kanina pa ako hindi mapakali simula nang umalis si Keyf at iwan ako rito mag-isa sa maliit na kwarto rito sa may coffee shop ko.
Iyan na, natatawag ko na siya sa pangalan niya.
Kanina lang presko ang tawag ko sa kanya, ngayon naman sa pangalan na niya ko siya tinatawag.
Hay.
Ewan.
"Ma’am Jean…” Napaigtad pa ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng kung sino.
“Yes? Sino iyan?” tanong ko habang nakaupo pa rin sa couch.
“Ma’am, si Kara po,” sagot nito sa akin.
“Ah… Bakit, Kara?” tanong ko rito.
“Um, Ma’am, itatanong ko lang po sana kung mamimili po ba kayo ngayon ng mga supplies?" tanong niya sa akin.
Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Mamimili pala ako ngayon ng mga supplies na kailangan dahil paubos na ang mga binili kong supplies noong nakaraang linggo.
Kasi naman. Nagulo nang bigla ang mindset ko ng dahil lang kay Nick at kay Keyf.
Hay.
Dati isa lang ang nagpapagulo ng utak ko, ngayon dalawa na sila.
Ano ba naman iyan!
Napasapo na lamang ako sa aking noo nang maalala ko.
“Pati mga dapat kong gawin ay hindi ko na nagagawa dahil sa mga ganito,” naisambit ko tuloy.
“Ano po iyon, Ma’am?” tanong naman ni Kara.
“Hah? Wala… Ang sabi ko, oo, Kara. Mamimili ako ngayon. Kailangan na natin ng mga supplies na iyan kaya mamimili ako ngayon," sabi ko na kinuha ang jacket ko at saka sinuot ito. "Kayo na muna nila Art ang bahala sa shop, Kara." Bilin ko rito.
‘Yes po, Ma’am Jean. Makakaasa po kayo sa amin. Mag-iingat po kayo,” sagot naman ni Kara sabay paalala sa akin.
Tumango na lang ako rito bago bumaba sa maliit na kwarto at saka umalis na nga.
Pinaandar ko na ang aking sasakyan at umalis na.
Nang makarating na ako sa supermarket ay...
"Ay! Miss ano ba?" Nagulat ako sa nabunggo ng cart na tinutulak ko.
"Sorry po. Sorry po." Dispensa kong sabi rito.
"Tingnan mo kasi ‘yang dinadaanan mo!" Pagalit pa na sabi sa akin ng babae na nagtutulak naman ng push cart na nabunggo ko.
"Sorry." Mahinahon kong hingi sa kanya ng dispensa.
Inirapan pa ako bago tumalikod sa akin.
Pagkatalikod naman niya ay tumaas naman kaagad ang kilay ko at saka nagsalita.
"Hmf! Ang arte! Akala mo naman kung sinong maganda!" sabi ko na lang. Pagkatapos ay tumalikod na at umalis.
Pinagpatuloy ko na nag pagtutulak ng push cart habang napapaisip na naman.
Hay. Jeantou ano ba?! sabi ko sa ulo ko at saka ito pinukpok pa.
"Stop thinking about him. Hindi importante ang mga sinabi niya sa iyo," sabi ko.
Iniisip ko kasi ang mga sinabi niya kanina sa akin.
"Don’t say that ‘coz I know for sure that you'll need me more than I need you…” Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina.
“Paano niya nasabing mas kailangan ko siya kaysa kailangan niya ako hah? Agh! Nakakainis na talaga ang lalaking iyon! Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa akin ang isang bagay na hindi naman totoo! Ang kapal!” Gigil kong sabi habang patuloy na naiinis.
“Ano ba, Miss!” Muli ay may narinig akong pagdaing mula sa aking harapan.
“Ay, sorry po,” wika ko naman.
“Ikaw na naman?!” sabi ng babae.
Napatingin naman ako sa babae at naalala ko na siya na naman iyong kanina.
“Ano ba talaga ang problema mo, Miss? Kanina ka pa ah,” ika nito.
“Ay, Miss, sorry talaga. I was just out of my mind. I mean, I am busy thinking kung ano ang mga kailangan ko kasi sa coffee shop ko,” saad ko rito. “I’m really sorry…”
“I don’t mind with any of your excuses!” sabi nito sa akin. “Ang sa akin lang eh nasa loob ka ng supermarket, at wala ka sa park!” singhal na sabi nito bago tuluyang umalis sa harapan ko.
“Antipatika!” Naisambit ko na lang ngunit mahina lang. Ayoko naman kasi nang away lalo pa at alam ko namang kasalanan ko. “Sorry naman kasi!” Pahabol ko pang sabi kahit hindi naman na niya maririnig. “Ano bang malay ko kung bigla-bigla kang sumusulpot diyan?! Ang laki-laki ng supermarket eh! Baka sinusundan mo lang ako! Tse!”
Hay, ano ba naman iyan. Ano na ba kasi ang nangyayari sa akin?
“Jean, ano ba? Hindi naman kasi importante ang sinabi niya.”
Tama. Hindi importante ang sinabi ng lalaking iyon kaya dapat hindi ako nagpapaapekto.
“Hay… Mag-focus ka! Mamili ka na!”
Namili na nga ako at nag-ikot na rin muna bago mag-decide na umuwi. Kaso nagutom ako kaya naman napagdesisiyunan ko munang kumain at magpahinga na rin.
"Here's your order, Ma’am," sabi sa akin ng Waiter nang ibigay niya na ang aking order.
"Thank you,” wika ko naman.
Kumain na nga ako.
Ang sarap-sarap na nang pagkain ko nang mapatigil akong bigla.
Nakita ko kasi si Keyf na naglalakad sa mall mag-isa. Nagulat tuloy ako dahil nakita ko siya rito.
"Anong ginagawa ng impakto na iyon dito?” tanong ko sa sarili ko. Nakataas pa ang isang kilay ko habang nakatingin sa kinaroroonan niya. “Ini-stalk ba niya ako?" Bigla kong sabi kasi palingon-lingon siya sa paligid na animo ay may hinahanap na hindi makita. “Ang kapal ng mukha para stalk-in ako!” sabi ko pa ngunit buti na lang at hindi niya ako nakita.
Hanggang sa…
"Keyf!" Narinig kong tawag sa kanya ng isang babae tapos nakita kong nagbeso-beso sila.
Nanlaki tuloy ang dalawang mata ko sa nakita ko.
"Sino ‘yon?" Gulat at taka kong tanong. Tapos sinundan ko silang dalawa ng tingin.
I saw that Keyf put his arms around the girl's waist.
Tumaas naman bigla ang kilay ko sa nakita ko.
“’Yan ba ang matino at mabait?! Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin na mas kailangan ko siya kaysa sa mas kailangan niya ako. Duh! Ang kapal!" sabi ko habang naiinis at habang nakatingin ako sa kanila no’ng babaeng kasama niya. “Ang kapal talaga ng mukha niya!” Ulit ko pang sabi rito.
At sa sobrang inis ko ay bigla kong nasanggi ang iniinom ko kaya naman natapon sa table ko. Tinawag ko naman ang Waiter upang linisin ito.
"Waiter! Kindly clean this up." ‘Yun lang at umalis na. Actually, sinadya ko talagang sanggiin iyon dahil sa inis ko. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko at mas lalong hindi ko napigilan na mainis ako!
Hay! Hindi na naman maganda ang araw ko. Hindi ko alam kung bakit samantalang wala lang naman sa akin ‘yong nakita ko.
“Ang kapal talaga ng mukha!” Inis na inis ko pa ring sambit hanggang sa makalabas na ako ng Mall.
Nakabusangot na ako at animo ay hindi na matatanggal pa ang init ng ulo ko.
Dumaan na nga ako sa shop at binaba lahat ng mga pinamili ko tapos nagbantay na rin. Baka sakali kasing maging okay ang pakiramdam ko.
At pinakalma ko na lang muna ang sarili ko sa pamamagitan nang paggawa ng mga blended coffees.
At habang gumagawa naman ako ay...
"Nice…" Nagulat ako sa biglang nagsalita.
Napaharap ako rito at...
"Ikaw na naman?!" Gulat na sabi ko.
Nakangiti siya sa akin.
“Gulat na gulat ah?” he said.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" inis kong tanong sa kanya.
“Bakit? Ayaw mo ba akong makita? Costumer mo ako kaya dapat hindi ganyan ang trato mo sa akin," sabi nito dahilan para mapahinga ako nang malalim.
"Ugh! Pwede ba, Keyf, umalis ka na. ‘Wag ka ngang manggulo rito," I said na hanggang ngayon ay naiirita.
"Wow! You really call my name,” he said. “Mukhang natututo at nagagandahan ka na sa pangalan ko ah.” Nakangiti niyang sabi sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya.
"Ano naman kung tawagin ko ang pangalan mo?" tanong ko rito.
"Wala. I mean, I’m just happy na kaya mo naman pala akong tawagin sa pangalan ko," he said na parang tanga. Nakakainis kasi ang itsura niya!
"Para ‘yun lang? Para kang ewan."
"Maybe. Well, hindi naman ako manggugulo. I just want to buy my favorite cappuccino here," sabi niya.
"Okay,” I said at saka tinawag si Kara. “Kara, one cappucino," sabi ko sabay balik sa ginagawa ko.
"Yes, Ma’am," sagot naman ni Kara sa akin at saka ginawa ang order ng impaktong ito.
"Ang galing mo ah? You're talented sa pag-create ng mga blended coffees," he said. “Ikaw pala ang mga gumagawa ng mga recipes ninyo rito. Wow! As in wow!”
Napatigil naman ako sa ginagawa ko at saka tumingin sa kanya.
"Pwede ba, ‘wag ka ngang maingay diyan. Nandi-distract ka eh," sabi ko.
"Wow ah? Nakaka-distract talaga ako? Grabe ka naman," ika naman niya sa akin.
"Oo, ikaw talaga ang nakaka-distract sa concentration ko eh,” dagdag ko pang sabi sa kanya.
“Grabe ka naman sa akin, Jean,” he said.
Inirapan ko na naman siya.
“Pwede ba, huwag mo nga akong matawag-tawag sa pangalan ko dahil hindi naman tayo close,” saad ko sa kanya.
“Here's your order, Sir," sabi ni Kara sa kanya sabay bigay ng order niya.
"Thank you,” wika naman niya kay Kara.
“Oh, baka naman pwede ka nang umalis? May order ka na ‘di ba?" sabi ko rito.
"Ang hard mo naman masyado sa akin," sabi naman niya.
"Hindi ako hard sa iyo. Sadyang naaalibadbaran lang ako sa presensya mo. Alam mo, mabuti pa, umalis ka na. At baka hinahanap ka na ng girlfriend mo," sabi ko naman sa kanya na wala sa sarili ko. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko nasabi iyon.
"What? Girlfriend?" tanong niya.
"Pwede ba ‘wag kang magmalinis diyan. At ‘wag kang magulat kuno,” sad ko. “’Di ba may girlfriend ka?" sabi ko rito.
"Girlfriend. Girlfriend. Oh. Yeah. I have a girlfriend. Unexpectedly. Ni hindi ko nga niligawan eh kasi bigla niya akong pinakilalang boyfriend niya," sagot naman niya.
"Exactly. Oh see? I told you. May girlfriend ka. Kinalimutan mo pa. Ano ba iyan," sabi ko na naman dito.
"Yeah, yeah. May girlfriend ako,” natatawa naman niyang sambit. “At nandito siya ngayon," sabi niya na kinatigil kong bigla sa ginagawa ko.
"She is here?!" tanong ko sa kanya sabay tingin sa mga costumers at baka sakaling mamukhaan ko ang girlfriend niya.
Eh wala naman siyang kasama kanina eh.
“Oo. She is here,” ulit niyang sabi sa akin.
“Hah? Paanong nandito siya eh wala ka namang kasama kanina no’ng um-order ka,” I said.
“At alam mo pala ah,” he said na naging dahilan na naman nang pagtaas ng kilay ko sa kanya.
“Don’t start again,” I said.
“Keyf is the name,” he said.
“I don’t care!” ika ko. “Oh, akala ko ba nandito ang girlfriend mo? Nasaan?” tanong ko.
“Yea, she is here,” ulit niya.
“Nasaan nga? Eh wala naman akong makita na kamukha niya,” ika ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
“She is here. She's actually making blended coffees." Nakangiti niyang sabi na kinatingin ko bigla sa sarili ko at kinatingin din sa kanya na kinataas ng kilay ko na naman sabay…
"Funny!” sabi ko sa kanya.
Natawa naman siya nang malakas.
“Alam mo, ang corny mo!" sabi ko na hinampas siya sa may balikat niya at medyo tinulak nang bahagya.
"Ha ha!" he chuckled.
"Pwede ba, umalis ka na nga rito kung wala kang matinong sasabihin at gagawin. Nakakaabala ka lang. Hindi ka nakakatuwa! Gusto mo isumbong kita talaga sa girlfriend mo?!” panghahamon na sabi ko sa kanya sabay tumalikod.
“Oh, relax…” he said. “Ang hilig mong talikuran ako eh.”
Humarap tuloy akong muli sa kanya.
"And for the record, pinakilala kitang boyfriend ko kay Nick lang. Take note, kay Nick lang," sabi ko nang humarap na naman ako sa kanya. "And please… Nakakahiya sa totoong girlfriend mo. Kaya, go. Suit yourself," utos ko sa kanya.
Tinuloy ko na ulit ang ginagawa ko.
"What? You really believe na may girlfriend ako? Who the hell told you na may girlfriend ako?" tanong niya na kinaharap ko na namang muli sa kanya.
"You really want to know huh?" I said, challenging him.
"Aha," he said as he nodded.
"Okay. For sure kapag nalaman mo ‘to, hindi mo na ako guguluhin at hindi ka na magsisinungaling pa lalo na sa girlfriend mo," saad ko.
"Okay. Tell me. Go. I’m waiting,” sagot naman din niya na nanghahamon.
"Fine!” Huminga ako nang malalim. “I saw you," sabi ko.
"You saw me?" tanong niya na may kasamang pagtataka.
"Yeah. And don’t ever try to deny it. Kasi kitang-kita ko kayo ng dalawang mata ko sa Mall na magkasama kanina," saad ko rito.
“Sa Mall?" tanong na naman niya.
"Aha!” Ako naman ang tumango sa kanya.
"Okay. Mall,” he said. “What’s that supposed to mean again? You're stalking me?" tanong niya.
“What?! Excuse me?! Ang kapal mo ah! Ikaw? I-i-stalk ko? Excuse me! Baka ikaw. Mukha kang stalker kaysa sa akin."
"Me? Really me? Ako talaga?"
"Yeah. Ikaw. Kaya mong gawin ‘yon. Malabo ako ‘no."
"That’s crap! Saka ko lang gagawin ‘yon kapag gusto ko ang isang tao," sabi niya na kinatigil ko sa pagsasalita kasi nagkalapit na kami ng mukha kasi naman lumapit siyang bigla sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung bakit nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam.
"And I mean it." Dagdag pa niya.
Napalunok tuloy ako tapos lumayo sa kanya.
“Pwede ba! Huwag ka ngang lumapit sa akin!” singhal ko sa kanya ngunit mahina lang naman. “Bumili ako sa Mall ng mga supplies namin kanina when I saw you." Mabilis kong sabi. "Then nakita kong may kasama kang girl."
"Ah…” sambit niya habang nag-iisip. “Yeah. I remembered."
"Oh kita mo na. Nakalimutan mo ‘yung girlfriend mo. Lagot ka."
“Ha ha!" chuckled na naman niya.
"Oh? Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong ko rito.
“Ikaw. Your reaction," sabi niya habang tumatawa.
"Umayos ka nga!" Naiinis ko namang sabi rito. “Hindi na talaga ako natutuwa sa ginagawa mo!”
"Okay. Okay." Tumatawa pa rin siya habang pinapakalma ang sarili niya. "I’m sorry. I just can’t help it. The girl that you saw sa Mall with me, it’s Thiana, my best friend since high school. Nakipag-meet siya sa akin kasi kakauwi lang niya from Italy. Nag-migrate na kasi sila ro’n after high school graduation kaya matagal kaming hindi nagkita. And so ngayon she is here to visit me and also para magbakasyon,” he said as he explained.
Hindi naman ako nakapagsalita agad. Para kasi akong napahiya na hindi ko alam.
"You know what, hindi mo naman kailangang magselos eh," sabi niya na kinabalik ng huwisyo ko at kinataas na naman ng kilay ko sa kanya.
“Excuse me?! Ako nagseselos?! Duhhh! In your dreams! Umalis ka na nga! Nakakasira ka ng trabaho eh," sabi ko rito. Pinagtutulakan ko na siyang umalis.
"Easy ka lang. ito aalis na," sabi naman niya.
Tumayo na nga siya at....
"Hey… Don’t worry.. May boyfriend ‘yon sa Italy kaya sa iyong-sa iyo lang ako," he said sabay kindat pa at umalis na ng shop.
"What!? Ang kapal talaga ng mukha!" Naiinis kong sabi. “Ugh! Nakakainis siya! Ang yabang niya! Ang presko niya! Mukha siyang impaktong ipis!” Gigil kong sabi habang naiinis talaga sa kanya.
“Ma’am…” tawag naman sa akin ni Kara.
“What?” sambit ko tuloy rito.
Pati tuloy siya ay nagulat.
“Sorry,” I said.
“Okay lang po ba kayo, Ma’am?” tanong nito sa akin.
Hindi naman ako sumagot kaagad sa kanya.
“Tubig po,” sabi niya sabay lapag ng tubig malapit sa akin.
“Thank you,” sabi ko sabay inom ng tubig na binigay ni Kara sa akin.
“Wala po iyon, Ma’am. Um, okay na po ba kayo?” tanong na naman nito sa akin.
Marahan naman akong tumango sa kanya.
“Um, manliligaw ninyo po ba si Sir, Ma’am?” tanong niyang bigla sa akin.
“Hah?”
“Mas boto po ako ro’n kaysa po kay Sir Nick,” Kara said. “Bet ko siya, Ma’am para sa inyo." Ngiting sabi ni Kara na kinatingin ko sa kanya habang nakataas ako ng kilay. "Ay, sorry po. Gagawa na po ako," sabi niya na umalis sa tabi ko.
Nakakagigil talaga ang lalaking ‘yon! Napaka-feeling-ero talaga! sabi ko sa utak ko.
Uminom na lang ako nang frosty mocha na ginawa ko pampalamig at pampakalma ko.
- - - - -
After ng shift kong magbantay sa shop ay umuwi na rin ako para magpahinga dahil may pasok pa ako bukas. Lalo na kailangan ko nang maghanap nang mapag-o-ojt-han dahil next month start na ng OJT namin.
"Ate..." tawag sa akin ni Ellay.
"Oh? Ba’t gising ka pa?" Yumakap ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Hinihintay ka niyan kanina pa," sabi naman ni Nanay Lusing.
"Ha? Bakit naman hinihintay ako ng kapatid ko?" tanong ko rito.
"Ate, gusto ko lang malaman, totoo bang may boyfriend ka na?" tanong niya na kinagulat ko.
"Hah?" Tapos napatingin kay Nanay.
"Sabi kasi ni kuya Nick sa akin may boyfriend ka na. Keyf daw ang pangalan. Tinatanong nga niya ako kung nakita ko na ba ‘yon," she said.
"Hah? Nanay, paano po----," Napatigil ako sa sasabihin ko.
"Sinundo siya ni Nick sa eskwelahan niya kanina. Kumain daw sila sa labas tapos iyan tinanong na sa kapatid mo ang tungkol kay Keyf na nobyo mo," saad ni Nanay.
Ahhhh! Nick talaga!
“Ate, totoo po ba? Gusto ko siyang makilala,” sabi ni Ellay.
Npatingin na naman ako kay Nanay at tumango naman ito sa akin.
"Ellay, makinig ka sa Ate ah? Hindi ko nobyo ang lalaking iyon. Kailangan ko lang sabihin na nobyo ko siya kay Nick para tigilan na niya ako sa kakulitan niyang panliligaw." Paliwanag ko rito.
"Eh Ate, ‘di ba masama po ang magsinungaling?"
"Am, oo pero kailangan kasing gawin ni Ate ‘yon dahil naiinis na talaga ako kay Nick. Ayokong nililigawan ako. Hindi ko naman siya gusto kaya ginawa ng Ate ‘yon. Pero tapos na ‘yon," sabi ko sa kapatid ko.
"Paanong tapos na, Anak? Nagkausap na ba kayo no’ng Keyf at nagpasalamat ka na sa ginawa niyang pagtulong sa iyo?" Tanong ni Nanay.
"Am... Hindi pa po, Nanay, pero gagawin ko naman po ‘yon," sagot ko na lang.
"Ate, mabait ba siya? Kasi tinulungan ka niya."
"Am… Ellay, kasi... Sa totoo lang…" Napatingin na naman ako kay Nanay.
Ngumiti lang si Nanay sa akin.
"Am, oo, mabait siya, lagi siyang tumutulong sa akin kapag kailangan ko nang tulong. Pero mayabang siya. Presko. Antipatiko. Feeling-ero." Dire-diretso ko nang sabi dahil sa pagkainis ko kanina sa impaktong iyon.
"Ha? Ate, naman. Sabi mo kanina mabait tapos biglang mayabang na? Ano ‘yon?"
"Am, basta. Hindi siya dapat kaibiganin," sabi ko rito. "Ikaw, ‘wag kang makikipagkaibigan sa mga lalaki ah? Nako. Oh sige na, matulog ka na. Umakyat ka na at magpahinga. May pasok ka pa bukas. Sige na," sabi ko na rito.
"Oh sige po, Ate. Good night po. I love you, Ate."
"Mahal ka rin ng ate." At hinalikan siya sa noo.
"Good night po, Nanay." Yumakap din siya kay Nanay Lusing.
"Good night din, Anak."
At umakyat na ito.
"Jean, anak..." tawag sa akin ni Nanay.
“Nay?"
"Nadala ka na naman ba nang galit mo sa Keyf na iyon kaya mo nasabi ‘yon sa kapatid mo?"
Umupo naman ako sa sofa.
"Nay, totoo naman po kasing mayabang siya. Kung alam ninyo lang po," sabi ko naman kay Nanay.
"Anak, hangga’t hindi mo pa nakikilalang lubos ang isang tao, ‘wag na ‘wag mo itong huhusgahan dahil ang kagandahang loob ay kusang lalabas dito." Makahulugang sabi ni Nanay sa akin.
Nagkibit balikat na lang ako.