Ang Unang Pag-aya

3129 Words
Maaga akong nagising kaya naman nagluto na lang ako nang pwedeng maging almusal para naman magulat ang aking dalawang kapatid. "Hmm! Ang bango naman." Napatingin ako sa nagsalita. "Oh? Gising ka na pala,” sabi ko kay Tel ng siya ang makita ko na nasa aking likuran. "Good morning po, Ate,” sabi niyang bati sa akin tapos hinalikan ako sa aking pisngi. "Good morning din. Ang aga mo atang nagising?” tanong ko sa kanya habang naghahalo ng kaning sinangag ko. Nagtungo naman siya sa may ref at kumuha nang sterilized milk. “Maaga ba ang pasok mo ngayon?" Tanong ko pa rito na pinatay na ang stove at nilipat ang niluto kong sinangag at omelet sa magkaibang plato. Naupo naman si Jeantelle sa upuan nang makakuha na siya ng kanyang gatas na iinumin. "Hindi po, Ate,” tugon niya. “Oh, kung gano’n, bakit ang aga mong nagising?” Muli kong tanong sa kanya. “Magpapasa po kasi kami ng project, Ate, at saka may tatapusin pa po kami about sa ginawa mo naming project noong nakaraan kaya napag-usapan po namin na maaga kami ngayon.” Paliwanag nito sa akin sabay inom ng gatas. "Ah. Nice. Maganda ‘yan." Ngiti ko naman dito. "Mabuti pa, sabay na tayong kumain." Aya ko sa kanya. “Masarap itong niluto,” ika ko. "Oo naman, Ate,” tugon naman niya tapos tumayo at saka kumuha siya ng dalawang pinggan tapos dalawang set ng spoon and fork. Ako naman na ang kumuha ng baso para sa gagamitin naming dalawa. "Thank you, Ate," sabi niya kasi nilagyan ko na rin siya ng fried rice na niluto ko. "Let’s pray muna," sabi ko. Nag-sign of the cross muna kami bago nagdasal at... "Amen!" Sabay naming sabi ni Jeantelle. "Let’s eat!" Masaya naming sabi ni Jeantelle at saka nagtawanan pa. Kumain na nga kami. "Ang sarap, Ate ah? The best ka talagang magluto ng omelet…" Ngiti niyang sabi sa akin. “Binobola mo na naman ang Ate, Tel," ika ko naman dito. "Hindi Ate ah?" sabi niya tapos sabay tawa. Natawa na rin naman ako sa kanya. At pinagpatuloy na nga namin ang pagkain tapos… “Oh, uminom ka nito. Baka maghapon ka na naman sa school," sabi ko. Inabutan ko siya ng fresh na gatas na nakita ko kanina sa ref. Hindi iyon ang kinuha niya kasi sterilized na ang ininom niya pero mas mabuti kasi ang fresh na gatas para sa katawan lalo na marami silang gagawin. "Thanks, Ate…” Ngiti na naman niyang sabi sa akin. "You’re welcome. Basta para sa inyo ni Ellay, lahat ibibigay ko.” Ngiti ko namang sabi rito. "Salamat, Ate..." sabi pa niya. At nagpatuloy na nga kaming kumain na dalawa. "Um, Tel, kumusta naman ang pag-aaral mo?” tanong ko sa kanya. “Okay naman po, Ate,” sagot niya. “Hindi ka naman ba nahihirapan?” tanong ko pa sa kanya habang naglalagay ng gatas sa aking baso. “Um, medyo po, pero okay naman na po kasi kahit papaano naman po ay nakakasunod naman ako sa mga lessons namin,” she said. Ngumiti naman ako. “Mabuti naman kung ganoon. Akala ko kasi ay nahihirapan ka,” I said. “Sabihin mo lang kung nahihirapan ka para maturuan kita kung saan ka man nahihirapan,” ika ko. Ngumiti na naman siya. “Salamat po, Ate, pero okay lang po ako. Kaya ko naman na po at nandiyan naman po ang mga kaibigan ko. Nagtutulungan naman po kami kapag hindi naman po namin maintindihan," sabi niya. “Mabuti naman kung gano’n at nasa mga mababait kang kaibigan,” I said. “Opo, Ate,” she said. Kumain na naman kaming muli. “Um, Ate…” tawag niya sa akin. “Um?” Tingin ko naman sa kanya. “Sino pala ‘yung sinasabi ni kuya Nick na boyfriend mo?" tanong niyang bigla. Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Jeantelle. Buti na lang ay may tubig ako na nakalagay sa baso ko. "Ate, okay ka lang ba?" Tanong niya na halatang nag-alala sa nangyari sa akin. Tumango naman ako sa kanya habang napapaubo. "O-Oo. Okay lang ako. Ehem…” sambit ko. “Uminom ka pa po ng tubig, Ate,” she said. Ginawa ko naman ang sinabi niya. Uminom pa akong muli ng tubig. “Pati ikaw tinanong ka rin ng Nick na ‘yon tungkol sa lalaking iyon?" sabi ko rito. Tumango na naman siya. “Parang ganoon na nga po, Ate,” sabi niya. Napailing na lang ako sa kanya. "So, kahit sila Nanay at Jeanella ay alam na na may boyfriend ka, Ate?" tanong niya. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Paano ko ba sasabihin? Hindi ko naman kasi talaga boyfriend si Keyf eh! Pasaway talagang Nick ‘yon! sabi ko sa isipan ko. "Am, mahabang kwento…" sabi ko na lang. "Pwede mo sa aking sabihin, Ate. Alam mo namang magaling ako riyan sa mga ganyang bagay,” sabi niyang ngumiti sa akin. Tumingin naman ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. "Nako, Ate… Mukhang may something ah?" she said. “Ha? Anong something? Eh hindi naman sinasadya na sabihin kong boyfriend ko si Keyf kasi wala na akong masabi kay Nick na dahilan para tigilan na niyas ang pangungulit sa akin sa panliligaw eh,” sagot ko rito. Pati ako ay nagulat sa mga sinabi ko. Hindi ko na naman na-control ang sarili ko sa pagsambit ko ng mga ganoong salit. Patay na! "Ah. So Keyf is the name pala, Ate,” she said habang ngingiti-ngiting nakatingin sa akin. “Ang cute naman ng pangalan niya, Ate. Siguro cute rin po siya ano?" tanong nito. Umiling ako. "Acute siya!” sabi ko. “Para siyang acute triangle," sabi ko pa. Napatawa naman si Jeantelle sa sinabi ko. "Mabait po ba siya, Ate?” bigla niyang tanong. “Pakilala mo naman sa amin, Ate, kung sino siya." "Jeantelle, hindi ko totoong nobyo ‘yon. Kunwari lang dahil si Nick kasi makulit. At isa pa hindi ko rin close ‘yung lalaking ‘yon. Mayabang ‘yon." Mariin kong sabi rito. "Asus. Pero bakit parang nakikita kong naiinis ka, Ate?” sambit niya. "Naiinis talaga ako sa lalaking ‘yon kasi napakayabang niya. Napakapresko! Hindi naman gwapo! Akala mo kung sino! Feeling naman niya crush ko siya!" Naiinis kong sabi. Natawa naman siya nang malakas sa sinabi ko. “Ang cute mo tingnan, Ate. Parang may iba sa iyo,” sabi na naman niya. "Anong iba naman?" tanong ko sa kanya. "Baka crush mo na siya ayaw mo lang aminin sa amin," sabi nito na kinatingin ko sa kanya na naging dahilan sa pagtaas na naman ng kilay kong isa. "Hindi ko magiging crush ang isang mayabang at presko na lalaking ‘yon!" sagot ko rito. Tumawa na naman si Jeantelle nang malakas sa sinabi ko. "Oh? Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?" Napatingin kami sa gawi nang nagsalita. Si Nanay Lusing lang pala. "Nanay." Tawag namin pareho ni Jeantelle kay Nanay. Lumapit kami ni Jeantelle kay Nanay at saka humalik sa pisngi nito. "Magandang umaga sa inyo.” Bati sa amin ni Nanay. "Good morning din po, Nanay," sabi namin ni Jeantelle kay Nanay nang makabalik na kami sa aming mga pwesto. "Ano bang nangyayari? Maingay kayong dalawa. Naririnig ko ang ingay ninyo hanggang sa salas," wika ni Nanay. "Si Ate po kasi, Nay," sabi ni Jeantelle. "Ako talaga? Ikaw talaga, Tel, pasaway ka," sabi ko rito. "Ano ba kasi ang inyong pinag-uusapan, mga Anak?” tanong ni Nanay Lusing sa aming dalawa. “Maaari ko bang malaman?” "’Yung boyfriend po kasi ni Ate na si Keyf ang pangalan, ayaw pang aminin na crush ni Ate, Nanay," sabi ni Jeantelle kay Nanay. "Nako, Nanay, ‘wag kang maniwala riyan kay Jeantelle. Nagbibiro lang po ‘yan," sabi ko kay Nanay sabay harap kay Jeantelle. “Ikaw talaga…” "Kita ninyo na po, Nay? Naaasar si Ate. Ibig sabihin talagang crush niya ang kunwarian niyang nobyo, ha ha!" Tawa na naman ni Jeantelle habang inaasar ako. Hay nako. Ang kapatid ko talaga. Ang lakas mang-alaska. Nakakainis! “Nanay oh!" Sumbong ko tuloy kay Nanay. "Ay ano ba kayong dalawa? Tigilan na ninyo ang pag-iingay. Ikaw Jeantelle, bilisan mo na at maligo ka na. Maaga ang pasok mo ngayon. Ikaw naman Jeantou, maligo ka na rin," utos na sabi ni Nanay sa aming dalawang magkapatid. “Opo, Nanay," sabi ni Jeantelle at umalis na. "Crush ni Ate ‘yung kunwari nyang boyfriend!" Sigaw pa ni Jeantelle paglabas niya ng kusina. "Nanay, pasaway oh!" sabi ko na lang. Napangiti naman si Nanay sa akin. "Hindi ka na nasanay sa kapatid mong ‘yon. Alam mo namang inaasar ka lang no’n. Pagbigyan mo na," sabi ng Nanay. Kunsabagay. Kasi kahit kay Nick ginagano’n naman na niya ako eh. "Eh Anak, crush mo nga ba itong si Keyf?" tanong ni Nanay sa akin bigla. "Nanay!?" Napalaki tuloy ang aking mata sa naging tanong ni Nanay Lusing sa akin. "Pati ba naman ikaw naniniwala kay Jeantelle? Joke lang po niya ‘yon. Hindi ko po crush ‘yung Keyf na ‘yon. Wala po akong gusto ro’n. Napakayabang po niya at napakapresko. Hinding-hindi po ako magkakagusto sa lalaking iyon, Nanay!" sabi ko. "Oo na, sige na. Sabi mo ‘yan,” sabi ni Nanay. “Oh, tapusin mo na ang pagkain mo at pumanik ka na rin sa kwarto mo para maligo." "Opo, Nay." Tinapos ko na nga ang pagkain ko at pumanik sa kwarto para maligo tapos nagbihis at pumasok na. Nagpaalam na rin ako kay Nanay at sumabay naman sa akin si Jeantelle. Hinatid ko siya sa school niya bago naman ako dumiretso sa school. "Ba-bye, Ate." Paalam nito sa akin. "Bye…” Paalam ko rin naman sa kanya. At umalis na rsin ako. Pumunta na rin ako sa school dahil may klase rin ako. Pagpasok ko ng room ay... "Hi guys. Good morning," bati at sabi ko sa kanila kaso mga nakatingin sila sa akin nang seryoso. Nagulat naman ako sa mga ekspresyon ng mukha nila. "Hey! Something wrong? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? May ginawa ba akong mali?" tanong ko tuloy sa kanila. "Friend…" Tawag sa akin ni Amery. "Yes?" Lingon ko naman dito. "Bakit hindi mo sa amin sinabi?" Tanong nitong bigla. "Ang alin?" tanong ko rin na may halong pagtataka. "Kailangan pa naming malaman sa iba na dapat sa iyo manggaling,” sabi naman ni Jo. Nagugulat naman ako sa mga sinasabi nila. "Ha?! Ano ba ang sinasabi ninyo? Hindi ko kayo maintindihan," sabi ko sa kanila. Tiningnan ko silang apat nang papalit-palit. Wala kasi akong makuhang sagot mula sa kanila. "Okay. Jean, okay lang naman sa amin na pumasok ka sa isang relasyon. Pero ‘di ba ikaw na nga ang nagsabi na ayaw mo dahil hindi ka handa? At ayaw mo sa mga lalaki? Pero ano ‘to?" tanong bigla sa akin ni Eunice dahilan para mapatingin naman ako sa kanya. Nagugulat talaga ako sa mga sinasabi nila. "Hah!? Relasyon? Lalaki? Ano ‘to?" tanong ko sa kanila habang gulung-gulo ako at gulat na gulat sa mga sinasabi niya. "Sinabi sa amin ni Nick na may boyfriend ka na. At Keyf ang pangalan," sabi ni Jo dahilan para sa kanya naman ako. "What!? Oh my God!" Nasabi ko tuloy tapos nasapo ko ang ulo ko nang maalala ko ang mga sinabi ko kay Nick. "Yes. At kahit kami ay nagulat dahil wala ka namang kinukwento sa amin na may nanliligaw sa iyo na Keyf ang pangalan. Kaya kami nagulat talaga sa sinabi ni Nick,” saad naman ni nice dahilan para sa kanya naman ako mapabaling ng tingin. "Ugh! Don’t tell me that you believe him?" Tanong ko sa kanila. "Friend naman. Si Nick ‘yon. Kailan ba nagsinungaling ‘yon sa amin?" sabi ni Amery. "My God! I can’t believe this! Kahit pala kayo sinabihan na rin ni Nick about dito? Oh my goodness!” naisambit ko na lang. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang sabihin ni Nick ang bagay na iyon sa mga kaibigan ko. Ugh! Nakakainis talaga siya! “Okay. Okay. Listen to me guys…” sabi ko sa kanila. Umayos naman sila nang upo at humarap sa akin. “Wala akong boyfriend, okay?” sabi ko. “Si Keyf? Hindi ko siya boyfriend. Nasabi ko lang na boyfriend ko siya para tigilan na ako ni Nick sa kakaligaw niya kasi ayoko naman sa kanya at mas lalong ayoko nang nililigawan ako. Alam ninyo naman iyan,” I said. Nakatingin ako sa kanila habang sinasabi ang mga iyon. “That’s it. I’m sorry guys kung hindi ko nasabi kasi hindi naman totoo." Paliwanag ko sa kanila. "Hindi kasalanan ni Nick ‘yon, Jean, kasi sinabi niya lang sa amin ang alam niya. Hindi mo naman kasi kami in-inform na joke lang ‘yon. Palabas mo lang para tigilan ka na ni Nick sa panliligaw niya sa iyo," sabi ni Eunice. "Nice… I’m sorry. Wala na talaga kasi akong maisip na paraan no’n kaya nasabi ko ‘yon," sagot ko naman at saad sa kanya. And I hope na maniwala sila sa mga sinasabi ko. "’Yun naman pala eh. Hindi naman pala totoo. Ang loko ng Nick na iyon!" sabi ni Jo. "Pero dapat in-inform mo pa rin kami Jean kasi parang nagmukha kaming walang alam kanina sa harap ni Nick no’ng nagtatanong siya regarding sa boyfriend mo kuno," sabi naman ni Amery habang naka-de-cuatro. "Actually, hindi nagmukha eh, talagang wala tayong alam sa mga sinabi ni Nick kanina kaya hindi tayo nagmukhang tanga, kundi natanga talaga tayo kanina," sabi ni Eunice. "Pero since nakapag-explain naman na si Jean kung bakit, I guess okay na ‘yon," turan ni Eunice dahilan para mapagaan na ang loob ko. Ngumiti naman ako. "Thanks, Eunice," sabi ko. Ngumiti rin sa akin si Eunice. "But not too fast, Honey," Eunice said. "Ha? What do you mean?" Naguguluhan kong tanong dito. "Gusto naming makilala ‘yung sinasabi ni Nick na boyfriend mo,” sabi niya. “Si Keyf. Syempre, kasama dapat kami sa palabas mo ‘di ba? Kaibigan mo kami eh." "What!? Seriously, Nice?" tanong ko rito na halatang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Aha." Tango niya. "Hah? Eh… Hindi pwede eh," pagsisinungaling kong sabi rito. "Ha? Bakit naman hindi pwede?" Tanong ni Jo. "Kasi joke nga lang ‘yon ‘di ba? Hindi naman kami talaga ni Keyf. Baka kung ano pa ang isipin niya." "Oo nga. Pero paano kung hindi maniwala si Nick kasi hindi mo siya kasama?" biglang tanong naman sa akin ni Jo. "At baka posible na talagang hindi siya maniwala kasi hindi namin siya ka-close, ‘di ba?" sabi naman ni Amery. "Ha? Eh…” sabi ko. “Guys. Wait. Misunderstanding lang ang lahat ng ito, okay?" turan ko sa kanila. "Jean… Kung ipapalabas mo kay Nick na may boyfriend ka, then be it.” Napatingin ako sa sinabi ni Eunice. Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya. “Kung hindi mo ipapakita na magkasama kayo ng Keyf na ‘yon, malamang patuloy ka niyang liligawan at kukulitin. Gusto mo ba ‘yon?" Tanong ni Eunice sa akin. Napaisip naman ako. Ano ba ‘to?! Ahhhhh! Wrong move! Very wrong! Sabi ko sa isipan ko. "Jean? Ano? Mas gusto mong kulit-kulitin ka ni Nick kaysa isipin niyang may boyfriend ka na?" Si Eunice na naman. "I’d rather be with Keyf kaysa naman kulitin ako ng hindi ko gusto." Si Amery ang sumagot. "Yeah. I agree…" Sagot naman ni Eunice. “I totally agree.” "Okay rin ako ro’n." Si Jo naman. Napatingin na naman kami kay Fiona na nakangiti lang. "Something to say, Fio?" Tanong ko rito. "Agree ako sa kanila." Mahinang sabi niya habang nakangiti. "Yesss!" sabi naman ni Jo. Aww! Talo na naman ako sa kanila. Lahat sila versus ako, talo talaga. “It’s decided…" Sabi ni Nice na nakangiti. "Ipapakilala tayo ni Jean sa "boyfriend niyang si Keyf." "Oh my God…" Bulong ko na lang. - - - - - Hindi na ako nakaisa pa ng dahilan para hindi ko sila mapakilala kay Keyf kasi pinilit nila ako. Amf. Gusto talaga nilang makilala si Keyf. "Bukas ah Jean." Naalala kong sabi ni Eunice sa akin kanina bago ako umalis. Amf naman! Paano ko gagawin ‘yon?! Kakausapin ko ang mayabang na ‘yon para ipakilala ko siya sa mga kabigan ko?! Pano ko gagawin ‘yon?! Naman! Sabi ko. Dumaan na lang muna ako ng shop para makapag-isip kaso... "Ma’am Jean. May naghahanap po sa inyo sa baba," sabi ni Arnel sa akin. "Sino?" tanong ko. "Keyf daw po." Oh my God, nandito siya! "Okay. Bababa na ako…” sabi ko rito. Okay. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong----- “Ahhhhh! Bahala na!” sambit ko na lang. Bumaba na nga ako at.... "Hey..." Nakangiting bati nya sa akin. "Oh? Ano na namang ginagawa mo rito?" ‘Yan agad ang bungad ko sa kanya. "Ang ganda naman nang bungad mo sa akin. Oo na-miss din kita," sabi niya. "Wala akong sinabi," sabi ko sabay irap dito. "Alam mo, ang sungit mo talaga sa akin." "Eh ano bang ginagawa mo kasi rito?" Tanong ko. "Wala. Yayayain sana kitang lumabas. I mean, kumain sa labas. Kung okay lang sa iyo," sabi niya. "Hah?! Kumain sa labas? Kasama mo?" Tanong ko rito. "Gulat na gulat ka naman masyado. Bakit? Masama ba? Eh ang alam naman ng lahat boyfriend mo ako eh," sabi niya na kinatakip ko bigla sa bibig niya. "’Wag ka ngang maingay riyan! Marinig ka nila, lagot ka sa akin," sabi ko rito. Tapos tinanggal ang pagkakahawak sa bibig niya. "Okay. Sorry. Hindi ko alam. Pasensya. So ano, lalabas ka ba kasama ko o rito tayo mag-uusap?" Tiningnan ko naman siyang maigi at tinaasan ng kilay. "Umayos ka ah! Lagot ka sa akin kapag may ginawa kang maling kilos!" sabi ko rito. "So pumapayag ka na?" tanong niya. "Ang slow mo pala?" "Hindi ah. Hindi ka kasi um-oo man lang eh." "Oo nga! Gusto pa sinasabi." "’Yun ‘yun eh. Tara!" Aya na niya. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. "Your car?" Tanong ko rito. "Oo naman. Tara!" Pumunta na nga kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan niya. "After you..." sabi pa niya. Pumasok naman ako. Sinara niya ang pinto at saka rin siya pumasok. "So, saan tayo?" Tanong niya. "Ayoko sa sosyalin. Food court okay lang sa akin," sagot ko rito. "Grool…" sabi niya. "Ha?" "I-I mean Cool and then I start to think Great that’s why I say Grool," sabi niya. "Ha? Okay. Whatever. Tara na lang…" sabi ko naman. Pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD