Nakapasok na nga siya kanila Eunice habang ako ay iniwanan niya lang sa labas. Oo. Iniwanan niya ako sa labas ng pinto ng bahay nila Eunice. Hindi kasi ako pumapasok nang basta-basta sa bahay ng may bahay kahit na kakilala ko pa. ‘Yun kasi ang turo sa amin kaya naman nandito lang ako sa labas. Hangga’t hindi ako tinatawag ng may-ari ng bahay ay hindi talaga ako papasok. Sign of respect kasi iyon na sinabi at itinura sa amin ng aming mga magulang. "Keyf…" Narinig kong may tumawag sa akin. Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Fiona..." sambit ko rito nang makilala ko kung sino ang tumawag sa akin. "Hi. Kanina ka pa ba?" Malumanay niyang tanong na hindi ko sigurado kung ano ang tanong na iyon dahil sa sobrang hina ng kanyang boses. "Um, not really,” sagot ko na la