Dinala ko nga si Keyf sa dance floor at umindak sa beat ng tugtog para hindi halatang pagsasabihan ko siya dahil sa ginawa niyang pagpapakilala sa akin kanina sa babaeng kasama niya na Stella ang pangalan at na ex-girlfriend pa pala niya. Ang kapal ng mukha! "What was that?" Tanong ko rito nang makalayo na kami sa pwesto naming dalawa kanina. Ayoko rin naman kasing marinig nila ang pag-uusapan naming dalawa. "Oh… Magaling ka pa lang sumayaw ah, Baby ko,” sabi niyang nang-aasar pa sa akin habang ngiting-ngiti. “Hindi ako nakikipag-asaran ngayon sa iyo, Keyf!” Inis kong sambit sa kanya. “Tinatanong kita. Sagutin mo ako kung hindi ay hindi ka matutuwa sa gagawin ko sa iyo," sabi kong pagbabanta sa kanya. Nakakainis na kasi siya! Hindi niya ako siniseryoso! Ang akala niya ay nakikipagbi