Nakabalik na nga kami ni Amery galing sa banyo at talaga namang todo lapit at dikit pa rin talaga siya kay Keyf na akala mo ay mawawala ito sa kanya. Hindi naman siya ang girlfriend pero bakit parang kung makaasta naman siya ay siya ang kasintahan? Oo. Wala naman sa akin ‘yon. Kahit maglandian sila riyan sa harapan ko, wala talaga akong pakialam. Bahala sila! Ang akin lang naman ay kumalma siya at maging natural lang sa mga galaw niya. Baka kasi mamaya biglang may makakita na kaibigan ni Nick sa kanila lalo na sa kanya na ganyan ang ginagawa kay Keyf, edi wala na? Mawawala lahat ng mga plano namin? Hay naman talaga. Dapat kasi talaga na maging sensitive sila sa paligid nila lalo na at ganito ang sitwasyon namin. Hay nako. Mga papansin naman kasi! sabi kong sambit sa isipan ko. Nati