Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga ang aking klase. Ngunit maaga pa lang ay nakatirik na ang aking mga mata sa sobrang inis. "Good morning, Anak." Bati ni Nanay Lusing sa akin nang makita niya akong pababa na ng hagdanan namin. "Good morning din po, Nanay." Bati ko rin dito sabay halik sa kanyang pisngi. Kasama na kasi sa routine namin nag paghalik sa kanya kapag umaga. “Good morning, Ate." Bati ng dalawa kong kapatid sa akin na humalik din sa pisngi ko at... "Kumusta po ang tulog mo, Ate?" Tanong ni Jeantelle nang makaupo na kami nang sabay-sabay sa harap ng aming hapag. Hindi ako sumagot kasi ang aga-aga..... "Nakasimangot ang Ate," sabi ni Jeanella. Napatingin siguro ang Nanay sa akin. "Oo nga. Bakit ka nga ba nakasimangot, Anak?” tanong niya sa akin. “Kaaga-aga eh nak