Nakarating na nga kami sa university ni Keyf nang magkasama. At kanina pa rin ako nakasimangot dahil ang aga-aga ko talagang bad trip sa lalaking kasama ko ngayon. Naiinis talaga ako sa kanya. Ang aga-aga niya akong ininis na hindi naman dapat. Tapos isa pa ‘yong ginawa niya kaninang umaga na pinuntahan ako sa bahay, which is hindi naman dapat kasi hindi naman kailangan. At talaga naman kasing hindi kailangan dahil wala naman akong sinabi sa kanya na puntahan ako at sunduin sa bahay! Nako naman! Naiinis na naman talaga ako! Okay na nga sana ang umaga ko dahil kahit papaano ay nalaman ko na nakauwi ako nang maayos pero ang kinainis ko talaga is ang pagpunta niya ng bahay ng walang pasabi man lang. Nakakainis talaga! Kinuha ko ang gamit ko at inayos nang nakapag-park na siya nang ma