KEYF'S POV Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko kay Jean. I never intended to kiss her actually, but I just want Nick to be aware na girlfriend ko nga si Jean ng sa gayon ay tigilan na niya ito. Kasi ang hirap niyang papaniwalain sa mga sinasabi at pinapakita namin, sa totoo lang. We are actually doing everything and anything as well, kaso talagang hindi siya naniniwala sa mga palabas namin. Hindi ko nga alam kung paano niya nako-convince ang sarili niya na huwag maniwala sa aming mga palabas. Saan kaya siya kumukuha ng ganoong katatagan ng loob? Kung ako iyon ay titigil na ako dahil alam kong wala na akong pag-asa pa, ngunit siya ay hindi. Malakas ang kanyang loob na talagang may pag-asa pa siya kay Jean. Hay nako. Ang tao nga naman. Mabalik tayo kanina sa nangyari. Hindi ko talaga