KEYF'S POV
I don’t know what is wrong with Jean. Hindi ko naman siya inaano pero laging mainit ang ulo niya sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit.
At hindi ko man lang siya makitang nakangiti kapag nakikita niya ako.
Kung hindi siya seryoso ay laging nakataas naman ang kilay niya o kung minsan naman eh nakasimangot siya sa akin.
Hay.
Ano ba ang nagawa ko sa kanya para laging pasinghal kung kausapin niya ako?
Pero mabuti na lang at pumayag siya nang yayain ko siyang kumain sa labas. Ang akala ko nga ay hindi siya papaya. Mabuti na lamang talaga at napapayag at naaya ko siya, kaso pagalit pa rin naman siya.
Dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil pinakilala niya ako sa manliligaw niyang Nick na iyon na boyfriend niya, kahit hindi man lang siya nagpaalam sa akin, hindi ba?
Buti na lang at mabait ako.
Hindi ako kagaya ng iba na magugulat at hindi sasakay. Buti na lang at madali akong maka-gets noong ganoon ang ginawa niya, na pinakilala niya akong boyfriend sa makulit na manliligaw niyang si Nick.
"Jean…” tawag ko sa kanya. “Siopao you want?" Tanong ko nang tumingin ako gawi niya.
Tumango lang siya sa akin habang ang isang kilay ay nakataas.
“Bakit na naman nakataas ang kilay mo?” tanong ko tuloy sa kanya.
“Tanong ka pa nang tanong, um-order ka na lang,” sabi niya.
Hay nako talaga.
Napapailing na lang ako sa kanya.
“Oh, ano ang iniiling-iling mo riyan?” tanong niya sa akin.
“Wala…” sagot ko sa kanya.
“Um-order ka na. Tanong pa nang tanong eh,” she said habang nakasimangot na naman.
Hay talaga. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya.
“Kuya, dalawang siopao po tapos dalawang soft drinks po," sabi ko sa lalaking tindero.
"Ano po ang soft drinks ninyo, Sir?" Tanong nito sa akin.
"Am... Sandali lang po…" sabi ko rito sabay tingin na naman kay Jean.
Nakita ko namang nagse-cellphone siya kaya naman hindi ko na lang siya tinawag.
Lumapit na lang ako sa kanya at...
"Ano ang gusto mong soft drinks?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako at naghihintay nang sagot mula sa kanya.
Sumimangot ito na tumingin sa akin.
"Ang dami mong tanong.” Pagalit at naiinis na sabi niya sa akin. “Bahala ka na sana kung ano ang gusto mo. Hindi iyong tanong ka nang tanong sa akin. Ano ba ang malay ko kung ano ang mga maiinom doon?” sabi nito sa akin.
"Ang init na naman ng ulo mo. Nagtatanong lang naman ako. Ikaw talaga," I said. “Baka kasi mamaya hindi ka pala umiinom nang binili ko, edi nagalit ka na naman sa akin?” ika ko.
Nakasimangot na naman siya sa akin.
"I gave you the permission, ikaw na ang bahala. Bilisan mo na. Ikaw na lang ang mag-decide," sabi niya. “Ang dami-daming chenes! Nakakainis!”
Muli na naman akong napailing sa kanya.
"Oo na…” sabi ko.
Talaga naman. Nagtatanong lang naman ako sa kanya para alam ko kung ano ang iinumin niya, babarahin pa ako. What is this girl? Pasalamat siya at hindi ako pumapatol sa mga babae dahil may Ate ako.
Bumalik na nga ako sa lalaking tindero.
"Kuya, kahit ano na lang po. Your best seller na lang po siguro para hindi po ako mahirapan."
‘Yun na lang ang sabi ko tapos binigay na ang order ko.
Kuya prepare the food that I ordered naman at inabot sa akin pagkatapos.
“Thank you, Kuya,” sabi ko.
Hindi pa ako nagbayad since hindi pa naman kami paalis.
Bumalik na nga ako sa pwesto namin ni Jean.
"Here…" sabi ko sabay abot ko sa kanya nang binili kong pagkain niya.
Hindi man lang marunong mag-thank you.
Hay.
Kinuha niya ang pagkain niya para sa akin pero wala talagang salamat.
Nako talaga ang babaeng ito.
Naupo na lang tuloy ako katapat niya.
"Mainit ‘yan ah?" Paalalang sabi ko sa kanya.
Tumingin lang siya sa akin na nakataas ang kilay.
"Aw!" Bigla niyang sabi. "Ang init!" dagdag pa niya.
"I told you mainit ‘yan. Ikaw naman kasi masyado kang nagmamadaling sumubo," sabi ko na kinuha ang siopao niya tapos tinanggal ang papel dito.
Syempre ayoko rin namang mapaso na naman siya dahil lang sa hindi niya alam.
"Oh. I took off the paper. Pwede mo nang kainin” sabi ko nang maibalik ko na ang siopao niya sa platito niya.
"Wala naman akong sinabing tanggalin mo eh. Intrimitido ka talaga," sabi niya sa akin habang nakasimangot.
Napatingin at napamaang na lang ako sa kanya habang nagugulat at napapailing.
Ano ba itong babaeng ito? Nagmagandang loob ka na nga, siya pa itong galit, sabi ko.
"Okay. Sorry. Sige na kumain ka na," sabi ko na lang.
At kumain na nga kami.
Hindi ko naman sinasadya, pero ang gusto ko lang naman ay matulungan siya. Kaso minasama naman niya ang ginawa ko.
Hay ano ba iyan.
Habang kumakain kami ay pinagmamasdan ko lang siyang kumain. Paano ba naman, kahit sa pagkain kasi ay napakaseryoso niya. Hindi man lang ngumingiti o kung ano man. Parang curse para sa kanya ang pagngiti.
Ni hindi nga siya nagsasalita para magkaroon man lang kami ng talk.
"Oh bakit nakatingin ka sa akin nang ganyan? May dumi ba ang mukha ko ah?" Tanong niya nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya.
"Ha? None. I mean, kahit kasi kumakain tayo, napakaseryoso ng mukha mo. You really fit to wear that frown face of yours hah? Hindi nagbabago," sabi ko dahilan para lalo tuloy siyang sumimangot sa akin.
"May problema ka ba sa akin hah?" tanong niya na animo ay nanghahamok ng away.
"Oh. Ang init na naman ng ulo mo. Relax ka nga lang. Hindi naman kita inaano eh. Ikaw talaga," sabi ko sabay tawa nang mahina lang at baka pati iyon ay magalit siya.
"Kasi ikaw eh. Pumayag na nga akong lumabas kasama mo, ikaw pa ‘tong......" Hindi niya tinuloy ang sinabi niya.
"Hah?” sambit ko. “Anong ako? Wala akong ginagawa sa iyo. I’m just telling facts here,” I said. “’Yung nakikita ko lang naman sa iyo ang sinisita ko eh. Kasi naman lagi kang nakasimangot. Kung hindi naman nakasimangot, nakataas ang kilay na akala mo laging galit. O kaya naman eh seryoso na parang ayaw makipag-usap sa kahit sinong lalaki. Ganyan ka ba talaga?" I asked.
Hindi siya sumagot.
"You know what, you can tell me anything you want to say. Makikinig lang ako. Hindi naman ako maingay na kapag nagsabi ka sa akin eh sasabihin ko sa iba. Secrets are okay and fine with me,” I said to him.
"At bakit naman? Sino ka ba ha?" tanong niya na naiinis na naman.
"Boyfriend mo ako, ‘di ba?" sabi ko sa kanya.
"Hoy, para sabihin ko sa iyo, kunwari lang ‘yon. Palabas lang para tigilan ako nang makulit kong manliligaw! Huwag kang feeling-ero ano!" sabi niya.
"Okay, okay. I got you. Pero bakit ba ayaw mong magpaligaw kasi?" tanong ko tuloy sa kanya. “Maganda ka naman,” I said dahilan para sumimangot na naman siyang muli at magtaas ng kilay sa akin. “What? Totoo naman ang sinabi ko ah. Maganda ka naman talaga. Masungit ka nga lang,” sabi ko dahilan para mas lalo niyang itaas pa ang pagkakataas ng kanyang isang kilay.
“Anong sabi mo?” sambit niya.
“Hey! Why are you mad at me? I am just saying and telling the truth. Totoo naman kasi ang sinabi ko,” sabi ko.
Hindi pa rin naaalis ang pagkakasimangot niya sa akin.
“Fine… I’m sorry, but it was all true, Jean. Maganda ka kaso nga lang masungit ka.” Ulit ko ng sabi na naman sa kanya. “Bakit ba kasi ayaw mong magpaligaw sa kanya? Eh mukha namang mabait ang Nick na iyon,” ika ko.
“Ayoko nga,” she said. “Hindi ko gusto, okay? Kaya kong mabuhay na walang mga lalaki. Panira lang sila ng buhay ko. Hindi ko sila kailangan. Kaya ko naman na walang lalaki," sabi niya. Desidido ang bawat punto.
"Wow. Ngayon lang ako naka-meet nang ganyan ang pananaw sa buhay. Hindi mo talaga kailangan ang mga lalaki sa buhay mo? Kahit isa?" Tanong ko.
"Kahit isa,” tugon niya sa akin. Punung-puno nang kasiguraduhan at talagang malaman ang bawat punto niya.
"Aw. Eh kung hindi mo pala kailangan ng lalaki, bakit mo pa ako pinakilalang boyfriend mo ro’n sa manliligaw mo?" tanong ko sa kanya.
Humarap naman siya sa akin.
"Ang kulit mo rin eh ‘no? Sinabi ko na nga sa iyo. Ayokong nililigawan ako. At kaya ko sinabi ‘yon para tigilan na niya ako. Hindi mo pa rin ba makuha?" tanong niya.
"I get that. Pero bakit kailangan mo pang sabihin na may boyfriend ka? Bakit hindi mo na lang basted-in ‘yung Nick na ‘yon para tapos na ang problema mo, ‘di ba?” ika ko naman. “Tingnan mo ngayon, lalong naging magulo kasi nalaman niyang may boyfriend ka na," sabi ko naman.
Napaisip naman siya.
"Alam mo, ilang beses ko nang b-in-asted ang lalaking iyon. Kaso talagang desidido siyang manligaw. At sinabi pa niya sa akin na hindi siya titigil sa panliligaw unless may boyfriend na ako" sabi niya.
"Pursigido…” sambit ko.
"Oo. Sobra. At oo naging magulo nga. Ewan ko ba. Pati sa mga kapatid ko at sa Nanay ko nagtanong siya kung kilala ka ba nila. Sira ulo nga eh kasi parang sinisigurado niyang boyfriend talaga kita. Nakakainis siya!" sabi na naman niya.
"I told you. Mas naging complicated talaga ang lahat."
"Eh, nandito na ‘to eh. Wala na akong choice," sabi naman niya.
“Alam mo, Jean, may choice ka naman eh,” I said.
“Ano naman hah?” tanong niya.
“Sabihin mo sa kanya ang totoo. Na hindi mo talaga ako boyfriend,” I said.
“Ano ba! Hindi nga pwede! As much as I want it, hindi pwede,” pilit niyang sabi sa akin.
“Bakit?” tanong ko na naman sa kanya.
“Kasi nga mas lalo nga siyang magpupursige na ligawan ko siya, and I really don’t want that to happen,” saad niya.
Napaisip naman ako pagkatapos ay huminga nang malalim.
"Alam mo, I can help you with that,” I said.
“Hah?”
“I can stand as your boyfriend for the meantime para tigilan ka na talaga ng lalaking ‘yon," I said as I offered her.
JEAN'S POV
Napatingin ako sa sinabi ni Keyf.
"Hindi ko kailangan nang tulong mo. Kaya ko namang gawan ng paraan para tigilan na talaga ako ni Nick eh,” sabi ko.
"I doubt. Ano ka ba? Palabas lang naman eh. At for the meantime lang naman. Para talagang makita niya na may boyfriend ka na. Syempre iniisip niya ngayon na hindi mo talaga ako boyfriend dahil hindi naman niya tayo nakikita na magkasama. Lalo lang mag-iisip ‘yon na palabas lang lahat ng ito. Come on, Jean. It’s just a show. Jive on it. No strings attached. Just a show para tigilan ka na niya," he said. “Once he realized that we are really a couple, at tuluyan ka na niyang nilayuan, the deal is over. As simple as that.”
Tiningnan ko siya nang maigi.
Oo. Pwede. Pero kasi......
Ah. Basta. Tingnan natin. Wala namang masama eh.
"Okay. Okay. Sige. A-agree ako but in one condition," sabi ko.
"Condition? Oh sige. No problem."
"Okay… Ayoko nang hahawakan mo ako. Kahit saang parte ng katawan ko. Basta ayokong hahawakan mo ko,” sabi ko.
"Aha." He nodded. "Noted with that."
"’Yun lang."
"’Yun lang?" tanong niya.
"Oo. ‘Yun lang. Ayoko nang hahawakan ako."
"Kahit magpaalam ako?" he asked again.
"Kahit magpaalam ka, hindi kita papayagan," I said.
"Kahit hinihingi na ng sitwasyon na hawakan kita, hindi pa rin pwede?" tanong na naman niya.
"Alam mo ang dami mong tanong eh. Hindi nga pwede, okay? Ang kulit mo." Simangot ko na naman dito.
"Okay fine. Relax ka lang. Init na naman ng ulo mo. Okay. Ako rin may condition," he said.
"At talagang ikaw meron din ah?"
"Yep yep yep."
"Okay. Ano naman iyon?" tanong ko sa kanya.
"Ayokong nagtataas ka ng kilay kapag hindi naman kailangan. Kasi alam mo maganda ka eh. At mas magiging maganda ka kung ngingiti ka," sabi niya.
"Hah?! Ako nga ‘wag mo akong niloloko ah!" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh ayan na naman tayo. Kakasabi ko lang na dapat hindi ka nagtataas ng kilay eh."
"Hmf! Oh sige. Hindi ako magtataas ng kilay kung hindi kailangan. ‘Yun lang ah."
"Ah, ah, ah… Hindi pa. Meron pa,” sabi niya.
"Meron pa?" tanong ko.
"Yes."
"Dinaig mo pa ako ah?"
"Syempre."
"Oh ano ‘yung isa pa?" tanong ko.
"Bawasan mo ang pagsisimagot mo. Nagmumukha kang matanda eh."
"Aba?! Sapak gusto mo?"
"Oh, easy ka nga lang. Sabi ko bawasan. Hindi ko naman sinabing alisin mo eh," sabi niya.
Actually, kaya ko naman ang mga pinapagawa niya. Kasi sa bahay hindi naman ako ganito eh. Mas gusto ko lang kasi na nakikita ako ng mga lalaki as a fierce woman.
"Oh sige. Payag na ako. Babawasan ko."
"Ayan. Oh, iwasan mo na ah."
"Oo na. Pero kapag kailangan, sisimangot talaga ako," sabi ko.
"Okay. Okay. Ikaw ang bahala."
Tumango na lang ako.
"Mabuti pa, punta na lang tayo sa Mall." Aya niya.
"Mall?"
"Yes. Mall."
"At ano namang gagawin natin sa Mall?" tanong ko sa kanya.
"Am, mamamasyal."
"Mamamasyal?" takang tanong ko sa kanya.
"Yes. Ano ba ang ginagawa ng mga tao sa Mall? ‘Di ba namamasyal? Edi ‘yun ang gagawin natin."
"Okay ka lang ah?"
"Bakit na naman?"
"Mamamasyal tayo? As in tayo?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang sarili naming dalawa.
"Oo. Anong masama ro’n? Girlfriend naman kita at boyfriend mo ako. I can’t see bad things there."
"What?! Masama. Okay? Baka may makakita pa sa atin. Isipin pang may namamagitan sa ating dalawa."
"Exactly! That’s the point. Paano tayo magiging at ease sa isa’t-isa kung hindi tayo magba-bond? Jean, come on. Hindi natin mapapasakay si Nick na tayo nga talaga kung hindi natin mage-gets ang isa’t-isa,” sabi niya.
At may point naman siya.
"Okay sige. Mamamasyal tayo pero saglit lang ah? Magbabantay pa ako ng shop namin." Pagpayag ko nang sabi rito.
"Yeah. Sure. No probs." Ngiting sabi niya.
"Umayos ka ah?" sabi ko.
"Of course, aayos ako."
At pumayag nga ako na sumama sa kanya sa Mall.
Namasyal nga kami. Nag-ikot-ikot. Pumunta sa mga stalls.
"Jean!" Tawag niya sa akin.
Tumingin naman ako rito.
Kina-cuddle niya ‘yung teddy bear na color pink.
"Bagay sa iyo."
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Oh. ‘Yang kilay mo nakataas na naman," sabi niya dahilan para sumimangot naman ako. "Oh, nakasimangot ka naman ngayon. Hindi kailangang sumimangot. Tandaan. Bawasan…" sabi niya kaya naman tumalikod na lang ako rito.
Lumapit naman na siya sa akin.
"Tara. Do’n naman tayo sa mga books," he said.
‘Yun. Mas okay pa akong magbasa.
Sumunod naman ako sa kanya tapos tumingin siya ng mga books sa book sale. Pati ako tumingin syempre. Mahilig ako sa mga novels, stories and poems eh.
Nagbuklat ako. Nagulat pa ako nang isara niya sa harapan ko ang libro na binuklat ko.
"What the hell!?" Inis kong tanong dito pero mahina lang naman. Tapos tinuro niya ‘yung nakasulat sa itaas ng shelves.
Tiningnan ko naman ito at binasa.
"No private reading."
Nakalagay sa shelf.
Tumingin ako sa kanya.
"Okay. I got it," sabi ko rito.
"Hilig mo bang magbasa ng mga libro?" Tanong niya.
"Not just reading but also making novels, stories and poems," I said.
"Oh talaga?"
"Yeah. That’s why Journalism ang kinuha ko. How about you?" tanong ko sa kanya.
"Ako? Architecture,” he said.
"Hmm. Nice. Gusto mong gumawa ng mga buildings ha?"
"Yep. Bata pa lang ako mahilig na akong mag-build gamit ang lego ko. I find it cool," he said.
“Ah. Yeah. Cool nga."
"Teka, you said may kapatid ka?" he asked.
"Aha." I nodded. "Jeantelle and Jeanella."
“Tatlo pala kayong magkakapatid?"
"Yes. At puro babae pa."
"Ow."
"Aha." I nodded again.
"So, parehas kayong college?" he asked again.
Umiling ako.
"No. Si Jeantelle first year college pa lang while si Jeanella naman is grade six."
"Ah. Malayo ang agwat ninyo ah?"
"Yes. Very. Eh ikaw? ‘Di ba sabi mo may ate ka?"
“Ah. Oo. Si ate Adarina,” he said.
"So sister mo talaga ‘yung palaging nasa coffee shop namin?"
“Yes."
"Tapos boyfriend niya ‘yung kasama niya?"
"Yes. Si kuya Fraud. Kailan lang naging sila. Conflict kasi sa trabaho ni Ate kaya ayon ngayon lang naging official."
"Pero matagal ko na silang napapansin sa coffee shop namin."
"Favorite kasi nila ang coffee shop ninyo. Kahit naman ako eh. Masarap kasi mga coffee blends ninyo." Ngiti niyang sabi.
"’Wag mo kong utuin,” sabi ko naman sa kanya.
"Oh, hindi ako nang uuto. Sinasabi ko lang ‘yung totoo."
"Okay."
Madami pa kaming napag-usapan ng hindi namin namamalayan. Hanggang sa nasabi ko sa kanya na gusto siyang makilala nila Eunice.
"Gusto ka nga nilang makilala eh," I said. Umiinom kami niyan nang binili niyang shake.
"Really? Oh sige. Gusto ko rin silang makilala kung gano’n."
"Seryoso ka?" tanong ko.
"Mukha bang hindi? Of course, I’m serious. I want to meet your friends tutal sila naman ang may sabi na gusto nila akong makilala kaya ako rin. Gusto ko na rin silang makilala." Ngiti niyang saad sa akin.
"Umm. Okay. Sige. Bukas. Sa canteen. Breaktime. Ipapakilala kita sa kanila," sabi ko.
"Grool…” sabi niya.
"Yeah. Grool," sabi ko rin.
Okay naman siya kausap. Hindi siya nakaka-boring kagaya ni Nick but it doesn’t mean na gusto ko na siyang kasama.
"Thank you nga pala sa pagsama sa akin ah, Jean?" sabi niya.
"Ah, wala ‘yon."
"Oh sige na. Alam kong busy ka pa sa shop ninyo at ayoko namang guluhin ka."
"Tama ‘yan,” I said.
"Dito na ako. Bukas na lang. Bye!" sabi niyang kumaway pa.
Nag-nod na lang ako sa kanya.
At umalis na siya.
Para sa akin ay okay naman siya. Siguro magiging okay naman ang magiging palabas namin kung magiging maayos siya at hindi siya babali sa sinabi kong ‘wag niya akong hahawakan dahil kung hindi, lagot talaga siya sa akin.
But overall, okay siya. Kalog. Very fun-to-be-with.
Alam ko magugustuhan siya nila Eunice. Magki-click sila ng mga kaibigan ko kasi pare-parehas silang kalog.
At sana talaga kapag totally natanggap na ni Nick na wala na talaga siyang aasahan, sana siya na ang kusang tumigil at manahimik para hindi tumagal ang palabas na gagawin namin ni Keyf.
Ayokong mapalapit sa kanya.
Ayoko.
Lalaki siya. Babae ako.
Hindi maganda lalo na at hindi ko gusto ang mga lalaking kagaya niya.