“Jean," tawag sa akin ni Amery. Kaibigan ko. "Oh? What happened? Naalala mo na naman ba ang nakaraan mo?" tanong nito sa akin.
Nasa restroom kasi kaming dalawa kaso bigla ko na namang naalala ang nangyari sa akin ilang taon na ang nakalilipas.
Muli ko na namang naramdaman ang galit sa tanong na iyon sa akin ni Amery.
"Gustung-gusto ko nang gumanti, Ame,” wika ko rito. “Pero hindi ko magawa," bigla akong napaiyak.
Sa sobrang galit ko na hindi ko mailabas ay iniiyak ko na lamang ito.
"Hey… Enough, Jean," alo naman niya sa akin. "Kahit naman kasi gustung-gusto mo, wala ka namang magawa kasi you don’t even know kung nasaan na si Theo," she said at tama siya ro’n.
Kasi hindi ko talaga alam kung nasaan na ang lalaking ‘yon!
Ang hayop na ‘yon!
Ang demonyong lumapastangan sa akin!
At walang puso at kaluluwa na pumatay sa kasintahan ko!
Nagkukuyom ako sa galit kapag naaalala ko ang ginawa niya sa akin at kay Jeff.
Wala kasi akong magawa.
Wala akong nagawa.
Hindi ko man lang naipagtanggol ang mahal ko.
Napaiyak na naman ako.
"Friend, tama na nga,” sabi sa akin ni Ame. “Halika na. Baka dumating na ‘yung prof. natin. Pagalitan na naman tayo," aya na niya sa akin.
Tumango na lang ako rito pagkatapos ay nag-ayos na ng damit at nag-ayos na rin ng sarili ko.
Nagtataka kayo, I know.
Nabaril ako, yes.
Theo shot me. But he was wrong kasi iniwan niya akong buhay.
Buhay na buhay.
Somebody saw me no’ng gabing ‘yon at dinala ako sa bahay nila.
They cured me until I’m okay enough. I went back to the mansion para sabihin kanila Mama at Papa ang nangyari but I’m late.
Too late dahil nabili na nila Theo ito at nakaalis na ang Papa at Mama.
Ang walang hiya!
Nagawa pang bilhin ang mansyon namin at paalisin ang mga magulang ko!
“Señorita, matagal na po kaming pinaalis ng inyong mga magulang," sabi ng isa sa mga katiwala namin nang puntahan ko ito sa kanilang bahay. "Magmula po kasi nang sinabi ni Señorito Theo na nakipagtanan na po kayo kay Jeff, binili na po nila ang mansyon at pinaalis po kaming lahat. Si Don Itaki po ay inatake sa puso at namatay. Samantalang ang Donya Divine naman po ay nagkasakit nang malubha hanggang sa ito ay bawian din ng buhay," kwento nito dahilan para mapaiyak ako at humagulhol.
“Napakasama niya!” gigil na gigil na sambit ko. “Ang Papa. Ang Mama. Hindi ko man lang sila nakita at nakahingi ng tawad sa aking kalapastanganan," iyak ko.
“Señorita, tumahan na po kayo," pag-alo na sabi ni Manang Lusing sa akin. "Ito po pala, Señorita."
May binigay itong papel.
Kinuha ko naman ito mula sa kanya.
"Iniwan po iyan ng inyong mga magulang. Ibinigay po ito sa akin ng inyong Mama bago siya mamatay," wika nito.
Binasa ko naman kung ano ang nilalaman ng papel na ibinigay sa akin ni Manang Lusing.
"’Yan po ang last will and testament ng inyong Papa, Señorita. Nakasaad po riyan na kayo ang tagapagmana ng ekta-ektaryang lupain na naiwan sa pangangalaga ni Mang Berning,” turan ni Manang Lusing. “Ang mansyon ay binili na ngunit naiwan pa rin ang Hacienda na pag-aari ng inyong Mama sa probinsya nito. Ang mga negosyong naiwan din po ng inyong mga magulang ay iniiwan sa pangangalaga ninyo. Señorita..." muling tawag sa akin ni Manang Lusing.
"Po?"
"Kabilin-bilinan po ng inyong Mama na kapag nagbalik daw po kayo rito sa atin ay ibigay ko po iyan sa inyo. At ipinagbilin din po kayo sa akin kasama ng inyong mga kapatid," sabi nito dahilan para mapangiti ako at mapayakap dito.
“Salamat po, Manang Lusing," sabi ko rito.
‘Yan ang nangyari sa aking pagbabalik. Masakit mang tanggapin na maagang namatay ang aking Mama at Papa, may naiwan naman sa akin.
Ang galit.
Galit na makaganti sa ginawa ng isang taong may kasalanan kung bakit iba na ako ngayon.
Galit na mas lalong nagliliyab habang tumatagal.
At galit na susi ko upang gawin ang lahat, mahanap lang ang lumapastangan sa akin at sa mahal kong si Jeff.
“Jean…” muling tawag sa akin ni Amery ng hindi na naman ako kumibo rito. “Ano? Let’s go," aya na niya sa akin.
Sumunod naman na ako.
"Ikaw talaga. Puro ka isip diyan. Just don’t mind it muna okay? Mamaya sama ka sa amin ah?" sabi nito.
"Huh? Saan na naman?" tanong ko rito.
"Wow ah? Maka na naman ka naman diyan. Akala mo sumasama ka. Eh hindi naman," natatawa niyang tugon sa akin.
"Eh alam mo namang busy ako kapag gabi eh," tugon ko naman dito.
“Oo na. Puro kasi business,” reklamo nitong sagot sa akin. “Alam mo Jean, mas magandang mag-assign ka na lang nang tutulong or magha-handle ng business ninyo. Para naman nakakasama ka sa mga galaan ng barkada," sabi niya. “Paano ka magkakaroon ng happy life katulad ko kung hindi ka naman lalabas sa comfort zone mo?” tanong na naman niya sa akin.
Umiling naman ako sa kanya.
"Hay nako, Ame. Busy ako. Saka na kapag graduate na siguro tayo," ngiti ko na lang dito.
Nakalimutan ko.
Nag-aaral pa pala ako. 4th year college. Graduating. Under the course of AB Journalism major in literature. Hilig ko kasing magsulat ng mga stories, gumawa ng tula at magsulat ng mga nobela. Noon pa man ay hilig ko na talaga ‘yan kaya ‘yan ang kinuha kong kurso.
"As per usual na dahilan. Lagi na lang. Baka naman kapag graduate ka na eh mas lalong hindi ka na namin makasama niyan dahil 100% ka nang tutok sa business ninyo?" muling pagrereklamo nito sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Sabi na nga ba eh. Mas magiging busy ka sa mga kapatid mo at sa business ninyo. Hay!"
Tumawa na lang ako.
"Halika na nga. Baka hinihintay na nila tayo,” at ako na ang nag-aya sa kanya.
At nagpunta na kami sa room namin.
"Oh, Ame, Jean. Kanina pa kami nandito. Ang tagal ninyo namang magbanyo?" tanong ni Joey sa amin.
Siya si Joey. Ang medyo boyish sa grupo.
"Oo nga naman. Saan ba kayo galing pa hah?" Si Eunice. Ang pinakamalandi sa grupo namin. Kahit sino nilalapitan niya basta matipuhan niya, pero mabait ‘yan. Oo, mukha man siyang pakawala, nag-aaral pa rin naman siya nang mabuti.
"Ito kasi si Jean, medyo nag---," sabi ni Ame na natigil dahil bigla akong nagsalita.
"Medyo sumama kasi ‘yung tiyan ko. Pasensya na," sabi ko.
Ayoko kasing malaman pa nila ang nakaraan ko.
Si Amery lang ang nakakaalam at wala ng iba.
"Masakit pa ba hanggang ngayon? Meron ako ritong gamot." Si Fiona. Ang pinakasimple at tahimik sa grupo.
Pinakamabait at pinakamatulungin.
Lahat na ata nasa kanya kaya maraming nagkakagusto pero sadyang pihikan sa lalaki.
"No thanks, Fio." ‘Yan ang tawag ko kay Fiona. "I’m fine na. Don’t worry," ngiti ko rito.
Medyo ngumiti rin naman siya sa akin.
"Jo, labas muna tayo. May yosi kaba riyan?" tanong ko kay Joey.
“Wala. Ito talaga. Dapat nagpabili ka kanina. Hindi mo naman sinabi," she said.
"Ay, sorry, nakalimutan ko," sabi ko na lang.
“Kasi naman. Oh, teka nga pala. May gala tayo mamaya, sino kasama?" tanong ni Eunice.
"Ako go ako, as always. Wala ng bago," sabi ni Ame.
"Oy, sama ako riyan. ‘Di pwedeng hindi," saad naman ni Joey.
"Fio, ikaw?" tanong ni Eunice rito.
Tumango na lang siya at ngumiti kay Eunice.
“Oh, kasama si Fio," sabi ni Eunice.
Kahit kasi tahimik si Fio, hindi naman siya KJ sa mga lakaran ng barkada.
"Ikaw, Jean?" sabay baling sa akin ni Eunice.
Umiling ako.
"Sorry, Guys. Alam ninyo naman ang schedule ko," I said.
"’Yan tayo eh. Lagi na lang. Pagbigyan mo naman kami kahit ngayon lang, Jean," pakiusap na sabi ni Eunice.
"Oo nga naman, Jean," segunda naman ni Joey.
"Sige na, friend. Kahit ngayon lang," sabi rin naman ni Amery.
Napatingin naman ako kay Fio.
"Oh Fio, ikaw wala ka bang words of convince sa akin?" Natatawa kong tanong dito.
Ngumiti lang siya.
“Hay nako. Ang mga ‘to talaga. O sige," sabi ko dahilan para mapasigaw sila except kay Fio, of course.
“Woooo! ‘Yun oh!" sambit ni Joey.
"Pero....” Napatigil sila sa pagsasaya at napatingin sa akin.
“Anong pero?” tanong ni Eunice.
“Hindi ako pwedeng magpagabi ah? Alam ninyo naman. May dalawa akong kapatid. Inaalagaan ko ‘yong mga ‘yon,” sabi ko rito.
"Oh yeah. Noted with that, Dear," sabi ni Eunice.
"Oh. So, tayong lahat magsasaya ah! Yes!" sigaw ni Joey.
Hindi na ako umuwi. Nag-text na lang ako kay Manang Lusing na medyo gagabihin ako nang uwi dahil may pupuntahan kami ng mga kabigan ko at ‘wag na akong hintayin ng dalawa kong kapatid kasi baka gabihin na ako.
"Wooo! Let’s party guys!" sigaw ni Ame at Joey.
"Sige na. Magsaya lang kayo. Dito lang ako," sabi ni Eunice na umalis na nga sa mesa namin.
"Saan naman pupunta ‘yon?" tanong ko kay Ame.
"Saan pa ba? Eh ‘di maghahanap ng lalaki. Alam mo naman ‘yon. Makati," sagot lang ni Ame na may kasamang pagtawa.
"Sira ka talaga, Amery. Marinig ka no’n," sabi naman ni Joey.
Muli na namang tumawa si Amery.
"Hayaan mo siya,” wika nito. “Tara na nga. Do’n tayo. Sayaw tayo!" At inaya nga ni Amery si Joey sa gitna at nagsayaw.
Naiwan lang kami ni Fio sa mesa. Nasa bar na kasi kami. Nagkakasiyahan lang.
"Fio…" tawag ko rito sabay alok ng alak pero tinaas lang niya ang iniinom niyang juice. "Nako. ‘Di ka mag-e-enjoy riyan," sabi ko naman.
Ngumiti lang siya.
Ganito na ako ngayon. Ibang-iba sa simple at mahinhin na Jeantou na una ninyong nakilala.
Nagbago ako.
Nagbago ako para mas maging matatag ako at matigas.
"Fio… Banyo lang ako," paalam ko rito.
"Sige..." sabi niya. Mahinhin pa rin kahit nasa bar.
Hay nako.
At umalis muna ako sa table namin.
Nagtungo sa girl's restroom at umihi.
Tapos nagulat pa ako kasi nakita ko si Eunice na may kahalikan na lalaki sa gilid ng restroom.
Hindi ko na lang siya tinawag.
Grabe. Live action. Tss!
Medyo gumegewang na ako kasi naman naparami na ang inom ko.
Eh saktong padaan ako ng dance floor at biglang maganda at masigla ang tunog kaya naman nakisayaw na rin ako.
"Wooo!" sigaw ko habang umiindak.
Ang sarap pala nang ganitong buhay rito sa Maynila.
Hindi ko inaasahan na ganito pala kasaya kapag gumagala ang barkada na wala ako.
Sana noon ko pa ginawa ito.
"Yeah!" sigaw ng iba.
“Gonna put your hands up, oh oh. Gonna put your hands up, yeah yeah." Kanta ng iba dahil alam nila ‘yung kanta.
Sayaw rin naman ako at nakikikanta.
"Yeah, yeah!"
Tapos nagpalit ng kanta. Medyo boring kaya bumalik na ako sa mesa namin.
"Hay. Ang saya!" sabi ko.
"Yeah, yeah. Hmmm!" Kanta naman ni Joey.
"Oh? Nasaan na si Amery?" tanong ko rito.
"Ayun oh..." Turo ni Joey kay Amery na may kahalikan na ring lalaki. At kasayaw pa niya.
"Oww!" Nasabi ko tuloy. "Wow! Kanina si Eunice. Tapos ngayon.....oww. I can’t believe it!" sabi ko.
"First time mo kasi. Ganyan sila eh. Okay lang ‘yan. Kapag lagi ka nang sumasama sa amin, balewala na lang sa iyo ginagawa ng mga ‘yan. Masasanay ka rin," sabi lang ni Jo.
Tumango na lang ako.
"Hi, Miss," sabi ng isang lalaki. Biglang may lumapit sa table namin at sa akin talaga siya lumapit.
Hindi ko siya pinansin.
“Hi… I’m Marcus. May I know your name?" he asked.
"I’m sorry. But I’m not interested," sagot ko naman dito.
"Buu! Tablado ka, Pare," sabi ng mga kasama niya na nasa mesa na rin namin. Kahit ako nagulat.
"Excuse me?" sabi ng lalaki.
"You heard me right? I said, I’m not interested. So, can you please back-of?" sabi ko pero hindi ata ako narinig.
Kaya inulit ko.
"Back-of!" Ayan napalakas na ang pagsabi ko kaya naman hinawakan akong bigla ng lalaki sa braso ko at...
"No one is turning her back on me! Not even you!" sabi niya na bigla akong kinaladkad.
“Joey, Fiona!" sabi ko pero nang mapasulyap ako ay hindi rin sila makasunod para tulungan ako kasi may mga lalaking nakabantay na sa kanila.
"Where are we going?!" tanong ko rito.
"You'll see, Baby!" sabi lang niya tapos dinala ako sa may gilid ng restroom kung saan ko nakita si Eunice na nakikipaghalikan pero ngayon ay wala na ito.
Isinandal ako ng lalaki tapos bigla akong hinalikan sa leeg.
"Ahh! Get off of me!!" sigaw ko.
Bigla ko tuloy naalala ang ginawa sa akin ni Theo dati. Kaya naman tinuhod ko siyang bigla sa p*********i niya dahilan upang mapasigaw siyang talaga.
"Ahh! You b*tch!" sigaw nito habang namimilipit sa sakit.
Tinulak ko naman siya pero nahawakan niya ako at sinampal.
"Hey!" Nagulat ako ng may biglang sumuntok do’n sa lalaki at napabulagta ito.
Napatingin naman ako sa lalaki.
"Hey, are you okay?" tanong niya. Akma pa nga sana niya akong hahawakan pero mabilis akong lumayo at nagsalita.
“Don’t touch me," sabi ko bigla.
"Okay. Okay. I just wan------,"
"I’m fine. Thank you." ‘Yun lang ang sinabi ko tapos umalis na at iniwan ang lalaking tumulong sa akin.
Pagbalik ko sa table nila Fiona at Joey ay....
"Jean, anong nangyari?" tanong agad ni Jo.
"I’m fine. L***ng lalaki ‘yon. Gusto pa akong tikman! Neknek niya," sabi ko na lang.
At tumawa lang nang malakas si Joey.
Oh, bago matapos ang kabanata na ito, hayaan niyong magpakilala ako.
Jean Yakito Chee. That’s my name. Jean, read and pronounced as Shan. Not Jin. It’s Shan.