Kinakabahan akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto niya. Nagda-dalawang isip pa ako kung kakatok pa ba ako, o hindi. Maka-ilang ulit kong tinangkang kumatok pero hindi ko magawa. Jeez! Parang may pumipigil sa akin, eh. Habang patagal ako nang patagal dito sa kintatayuan ko, lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Bakit ba kasi ako kinakabahan, eh mag-re-review lang naman ako? Yeah, sa kwarto niya, at dito pa matutulog. Hindi. Hindi ko talaga kayang pumasok dito! Akmang lalakad na ako pabalik sa kwarto ko nang bigla namang bumukas ang pintuan kaya napatigil ako. "Where are you going?" Rinig kong tanong niya kaya nilingon ko siya. "Babalik sa kwarto ko?" Nahihiya at hindi siguradong tugon ko. Inirapan niya ako saka hinila papasok sa loob ng kwarto niya. "Jeez! Bakit ba napaka-bayole