Hindi pa man nagsisimula 'yung palabas, nakaramdam na ako ng antok. Ganito ako kapag malamig ang paligid ko, antukin. Hikab at singhot lang ang ginawa ko hanggang sa mag-umpisa na ang palabas. Ex files. 'Yan ang title. Maganda kaya ito? Madami na ding tao sa loob at halatang puno na ang cinehan. Nilingon ko ang nasa bandang kaliwa ko, at nagsisisi na lumingon pa ako. Jeez! PDA! They're making out! Kaagad kong inalis ang tingin ko at kinuha ko ang pizza at mabilis na kumagat dito at hindi na muling lumingon pa kahit may naririnig akong mahihinang ungol. Naalala ko tuloy na hinalikan din ako ni Jace kanina! Psh. First time ko pa naman 'yun, wala man lang karoma-romantic! Binuksan ko ang softdrinks at ininom after kong maubos 'yung pizza. Gusto ko pang hingiin 'yung kay Jace dahil hindi