"Good morning, Hans!" Nakangiti at masigla kong bati sa kaibigan ko saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. She's busy reading and she's wearing a reading glass. Tinignan naman niya ako at inayos ang salamin. "Iba talaga 'pag inlove. Kulang nalang pati 'yung ngipin mo sa bagang, lumitaw na." Seryosong pahayag nito saka muling ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. "Bakit nakasalamin ka? Malabo na ba 'yang mga mata mo?" Tanong ko dito. "Tsaka, ngayon ka palang nag-re-review?" Dagdag ko pa. Ibinaba niya ang hawak niya saka tumingin sa akin ng mataman. Pansin ko na para siyang naka-drugs dahil namumula ang mga mata niya, at ang laki ng eyebags niya. "Para matakpan ang eyebags ko! Napuyat ako kagabi! f**k!" Inis na sigaw nito kaya lahat ng atensyon dito sa loob ay nasa amin na. "What?!" Ta