Nakatayo lang ako at parang hindi makagalaw dahil sa mga narinig ko. Tagos, eh. Pagkatapos kaming talikuran ni Jace at iwanang dalawa dito, naglaho na din ang pekeng ngiti na naka-plaster sa labi ko. Gusto ko mang magalit kay Karlo, pero hindi ko magawa. Bakit? Dahil wala naman siyang kasalanan. Hindi naman niya kasalanan kung ganoon ang mga isinagot ni Jace, 'di ba? Choice of words ni Jace 'yun. Hindi siya tinuruan ni Karlo. Wala din akong karapatan magalit kay Jace kung pumayag man siya dahil hindi naman din niya alam na may alam 'tong isang 'to kaya pumayag siya. Hindi naman niya pwedeng pigilan si Karlo kung gusto niya akong ligawan dahil mahahalata siya. At isa pa, sinabi ko sakanya na kaya kong mag-desisyon para sa sarili ko. Ako lang din naman ang nagpapasakit ng sarili kong puso,