"Finally!" Sigaw no'ng isa sa mga kaklase kong babae at inihagis pataas ang notebook nito. 'Yung iba naman ay nag-apiran pa at nag-cheers gamit ang ballpen. Bakas sa mga mukha nila ang saya. Well, I can't blame them since our midterm exam was successfully done. Though, wala pa ang resulta, alam ko sa sarili ko na hindi ako bagsak kahit na mahirap. Lalong-lalo na sa hands-on na lalagyan ng error ang program mo at ikaw mismo ang hahanap ng mga nakakalitong errors. Good to know that I have a pretty sharp eyes. Wala ding humpay ang pa-ulit-ulit kong pagra-run ng program ko para malaman kung ilan pa ang errors. Lilitaw naman kasi iyon. Sumenyas si Hansal na lumabas na kami kaya sumunod ako sakanya. Saktong palabas na sana kami nang biglang magsalita si Agatha na nakatayo ngayon sa harapan. "