Chapter 2

1778 Words
Chapter 2 "Manang, alis na po ako!" Sigaw ko habang mabilis na bumababa sa hagdan. Jeez! Late na naman ako nito. "Ang aga pa lang, ah. Hindi ka na ba kakain?" Rinig kong tanong niya mula sa kusina nang makarating na ako sa may sala. Tumingin ako sa wall clock, maaga pa nga. Pero ayoko nang mag-stay pa ng matagal lalo na at nandito pa si Jace. At ayoko din kumain kasabay siya. Lumakad ako patungo sa kusina. Bastos naman kung sisigaw na naman ako, 'di ba? Sumilip ako kusina at nakita kong nakaupo si Jace sa harapan nang mesa. Prenteng prente siyang nakaupo. Tsk. "Hindi na po. Doon nalang po. Una na po ako." Paalam ko at umalis na. Bubuksan ko na sana ang gate nang biglang may humila na naman sa braso ko. Tiningnan ko siya ng masama. Bakit ba ang hilig nitong manghila? "Sumabay ka na sa'kin," alok niya. Ano 'to? Way niya sa paghingi ng sorry? Useless! Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tuluyang binuksan ang gate. Lumabas ako at pumalakpak ng malakas para magtawag nang Tricycle. Naka-tatlong palakpak ako pero walang lumalapit na trike. Wrong timing naman. "Sumabay kana kasi! Don't be so stubborn." Nakakunot-noo niyang sabi. Bakit naman ako sasabay sakanya? Nakalimutan na ba niya 'yong mga sinabi niya sa akin kagabi? Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang taong 'to! "Kaya ko naman. Mauna ka na." Tugon ko nang hindi nakatingin sakanya kahit nasa nasa gilid ko siya. Asar naman 'tong mga nagta-tricycle dito, eh! Pumalakpak pa ulit ako, pero mukhang hindi pa din nila naririnig 'yon. Ang bingi! Lumakad ako para sana pumunta nalang sa kinaroroonan nila pero biglang nag-salita si Jace kaya napatingin ako sakanya. "Don't let me drag you inside this car." May pagbabanta niyang wika habang nakaturo sa kotse sa harapan. Oh! Nandito na pala sa labas 'yong kotse niya. Hindi ko napansin, ha. "Wala akong pakialam." Sagot ko at tuluyan ng naglakad. Narinig kong bumukas 'yong pintuan nang kotse pero hindi ako lumingon. Sumakay na siguro siya. Sumuko din! Nakaka-ilang hakbang na ako palayo sakanya nang biglang binuhat niya ako. Iyong buhat na parang bagong kasal. "Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakabuhat niya. Pero parang wala lang sakanya. Parang hangin lang ako na binubuhat niya. Gago ba siya? Alam nang lahat nang mga tao dito na anak ako nang kasambahay namin, tapos ganito? "Carrying you," sagot niya nan walang emosyon. Bwisit! Nang nasa tapat na kami ng pintuan nang kotse niya ay iniupo niya ako sa passenger seat, inayos 'yong seatbelt ko, at sinarado 'yong pintuan. Lumipat siya sa kabilang side nang kotse at binuksan 'yong kabilang pituan nito saka pumasok at umupo sa driver's seat. Tinangka kong tanggalin ang seatbelt pero pinigilan niya ako, kaya sumuko nalang. Binuhay niya ang makina nang sasakyan, at bumusina muna. Napansin kong nandoon si Manang sa terrace nakatayo siya at. . . nakangiti? Nakangiti siya ng malapad. Oh my? Did she saw that stupid scene? s**t! Humarurot ang sasakyan hanggang sa makalabas kami nang Village. "Dito nalang ako, ipara mo ang sasakyan." Utos ko nang makita ang terminal nang na sasakyan ko papunta sa eskwela. Pero parang wala siyang narinig dahil patuloy pa din siya sa pagmamaneho. "Ihahatid kita." Sagot naman niya habang nakatuon ang paningin sa daan. Bigla siyang huminto dahil red light na. "Naninigurado ka talaga, 'no?" I hissed at him. Napatingin siya sa sinabi ko. Bakit? Hindi ba? Hindi naman niya ako hinahatid o mas mabuting sabihin na sinasabay sa pagpasok. "Huwag kang mag-alala, hindi ko sinasayang ang perang ginagastos mo sa pagbabayad nang tuition fee ko." Dagdag ko pa na ikinasingkit nang mata niya pero hindi siya umimik. Totoo naman na iniisip niya na sinasayang ko lang ang pera niya. Nagulat nalang ako nang bigla niyang patakbuhin ang sasakyan ng mabilis kaya napakapit ako sa kinauupuan ko. "May balak ka ba na sabay tayong mamatay, ha?" Sigaw ko habang nakatuon 'yong paningin ko sa dinadanan namin. Nakita ko naman sa sulok nang mata ko na lumingon siya saglit sakin pero agad niya din inalis 'yon. Iyong mga ibang sasakyan na halos kasabay lang namin kanina ay parang nakaparada nalang. Nakahinga ako nang maluwang nang pumarada na siya sa tapat nang university kung saan ako nag-aaral. Tinanggal ko ang seat-belt saka binuksan ang pintuan, at bumaba na. Pero bago ko tuluyang isarado ang pintuan ay yumuko muna ako para makita siya sa loob. "Salamat sa pagsabay, ha?" I said in a sarcastic tone. "Kung gusto mo na nga pa lang mamatay, solohin mo nalang." Dagdag ko pa. Akala ko, magagalit na naman siya. Akala ko sisigawan na naman niya ako at sasabihing 'ikaw muna ang papatayin ko' pero nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang ngumiti. As in ngiti! Iyong litaw lahat nang mga ngipin niya. Minsan ko lang nakita ang ngiti niyang iyon. Priceless! Parang bigla nalang akong kinilig and then I just found myself grinning back at him. Ugh! Galit ka dapat, eh! "Go, now. Male-late ka naman." Sabi niya saka hinila 'yong pintuan nang kotse. Siya na 'yong nag-sara. Pinanood ko ang pag-alis niya hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan niya. Nakangiti akong naglakad papasok sa University. Hindi ko mapigilan, eh! Nakikita ko pa din kasi 'yong ngiti niya kanina. Yieh! Bakit ba gano'n siya? Alam ko, galit ako sakanya, eh. Pero bakit sa isang ngiti niya lang, nawala na 'yon lahat? Nakaka-asar! Nakarating ako sa Institute building namin at umakyat sa hagdan patungo sa second floor. Doon kasi 'yong first subject ko ngayon. Pag-pasok sa room ay medyo konti pa lang 'yong mga kaklase ko na nandito. Umupo ako at humalumbaba. "Huwaw! Ang lapad nang ngiting 'yan ah?" Bungad sakin ni Hansal na kakarating lang. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi nang sa'kin. "Anong meron, besfriend?" Tanong niya. Umiling lang ako habang nakangiti pa din. "Weh? Sa ngiti mong 'yan, wala?" Tinuro pa niya 'yong bibig ko. "Oh my God?!" Sigaw niya. Tinaasan ko siya nang kilay. "Bakit maga din 'yang mga mata mo? Don't tell me. . . ginawa niyo na?" Lumaki ang mata ko sa sinabi niya, while she's grinning from ear to ear. Hindi ako tanga para hindi malaman ang tinutukoy niyang ginawa na namin. "Ang dumi nang isip mo!" Suway ko sakanya. Grabe! Kung alam niya lang na kaya namamaga ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi, mawawala ang malapad niyang ngiti. "Pwede ba! Tell me, may nangyari na ba? Ha?" Ang sagwa naman pakinggan no'ng term niya. Ito talagang babaeng 'to, parang 'di anak mayaman kung magsalita. "Nangyari! Wala, 'no. Oa mo talagang mag-isip." Hinampas niya ako sa hawak niyang pamaypay. "Bahala ka nga kung ayaw mo'ng sabihin!" May pagtatampo sa boses niya. Ano ba kasing nangyari ang gustong malaman nito? Na hinatid niya ako dito - isinabay pala at nginitian? Sabihin pa ang babaw ko! "Wala naman kasi talaga Hans, eh," pilit ko. E sa wala naman talaga. Tiningnan niya lang ako nang 'i-don't-believe-you' look pero hindi na siya nagsalita. Hindi na kami nag-usap dahil busy na siya sa pakikipag-daldalan sa iba naming kaklase. Ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na si Mrs. Tarun - instructor namin sa first subject namin. "Good morning, class," bati niya sa amin. Binati din namin siya nang sabay-sabay. "Wala tayong masyadong ita-topic ngayon, itutuloy lang natin ang naudlot na discussion kahapon." Kinuha niya 'yong mga class cards namin sa kulay pink niyang pouch. "Let me check your attendance first." 'yong mga class cards namin ang nagsisilbing attendace sheet namin sa lahat nang subjects. We're no longer high school for that class record. After she checked our attendance, nag-simula na siyang magdiscuss. Magaling magturo si Mrs. Tarun, at mabait siya. Mabilis na natapos 'yong morning class namin kaya pumunta kami ni Hansal sa school cafeteria para kumain. "Wala ka ba talagang balak magsabi sakin, ha?" Wika niya habang nakataas ang isang kilay. Bakit ba ang kulit nito? Tsk! "Ano ba kasi ang gusto mong malaman?" Kunot-noo kong tanong. "Oh darling, don't frown on me," mataray na sabi niya. "Alam kong alam mo ang gusto kong malaman. I want to know everything. Don't you dare skip even a small detail." "Fine!" Pagsuko ko. Kinwento ko sakanya ang lahat nang nangyari kagabi. Mula sa paglalakad ko sa nakakatakot na kalsada. Tawa siya ng tawa, pero no'ng ikinwento ko na ang nangyari nang makarating na ako sa bahay, bigla nalang siyang nag-hysterical! "Grabe din naman 'yang gurang mong asawa e, no? Sana sinampal mo!" Kinuha niya 'yong isang baso na may lamang tubig saka ininom ng diretso. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita, "ang kapal naman nang mukha niyang lalaking 'yan para sisihin ka! Aba. . . gusto mo ba na ikasal sakanya? Ang layo talaga nang hitsura niya sa ugali niya! Palibhasa matanda na. . ." tumigil siya at tumingin sa taas na parang may inaalala. "Ilang taon na nga ba siya?" Tanong niya. "Magtu-twenty-five na siya sa September 20." Yeah, ahead siya ng apat na taon sakin. Pero sabihin na nating five years. 6 months lang naman ang pagitan ng birthday namin, eh. Pero parang magkasing edad lang kami. Malayo din kasi ang hitsura niya sa edad niya. "See? Sino ba ang gustong maikasal sa gurang na Jace na 'yon? Tsk tsk!" "Ako?" I laughed pero tiningnan niya lang ako ng masama. "Hinatid niya ako dito kanina," medyo nahihiya kong sabi. "Isinabay lang pala." Pagtatama ko. Muntik naman niyang mailuwa ang spaghetti na nginunguya niya. "Gaga! Parehas din 'yon! Pero, totoo? Hinatid ka niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako. Hindi naman kasi talaga niya ako isinasabay sa pagpasok niya sa trabaho. Nagko-commute lang ako. "Oo, ayoko nga sana, eh. Kaso binuhat niya ako at isinakay sa kotse kaya ayon." Bigla siyang napatili sa sinabi ko. Para siyang naipitan nang kuko. Iyong mga ibang kumakain sa cafeteria ay nakatingin nalang samin. 'yong iba ay nagtaas pa nang kilay. "Ayyyy! Alam mo, baka mahal ka na no'n pero ayaw lang niyang ipakita. Baka nahihiya lang!" "Adik! Binuhat lang pasakay no'ng kotse, mahal na agad? 'yang isip mo talaga, mahilig mag-conclude!" Suway ko. "Excuse me, hindi po ako nagco-conclude lang basta-basta. Malay mo, magising ka isang araw buntis ka na pala." Tumawa siya nang malakas sa sinabi niya kaya hinampas ko sakanya 'yong isang Piattos. Marami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa maisipan na naming pumasok sa afternoon class namin. Wala kaming masyadong ginawa sa Prog. 7 at sa Humanities kaya maaga kaming nagsi-uwian. Niyaya nga muna ako ni Hansal na dumaan muna sa bahay nila at doon na mag-dinner kaso tumanggi ako dahil ayoko na nang mahabang usapan kapag ginabi na naman ako ng uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD