Chapter 1

1595 Words
Chapter 1 Mag-isa akong naglalakad sa medyo madilim na kalsada pauwi sa bahay. Iyong mga poste ng ilaw sa gilid nang daan ay sapat lang para makita mo ang dinadaanan mo. Iilan lang kasi ang mga nakasindi, mukhang pundido kasi 'yung iba. Wala na din masyadong mga dumadaan na sasakyan dahil oras na. Mag-a-alas onse na kasi ng gabi. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang may marinig akong yabag sa may likuran ko. Alam ko naman kasi ang kalaskas nang mga sapatos na suot ko. Tsaka alam ko din ang hakbang na ginagawa ko. Hindi ako lumingon dahil natatakot na din ako. Baka mamaya, holdaper pala 'to. Binilisan ko nalang ang paglakad ko sabay pinakiramdaman ang mga yabag na sumusunod sa paghakbang ko. s**t! Paano pala kung holdaper nga 'to? Wala naman akong ibibigay sakanya. Baka mamaya, patayin ako! Jusko. Gustong-gusto kong lumingon pero pinipigilan ko ang sarili ko. baka pagharap ko, kutsilyo na pala ang kaharap ko. Ayoko pa naman mamatay, eh. Jeez! Mas lalo kong binilisan ang paglakad ko at nang makarating ako sa tapat ng isang poste na walang ilaw at sa bandang kanan ko naman ay isang eskinita ay mas lalo akong nakaramdam ng patong-patong na kaba, dahil mukhang hindi nalang isa ang tao na nasa likuran ko. Tinapangan ko ang sarili ko na lingunin sila, para hindi naman unfair kung sakaling mamatay ako ay makikita ko ang hitsura nang mga taong kikitil sa buhay ko. Oh my wild thoughts! Paglingon ko ay may isang kulay puting pusa na mabilis na tumatakbo palabas mula sa eskinita. "Walang hiya kang pusa ka!" Kinakabahang bulong ko habang hawak-hawak ang dibdib ko. Jusko! Halos mahimatay na ako sa takot, pusa lang pala! Thank you, Lord! Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa gate ng village kung nasaan ang bahay namin. Nakita ko 'yung guard nang village na nakaupo sa isang monoblock sa loob ng guard-house at parang may kausap siya sa telepono. Napatayo siya nang makita niya akong tumatakbo at lumabas mula sa loob saka ako tinanong, "Okay ka lang ba, hija? May humahabol ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya. Umiling lang ako habang nakatungkod ang mga kamay ko sa tuhod ko. "Bakit ba ginabi ka?" Tanong pa niya. "Kuya manong, may tubig po ba kayo?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Uhaw na uhaw ako,eh! Tumango naman siya at pumasok sa loob. Paglabas niya ay iniabot 'yung isang bottled water sa akin at iniinom ko 'yon ng tuloy-tuloy. "Salamat po." Sabi ko nang mapawi ko na ang uhaw ko. "Walang anuman. Ikaw ba si Sarah Mendoza? Iyong anak nang kasambahay ni Mr. Austin?" Tss. "Bakit po?" Tanong ko. "Kanina pa tumatawag dito 'yung amo niyo, mukha ngang galit, eh. Kakatapos lang ngang tumawag bago ka dumating." Lagot na. Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Hindi pa nga ako maka-get over sa kaba ko kanina, heto na naman. "E bakit ka nga ba tumatakbo, hija?" Tanong pa ni manong. Dami naman tanong! Ayoko sa mga taong lagi nalang nagtatanong, eh. "Para po kaagad akong maka-uwi." Pagsisinungaling ko. Sasabihin ko ba na may 'parang may sumusunod kasi sa'kin, pero pusa lang pala'? Baka pagtawanan ako ni Kuya Manong. "Delikado sa kalsadang 'yan, hija. Sa susunod na gabihin ka, magpasundo ka." Paalala niya. Tumango naman ako. Oo nga't delikado talaga sa kalsadang 'yon! May mga taong nag-aabang daw doon, eh. "Sige na at umuwi ka na. Baka lalong magalit sa'yo 'yong amo niyo. Pati Nanay mo, madamay pa." Tumango ako at nagpaalam ako kay Kuya Manong saka na umalis. Kung alam mo lang Kuya! Nang nasa tapat na ako nang bahay namin ay mukhang hindi pa sila tulog dahil bukas pa 'yong ilaw sa sala. O baka naman nakalimutan lang ni Manang na patayin? Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Jace na nakaupo sa sofa. Gabi na, ah? Bakit hindi pa tulog 'to? Mukhang hindi pa niya napansin ang pagdating ko dahil nasa likuran niya ako at busy siya sa pagta-type sa Laptop niya. Nagtuloy-tuloy nalang ako papunta sa hagdan. Wala naman akong balak na ipaalam sakanya na nakauwi na 'ko dahil wala naman 'tong pakialam. Akmang hahakbang na ako paakyat nang bigla niyang hilain ng marahas ang braso ko kaya napalingon ako sakanya. "Ano bang problema mo?" Kunot-noong tanong ko. Bigla-bilga nalang nanghihila, eh. Ang sakit kaya! "Ikaw!" Napatanga naman ako sa sagot niya. Alam ko naman na ako ang problema nito noon pa lang, eh. "Saan ka galing?!" Galit na sigaw pa niya. Ano na naman ba 'to? Para 'yon lang, eh. Teka. . . ano ba ang pakialam niya? "Kila Hansal. Tinapos namin 'yong project namin." Walang gana kong sagot. "Tsaka pwede ba, bitiwan mo 'ko! nasasaktan ako!" Reklamo ko. Ang higpit kaya nang pagkakahawak niya sa braso ko. May balak ata 'to na balian ako nang buto, eh. Sumunod naman siya sa sinabi ko. Binitiwan nga niya ang pagkakahawak sa braso ko. "Alam mo naman kung gaano kadelikado ang panahon ngayon, 'di ba?" He said through gritted teeth. "How many times do I need to remind you about that? Huh?" "Okay lang naman ako, eh. Naka-uwi pa nga ako, oh!" Pagmamalaki ko. Bigla nalang naningkit ang mga mata niya. "Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga, o nagtatanga-tangahan! Kailangan ba na lagi kang pinapa-alalahanan na 'wag umuwi nang ganitong oras?!" Galit na wika niya. Hindi ako sumagot. Nasaan ba si Manang? Sheez! Kailangan ko nang tagapagtanggol! "You're already Nineteen, and you are no longer child! So don't act like one!" Sigaw niya. "May tinapos nga kaming project, 'di ba? Kakasabi ko lang! Bakit ba ayaw mo'ng maniwala?" Hindi ko na din mapigilan na hindi sumigaw. Nakaka-insulto, ha! Nasaan ba kasi si Manang, eh. Ngayon pa siya nawala! Siya lang kasi ang nagtatanggol sa'kin sa alaga niya. Tss. Tiningnan niya ako ng masama. "Really? Going home at this late hour - smelling alcohol? And you're telling me that you finished doing your project? And do you want me to believe that? I'm not stupid, Sarah!" Nagulantang ako sa ga sinabi niya. s**t! Oo, nakainom nga ako. Pero konti lang naman, eh. Hindi naman ganoon karami. Tsaka, totoo naman na tinapos namin 'yong project namin bago kami nagkayayaang uminom. "Tell me, nag-aaral ka ba talaga? O nagsasayang lang?" Malamig na tanong niya na ikinasakit nang loob ko. Kailangan ba talaga na lagi niya akong pagdudahan ng ganito? Inipon ko ang lakas ng loob ko para sumagot sa sinabi niya. "Bakit ba lagi ka nalang ganyan sa'kin, ha?" Tanong ko sakanya nang diretsong nakatingin sa mga mata niya. I tried every ounce that I have just to say that without choking. "Now you're asking me? Hindi ba't ikaw ang may gusto nito?" At ngumisi siya. "Kung pinakinggan mo lang ako sa pagmamaka-awa ko noon, edi sana, masaya ako! Siya sana ang nandito at hindi ikaw! At hindi sana tayo nag-aaway ngayon!" Nasaktan ako sa sinabi niya. Grabe! Ilang taon na ba kaming kasal? Mag-dadalawang taon na pero parang lagi nalang bago. "Nagmaka-awa ako sayo noon na 'wag mo'ng hayaan na matuloy ang kasal natin dahil may girlfriend ako. At siya lang ang babaeng nakikita ko na pakakasalan ko. Then, you came! You ruined everything! Halos lumuhod na nga ako sa harapan mo noon, 'di ba? Pero anong ginawa mo? Pinakinggan mo ba ako?" Galit niyang saad. Ano pa ba ang gusto niyang gawin ko? Siya pa rin ba hanggang ngayon? Tsk! Sabagay, kahit kailan naman hindi magiging ako, eh. Hinding-hindi! "Kung gumawa ka lang sana ng paraan noon, hindi ako miserable ngayon!" Dagdag pa nito. "Kailangan ba na sa tuwing mag-aaway tayo, o kaya ay nakagawa ako nang mali, lagi mo nalang ba'ng ipapamukha sa'kin na mali ang desisyon ko?" Halos pabulong na sabi ko. Ayoko na sanang magsalita dahil pinipigilan ko ang mga luha ko. Dahil alam ko na sa anumang oras na magsalita ako, tutulo na ang mga ito. Ayoko kasi na umiiyak ako. Ayokong ipakita sakanya na ang hina-hina ko. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nanahimik lang siya na parang makikinig sa sasabihin ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita ko. "Inaamin ko naman 'yon, eh. Nakasira ako ng relasyon." There goes my tears! Bwisit na luha! "Pero sana naman, alamin mo muna 'yong dahilan ko kung bakit ko ginawa 'yon! Kung bakit ako pumayag sa pesteng kasal na 'yon! Akala mo ba, gusto ko din na ikasal sa'yo? Sa tingin mo ba, gusto kong makasira nang relasyon? Hindi!" Binigyan diin ko ang huling salita bago pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Hindi mo naman kailangan isigaw sa mukha ko na ako ang dahilan kung bakit miserable ka ngayon, eh. Sa loob nang mahigit isang taon na magkasama tayo, alam ko 'yon! Alam na alam! Dahil sa bawat tingin na ipupukol mo sa'kin sa tuwing magkakasalubong tayo sa loob ng bahay na 'to, laging sinasabi niyang mga mata mo na kasalanan ko kung bakit ka miserable ngayon!" I burst out. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para sabihin sakanya ang mga 'yon, pero hindi ako nagsisisi na sabihin sakanya 'yon. Hindi ko na kinaya, eh. Sobra na siya! Hindi ko na hinintay pa kung may sasabihin man siya kaya tumalikod na ako sakanya at lumakad paakyat. Hindi ko na din siya nilingon. Nang makarating ako sa tapat nang kwarto ko ay tiningnan ko muna ang kwarto niya na katapat lang nitong kwarto ko pero ilang hakbang pa ang layo mula rito. "Ang sama talaga nang ugali mo!" Galit kong bulong saka na tuluyang pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD