Chapter 3

2085 Words
Chapter 3 4:30pm nang makarating ako sa village. Naglakad nalang ako pauwi nang bahay since malapit lang naman tsaka maaga pa. Nagtitipid kasi ako. Baka mamaya, wala na pala akong allowance. Malapit na ako sa bahay nang mapansin kong may dalawang kotse at isang truck ang nakaparada sa tapat nang isang bakanteng bahay na katabi lang nang sa amin. Matagal ng walang nakatira doon. Pinagbibili na kasi 'to. Nasa ibang bansa na kasi 'yong may-ari. Lumakad pa ako hanggang sa nasa tapat na ako nang bakanteng bahay. Hmm. Mukhang may nakabili na nitong bahay na 'to, ah. May mga tao kasing nagbubuhat nang mga gamit papasok sa loob. May bago na ata kaming kapit-bahay? Lumakad na ako para makapasok na sa bahay nang mapasin ko ang isang lalaking nakasandal sa gilid ng kotse. Matangkad siya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya pero alam kong lalaki siya. Sa estilo pa lang nang pagtayo niya, eh. Napalingon naman ako sa babaeng naglalakad papalapit sa direksyon no'ng lalaki na nakasandal sa kotse, at agad ko din naman inalis 'yong tingin ko sakanila. Bubuksan ko na sana 'yong gate nang may marinig akong magsalita kaya muli akong lumingon. "Anu ne? Dito na tayo matulog?" tanong no'ng babae sa kasama niya. Maganda siya, maputi, light brown ang kulay nang buhok na medyo curly at mahaba. Naka-floral dress ito at para siyang manika! Mag-asawa siguro sila. Hindi ko na hinintay pa 'yong sagot no'ng lalaki dahil baka mapansin ako at sabihang tsismosa kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. Hindi ko makita sa manang sa sala pagka-pasok ko. Wala din siya sa kusina. Asan kaya siya? "Manang?" Tawag ko. "Nandito na po ako." "Nandito ako sa likod." Pasigaw na sagot niya. Pumunta ako kung nasaan siya. "Ang aga mo yata ngayon?" Bungad niya nang makita ako. Tumango ako. "Gusto mo ba nang juice? Pagtitimpla kita." Ito 'yong gusto ko kay Manang, eh. Mas mahal pa niya ako kaysa sa alaga niya. "Hindi po. Busog pa ako, eh. Bihis lang po muna ako." Paalam ko. Tumango siya. Umalis ako sa may likod nang bahay at umakyat sa taas saka pumasok sa kwarto ko. Humiga muna ako sa kama dahil ang sakit nang mga hita ko. Nang maka-relax na ako ay kumuha na ako nang damit sa drawer at nagbihis. Muli akong bumaba para balikan sana si Manang sa may backyard pero nadatnan ko na siya sa sala na nanunuod nang T.V. "Manang, nga po pala, may nakabili na ba nang bahay sa kabila?" Tanong ko pagkaupo sa tabi niya. "Oo. Naglilipat pa sila?" "Opo. Mag-asawa yata, 'no?" "Hindi. Magkapatid sila. Kanina pa nga silang umaga naglilipat, eh." Na-interview na ata sila ni Manang. "Oh? Akala ko, mag-asawa. Buti dito sila lumipat, 'no? May kapit-bahay na naman tayo!" Masayang sabi ko. "Oo nga. Galing pa sila ng America. Pero bumalik sila dito dahil may pinapa-asikaso 'yong mga magulang nila. Tsaka, dito na din ata mag-aaral 'yong kapatid niya." "Ah, sino po ba ang matanda sakanila? Nakita ko na po sila kanina sa tapat, eh." "Iyong babae. Ang ganda niya. Pati 'yong kapatid niya, gwapo. Magandang lahi." Tumawa si Manang sa sinabi niya kaya natawa din ako. Funny si Manang, eh. Pero totoo naman na maganda 'yong babae. Ewan ko lang kung pati 'yong kapatid niya gwapo. "Rinig ko din po na doon na din sila matutulog. Kinausap po kayo?" "Oo, kaninang umaga kasi nagwawalis ako sa harap tapos lumapit sa akin 'yong babae. Kanina pa nga sila naglilipat nang mga gamit nila, eh. Siguro natapos na." "Siguro nga po. Naki-tsismis agad, 'no?" Biro ko. "Oo. Mukha naman silang mababait, eh." "Sabagay." Marami pa kaming pinagkwentuhan ni Manang. Tinanong ko din siya kung nasaan siya kagabi dahil kailangan ko siya pero wala siya. Masarap na daw ang tulog niya dahil napagod siya masyado sa paglalaba nang mga damit namin. Kapag wala naman klase ay tinutulungan ko siya sa paglalaba pero madalas, naglalaba siya tiyempo 'pag may klase ako. Dumaan pa ang ilang minuto at nagpa-alam si Manang na magluluto na nang hapunan namin dahil gabi na. Baka dumating daw si Jace na wala pang nakahandang pagkain, baka daw pagalitan pa siya. Sabi ko sakanya na tutulungan ko siya pero tumanggi siya. Manood na lang daw ako nang T.V. Hindi ako mapakali sa pinapanood ko dahil wala naman akong gustong palabas. Madalang lang akong manood nang T.V. Kapag lang gusto ko. Mag-se-seven na nang marinig ko na may nag-doorbell kaya tumayo ako at sinilip sa bintana kung sino. Hindi ko makita ang mukha nila dahil madilim sa labas pero dalawa sila. Wala naman kaming inaasahan na bisita dahil madalang lang magkaroon nang bisita ang bahay na 'to. Mga pamilya lang namin ni Jace, pati na din si Hansal. Pero bukod sakanila, wala na. Wala naman kasing masyadong may alam na mag-asawa kami. Tanging ang mga pamilya lang namin. Sikreto lang naman ang kasal naming dalawa. "Sino 'yon?" Biglang tanong ni Manang nang makalapit na siya sakin. Hindi ko naman masabing si Jace dahil bubusina muna 'yon para may magbukas lang no'ng gate. "Hindi ko po kilala, eh." Tinignan ni Manang 'yong dalawang tao sa labas nang gate. "Iyong mga bago nating kapit-bahay. Ako na ang magbubukas, hija." Ah! Nakikalala agad? Bumibisita siguro sila. Pumunta si Manang sa may pintuan at lumabas para buksan ang gate. "Pasok kayo." Nakangiting sabi ni Manang sa mag-kapatid daw naming kapit-bahay. Pinaunlakan naman nila ang pag-imbita ni Manang na pumasok sa loob. Nakasilip kasi ako sa pintuan kaya alam ko. Tumabi ako sa dadaanan nila para makapasok sila. Nginitian naman ako no'ng babae na may dalang hindi ko alam nang makita niya ako kaya ngitian ko din siya pabalik. Pero 'yong kapatid niya ay tiningnan lang ako. Mukha siyang masungit. "Upo kayo," anyaya ni Manang. Umupo naman nga 'yong lalaki, pero 'yong babae ay iniabot muna kay Manang 'yong dala niya. "Macaronni salad po para sa inyo." Sabi ni Ate'ng maganda na parang hirap mag-tagalog pero ang cute pakinggan. Kinuha naman 'yon ni Manang at nagpasalamat sa bigay nila. "Anong gusto niyo? Juice o kape?" Tanong ni Manang. "Tubig na lang po. Thank you." Magalang na sagot no'ng babae. Sa mga itsura nila, hindi mo maitatanggi na galing sila sa mayaman na pamilya. Tumango si manang at ibinaling ang tingin sa lalaking nakaupo ng matiwasay sa sofa namin at nakade-kwatro pa. Pinalo naman ni Ate'ng maganda sa braso ang kapatid niya kaya inalis ang pagkaka-de-kwatro nang paa. Tiningnan ko si Kuya na parang kasing edad ko lang. Parang siya 'yong boy version ni Ate'ng maganda. Pareho silang maputi, makinis ang balat, matangos ang ilong, may magagandang mata at mamula-mulang labi. Tama nga si manang, magagandang lahi. "Sayo hijo? Juice o kape? O tubig?" Pag-agaw ng atensyon niya sa lalaki na nakatingin ng masama sa kapatid niya. "Tubig nalang din po." Magalang din naman pala. Umalis si manang at pumunta sa kusina para kumuha nang tubig. "Miss, upo ka din, oh," alok sa akin ni Ate'ng maganda nang mapansin niyang nakatayo ako sa gilid. Tumingin din naman 'yong kapatid niya sakin at agad din nag-alis ng tingin. Masungit talaga! Umupo ako sa kabilang upuan kung saan ay kaharap ko silang dalawa. Ilang minuto pa ay bumalik na si Manang sa sala dala ang isang tray na may lamang dalawang baso at isang pitsel ng malamig na tubig. Inipinatong niya ito sa center table at nilagyan ng tubig ang dalawang baso at iniabot iyon sa mga bisita. "Thank you po," marespetong pasasalamat niya. "By the way, I'm Krishie and this is Rafael, kapatid ko." Pagpapakilala niya sa sarili at sa kapatid. "Call me Karlo," cold naman na sabi ni 'Karlo' daw. Siniko naman siya ni Ate Krishie. "We are your new neighbours." Nakangiti niya pa ding sabi. Smiling face si Ate. "Ako naman si Ising. Manang Ising." Pagpapakilala din ni Manang sa sarili habang nakangiti. Tumingin naman silang lahat sakin na parang may hinihintay. "Ay! Ako nga pala si Sarah!" Tarantang sabi ko. Tumawa naman 'yong dalawa habang 'yong isa naman ay nakatingin lang sa'kin na parang may dumi ako sa mukha. Nakaka-ilang kaya nag-iwas ako ng tingin sakanya. Napansin ko din na inililibot ni Karlo 'yong paningin sa loob nitong bahay na akala mo ay may hinahanap. "Matagal na po ba kayong nakatira dito?" Tanong ni Ate Krishie kay Manang. "Mag-da-dalawang taon pa lang," sagot naman ni Manang. Totoo naman na mag-da-dalawang taon pa lang kami sa village na 'to. Pagkatapos kasi no'ng kasal ay binilhan agad kami ng bahay nang mga magulang ni Jace. Mayaman, eh. Mayayaman naman yata talaga ang mga nakatira sa Village na 'to at pinapatunayan 'yong nang pangalan nitong Village. Rich town. "Ilang taon ka na po?" Tanong ko kay Ate Krishie. "Twenty-three, and he's nineteen." Pinatutungkulan niya 'yo g kapatid niya. Sabi na, eh! Kasing edad ko lang siya. Tinanong ko pa siya kung bakit sila umuwi ng Pinas. Na-kwento kasi niya na kakadating lang nila sa Pilipinas last month. Umuwi daw sila dahil siya na 'yong mag-mamanage no'ng business nila dito. Tsaka, gusto din daw dito mag-aral nang kapatid niya. Nag-queston and answer portion lang kaming tatlo. Iyong isa kasi boring kausap. Walang kwenta 'pag siya 'yong tatanungin mo, ang layo no'ng sagot. Parang wala sa sarili. Halatang hindi interesado. Kinwento pa niya 'yong first heartbreak niya. Ang saklap pala. Ikakasal nalang siya, naudlot pa dahil umatras 'yong groom niya. Nagtawanan din kami nang tungkol kay Karlo na 'yong usapan. Para nga daw siyang babae sabi ni Ate Krishie. Masyadong moody. Minsan, mabait. Madalas, hindi. Natahimik kami nang biglang may bumusina sa labas nang bahay. Si Jace na 'yon. Nagmamadaling tumayo si Manang sa kinauupuan niya para pagbuksan ng gate ang alaga niya. Bagay silang mag-sama ni Karlo. Parehong moody! Pumasok si Jace sa loob kaya napatingin kaming lahat sakanya. "Hi, Good evening." Bati niya sa mga bisita. Pero makikita mo sa mga mata niya na hindi sincere 'yon. Ang plastic niya! Ngumiti naman si Ate Krishie sakanya at si Karlo naman ay tiningnan lang siya. Napatingin ako kay Karlo nang tumingin siya sa akin at saka biglang ngumisi. Aba! Anong problema nito? Hindi na nagtagal si Jace sa sala at pumunta na siya sa taas. Bastos e, 'no? Hindi man lang nagpa-alam sa mga bisita. Bumalik si manang kung saan siya nakaupo kanina. "Who's that guy?" Tanong ni Ate Krishie. Sasagot pa lang sana ako nang si Manang na ang magsalita. "Kuya niya." Mabilis naman na tugon ni Manang habang nakaturo sakin. Tss. Sana sinabi niya nalang na anak niya ako gaya no'ng alam nang lahat ng mga tao dito. "Ah, kaya pala magkamukha." Duh? Kami? Excuse me. Kahit gwapo si Jace, ayokong maging magkamukha kami! Never! "Ay Manang, can I use your C.R? nawiwiwi na kasi ako, eh." "Sige, sige. Walang problema. Tara, samahan na kita." Sabay silang tumayo at naglakad paalis ng sala. Nakatingin lang kami ni Karlo sakanila at nang mapansing wala na sila, tumingin sa akin sa Karlo at ngumisi na naman. Ano ba ang pinagmamalaki nito? "Kuya pala, huh." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko. Iykng ngiti niya na parang may alam na ewan. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Para 'yan sa lagi niyang pag-ngisi. Parang aso, eh! Ilang minuto ang lumipas at bumalik na sila Manang. Nagpaalam na din 'yong magkapatid na uuwi na dahil oras na. "You should come to our house sometimes. Visit us when you're free." Nakangiting wika ni Ate Krishie. Tumango naman kaming dalawa ni Manang. Hinatid namin sila hanggang sa labas nang bahay. Si Manang na 'yong naghatid hanggang sa labas ng gate. Sinigurado muna ni Manang na nakapasok na sila sa loob nang bakuran nila saka kami sabay na pumasok sa loob nang bahay. Pareho kaming nagulat ni Manang nang makita namin si Jace na nakatayo sa gilid no'ng sofa. Nakabihis pam-bahay na siya. Bigla akong kinabahan sa way no'ng pagtitig niya. Para kasing iba. Parang galit? Ah, basta! "Can we talk?" Wila niya habang nakatingin sa akin. Sa akin? Ano na naman ba ang ginawa ko? Magsasalita na sana ako upang tanungin kung bakit pero bigla siya ulit nagsalita. "Manang? Let's talk. In my office. Now." Ma-otoridad niyang sabi saka na tumalikod at tinungo ang daan papunta sa working room niya. Otomatiko akong napatingin kay Manang ng may pag-aalala. Hindi ko maintidihan kung bakit siya gustong kausapin ni Jace. Tumingin din naman siya sa'kin na parang sinasabi niya na ''wag kang mag-aala', kaya tumango nalang ako. Pero hindi ko maiwasan ang pag-aalala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD