Chapter 4

2080 Words
Chapter 4 Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang ay lunes, tapos bukas, linggo na. Nakahilata lang ako buong mag-hapon sa kama dahil wala naman akong ginagawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano'ng pinag-usapan nila Manang at Jace. Wala akong ideya. Kinukulit ko na nga si Manang pero ang sabi niya ay wala naman daw. Pero alam kong meron dahil noong gabing lumabas siya sa kwarto kung saan sila nag-usap ni Jace ay parang may kakaiba sa hitsura niya. Napaupo ako sa kama nang makarinig ako ng pagkatok mula sa labas. "Sarah? Bumaba ka na hija, at tayo'y kakain na," tawag ni Manang. "Opo." Sagot ko at tumayo na. Pumunta muna ako sa banyo para umihi. Kanina ko pa kasi pinipigilan, eh. Iniipon ko para minsanan nalang. Lumabas ako nang kwarto at bumaba sa may sala. Napansin ko si Jace na nakaupo sa sofa at nakatapat ang cellphone niya sa may tainga. Sino kaya ang kausap niya? Hindi ko nalang siya pinansin pero nakita kong nilingon niya ako no'ng maglakad na ako papunta sa kusina. Nadatnan ko si Manang na naghahanda na nang hapunan namin kaya tumulong na ako. Hindi pa nga rin pala kami nakakapasyal sa mga bagong kapit-bahay namin. Sabi ko kasi kay Manang na kapag wala nalang akong pasok saka kami papasyal kila Ate Krishie. Dapat sana ay kanina pero maraming ginagawa si Manang. Bukas nalang kaya? "Manang," tawag ko. Nilingon naman niya ako. "Bukas po, pasyal tayo kila Ate Krishie. 'di ba, wala naman po kayong gagawin bukas?" "Oo, tinapos ko na lahat nang labahin ko kanina. Sige, pumunta tayo." Napapalakpak ako sa tuwa. Matagal ko na kasing gustong pumasok sa loob no'ng bahay na 'yon dahil maganda ang pagkaka-gawa. "Magpaalam ka muna sa asawa mo," wika niya na ikina-kunot ng noo ko. "Bakit naman po magpapa-alam pa? Sa kapit-bahay lang naman tayo pupunta, eh." Pumunta ako sa mesa at inilagay ang mga platong hawak ko. "E baka magalit kapag umalis tayong dalawa nang hindi nagpapa-alam sakanya." Magagalit? Ang lapit lang naman no'ng pupuntahan namin, eh. Hakbang lang ang gagawin namin, hindi naman kami sasakay ng eroplano o sasakyan. "Ang babaw naman po niya," saad ko. Pinandilatan naman ako ni Manang. "Parang 'yon lang, eh. Lalakad lang naman tayo ng konti, eh. Tsaka, kung natatakot siya na manakawan ang bahay niya, naku! Ang labo po na mangyari 'yon! Lalo na kung siya 'yong madadatnan nang mga magnanakaw dito? Ha! Baka sila pa ang matakot at magbigay sa alaga niyo." I hissed. Napansin kong hindi na sa akin nakatingin si Manang. Nakatingin siya may likuran ko kaya lumingon ako. . . at nakita ko si Jace na naka-crossed-arms at nakasandal sa pader habang nakatingin ng masama sakin. Lagot! Ngumiti ako na kunwari ay wala akong sinabi. Pinaka-ayaw kasi nitong lalaki na 'to na pinag-uusapan siya ng patalikod. Inihanda ko na ang tainga ko sa mga sasabihin niya, pero nilagpasan lang niya ako at umupo sa may dulo nang mesa. "Let's eat," wika niya. Hindi ako kaagad na nakakilos dahil baka mamaya, hambalusin ako nito. O kaya, saksakin nang tinidor na hawak niya ngayon. Warak ang ngala-ngala ko! "Didn't you hear me? I said, let's eat!" Nagulat ako sa bahagyang pag-sigaw niya kaya napatingin ako kay Manang na tumango lang, pero hindi pa din ako makakilos. Malaki ang takot ko sa lalaking 'to! "Ano? Tatayo ka na lang ba diyan at titingnan ako?" Taas-kilay niyang tanong. Mabilis pa sa alas-kwatro na umupo ako sa gilid nang mesa. si Manang naman ay umupo na din sa tabi ko. Tahimik lang kami habang kumakain nang biglang basagin 'yon ni Manang. "Jace, wala na nga pala tayong stock nang pagkain. Naubos na kahapon. Meron nalang dito, dalawang de-lata. Ubos na din 'yong mga itlog," pahayag ni Manang na nakatingin sa seryosong kumakain na si Jace. Tumingin din naman ito sakanya pagkatapos isubo 'yong pagkain niya sa kutsara. Tumingin muna siya sa relo niya bago magsalita, "May kakainin pa po ba tayo hanggang bukas ng umaga?" Tumango si Manang. "Sige po, make a list of what you need to buy para alam ko." "Mang-go-grocery tayo?" Excited na tanong ko. Ewan ko, pero kapag groceries na 'yong pinag-uusapan, na-e-excite ako. Inilipat-lipat ko pa ang tingin ko sakanilang dalawa dahil walang sumasagot. "Ano na? Sama ako, ah!" Parang bata na sabi ko. Napailing naman si Jace sa sinabi ko. "Childish as ever." Rinig kong bulong niya. Anong masama kung na-e-excite ako? Palibhasang walang thrill ang buhay nito, eh! "Basta, sasama ako. 'di ba po Manang?" Ngumiti naman ito sa'kin kaya binelatan ko si Jace na umismid lang. "Mga anong oras kayo mamimili?" Tanong ni Jace na sa akin naka-tingin. I shrugged my shoulder. Nilipat naman niya ang tingin niya kay Manang. "Siguro, kahit mga hapon, pwede na." "Okay. I'll go with you." Nanlaki ang mga mata ko at ni Manang sa narinig namin. Siya? Sasamang mang-go-grocery? Hindi siguro! "Why?" Tanong niya nang mapansin niyang nakatingin kaming pareho ni Manang sakanya. "Wala ka bang gagawin bukas?" I asked. Umiling lang siya. "It's Sunday. I should be resting." "E bakit kailangan mo pa na sumama?" Tanong ko ulit. Hindi naman kasi talaga siya sumasama sa pamimili sa amin ni Manang. Minsan lang siya sumama, nagalit pa. Ang tagal daw kasi namin. Kaya mula noon, nagbibigay nalang siya ng pera. Tapos ngayon, sasama? Ano 'to? Lokohan? Tapos 'pag natagalan na naman kami, magagalit na naman siya? Huwag nalang! Tsaka baka hindi na ako makabili nang mga gusto kong bilhin. Baka sabihin, ang gastos ko hindi naman ako 'yong nagbabayad! Mahirap na. "Masama ba?" "Hindi! Pero, 'di ba sabi mo nga, dapat nagpapahinga ka? Why coming with us?" Napangisi siya sa sinabi ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay, habang si Manang natawa ng mahina sa sinabi ko. "Don't worry. You can still buy what you want. Hindi kita pagbabawalan kung 'yon ang iniisip mo. Lagi naman ako 'yong nagbabayad, I'm used to it. I'm so used to it, really." Bigla akong napatungo sa sinabi niya. Hindi ko alam kung insulto ba 'yon o sinasabi niya lang. Pero kasi, iba 'yong dating sa akin. Bigla tuloy nawala 'yong excitement ko. Tsk! "That's not what I meant. . ." bigla akong napaangat. "I mean about that. . . is just. . . kahit anong gusto mo, bilhin mo na. Iyong mga kailangan mo, ako naman 'yong magbabayad." Oh. . . iba pa din 'yong dating. Parang nanunumbat e, ano? Hindi na ako kumibo pa at isinubo ko nalang ang pagkain ko sa kutsara. Hindi nalang ako sasama bukas, para hindi na siya masydong magagastos. Baka dahil gusto niyang sumama kasi para mabantayan niya kung anu-ano ang mga kinukuha ko. Nakakabwisit lang isipin! "Oh hija, tapos ka na ba?" Puna ni Manang nang bigla akong tumayo sa pagkaka-upo ko pagkatapos kong uminom ng tubig. "Opo, busog na ako," mahinang sabi ko. Kahit ang totoo ay gusto ko pa! Nakakawalang gana naman kasi 'tong lalaking 'to, eh! "Hindi ka na kumain nang tanghalian mo kanina, ah? Hindi ba't sabi mo, hihintayin mo na lang ang hapunan dahil paborito mo itong lutong ito?" Oo, paborito ko ang sinigang na baboy. Kahit gusto ko pang kumain, ayoko na dahil bukod sa nawalan na ako ng gana kunwari, nakakahiya na. Bakit ba kasi iniintidi ko pa ang bawat salitang lalabas sa bibig nitong kumag na 'to? Bakit ba lagi nalang akong apektado? Tsk. "Opo. . . pero busog na po talaga ako, Manang." Pagsisinungaling ko saka ngumiti. Napasinghap ako nang biglang ibagsak ni Jace 'yong hawak niyang kutsara at tinidor sa plato niya na naglikha ng ingay pero hindi ko 'yon inalintana. Lumakad lang ako ng tuloy-tuloy pa-alis nang kusina. "Come back here." Ma-otoridad niyang utos nang saktong makakalabas na sana ako nang kusina. Hindi ko siya nilingon pero huminto ako sa paglalakad. "Look at me when I am talking to you." Matigas niyang saad kaya nilingon ko siya habang naka-kunot ang noo ko. Lumakad siya papalapit sa akin kaya bigla akong kinabahan. Umatras ako ng unti-unti dahil sobrang lapit niya sa akin kaya parang 'yong puso ko, lalabas na mula sa dibdib ko. "A-ano b-bang gina-- ARAY!" Sigaw ko nang tumama 'yong likuran at likod nang ulo ko sa pader. Bakit ang tanga ko?! "That was not my fault." Pagkasabi niya no'n ay hinatak niya ako pabalik sa harapan nang mesa at iniupo sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Ugh! Kahit kalian naman talaga, boss 'to! Laging siya ang dapat masunod at nakakainis 'yon! "Tapos na nga ako, eh. Busog na ako! Ano pa ang gagawin ko dito?" Mataray na wika ko. Tiningnan ko si Manang na parang humihingi nang tulong pero tumayo lang siya at nagpaalam na may kukunin daw muna siya sa kwarto. Para namang hindi ako naintindihan sa mga tingin ko, oh! "Kumain ka ulit," malamig na tugon niya. "Seryoso ka ba? Ano ba sa salitang 'busog na ako' ang hindi mo maintindihan? Pareho naman tayong nakakaintindi ng tagalog, ah!" Hindi niya ako nilingon sa sinabi ko, at nagpatuloy lang siya sa pagkain niya. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Hindi ko din ginalaw ang bagong pagkain na inilagay niya sa plato ko. Tinignan ko lang siya habang sarap na sarap sa pagkain niya na parang tinutukso ako sa bawat pagsubo niya at. . . effective! Dahil bigla na naman akong nakaramdam nang gutom. Bwisit ka, Jace! "Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." Puna niya nang mapansin niyang nakatingin lang ako sakanya. "Kumain ka na. Kaysa naman sa bawat pagsubo ko, ngumanga-nga ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya bigla akong napatakip sa bibig ko. "Ang kapal!" Inis na saad ko. "Busog na ako." "Talaga?" Ngumisi na naman siya. Hay, naku! Pangisi-ngisi pa siya. Parang 'yong kapatid ni Ate Krishie, ang hilig ngumisi! "E bakit sa bawat pag-nguya ko, lumulunok ka?" Ngumiti siya ng nakaka-insulto. Hindi na ako sumagot sa tanong niya dahil baka masaksak ko nalang siya nang tinidor sa bibig dahil sobrang naiinis na talaga ako. Bakit ba napaka-moody nitong taong 'to? Kinuha ko nalang ang tinidor at kutsara, kumuha na din ako ng kanin at ulam saka nagsimulang kumain tutal naman pinapakain naman niya ako ulit, why not, di ba? Nakakaisang subo pa lang ako nang magsalita na naman siya. "Akala ko kailangan pa kitang subuan, eh." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nahanginan ata 'to kanina! Tsk. Natapos na siyang kumain habang ako naman ay hindi pa. Matakaw talaga ako pero hindi ako tumataba. At 'yon ang nakakainis! Gusto kong tumaba pero hindi ako tabain kaya akala nang iba, pihikan ako sa pagkain. Napansin kong hindi pa siya umaalis sa harapan nang mesa kahit na tapos na siyang kumain. Nakatingin lang siya kaya nakakailang! Binilisan ko ang pagsubo kahit na hindi ko pa nalulunok 'yong nasa bibig ko. Mukhang wala kasi siyang balak na umalis sa dito. "Dahan-dahan lang naman kasi." Paalala nito nang masamid ako. Inabot niya 'yong isang baso nang tubig sa akin at lumapit sa tabi ko. Hinagod niya ang likuran ko na siyang ikinagulat ko. "You're not running out of food." "Eheerm! O-okay na ako!" Usal ko. Nakaka-ilang kaya! Ano ba ang meron sakanya ngayon at parang ang bait-bait niya? Hindi kaya sinapian ito, at good spirit ang sumapi sakanya? "Be careful." Sabi niya at naglakad paalis sa tabi ko. "Ligpitin mo 'yan." Ngumisi na naman siya at tuluyan nang umalis sa kusina dala-dala ang isang bote nang tubig! Walang-hiya kang lalaki ka! Pero bakit ang gwapo niya 'pag ngumingisi siya? Gusto ko siyang habulin para sapakin pero pinakalma ko nalang ang sarili ko. Kaya pala gusto niyang kumain ako ulit dahil ako 'yong magliligpit? Nice! Ang talino niya talaga! Nakakainis! Padabog kong niligpit ang lahat nang pinagkainan namin. Nakakahiya naman kasi kung hihintayin ko pa si Manang para ligpitin pa 'to. Speaking of Manang, hindi na siya bumalik dito! Iniwanan niya akong mag-isa sa alaga niyang moody! Hinugasan ko na din 'yong mga plato pagkatapos ay umalis na ako sa kusina. Nakita ko na naman si Jace na nakaupo sa sofa sa sala at nanunuod nang T.V! Sarap talaga nang buhay niya! Nilagpasan ko siya at umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto at lumapit sa isang drawer sa tabi nang kama ko at binuksan 'yon. Kinuha ko ang isang kaha ng Marlboro at lighter at tumungo sa balkonahe nang kwarto ko. Magyo-yosi muna ako. Kapag ganitong naiinis ako, yosi lang talaga ang magpapakalma sakin. At siyempre, busog din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD