Chapter 5
Sinindihan ko ang isang stick nang sigarilyo at hinithit ito at ibinuga ang usok.Ayan! Better.
Hinithit ko pa ito hanggang sa maubos na. Ang sarap nang hangin dito. Perfect ang lugar na ‘to kapag badtrip ako.
Mula dito ay nakikita ko ang magandang tanawin at ang liwanag nang Village dahil sa mga ilaw. Para silang mga bituwin sa lupa.
Humiga ako sa Cleopatra na nasa gilid nitong balkonahe. Nag-unat-unat ako at nang maramdaman ko na na nilalamig na talaga ako, pumasok na ako sa loob nang kwarto. Sinarado ko ‘yong sliding glass door at ni-lock ito.
Nilagay ko ‘yong sigarilyo at lighter sa mahiwagang drawer ko at umupo sa gilid nang kama. Kinuha ko ‘yong cellphone ko at naglaro lang ng naglaro hanggang sa magsawa ako at makaramdam na naman ng inip.
Gusto kong tawagan si Hansal pero wala akong load at tinatamad din ako. Minsan lang ako mag-load. Kapag lang sinipag na minsan lang sa isang buwan.
Pinatong ko ulit ‘yong cellphone sa ibabaw nang drawer at nag-isip nang maaring gawin. Kumuha ulit ako nang isang stick nang sigarilyo at tumungo sa balkonahe. Pagkatapos kong mag-yosi ay napagdesisyonan ko nalang na bumaba nalang sa sala at manood nang T.V.
Nandoon pa din si Jace na hindi naman nanonood dahil busy sa pagkalikot nang cellphone niya. Nagsasayang lang siya nang kuryente, eh.
Umupo ako sa upuan na kaharap siya. Tumingin naman siya saglit sa'kin at inalis din agad ‘yon saka nagpatuloy sa pagpindot-pindot sa cellphone niya. May ka-textmate siguro ‘to!
Tinuon ko nalang ang paningin ko sa T.V. Kung siya kasi ‘yong titingnan ko, lalo lang akong maiinip.
Tumayo ako para kunin sana ‘yong remote pero hindi ko makita. Tumingin ako kay Jace na busy pa din hanggang ngayon.
Napansin ko ‘yong remote na nasa gilid niya kaya lumapit ako para kunin ‘yon.
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
“I can tell that you smoked,” puna niya na ikinagulat ko.
“Hindi, 'no! Hindi naman ako naninigarilyo! Excuse me.” Pagsisinungaling ko saka kinuha ‘yong remote sa gilid nang upuan at lumayo sakanya.
“Come on, I can smell you!” May parang galit sa boses nito.
Ano naman kung naninigarilyo ako? Ang tagal na, eh. Third-year high school pa lang ako! Tsaka, pakialam nito?
“Hindi nga ako naninigarilyo," deny ko. “Baka nagkakamali ka lang nang naamoy. O kaya, nagsusunog lang si Manang sa likod at ‘yon ‘yong naaamoy mo.”
“Talaga lang, ha? E bakit naghahanap ka ng ashtray no'ng isang araw?”
“Project namin ‘yon, pwede ba!” Naiinis na sagot ko. Kaya bumaba ako dito para manood ng T.V, hindi para magpaliwanag!
Inis na itinuon ko ulit ang paningin ko sa T.V! Nakaka-bwisit! Pati ba naman ‘yon, kailangan kong ipaliwanag sakanya? Sino ba siya sa tingin niya? Nakaka-asar!
“Ashtray? Project niyo? Sa tingin mo, maniniwala ako sayo?” Hindi ko siya tiningnan. E ano ba ang pakialam niya kung project namin ‘yon?
Pero siyempre, hindi naman totoo ‘yon. College student tapos magpa-project ng ashtray? Sino'ng niloko ko?
“Hindi ko sinabing maniwala ka.” Tumingin ako sakanya nang nakakunot ang noo. Please naman! Tumigil ka na. Ayoko sa mga explain-explain na ganyan, eh! Nakaka-irita!
“At bakit may nakitang isang stick nang Marlboro si Manang sa bulsa no'ng pants mo noong lalabhan na niya sana ‘yon?” Hala? Baka ‘yon ‘yong nakalimutan kong tanggalin dati?
Uh! Isip Sarah! Think for a better alibi!
“Yeah, you must think for a more better alibi.” Parang nabasa niya ang nasa isip ko, ah. “Just be careful of hiding when you are smoking. Because if ever I caught you, wherever I caught you, ipapakain ko sa'yo ang sigarilyong makikita ko sa bibig mo.” After he said that, umalis na siya. I was taken a back!
Ni hindi man lang ako nakasagot sa sinabi niya! Ano na naman ba ang sumapi sakanya?
Inamoy ko ang sarili ko at ang kamay ko. Bakit ba ang tanga ko? Bakit nakalimutan ko'ng maghugas nang kamay? Nakakainis!
Sa sobrang inis ko ay naibato ko ‘yong remote na hawak ko sa upuan kung saan siya nakaupo kanina. Bakit ba sa dinami-dami nang pwede kong makalimutan, ang paghuhugas pa nang kamay!
Gusto kong sabunutan ng mahigpit ang buhok ko. E ano naman ba kasi sakanya kung naninigarilyo ako?! At paano ba niya nalaman ‘yong tungkol sa sigarlyo na nakita daw ni Manang sa pantalon ko?
Wala naman sinasabi si Manang sa akin, eh. O baka ayaw niyang sabihin sa akin kaya kay Jace na niya sinabi? Ugh! Ayokong mangbintang, eh. Pero ‘yon lang ang tanging maliwanag na nangyari na pumapasok sa isip ko!
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinatay ‘yong T.V. saka naglakad patungo sa kwarto ni Manang. Tatanungin ko muna siya tungkol doon. Malay ko kung hinuhuli lang pala ako ni Jace.
Kumatok ako nang tatlong beses sa pintuan nang kwarto ni Manang at binuksan naman niya iyon. Pinapasok niya ako sa kwarto niya at pinaupo sa ibaba nang double-deck kung saan ang higaan niya.
“May problema ba?” Tanong niya.
“Manang. . .” nahihiya akong magtanong. Baka naman kasi mamis-understood niya at isiping pinagbibintangan ko siya.
“Ano ‘yon, hija?" Huwag mo kong ngitian Manang! Parang ayoko na tuloy magtanong, ah!
“Ano po. . . um. . .” natawa siya sa pagsasalita ko.
Bakit ba umuurong ‘yong dila ko? Huminga ako ng malalim at nagsimulang magsalita.
“May nakita daw po kayong sigarilyo sa pantalon ko?” Pabulong na tanong ko.
“Iyon ba?” Napatingin ako sakanya at tumango. So, totoo nga? “Oo, nakita ko nga sa-” hindi ko na hinayaang matuloy pa ang sasabihin niya.
“Sabi ko na, eh. Sinabi niyo po ba?” Mahahalata mo sa tono nang boses ko ang pambibintang.
Hindi ko mapigilan, eh! Nang dahil na naman sa issue’ng ‘yan, meron na naman siyang dahilan para pagalitan ako araw-araw!
“Hindi. . . hindi hija, hindi ko sinabi.” Depensa niya habang umiiling. “Noong saktong nakapa ko ‘yong sigarilyo sa bulsa no'ng pantalon mo at tiningnan kung ano ‘yon, dumating siya. Itinago ko pa nga ‘yon pero kinuha niya sa kamay ko. Hindi ko naman sinabi sakanya ‘yong tungkol doon.”
“E paano po niya nalaman na sa akin ‘yon?” Inis na tanong ko. Mukha akong tanga sa tanong ko, eh. Malamang, alam niya ‘yon dahil hindi naman nagpapantalon si Manang! Tanga ko talaga!
“Hindi ko sinabi na sayo ‘yon, dahil kung ako lang, alam ko na naninigarilyo ka - matagal na. Sabi ko nga, baka ipinahawak lang sayo ‘yon pero ayaw niyang maniwala.”Nakaramdam ako nanh guilt sa sinabi ni Manang.
Ang lakas naman kasi nang loob kong mangbintang, eh!
“Paano niyo po nalaman?” Tanong ko.
“Sa bawat lilinisin ko ang kwarto mo, amoy upod nang sigarilyo. May nakikita pa akong abo minsan na nakalat sa sahig, eh," sabi pa niya na lalong nakapagpabigat nang loob ko.
Grabe lang! Pinagtatakpan na nga niya ako, napagbintangan ko pa siya.
“Sabunutan niyo na po ako!” Inilapit ko ang ulo ko kay Manang.
Bakit ang kitid nang kokote ko? Siya na nga ‘yong naglilinis nang kalat ko, siya pa ‘yong napagbibintangan ko.
“Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Naguguluhang tanong ni Manang.
Tiningnan ko siya na parang nagmamaka-awa dahil sa ginawa ko.
“E kasi po, napagbintangan ko kayo. Sorry, Manang!” Sabi ko at niyakap siya. Gumanti din naman siya nang yakap.
“Hindi ka nambintang, nagtanong ka lang.”
“Ih, Manang, gano'n din po ‘yong labas no'n.” Parang akong isang batang nagmamaka-awa para ‘wag paluin.
“Naku! Magkaibang-magkaiba ang pagtatanong sa pambibintang, hija. Tandaan mo ‘yan.” Inilayo niya ako at iniharap sakanya. “Nabanggit niya ba sayo ‘yan?”
“Opo. . . naamoy niya po kasi ako. Nakalimutan kong maghugas nang kamay, eh!" Sagot ko na ikinatawa niya.
Tiningnan ko siya nang may pagtatanong.
“Ang tinutukoy ko ay ‘yong magkaiba ang nagtatanong sa nambibintang.”
“Akala ko po ‘yong tungkol sa sigarilyo, eh.” Natawa ako ng mahina. “Hindi po, bakit?”
“Ah. . . wala naman. Siya kasi ‘yong nagsabi sa akin nang salitang ‘yon. Bata pa lang siya noon, eh.” Tumingin siya sa taas na parang may inaalala. “May nawawala kasi siyang laruan noon kaya hinanap niya sa akin. Tinanong niya ako kung wala daw ba akong nakita na laruan niya. Baguhan pa lang ako noon, at iba ‘yong dating sa akin no'ng pagtatanong niya kaya akala ko, ako ‘yong pinagbibintangan niya.” Ngumiti siya. “Kaya siyempre, kapag pinagbibintangan ka hindi ba’t dedepansahan mo ang sarili mo lalo na’t wala ka naman talagang kasalanan?” Tumango ako. “Kaya ang sabi ko, hindi porket bago pa lang ako at mahirap ay pwede na niya akong pagbitangan. Hindi na ako bata para sa laruan. At doon niya sinabi ang mga salitang iyon. . .” hinawakan niya ang kamay ko, “Malaki ang pagkakaiba nang pagtatanong sa pambibintang. Tama nga naman siya, hindi naman niya ako pinakapa sa mga ibang kasambahay nila, o pinalayas dahil lang sa laruan niyang nawawala.” Tumawa na naman siya ng mahina.
Oo nga naman, iba ‘yong nagtatanong sa nambibintang.
“Ang dami niyo po sigurong aam tungkol sakanya, 'no?”
“Oo, sa tagal ko ng alaga ‘yan, eh.” Oo, matagal na nga.
Dahil ayon kay Manang, eight years old pa lang ang gurang kong asawa nang magsilbi siya sa pamilya niya.
Kasambahay lang daw talaga ang trabaho niya at hindi taga-alaga ni Jace. Kaya nga daw ayaw niyang mag-asawa dahil ayaw niya sa pag-aalaga nang bata pero nabago ‘yon nang alagaan na niya si Jace. Fifty-two na siya ngayon. Bale 28 na siya nang magsilbi kila Jace? Tama ba? Pasensya na, bobo sa math.
“Kahit po ‘yong girlfriend niya, kilala niyo?” I asked randomly.
Sa totoo lang, hindi ko kilala ‘yong girlfriend ni Jace. And if ever I had the chance to meet her, I will not take it.
Ayokong makaramdam ng guilty feeling sa katawan. Wala akong alam tungkol sakanila, kundi ang mahal na mahal siya ni Jace. And that hurts me. Ni hindi ko nga alam kung nagkikita pa ba sila, o nag-uusap pa hanggang ngayon.
Kahit gusto kong magtanong kay Jace nang tungkol doon, pinipigilan ko. Baka lalo lang madagdagan ‘yong sakit na nararamdaman ko. Ayoko talaga sa pagtatanong dahil alam kong masasaktan lang ako sa sagot.
“Oo,” tipid na sagot ni Manang. “Oras na, matulog ka na.” Eh? Iyonn na ‘yon? Oo lang?
Ang dami ko pang gustong itanong sakanya pero pinagtabuyan na niya ako. Ano ba ‘yon? Tsk.
“Good night po.” Sabi ko at isinarado na ‘yong pintuan.
Biglang gano'n eh, 'no? Tumungo ako sa kusina para kumuha nang maiinom, pagkatapos ay pinatay ang ilaw sa sala at tuluyan nang pumunta sa kwarto.
Humilata na ako sa kama at nagpagulong-gulong. Ano ba kasi ‘yon? Paano kung isumbong ako ni Jace sa mga magulang niya tapos, papagalitan ako? Tapos. . .
Tapos. . .
Tapos. . . ipapa-annul kaming dalawa.
Maghihiwalay na kami, at babalik na siya doon sa girlfriend niya. Maiiwan na akong mag-isa, at magiging masaya na siya. s**t!
Hindi ko ata kaya? Kinuha ko ‘yong unan na nasa tabi ko at itinakip sa mukha ko. Ano ba kasi ang mga pumapasok sa utak ko? Nakaka-asar naman!
Papayag kaya si Jace na ipa-annul kami? Siguro, oo. Hindi, siguradong oo. Dahil ayon nga sakanya, hindi ako ‘yong babaeng nakikita niya na pakakasalan. Hindi niya ako mahal. Galit nga siya sa akin, eh. At kapag nangyari ‘yon, kawawa ako.
Hindi ko na siya makikita araw-araw, hindi na niya ako pagagalitan at sisigawan. Pero ‘di ba, dapat masaya ako? Pero bakit pag na-iisip ko na maghihiwalay kami, nalulungkot ako?
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit sa kabila nang kasamaan nang ugali no'ng panget na ‘yon, mahal ko pa din siya.
Kahit na lagi siyang nakasigaw, nagagalit at laging masama ang tingin niya sa'kin, minahal ko pa din siya!
Hindi ko maiwasang maluha sa mga naiisip ko. Ano ba kasi ‘to? Asar naman, eh.
Huminga ako ng malalim at dumapa sa kama. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa headboard nang kama para maalis lang ang mga naiisip ko, pero masakit ‘yon.
Bumangon ako sa pagkakadapa at tumungo sa banyo. Makapag-hilamos na lang para ma-wash out ang mga nasa utak ko. Baka hindi ako makatulog nang dahil lang sa mga iniisip ko na pwedeng pwedeng mangyari.
Nagising ako sa mahimbing na pagtulog ko nang maramdaman ko ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan nang kwarto ko. Hindi ko alam kung katok pa ba ang ginagawa niya, o balak na niyang sirain ang pinto.
Bumangon ako at naglakad patungo sa pintuan.
“Sandali lang naman!” Sigaw ko. Ano ba ang problema nito at kung makakatok ay parang ewan? “Ayan na nga oh!” Sigaw ko ulit. Parang hindi narinig ‘yong una kong sinabi, eh!
Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin angg lukot na mukha ni Jace dahil sa sobrang inis. Nakabihis din siya'ng pang-alis. Well, wala akong pakialam kung saan siya pupunta, importante ang pagtulog ko kesa sa pupuntahan niya. Ang aga-aga e, nangiistorbo. At ang aga-aga, wala siya sa mood!
“Bakit ba?” Tanong ko pagkatapos humikab. “Ang aga mong nanggigising!” Reklamo ko.
Lumakad ako pabalik sa kama at umupo habang nakapikit. Hindi ko kasi mapigilan dahil inaantok pa talaga ako. Inumaga na yata akong nakatulog.
Narinig ko naman na sumunod siya sa akin pero hindi ko siya makita kung nasaan siya dahil nakapikit pa din ako.
“Twenty-two minutes before ten, maaga pa ba ‘yon?” Tanong niya kaya tumango ako. “May pupuntahan lang ako saglit.” Napamulat ako sa sinabi niya. Weh? Ginising niya ako para magpa-alam? Bago ‘yon, ah! “Pagbalik ko, dapat naka-ayos ka na.” I hissed. Akala ko naman, nagpapa-alam.
“May pupuntahan din ba tayo?” Walang gana kong tanong.
“Yes. Be ready.”
“Saan naman?”
“Mom’s house. Now, stop asking. I’m going.” Napatayo ako sa sagot niya at hinabol ko siya.
“Teka lang,” sabi ko nang maabutan ko siya. Lumingon naman siya sa akin na naiinis. “Pwede ba na ‘wag nalang sumama?”
“No.” Tipid niyang sagot at tuluyan ng bumaba nang hagdan.
Gusto ko pa sana siyang habulin pero narinig ko na ang pag-andar nang kotse niya.
Bigla nalang bumalik sa'kin ‘yong mga naiisip ko kagabi. Ito na ba ‘yon? Mangyayari na? Ganoon kabilis? Agad-agad?
Bagsak ang balikat ko na bumalik sa kwarto. Wala naman akong kapangyarihan para maging totoo lahat nang iniisip ko, eh. Dahil kung meron lang, matagal na akong minahal ni Jace.
Hinanda ko ang susuotin kong damit at nilapag ‘yon sa ibabaw nang kama. Tumungo ako sa banyo at binuksan ang shower. Kung nakakalunod lang ang tubig nitong shower na ‘to, nagpaka-lunod na ako.
Ayokong sumama! Ayokong marinig ang sasabihin nila. Natatakot ako! Alam ko, ang oa ko na mag-isip pero ‘yon ‘yong pumapasok sa utak ko, at naiinis ako!
Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso ako sa kusina. Kakain muna ako para may lakas ako, at para na din makapag-isip ng idadahilan para hindi makasama.
“Aalis daw kayo?” Bungad ni Manang sa akin nang makita niya ako. Tumango ako at ngumiti ng mapakla. “May problema ka ba, hija?” Tanong pa niya.
“Wala po. Gutom lang ako.”
“O sige, ipaghahanda kita.” Umiling ako.
“Ako nalang po.” Walang gana akong tumayo at kumuha nang makakain.
Nalaglag ko pa nga ‘yong kutsara na hawak ko.
“Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?” Inilagay niya ang likod nang palad niya sa noo ko pero inalis ko ‘yon.
“Ok lang po ako. Puyat lang.” Sabi ko at umupo sa harapan nang mesa. “Manang, anong oras po tayo mang-go-grocery?” Tanong ko.
“Hindi na ako sasama. Kayo nalang daw dalawa ni Jace.” Napakunot naman ako nang noo. Knowing Jace, ayaw niya ng nang-go-grocery dahil napakatagal daw.
“Ngee. Tayo nalang po. Sabihin ko sakanya, hindi na ako sasama sakanya.” Oo, tama. Para hindi na ako makasama papunta doon.
“Ikaw ang bahala.”
Bigla akong nagka-ganang kumain at naubos ko ‘yon. Pagdating ni Jace, sasabihin ko sakanya na hindi ako sasama dahil walang kasamang mamimili si Manang. Tama!
Napangiti ako sa naisip ko. Bakit hindi ko naisip kanina ‘yon?
Ilang oras ang lumipas at wala pa din si Jace. Pinag-bihis niya ako nang ganito kaaga tapos, hindi naman pala kaagad dadating! Pero ayos lang, hindi naman ako sasama sakaniya.
Ilang minuto pa ang dumaan at may narinig akong sasakyan na pumarada sa harap nang bahay. Dali-dali akong tumayo at sinilip iyon sa bintana at si Jace na nga. Binuksan niya ang gate at pumasok. Binuksan ko naman ang pintuan para makapasok siya.
Ngiti ang isinalubong ko sakanya.
“Hindi na ako sasama, walang kasamang mamimili si Manang." Nakangiting wika ko. Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako.
“Tayo ang mamimili mamaya.”
“Hindi, kami nalang. ‘di ba, ayaw mo ‘yong naghihintay?” May paglalambing sa tono nang boses ko.
“Hindi! Huwag kang makulit!” Inis na tugon niya. “May kukunin lang ako sa taas. Sumakay ka na sa kotse.”
“Ayoko kasi-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.
“Whether you like it or not, you’re going with me.” Saka na niya ako iniwang nakatayo sa harapan nang pintuan.
Wala na! Ito na talaga.
Pinuntahan ko si Manang sa likod nang bahay at nagpaalam sakanya. Sinabi ko din na hindi pumayag si Jace. Lumabas ako nang bahay at sumakay sa kotse.
Ilang saglit pa ay sumakay na din siya at umalis na kami.