SUNOD-SUNOD na pag tunog ng telepono sa sala ng mansion ang narinig ni Gracia habang nasa kusina ito at abalang tumutulong sa matandang Rosing sa pagluluto ng kanilang haponan. "Ikaw na ang sumagot hija. Wala pa ata si Jen." Nagmamadaling nag punas ng kaniyang kamay ang dalaga nang marinig ang matanda. "Sige po nana Rosing." anang Gracia at malalaki ang hakbang na nag tungo sa sala. "Hello!" aniya nang masagot ang tawag mula sa kabilang linya. H-hello Gracia! anang isang boses ng babae. Mabilis na nangunot ang noo ng dalaga. "Marie? Ikaw ba 'yan Marie?" Gracia? Oo ako nga! "Napatawag ka? Paano mo nalaman ang number dito sa mansion?" nagtatakang tanong nito sa kaibigan. A, iyong lalakeng nag hatid sa 'yo rito sa bahay ng lola mo, nag iwan siya sa 'kin ng number kung sakaling may pr