"HEY! WHAT ARE YOU DOING HERE?" untag na tanong ni Esrael sa dalaga nang paglabas nito sa bubog na pinto sa may swimming pool area ay naroon ang dalaga at nakahiga sa damuhan. Ginawang unan ang isang braso nito habang nakatingala sa kalangitan na parang sinabuyan ng milyong diyamante dahil sa kinang nito. Bahagyang nag angat ng kaniyang ulo si Gracia upang tapunan ng tingin ang binata na ngayon ay naglalakad palapit sa kinaroroonan niya. "Sir." anito at hindi na nag abalang bumangon pa. "What are you doing?" "Nag bibilang ng stars." nakangiting saad nito. "So, ilan na ba ang nabilang mo diyan?" pagsakay ng binata rito. Umupo naman ito sa gilid ng dalaga. "Kumusta pala ang sugat n'yo sir? Okay na po ba?" Mabilis na umangat ang kamay ni Esrael at saglit na kinapa ang gilid ng kaniyan