"ARE YOU OKAY?" untag na tanong ni Octavio habang nakayuko ito at sinisilip ang mukha ng dalaga na nakatungo rin. Magkaharap silang nakaupo sa bakal na silya na nasa gilid ng swimming pool area. "Are you okay?" ulit na tanong nito nang hindi pa rin sumasagot ang dalaga. "Hey!" aniya at muling lumapat sa likuran ni Gracia ang malapad nitong kamay. Banayad na humaplos iyon doon. "Wait, I'll get something for you." anito at malalaking hakbang ang ginawa papasok sa bubog na sliding door na nasa gilid lamang ng Garden. Ilang saglit pa'y bumalik ito at may bitbit na isang baso ng tubig at isang makapal na tuwalya. Inilapag nito sa ibabaw ng lamesa ang dalang baso ng tubig pagkuwa'y tumabi sa dalaga. Ipinatong ni Octavio sa katawan ni Gracia ang tuwalya. "Still cold?" tanong nito. Sunod-sunod na