CHAPTER 4

1833 Words
"RAMON, saan natin hahanapin si Gracia? Kung saan-saan na ako lumapit para mag tanong. Pati ang mga kaibigan niya tinanong ko na rin kung may alam sila kung nasaan ang anak mo." hindi pa rin mapakaling saad ni Leticia sa asawa. "Huwag ka ngang mag-aalala Leticia. Makikita rin natin ang batang 'yon." "Paano naman ako hindi mag-aalala Ramon? Kilala mo kung paano magalit ang señor Salvador. Paano na lang kung mag demanda 'yon? Ano ang gagawin mo?" "Oo na! Naiintindihan kita. Kaya puwede ba, tumahimik ka na muna diyan at ako'y nalilito na dahil sa 'yo." anang asawa nito pagkuwa'y tumayo mula sa kinauupuan. "Kinuha mo naman ang passport niya hindi ba?" dagdag na tanong nito. "Oo, pero baka kinuha niya rin ata kasi wala na roon sa pinaglagyan ko." Mayamaya ay biglang nagkatinginan ang mag-asawa. Tila iisa lamang ang kanilang iniisip kung saan maaaring mag punta ang dalaga. "Panigurado akong uuwi siya ng Pilipinas." anang Leticia. "Kailangan nating matawagan ang lola niya roon." "Paano? Wala na tayong kontak sa kanila mag mula nang mag away kayo ng kapatid mo. Paano natin malalaman kung nasa Pilipinas nga si Gracia? At isa pa, kahapon lang siya tumakas... panigurado ako na nandito pa siya sa Spain." saad nito. Mayamaya ay muling napaupo sa silyang nasa tapat ng hapag nila si Leticia. "Kailangan nating maibalik dito si Gracia. Panigurado akong mamaya ay nandito na ang mga tauhan ni señor Salvador." "Huwag ka ng mag-alala. Pupunta ako ngayon sa mga pulis para humingi ng tulong." anang asawa nito. "Mabuti pa nga. Kakausapin ko na rin ang kapatid ko sa Cavite kung puwede natin siyang mautusan na pumunta sa inyo sa Bulacan para itanong kung sakaling umuwi roon si Gracia." "AHHH!" malakas na sigaw ni Gracia nang pagbukas ng mga mata niya'y bumungad sa kaniyang paningin ang binata na nanlalaki ang mga matang nakatingin din sa kaniya. Kagaya nito ay gulat ding napabalikwas ng bangon ang dalaga dahilan upang matanggal ang kumot na nakatabing sa hubad nitong katawan. Wala sa sariling napatitig si Octavio sa dibdib ng dalaga. Pero mayamaya ay mabilis din itong nag-iwas ng paningin dito. "Ahhh! Pervert!" muling napatili ang dalaga. Mayamaya ay mabilis nitong dinampot ang kumot at muling itinabing sa katawan niya. Ramdam pa nito ang pag-iinit sa kaniyang mukha dahil sa pagkapahiya. "Ahhh!" Biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa roon si Esrael na halatang kagigising lamang dahil sa pambubulabog ng dalaga. "Away! Saan ang away?" humahangos na tanong nito. "Fvck you Esrael! What is she doing here? Bakit nandito sa kuwarto ko ang batang 'yan?" galit na tanong ni Octavio kay Esrael pagkuwa'y mabilis itong bumangon sa gilid ng kama at nilapitan ang kapatid. Matalim na titig ang ipinukol nito sa binata. Kung nakakamatay lamang ang titig niya rito, malamang na nakabulagta na ngayon ang Esrael sa paanan niya. "Chill bro!" "Chill? Do you want me to kill you Esrael?" singhal ni Octavio. Nanggigigil talaga siya sa lalakeng nasa harapan niya ngayon. Umagang-umaga pinapainit nito ang kaniyang ulo. Kapag hindi siya nakapagpigil dito, panigurado si Octavio na masasapak niya ito. "Chill. Let me explain first brother. Ang high blood mo naman." anito at nagawa pang ngumiti sa kabila ng labis na pagkainis ng kaniyang kapatid sa kaniya. "Binulabog mo na nga ang masarap kong tulog e!" parang nagrereklamo pang saad nito at nagsimulang humakbang palapit sa kinaroroonan ni Gracia. "Esrael." nagtitimpi pa ring saad ni Octavio. "Just wait okay! Mag bihis ka muna, mahiya ka naman sa BATANG ito. Nakabalandra 'yang katawan mo. Hindi ka naman macho." nang-aasar pa ring saad nito pagkuwa'y muling binalingan ng tingin ang kapatid. Doon lamang napagtanto ni Octavio ang kaniyang hitsura. Wala siyang ibang saplot sa katawan kundi ang itim na brief na kaniyang suot. Kaya pala hindi magawa ni Gracia na mag angat ng mukha at tapunan siya nito ng tingin. Napapatiim bagang na lamang si Octavio pagkuwa'y sunod-sunod na malulutong na mura ang pinakawalan bago ito lumabas ng silid na iyon. "Hey! Are you okay?" untag na tanong ni Esrael sa dalaga nang makaupo ito sa gilid ng kama at hinawakan ito sa braso. "It's okay! Come, get dress. We need to talk to him." "No, no lo haré. No puedo hablar con—" Ayoko! I can't talk to— "Come on! Trust me." putol nito sa iba pang sasabihin ni Gracia sa kaniya. "Mag bihis ka na. I'll wait for you outside." "Por favor señor!" "Okay lang 'yan Gracia." anang Esrael na ngumiti pa sa dalaga bago ito muling tumayo sa gilid ng kama at nagpatiunang lumabas ng silid. Napapabuga na lamang ng malalim na buntong-hininga niya si Gracia. Wala sa sariling napalunok ito ng laway nang muling matingnan ang kaniyang hitsura. Ang naaalala niya kagabi, pagkauwi nila ni Esrael sa bahay nito... pagkatapos nilang mag-usap at sabihin niya rito ang lahat ng nangyari sa kaniya, inihatid na siya ng binata sa silid na iyon dahil doon na raw muna siya matutulog. Dahil sa naiinitan na siya, nag pasiya siyang mag linis ng katawan bago sumampa sa higaan. Nilabhan niya ang kaniyang damit at wala siyang pamalit kung kaya'y nag pasiya na siyang matulog na hubo't hubad sa ilalim ng makapal na kumot. Ang hindi niya lang inaasahan ay ang mga nangyari ngayon lamang umaga. Hindi niya maintindihan at naguguluhan siya. Ano ang nangyari at katabi na niya ang lalakeng iyon sa kama? Pareho pa silang walang saplot. Mabilis pa sa alas kuwatrong binagabag ng labis na kaba ang dibdib ni Gracia dahil sa mga bagay na pumapasok sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Lalo pa nang mahagip ng kaniyang paningin ang pulang mantsa na nasa ibabaw ng kama. Namilog ang mga mata nito. NASA labas ng bahay si Octavio at hinihintay ang kapatid na lumabas upang mag paliwanag sa kaniya. Lasing siya kagabi kaya wala siyang alam kung ano ang mga nangyari. Lalo pa ang tungkol sa mga nabungaran niya kanina. Kapag itong kapatid niya ay hindi nag sabi ng totoo sa kaniya, nakahanda na ang mga kamao niya na bugbugin ito dahil sa kalokohan nito sa kaniya. Muli na naman itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Octavio!" tawag ni Esrael sa kapatid. Malapad pa ang pagkakangiti nito. Tingnan mo nga ang ugali nito! May kasalanan na nga kay Octavio, pero wagas pa kung makangiti. "Talk." tipid at seryosong saad nito sa kapatid. "Napakaseryoso mo." "I said talk." tiim bagang na saad nito at muling tinapunan ng matalim na tingin ang huli. "Okay!" pagsuko ni Esrael. Itinaas pa ang dalawang kamay nito. "Gracia and I had a serious talk last night when we got home. Sinabi niya sa 'kin kung bakit nandoon siya sa likod ng kotse ko. Dito kasi sa Spain ay uso ang Bride for Sale. At kahapon ay nakatakda ng ibenta si Gracia ng kaniyang magulang para doon sa mapapangasawa niya. Tradisyon iyon dito, kaya kailangan nilang sundin kahit pa labag sa kalooban nilang mga babaeng dalaga. But Gracia refused to marry her Soon-to-be-Husband. She has no choice kundi ang tumakas sa parents niya. Uuwi raw sana siya sa Pilipinas para doon na ulit sa lola niya tumira, ang problema naiwan niya ang kaniyang passport at pera sa bahay nila. She even told me na marunong din siyang mag tagalog dahil malaki na siya nang dalhin siya rito ng magulang niya. Hindi ka lang niya kinausap kahapon dahil natatakot siya sa 'yo at diyan sa ugali mo." pagpapaliwanag nito sa seryosong kapatid. Wala sa sariling napailing si Octavio pagkuwa'y nakahawak sa batok ang kamay na tumingala sa asul na kalangitan. "And do you actually believe that she's telling you the truth, Esrael?" seryoso pa ring tanong nito. "Yeah! I know she's telling the truth." Napangiti naman ng mapakla ang Octavio. "Come on Esrael. Hindi ka ipinanganak kahapon lang. Let me remind you, nasa foreign country ka. Most of them are gold diggers." "Hey! Stop talking." mabilis na awat nito sa kapatid. Nag salubong din agad ang mga kilay nito. "Seriously, Octavio? Gold diggers? Huwag mo naman lahatin." pagtutol nito. "At sa tingin mo hindi kasama roon ang babaeng 'yon sa sinasabi ko?" tanong nito. "Look, you didn't know her." "Oo naroon na tayo sa hindi ko siya kilala. But she needs my help. Hindi naman siguro masama ang tumulong sa kapwa mo hindi ba? Like Demetrio did." anito na ang tinutukoy ay ang kanilang ama. "Okay look! Hindi naman ako humihingi sa 'yo ng permiso para sa pagtulong ko sa kaniya. I can help her with or without your consent. It's my own money anyway." dagdag pa nito. Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Octavio. Kahit kailan talaga matigas ang ulo ng isang 'to. "Okay fine! I won't help you anyway kapag nagkaproblema ka sa batang 'yan—" "She's not a kid Octavio." "Whatever." asik nito. "Bakit nasa kuwarto ko siya? A-and... s-she's." mayamaya at tanong nito. Tila nahihirapan pa ang binata na banggitin ang mga nakita kanina sa dalaga. He's not virgin, aminado siya roon. May karanasan na rin siya sa babae. But this one... this little chick. Parang hindi niya ata maaatim na pinatulan niya ang batang iyon kagabi. May nangyari nga ba talaga sa kanila? Wala siyang maalala. Napapalatak ng tawa si Esrael dahil sa nakikitang hitsura ng kapatid. Totoo ba 'tong nakikita niya kay Octavio? Parang hindi siya makapaniwala. Octavio is blushing right now. "Why are you laughing?" inis at magkasalubong ang kilay na tanong nito. "Nothing!" sagot nito habang pinipigilan ang sarili tawa. "Tss!" "Wala ka ba talagang maalala sa nangyari kagabi?" tanong nito pagkuwan. "Magtatanong ba ako sa 'yo kung may naaalala ako sa mga nangyari kagabi? Bakit nga kasi siya nasa kuwarto ko?" pagalit na namang tanong nito. "Sorry bro! Ako ang nag sabi sa kaniya na doon na muna siya matulog. Hihintayin sana kita kagabi para sabihin na sa sofa ka na muna matulog, kaso ang tagal mo." pagpapaliwanag nito. "Damn it Esrael! What's the use of your phone?" Biglang natigilan ang binata dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid. "Oo nga ano! Bakit hindi ko 'yon naisip kagabi?" tanong nito habang napapakamot sa kaniyang ulo. "Tss! Hayaan mo na, alangan namang si Gracia ang patulugin ko sa sofa, e ikaw naman itong lalake. Magmumukha kang hindi gentleman." baliwalang saad nito pagkuwa'y tumalikod na para sana pumasok na sa loob ng bahay. Napapatiim bagang na lamang muli si Octavio dahil sa mga tinuran nito sa kaniya. Alam niyang pinagtitripan na naman siya ng kaniyang kapatid. "And by the way..." anito at mabilis na muling nag baling ng tingin sa gawi ni Octavio. "I know she's still virgin. Ikaw ang nakauna sa kaniya." "Fvck you Esrael! Mapapatay kita." Ang malakas na tawa lamang ng kapatid ang narinig ni Octavio habang nasa loob na ito ng bahay, samantalang nasa labas pa rin siya at hindi malaman kung ano ang puwedeng gawin sa gago niyang kapatid. Kaunti na lamang talaga ay mapapatay na niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD