CHAPTER 5

1899 Words
TAHIMIK lamang na nakaupo si Gracia sa isang silya na nasa harap ng hapag. Nakatuon ang mga mata sa platong nasa harapan niya habang nakikinig sa madaldal na si Esrael. Isa pang dahilan kung bakit hindi niya magawang mag angat ng mukha ay dahil natatakot siyang mag tama ang mga mata nila ni Octavio na ngayon ay nasa tapat lamang niya nakaupo. Natatakot siyang tingnan ito sa mga mata; mga matang parang nangangain ng buhay na tao. "Are you not hungry babe?" untag na tanong ni Esrael sa dalaga. Bahagyang nag angat ng mukha niya si Gracia upang tapunan ng paningin ang binata na nakaupo sa kabisera. "A, b-busog pa ako." nauutal at nahihiyang sagot nito. "Come on... huwag ka ng mahiya. I know gutom ka na. Kumain ka na!" anang Esrael. "Ano ba ang gusto mo? Itong toasted bread with coffee? Vegetable Salad... or me?" nakakalokong ngiti pa ang pinakawalan nito at sinabayan ng kindat sa dalaga. Nahihiya namang napayuko si Gracia dahil sa huling sinabi ng binata sa kaniya. Nag iinit ang pisngi niya ngayon, paniguradong pulang-pula na iyon kagaya sa hinog na kamatis. Napapatiim bagang na lamang din si Octavio na sinipa ang paa ng kapatid sa ilalim ng lamesa. "Ouch! Why did you do that?" kunwari ay naiinis na tanong nito. "Masiyado kang mapanakit, nasa harapan mo ang BATA. Nakikita niya ang pagka-brutal mo." dagdag pa nito. "Stop it Esrael. Mapapatay na talaga kita." anang Octavio na tila nauubusan na ata ng bait sa katawan dahil sa lokong kapatid. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga bago muling tinapunan ng tingin ang nakayukong dalaga. "Pasensiyahan mo na 'tong kapatid ko Gracia huh! Mabait naman 'yan e... wala lang sa mukha. 'Tsaka, walang girlfriend 'yan kaya hindi marunong maka-appreciate ng sweet words at sweet moment." saad pa nito. Mayamaya ay padabog na binitawan ni Octavio ang hawak na kubyertos at tumayo sa kinauupuan nito. Napapalunok na lamang ng kaniyang laway si Gracia dahil sa pagkagulat at takot. "Hey! Where are you going? Are you done eating?" tanong ni Esrael. Pero sa halip na sagutin ito ni Octavio, nag tuloy lamang ang binata sa paglalakad hanggang sa makalabas ito ng kusina. "Hayaan na natin 'yon! Let's eat." aniya sa dalaga at muling ipinagpatuloy ang pagkain. "S-salamat po ulit sir Esrael." "Don't mention it. Wala namang problema 'yon sa 'kin." nakangiti pang saad nito. "Huwag po kayong mag alala, mamaya ay aalis din naman po ako rito. Tal vez pueda ir a la casa de mis amigos. Quizás me puedan ayudar. Simplemente no quiero irme a casa." Suiguro, pupunta na lang po ako sa bahay ng kaibigan ko. Tutulungan naman po siguro nila ako. Ayoko lang talaga na umuwi sa bahay. Anang Gracia pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago muling tiningnan ang binata. Saglit na inilapag ni Esrael ang hawak nitong kubyertos. "Puedes quedarte aquí. Kung sa tingin mo ay hinahanap ka na ng mga magulang mo ngayon, you are safe here." "Pero—" "No te preocupes por mi hermano. Se va esta noche. Uuwi na siya sa Pilipinas. Nandito lang naman siya dahil sa binyag ng anak nina Kevin at Isabel kahapon." pagpapaliwanag nito sa dalaga. "¿Volviendo a las Filipinas?" "Sí. ¿Por qué?" Saglit na nanahimik si Gracia bago umiling sa binata. Paano kaya siya makakauwi ng Pilipinas ngayon? Kung sana hindi niya naiwan ang kaniyang passport at pera sa bahay nila, madali na sana para sa kaniya ang umuwi sa lola niya sa Bulacan. Ngayon, ano ang gagawin niya? Saan siya pupunta? Hindi naman habang-buhay ay puwede siyang makituloy dito sa bahay ni Esrael. Hindi rin siya puwedeng mag pagala-gala sa labas dahil panigurado siyang sa mga sandaling ito, nagpunta sa mga pulis ang kaniyang magulang para ipahanap siya. Paano kung bumalik ako sa bahay para kunin ang bag ko? Tanong nito sa isipan mayamaya. "Gracia." untag ni Esrael sa dalaga. "You can stay here in my place, kahit kailan mo gusto. And besides, hindi ako laging nandito sa bahay, dito sa Madrid." anito. Kunot noo namang napatitig si Gracia sa mukha ng binata. "¿Qué quieres decir?" "I mean, nandito ako ngayon sa Madrid dahil sa trabaho ko. Tomorrow or the day after tomorrow, aalis din ako at pupunta sa Greece para doon naman mag stay for how many months. Trabaho pa rin ang dahilan. So, you can stay here. You can use my place habang walang tao rito." pagpapaliwanag ni Esrael. Napapatango na lamang si Gracia sa mga sinabi nito. "Teka, wala ka rin bang maalala sa mga nangyari kagabi?" mayamaya ay pag-iibang tanong nito sa dalaga. Wala sa sariling napatitig si Gracia sa mukha ni Esrael. Pulang-pula ang kaniyang mukha at napapalunok pa ng laway. "I mean, I'm just curious. I saw a blood stain on the bed sheet." dagdag pa nito. "A, e-" kaagad na nag bawi ng kaniyang paningin ang dalaga. Napapatungo itong muli at mariin na napapikit ang mga mata. Lihim din itong nagpakawala ng sunod-sunod at malalim na buntong-hininga. Mayamaya ay umangat ang dalawang kamay nito at ginawang pamaypay sa tapat ng kaniyang mukha. "I'm sorry! I'm so idiot. Bakit kita tinanong ng gano'n?" mabilis ding hinging paumanhin nito sa dalaga pagkuwa'y wala sa sariling dinampot ang baso na may lamang tubig at dinala iyon sa tapat ng kaniyang bibig para uminom. Mayamaya ay tumunog ang cellphone nitong nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Kaagad iyong dinukot ng binata at tumayo sa kinauupuan. "Disculpe, Gracia." aniya. Mabuti naman at may tumawag doon at naputol ang nakakailang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa. "Ahhh! Ang init. Ang init ng mukha ko!" saad ni Gracia sa sarili habang patuloy pa rin nitong pinapaypayan ang mukha. Napapainom na rin ito ng tubig. Sa totoo lang hanggang ngayon ay wala talaga siyang maalala kung may nangyari sa kanila ni Octavio sa nag daang gabi. Wala naman siyang maramdaman na kakaiba sa katawan niya. Ang sabi ng mga kapatid niya... kapag first time raw ng babae na makipagtalik sa isang lalake, may kakaiba raw itong mararamdaman sa katawan lalo na 'yong masakit sa pribadong parte. Pero wala namang gano'n sa kaniya. Kanina pa niya pinakikiramdaman ang kaniyang sarili, but everything seems normal and fine. Wala lang. Basta ang alam niya lang may- "Gracia!" anang Esrael na siyang pumutol sa pagmumunimuni ng dalaga. "Is it okay with you kung iiwan na muna kita rito kay Octavio-" "¿Qué? ¿Me vas a dejar solo aquí? ¿Con él? No." Ano? Iiwan mo ako rito ng mag-isa? Kasama ang kapatid mo? Huwag! Gulat pang saad nito pagkuwa'y mabilis na tumayo sa kaniyang puwesto. Lumapit ito sa binata. "Por favor. ¿Puedo ir contigo señor?" "Pero, importante kasi itong lakad ko e! It's a business meeting. Hindi kita puwedeng isama roon." saad nito sa dalaga. "N-natatakot lang ako sa kaniya. B-baka magalit na naman siya sa 'kin at-" "Don't worry. I assure you na hindi siya magagalit sa 'yo. At kung magalit man siya sa 'yo na wala pa ako. Just tell me, ako na ang bahala sa kaniya. Uupakan ko 'yang si Octavio." nakangiti at pagbibiro pang turan nito. "Mag tatagal ka ba?" "Mmm! I think before dinner nandito na ako." "Gabi na?" "Huwag ka na mag-alala." aniya. "I need to go. See you later okay!" anang Esrael na bahagya pang ginulo ang tuktok ng kulot na buhok ng dalaga bago ito tumalikod at lumabas ng kusina. KANINA pa pabalik-balik ng lakad si Gracia sa loob ng silid ni Esrael. Hindi ito mapakali. Uupo sa gilid ng kama, tatayo. Maglalakad paroo't parito. Tila nasisilihan ang puwet nito. "Paano kung-kung umuwi ako sa bahay? Kukunin ko ang bag ko. Nakakahiya naman kay sir Esrael kung sa kaniya pa ako lumapit at humingi ng tulong para makauwi ng Pilipinas." kausap nito sa sarili. Muli na naman itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga pagkuwa'y pabagsak na inihiga ang katawan sa malambot na kama ng binata. "Uuwi ngayong gabi sa Pilipinas ang kapatid ni sir Esrael. Pero ang hirap naman lumapit at humingi sa kaniya ng tulong. Nakakatakot! No tengo más remedio que volver a casa. Necesito obtener mi dinero y pasaporte " Wala na akong ibang mapapagpilian kundi ang umuwi sa bahay. Kailangan kong makuha ang pera at passport ko. Kaagad na napabalikwas ng bangon si Gracia mula sa pagkakahiga sa kama nang marinig nito ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng silid. Nagmamadali pa itong napatayo at nilapitan ang pinto upang buksan iyon sa pag-aakalang bumalik na si Esrael. "Señor Es-" mabilis pa sa alas kuwatrong natigilan ang dalaga nang bumungad sa kaniya ang seryosong mukha at magkasalubong na kilay ni Octavio. "What are you doing here?" malamig na tanong nito. Bumukas ang bibig ni Gracia, ngunit ni isang kataga ay walang nanulas doon. Natatakot talaga siya sa lalakeng ito. "Out!" anang Octavio pagkuwa'y itinulak ang pinto ng silid ni Esrael upang palabasin doon ang dalaga. "Hurry up! Out!" turan pa nito. Nakatungo at halos mangiyakngiyak pang humakbang si Gracia palabas ng silid na iyon. Kung sana naroon lang si Esrael. "The door is open. You are free to leave. Huwag mong samantalahin ang kabaitan ni Esrael, because I know masasaktan ka lang." dagdag pang saad ni Octavio. Laglag ang mga balikat kasabay nang paglapat ng pinto matapos makalabas ni Gracia sa bahay ni Esrael. Mabilis pa nitong pinunasan ang dalawang butil ng luha na nag landas sa kaniyang pisngi. Hindi siya umiiyak dahil sa pinaalis siya nang walang pusong Octavio na iyon. Umiiyak siya sa isiping masamang tao ang tingin sa kaniya ng binata. Umiiyak siya dahil ayaw niyang umuwi sa bahay nila oras na wala na siyang magawa sa sitwasyon niyang iyon. Palinga-lingang naglakad ang dalaga sa mahaba at tahimik na kalsadang iyon. Mainit man ang sikat ng araw, hindi na niya iyon ininda at tuloy lamang sa mabilis na paglalakad. Hanggang sa makita niya ang isang truck na paparating. Sinubukan iyong parahin ng dalaga upang makisakay pabalik sa lugar nila. Baka walang tao ngayon sa bahay nila... mag babakasakali lamang siya. Tumigil naman ang truck na iyon. Kinausap ni Gracia ang driver niyon kung maaari siyang makisakay patungo sa kaniyang pupuntahan. Pumayag naman ang matanda. Ilang sandali lamang ang naging biyahe nila nang matanaw ni Gracia ang kanilang bahay na nasa 'di kalayuan. "Gracias señor!" aniya sa matanda bago ito bumaba sa sasakyan. "No hay problema señorita." Lakad-takbo ang ginawa ni Gracia sa gilid ng daan. Kaliwa't kanan ang lingon. Hanggang sa makapasok siya sa bakuran nila. May naririnig pa siyang boses mula sa loob ng kanilang bahay. Naroon pala ang kaniyang magulang, maging ang mga tauhan ng señor Salvador. Dahan-dahan at nakayuko na tinungo ng dalaga ang likod bahay nila kung saan nahulog ang kaniyang bag kahapon. Ngunit gano'n na lamang ang pagkadismaya at panlulumo niya nang wala na siyang makita roon. Wala na roon ang kaniyang bag. Siguro nakuha na iyon ng kaniyang mama. "Gracia!" sambit ng kaniyang ina. Wala sa sariling napalingon ang dalaga sa likuran niya. Naroon nga ang kaniyang ina. "Ramon, Gracia está aquí." sigaw ng ginang. Mabilis namang naalerto ang dalaga. Agad itong kumaripas ng tumakbo palabas ng kanilang bakuran. "Gracia!" habol na sigaw ng kaniyang ina. Maging ang mga tauhan ni señor Salvador ay lumabas na rin ng bahay at hinabol ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD