CHAPTER 3

2086 Words
GALIT habang nagpaparoo't parito ang lakad ni Leticia sa loob ng kanilang maliit na sala habang ang asawa naman nito at ang señor Salvador ay naroon sa labas ng kanilang bahay at seryosong nag-uusap. Hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin sa galit ang ginang dahil sa ginawang pagtakas ng kaniyang anak. Sobra rin itong nahihiya sa señor dahil sa ginawa ng dalaga. Nakapirma na sila kanina tungkol sa kasunduan ng kasal nang dalawa at sa bayad na matatanggap nilang mag-asawa galing sa señor Salvador, ngunit laking gulat na lamang ni Leticia nang biglang tumakas si Gracia. "Mis disculpas nuevamente señor Salvador. No te preocupes, encontraremos a mi hija lo antes posible. Ella volverá en poco tiempo. Y como prometimos, la boda continuará." Humihingi po ulit ako ng paumanhin sa inyo señor Salvador. Huwag po kayong mag-alala, hahanapin kaagad namin si Gracia. Babalik po kaagad siya. At kagaya po sa pangako namin sa inyo... matutuloy po ang kasal. Hinging paumanhin at pagpapaliwanag na rin ng ama ni Gracia sa señor. "Para ser honesto, me decepcionó el comportamiento de su hija." Sa totoo lang, nadismaya ako sa ginawang ito ng anak mo. Seryosong saad ng matanda. Mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Leticia y yo ya hablamos sobre esto. Ella me dijo que todo está arreglado, ¿qué pasó ahora? Tu hija se fue." Nag-usap na kami ni Leticia tungkol dito. Ang sabi niya okay na ang lahat, pero ano ang nangyari ngayon? Umalis ang anak ninyo. "Por favor señor." napapatungo na lamang na saad ng lalake sa matandang kausap. "Usted ya pirmó el contrato señor Calderón. ¿Qué hay sobre eso? No quiero desperdiciar mi dinero por nada." Nakapirma ka na sa kontrata natin Mr. Calderon. Paano naman 'yon? Ayokong masayang ang pera ko sa wala lang. "Sé que el señor Salvador. Te pedimos perdón de nuevo. Mi esposa y yo aún nos aseguraremos de que no este decepcionado con nosotros. Encontraremos a Gracia pronto. El dinero que paga nunca se desperdiciará." Alam ko po iyon señor Salvador. Humihingi po ulit kami ng patawad sa inyo. Sisiguraduhin po naming mag-asawa na hindi kayo madidismaya sa amin. Hahanapin po namin kaagad si Gracia. Hindi po masasayang ang perang ibabayad ninyo. Muling saad nito at ipinagsalikop pa ang mga palad. Matamang sinalubong ang mga mata ng serñor Salvador. Mayamaya ay lihim itong napalunok ng kaniyang laway. Nakakatakot ang matanda kung tumingin. Parang anumang sandali ay maaari kang panawan ng ulirat sa sobrang kaba. "Quiero ver a tu hija mañana por la mañana. Si no, sabes lo enojado que estoy Ramón." Gusto kong makita agad bukas ng umaga ang anak ninyo. Kung hindi, alam mo kung paano akong magalit Ramon. Anito na tila may kasama pang pagbabanta. "Mañana por la mañana nuestra hija está aquí. Pido disculpas de nuevo señor." Bukas ng umaga ay nandito na po ulit ang anak namin. Humingi ako ng tawad muli sa inyo señor. "Bueno." anang señor Salvador bago ito nag lakad palapit sa kaniyang Mercedes Benz at lumulan doon. "ANG SABI ko naman sa 'yo Octavio huwag ka ng magdala ng pagkain. Marami naman dito e!" anang babae na papalapit sa kinauupuan nang dalawang lalake habang kalong nito ang anak. "Ayan tuloy ang nangyari sa 'yo." "Isabel, kilala mo naman 'yang si Octavio... kung ano ang sabihin niya 'yon ang gagawin niya. E, gusto niya raw magdala ng pagkain so he did. Ang malas niya lang at nauwi lang sa wala ang mga pagkain niya." mabilis na singit ng asawa nito. Ang kaibigan ni Octavio. Napapailing na lamang ang binata pagkuwa'y nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "By the way, nasaan na ang babaeng sinasabi mo?" tanong ng kaibigan niya. "Nasa cr. Sinamahan ni Esrael para mag linis ng katawan." tila wala sa mood na sagot nito. "I'm sorry kung hindi man ako nakaabot sa binyag ng anak mo kanina." hingi na rin nito ng paumanhin sa lalake. "It's okay bro. Naiintindihan ko naman. Ang mahalaga ay humabol ka. Unlike no'ng kasal namin ni Isabel. Ni aninu mo hindi mo ipinakita sa amin. Muntikan na nga kitang bugbugin noon e, kasi naiinis ako sa 'yo." natatawang pang saad nito sa binata. "Oh! Ito na pala sila." anang Isabel nang matanaw si Esrael na lumabas mula sa kusina ng kanilang bahay habang kasunod nito ang babae. "Sorry ulit Isabel sa nangyari." saad ni Esrael habang nasa likuran lamang nito ang maliit na babae. Tila nahihiya ata at walang balak na magpakita ng mukha sa kanila. Inis na dinampot ni Octavio ang basong may lamang alak at dinala iyon sa tapat ng kaniyang bibig at sumimsim doon. "Kumusta naman siya?" tanong ni Isabel kay Esrael. "She's fine." aniya at binalingan ang dalaga sa likod nito. "Are you okay?" tanong nito kay Gracia na sinagot naman nito ng mahinang pag tango. "Come on, I'll introduce you to them. Don't worry, they are good person. They won't hurt you, except that one guy over there." bulong na saad nito sa dalaga at palihim na itinuro ang binatang si Octavio. Muling nag tago sa likuran ni Esrael ang dalaga nang pagtingin nito sa direksyon ng binata ay magkasalubong ang kilay nitong nakatingin din sa kaniya. Natawa na lamang ng pagak si Esrael. "Kidding. He's a good guy. Don't worry." saad nito at hinawakan sa braso ang dalaga upang dalhin niya ito sa kaniyang harapan at ipakilala sa mga kasamahang naroon. "Guys, she's Gracia. Ang kumain sa pagkain ni Octavio kanina." natatawang pagpapakilala nito sa dalaga. Seryoso namang napatitig si Octavio sa dalaga. Ngayon niya napagmasdan ng mabuti ang hitsura nito, kumpara kanina na puno ng icing ang mukha at madumi ang damit na suot. Maliit na babae. Payat. Mahaba ang kulot na buhok. Maliit ang mukha. Matangos ang ilong. Hugis puso ang mamula-mula nitong mga labi. Mahaba at malalantik na pilikmata. Mapupungay na mga mata. Maganda ang pagkakaahit sa mga kilay. She's now wearing a big shirt... na hula ni Octavio damit ng kapatid niya. She's almost perfect, kung hindi nga lang kinulang sa tangkad nito. "Sure ka Esrael na okay lang siya?" may pag-aalala pang tanong ni Isabel mayamaya nang biglang mag baba ng kaniyang paningin si Gracia. "Okay na raw siya. Natatakot lang siya kay Octavio." anito. "Paano, itong kapatid ko parang hindi dalaga ang kaharap kung umasta. Malamang na matatakot sa kaniya itong si Gracia." napapailing pang saad nito. Nakapaskil ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa direksyon ng kapatid. "I told you she's a kid Esrael. Kung ako sa 'yo... iuwi mo na lang siya sa kanila at baka makasuhan ka pa ng child abuse o child trafficking oras na mahuli ka ng magulang niyan." naiirita pang saad ni Octavio sa binata. "Bro, she's not a kid. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo?" "E, bakit mo ba siya tinutulungan?" tanong ng asawa ni Isabel. "Because she needs my help." "She needs your help? Paano kung magnanakaw talaga 'yan? Isa pa, parang hindi ka naman namin kilala Esrael. I know you. Babae lang ang wala sa 'yo." anang Isabel. "Grabe ka naman sa 'kin Isabel. Guwapo ako oo aminado ako do'n. Pero parang gusto mo atang iparating sa 'kin na maniac ako at horny na horny lang." "Hey! Watch your words. Nasa harapan mo ang baby inaanak ko." ani Octavio at walang pagdadalawang isip na dinampot ang isang can beer at ibinato iyon sa kapatid. Mabuti na lang at mabilis din kumilos ang huli kaya nasalo niya agad iyon. "Sorry." aniya. "E, ano ang plano mo sa kaniya? Isasama mo siyang umuwi sa bahay mo?" tanong nang isang lalake. "Malaki ang space sa bahay ko. Puwede naman siya roon." "Alam mo kung ako sa 'yo para wala ka ng problema. Just take her to the police and—" Kaagad na napaangat ang mukha ni Gracia nang marinig niya ang huling sinabi ni Isabel. Police? Gusto nitong dalhin siya sa mga pulis? Hindi. Hindi siya papayag. Mabilis itong muling nag tago sa likuran ni Esrael at humawak sa laylayan ng damit nito. "Hey! ¿Por qué?" tanong nito sa dalaga. Mabilis namang napailing ng sunod-sunod si Gracia bago muling tinapunan ng tingin si Octavio na ngayon ay abalang pinaglalaruan ang basong may laman na alak. "Estoy bien." saad ni Esrael nang maintindihan niya ang ibig iparating ng dalaga sa kaniya. Mayamaya ay nag baling ito ng paningin sa tatlong kasama. "Paano, mauna na kami. Pasensya ulit sa nangyari kanina Isabel, Kevin." "It's okay bro. Sige, mag iingat kayo. Mag iingat ka diyan. Hindi mo pa 'yan kilala." paalala pang saad ni Kevin sa binata. Iginiya ni Esrael palabas ng bahay ang dalaga hanggang sa marating nila ang kaniyang sasakyan. Pinagbuksan niya pa ito ng pinto sa passenger seat bago umikot sa driver seat at doon ay sumakay. "KAKAIBA talaga `yang kapatid mo, Octavio. Biruin mo... hindi naman niya kilala ang Gracia na 'yon pero papapasukin niya agad sa bahay niya. Paano na lang kung masamang tao pala ang babaeng 'yon?" anang Kevin habang magkaharap sila ng binata sa lamesa. Parehong umiinom ng alcoholic drinks. "I know Esrael, Kevin. Sa ugali niyang mahilig mambabae... tomorrow morning I'm sure he will dump that kid or that young lady who ever she is." "Mukha nga. But to be honest, may hitsura siya." anito bago inisang lagok ang laman ng basong hawak. Natawa naman ng pagak ang binata na sinabayan din ng pag-iling. "Say that word when Isabel is around, tingnan na lang natin kung hindi makipaghiwalay agad sa 'yo ang asawa mo. Bro, you're already married pero pinupuri mo pa ang ibang babae." "It's just a compliment. Wala namang mali roon Octavio." anito. "Alam mo, bakit hindi ka na lang pala maghanap ng babaeng gagawin mong girlfriend?" mayamaya ay pag-iiba nito ng kanilang usapan. Baka nga bigla silang marinig ng kaniyang asawa na nasa silid lamang nila. Mahirap na. "Bakit hindi mo na lang gawing one week ang bakasyon mo rito sa Madrid. Just go to the bar, club, like Esrael. He has a lot of fling. Para naman makapag-asawa ka na rin. You're not getting any younger Octavio." saad nito. "Girls, woman, etc. They're all distracted. Wala akong panahon para sa ganyan. I have a lot of works to do. Pera ang kailangan ko hindi nobya." turan nito bago pabagsak na isinandal ang likod sa upuan. "Mayaman ka na, pero bakit gusto mo pa ring magpayaman?" "Si Demetrio Ildefonso ang mayaman hindi ako." "But he is your dad. Mabuti pa si Esrael, happy go lucky. Nagpapakasasa sa pagiging binata niya." "Sad to say I'm not Esrael. I'm Octavio. We're so much different from each other." aniya at muling inabot ang bote ng alak para muling salinan ang kaniyang baso. "Okay. I'm agree with you." Ilang sandali pang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa... mayamaya ay tumayo mula sa kinauupuan niya si Octavio. Iniangat nito ang braso upang tingnan ang orasang pambisig nito. It's already late. Medyo nahihilo na rin siya. Hindi siya sanay na uminom ng maramihang alak. "I think I'm gonna go." paalam nito sa kaibigan. "I'll drive you home." "Hindi na. Tatawag na lang ako ng taxi. Huwag mo ng iwan ang mag-ina mo rito. Pakisabi na lang kay Isabel na umalis na ako." "Okay. Ingat ka bro." anang Kevin. PAGDATING ni Octavio sa bahay ng kaniyang kapatid. Madilim ang sala, hindi niya rin nakita kanina sa labas kung may ilaw sa kuwarto nito. Baka tulog na. Anang kaniyang isipan habang kinakapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Napapabuntong-hininga pa ito ng malalim dahil sa sobrang pagkahilo. Nang mabuksan nito ang ilaw sa sala ay nag diretso na ang lakad nito papunta sa kuwartong inuokupa niya. Hinubad ang suot na sapatos, tinanggal ang necktie sa leeg, hinubad ang long sleeve polo na suot nito maging ang pantalon, pagkuwa'y padapang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Dahil sa kalasingan nito ay kaagad itong nilamon ng antok. Kinabukasan, nagising ang binata dahil sa ingay ng kaniyang telepono na nasa ibabaw ng side table. Kinapa nito ang isturbong aparato at mabilis na pinatay. Muli itong pumikit at isinubsob ang mukha sa malaking unan. Ngunit mayamaya ay bigla rin itong napaangat ng ulo. Nanlalaki ang mga matang napatitig sa babaeng nasa tabi niya. Mahimbing ang pagkakatulog. Kagaya niya, hubad din ito. Walang saplot na pang-itaas kundi tanging ang makapal na kumot lamang ang nakatabing sa katawan nito. "Holy shit." tanging nasambit nito pagkuwa'y napabalikwas ng bangon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD