PRENTENG nakaupo sa sofa si Octavio habang hawak-hawak nito ang remote control ng flat screen tv ni Esrael. Palipat-lipat sa channel ng palabas habang kanina pa rin ito napapatingin sa orasan na nakasabit sa itaas ng pader. Ilang beses na rin itong nagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. Kanina pa siya naghihintay sa tawag ng kaniyang butihing kapatid dahil ang sabi nito ay ihahatid siya sa nito sa Airport. Alas sinco na ng hapon... kailangan niyang makaalis ng mas maaga dahil malayo ang lugar ng bahay nito papunta sa paliparan. Mayamaya ay tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng center table... kaagad iyong dinampot ng binata. "Where are you?" pagalit na bungad nito sa kapatid. "I'm sorry bro. I can't make it." "What?" anang Octavio na mas lalo pang napataas ang tono