CHAPTER 2

1893 Words
TAHIMIK lamang na nagmamameho ang binata sa kaniyang sasakyan. Kaliwa't kanan ang tanaw sa magandang paligid na kaniyang nadadanan. Puro bundok ang kaniyang nakikita. Matatayog at iba-ibang klase ng puno ang kaniyang natatanaw. Mga alagang baka at tupa. May mangilan-ngilang bahay at tao siyang nadadanan. Tahimik ang buong lugar, pero malayo nga lang sa pinaka bayan. Ewan ba niya at kung bakit doon pa siya sa bahay ng kaniyang kapatid pinatuloy, puwede naman siyang mag check in sa isang hotel na nasa syudad para mas mapadali ang biyahe niya papunta sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag na dadaluhan niya. Muling tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng dashboard. Kinuha niya iyon at tiningnan ang screen kung sino ang tumatawag sa kaniya. "Yeah? I'm on my way. Alam mo naman na hindi ko kabisado ang lugar ninyo. Kung sana sisundo mo na lang ako Esrael, kanina pa ako nakarating diyan. Bro, this is not Philippines in case you forgot." anito sa kausap na nasa kabilang linya. "Okay I'm sorry. Kinukulit kasi ako nitong si Isabel. Pinapatawagan ka para itanong kung nasaan ka na raw." "Magka-usap lang kami five minutes ago a!" "E alam mo naman... hindi mag sisimula ang binyag ng anak niya kung wala ka rito." muling saad pa nang lalake. "Am I the father of her daughter para hindi masimulan ang binyag kung wala ako diyan?" pagbibiro pa nito. "Naririnig ka niya bro. aniya na tumawa pa." "Fvck. Ang hilig mo kasing mag loud speaker. Are you deaf?" kunwari ay naiinis na saad nito sa kausap. "Sige na. I'll be there I think in ten minutes. Kapag hindi ako naligaw." "Basta bilisan mo, kung ayaw mong madakdakan ka na naman nitong kumare mo." Napapailing na lamang na pinatay ng binata ang tawag mula sa kabilang linya. Muli itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Sana nasa Pilipinas siya ngayon e! Kaso, kinuha siyang ninong nang anak ni Isabel. Asawa ng kaibigan niya na naroon na sa Madrid nakabase. Siya ang tipo ng lalakeng hindi mahilig sa mga gano'ng okasyon... even birthdays, holidays, special occasions etc. Mas gugustuhin niya pang mag kulong sa kaniyang opisina at iburo ang sarili sa mag hapong trabaho kaysa naman sayangin ang oras at araw niya sa mga gano'ng bagay. Those stuff are just wasting his time. Mas mahalaga pa rin ang kumikita ka ng pera sa isang araw. But, hindi niya naman magawang tumanggi sa kaniyang kaibigan. Malamang na mag tampo na naman iyon sa kaniya kagaya no'ng kasal nito na hindi niya sinipot. Ito rin ang unang araw niya sa Madrid, Spain. Bukas ng gabi ay babalik na rin siya sa Pilipinas. "Ay." Biglang nangunot ang noo ng binata at napalingon sa likod ng kaniyang sasakyan nang marinig nito ang isang boses ng babae. "Ay! Está herido." Aw. Ang sakit. Daing ni Gracia habang nakahawak ito sa kaniyang ulo na nauntog sa gilid ng sasakyan. Muling narinig ng binata ang boses ng babae dahilan upang mas lalong mangunot ang noo nito. Bahagya pa itong sumilip sa maliit na butas na nasa itaas ng upuan niya. Gumagalaw ang trapal na inilagay niya roon kanina para takpan ang dala niyang mga pagkain para sa binyag ng kaniyang inaanak. Mayamaya ay binuksan nito ang pinto at tahimik na umibis sa sasakyan at nag tungo sa likuran no'n. "Ay! Ay!" daing pa rin ni Gracia. Kaagad na hinila ng binata ang dulo ng trapal. Pareho pang nagulat ang dalawa. Si Gracia na nakasiksik sa gilid ng sasakyan habang nagkalat sa sahig no'n ang mga pagkaing nilantakan nito. Maging ang mukha nito ay puno ng icing na galing doon sa cake na binili ng binata. Bukas na rin ang ibang bote ng softdrinks na naroon. Nanlalaki ang mga mata ng binata na pinagsalin-salin ang paningin sa mukha ng dalaga at sa mga pagkaing ipinaluto niya kanina sa kasambahay ng kaniyang kapatid. "What the fvck." tanging nasambit ng lalake. Ilang saglit pa itong natigilan at hindi makapagsalita. "Who are you? Why did you ate my foods?" galit na tanong nito sa dalaga pagkuwa'y nagmamadaling sumampa sa sasakyan. Kaagad namang naalerto ang dalaga. Mabilis itong tumayo at tumalon sa kabilang gilid ng sasakyan upang takasan ang lalake. "Hey! Where are you going?" sigaw ng binata at nagmamadaling tumalon doon para habulin ang babae. "Tatakasan mo pa ako a!" aniya nang mahuli niya sa braso si Gracia. "No. Ayudame." Tulong. sigaw ni Gracia upang humingi ng tulong. "Que alguien me ayude." Tulungan n'yo ako. Tili nito habang nakikipagtulakan sa binata upang makatakas dito. "Shut up! After you ate my foods, tatakasan mo pa ako?" anang binata. "No." "Halika." aniya at walang kahirap-hirap na kinalong niya ang dalaga at bumalik sa kaniyang sasakyan. Inilagay niya sa likuran ang dalawang braso nito at mahigpit niya iyong hinawakan. "Who are you?" mayamaya ay pagalit na tanong nito sa dalaga. Dahil sa madungis na hitsura nito, hindi niya makita ng maayos ang mukha ni Gracia. "Why are you at the back of my car?" "Lo siento señor. No quise comer tu comida. Solo tengo prisa. Por favor déjame ir." Pasensya na po sir. Hindi ko po sinasadyang kainin ang pagkain ninyo. Nagugutom lang talaga ako. Parang awa n'yo na. Pakawalan n'yo na po ako. Pagmamakaawa nito sa binata. Hindi manlang magawang tumingin dito at salubingin ang nanlilisik na mga mata nito. Natatakot siya. Baka mamaya niyan bigla na lamang siyang saktan nito o kung ano man ang kaya nitong gawin sa kaniya. "I don't understand you." kunot ang noo na saad nito. "Por favor señor. Por favor." "No. I will call a cop." sa halip ay saad nito pagkuwa'y hinila ang dalaga upang isakay ito sa passenger seat. "No. Señor, no llame a una taza. No lo hagas." Huwag po. Sir, huwag po kayo tumawag ng pulis. Huwag po. Pabalibag na isinara ng binata ang pinto ng sasakyan nang maipasok niya roon ang nagwawalang babae. Galit na nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga pagkuwa'y umikot sa driver seat at kinuha roon ang kaniyang cellphone. Patuloy pa rin sa pagwawala ang dalaga at pinipilit na buksan ang pinto. "Where are you?" bungad na tanong ng kaniyang kapatid nang sagutin nito ang kaniyang tawag. "Come over. I have a big problem." galit na saad nito. "What? Bakit ano'ng nangyari?" "Basta pumunta ka. Mag kita tayo sa presinto." aniya bago pinatay ang kaniyang tawag. Napapailing na lamang itong muling tiningnan ang mga pagkaing nagkalat sa likuran ng sasakyan. Sunod-sunod itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago muling lumulan sa driver seat. "Lo siento señor. Por favor déjame ir. No puedo ir a la carcel." Patawad po sir. Parang awa n'yo na pakawalan mo na ako rito. Hindi ako puwedeng mapunta sa kulungan. Pagmamakaawa nitong muli. Ipinagdaop pa ang mga palad nito habang matamang nakatitig sa gawi ng binata. Panigurado si Gracia, oras na madala siya ng binata sa kulungan... mahahanap siya ng kaniyang magulang. Ibabalik siya sa bahay nila at wala na siyang magiging choice kundi ang magpakasal sa anak ni señor Salvador. Ayaw niyang mangyari 'yon. Naiiritang hinampas ng binata ang kaniyang manibela dahilan upang matigilan ang pag ngawa nang babaeng nasa tabi niya. Masakit sa tainga ang pagngawa nito. Isa pa naman iyon sa pinakaayaw niya sa babae. Parang nakalunok ng megaphone sa sobrang ingay. "OCTAVIO." anang lalake nang makababa ito ng sasakyan at nagmamadaling nilapitan ang kapatid. "Ano'ng nangyari?" kunot ang noo na tanong nito. Mayamaya ay napasilip ito sa loob ng kaniyang sasakyan na ginamit ng kaniyang kapatid kanina. "S-sino itong kasama mo?" "I don't know who she is. Nasa likuran siya ng sasakyan mo kanina habang papunta na ako sa simbahan. Look, kinain niya lahat ng pagkain. Tapos balak pa akong takasan kanina." saad nito habang nananatili pa ring nakasandal sa hood ng kotse. Balak na sana niyang dalhin ito sa presinto kanina, kaso bigla naman itong umiyak. Iyong tahimik na iyak. Hindi nakakarindi sa tainga. Kaya parang bigla naman siyang nakaramdam ng awa. "A thief?" anito at naglakad palapit sa gilid ng bintana na nasa gawi ng dalaga. Nakayuko, kung kaya'y hindi niya makita ng maayos ang hitsura nito. "Ba't hindi mo na idiniretso sa presinto?" "Balak ko na sana. Kaso umiiyak. Puwede mo bang kausapin 'yan? Hindi ko maintindihan." aniya sa kapatid. Kaagad namang tumalima ang binata at muling bumalik sa gawi ng dalaga. Kinatok niya ang bintana bago iyon binuksan. Bahagya pa itong yumuko upang silipin ang mukha ng dalaga. Madungis pa rin. "Hola señorita." untag na saad ni Esrael. "¿Puedo saber tu nombre?" Puwede ko bang malaman ang pangalan mo? tanong nito. Mayamaya ay biglang nag angat ng kaniyang mukha si Gracia. Namimilog ang mga mata nitong napatitig sa binata. "¿Tu hablas español?" Marunong ka magsalita ng español? tanong nito. Mabuti naman, kanina pa siya nagmamakaawa doon sa isang lalake na pakawalan na siya nito... pero hindi naman siya maintindihan. Baka ang isang ito ay maintindihan siya at maipaliwanag niya ang mga nangyari. "Sí." Yes. Tugon ni Esrael. Mabilis na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang dalaga. "¿Y cómo te llamas? Mi hermano me dijo que estabas en la parte trasera de este auto y que comiste todos los alimentos." So, ano ang pangalan mo? Sabi kasi ng kapatid ko, nasa likod ka raw ng sasakyan at kinain mo lahat ng pagkaing dala niya. Tanong ng lalake sa dalaga. "Lo siento señor. No quise comer todos sus alimentos. Es solo que ténia hambre." Pasensya sir. Hindi ko po talaga sinasadyang kainin ang pagkain niya. Gutom lang po talaga ako. Pagpapaliwanag nito sa lalake. "Y estaba tratando de hablarle que no puedo ir a la cárcel. Por favor señor, dígale... pagaré. Pagaré la comida." Sinusubukan ko rin po siyang kausapin na huwag niya akong dalhin sa kulungan. Please sir sabihin n'yo po sa kaniya ... mag babayad ako. Mag babayad ako doon sa pagkain. Saad nito habang hindi manlang magawang iwaglit ang paningin sa mga mata ng kausap. Umangat pa ang kaniyang kamay upang hawakan ito sa braso. "Por favor señor." anas nito. Napapailing na lamang si Octavio matapos mag tapon sa kaniya ng paningin si Esrael. Muli nitong kinausap ang babae; hindi niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Kakaunti lang naman ang alam niyang salitang espanyol. "¿Entiendes inglès?" tanong nito na sinagot naman ng tango ni Gracia. Mayamaya ay tumayo si Esrael mula sa pagkakayuko nito sa gilid ng pinto ng sasakyan. Muling isinara iyon bago umikot at nilapitan ang kapatid. "Huwag mo na siyang dalhin sa presinto bro." anito. "What? No, kailangan niyang madala roon. Ang mga batang kagaya niya ay dapat binibigyan ng leksyon para matoto at hindi na ulit gumawa ng kasalanan." galit na saad ni Octavio. Natawa naman ng pagak ang huli dahil sa sinabi nito. "What's the funny?" "Hindi na siya bata bro..." tipid na saad nito bago muling binalingan ng tingin ang dalaga na ngayon ay nakatingin din sa gawi nilang mag kapatid. Hindi na bata? Sa liit nitong babae, paano nito itatangi na hindi na ito bata? Payat na katawan. Mukhang nasa five three o five four lang ata ang tangkad nito. Madungis ang mukha. Madumi ang damit. Sino ang mag iisip na hindi na ito bata? "Basta. Ako na ang bahala sa kaniya. Sagot ko siya." turan nito at tinapik pa sa braso ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD