CHAPTER 1

1753 Words
NOTE: Spanish po sana ang conversation nila rito since sa Madrid pa ang scene na ito... but, tagalog version na lang ang pinost ko para hindi na ako mahirapang langyan ng translation ito. ••••• "MAGANDANG UMAGA PO SEÑOR SALVADOR." bati ng ginang sa matandang lalake nang bumaba ito mula sa isang mamahaling Mercedes Benz. Tila hindi pa ito mapakali sa kinatatayuan at maya't maya ang tingin sa loob ng kanilang maliit na sala. "Kamusta po señor? Pasensya na po kayo sa lugar namin... medyo magulo po at—" naputol ang pagsasalita nito nang itaas ng matanda ang kanang kamay habang hawak naman sa kaliwang kamay nito ang isang baston. "It's okay Leticia. Hindi ako nagpunta rito para makita ang lugar ninyo. I came here to see your daughter." anito. "So, where is she?" tanong nito. Muling napasilip ang ginang sa siwang ng pinto sa kanilang bahay bago sinagot ang lalake. "Saglit lamang po señor Salvador. Tatawagin ko po ulit ang anak ko." aniya. "Pumasok po muna kayo señor." Tumango lamang ang matandang lalake bago ito humakbang papasok sa pinto nang buksan iyon ng maluwag ni Leticia. Mayamaya ay nagmamadali na itong napapanhik sa anim na baitang para tunguhin ang silid ng kaniyang anak na dalaga. Sunod-sunod at nagmamadaling katok ang ginawa nito bago binuksan ang pinto at pumasok doon. "Gracia. Ano ang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa handa? Nasa labas na ang señor Salvador. Dapat kanina ka pa handa. Alam mo naman na ngayon siya dadating para makita ka." galit pang saad nito sa anak nang madatnan niya itong hindi pa bihis at tahimik lamang nakaupo sa ibabaw ng higaan. "Diyos ko naman Gracia—hindi ito ang tamang oras para umiyak ka na naman diyan. Mag bihis ka na at lumabas ka." saad nito ng muli na namang makita ang panunubig ng mga mata ng dalaga. Hanggang ngayon ay tutol pa rin ang dalaga sa kanilang mag-asawa na sundin ang tradisyon nila. "Pero mama, ayoko po." protesta nito sa ina. Hindi niya kayang magpakasal sa lalakeng hindi niya mahal. Diyos na mahabagin. "Gracia, huwag ng matigas ang ulo ngayon. Napag-usapan na natin ito noong nakaraang linggo. Alam mo naman na parte ito ng tradisyon natin. Hindi ka puwedeng tumanggi na magpakasal sa anak ni señor Salvador dahil lamang sa ayaw mo. Huwag mo naman ako ipahiya, Gracia. Si señor Salvador mismo ang pumili sa 'yo para sa anak niya." muli na naman nitong iginiit sa anak ang mga katagang iyon. Malaking halaga ang ibabayad ng matanda sa kanila kapag naikasal na ang dalaga sa anak nito. "Please mama—" Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa anak dahilan upang matigil ito sa iba pang nais sabihin. "Mag bihis ka na. Hihintayin kita sa labas ng limang minuto." maotoridad na saad nito bago nilisan ang silid ng dalaga. Napapabuntong-hininga na lamang si Gracia. Laglag ang balikat na tumayo ito sa kinauupuan at naglakad palapit sa kinaroroonan ng kaniyang maliit na lamesa; sa ibabaw no'n ay may iilang gamit, tulad ng lipstick, pulbos, foundation, pabango at iba-ibang pang kulorete sa mukha na binili pa ng kaniyang ina para sa kaniya. "Gracia, wala ka ng ibang pagpipilian kundi ang magpakasal sa anak ni señor Salvador. Kaya mo 'yan. Kaya mo 'yan." kausap nito sa sarili habang nakatitig sa repleksyon sa salamin. Mayamaya ay napangiti ito ng mapait bago sinimulan ang paglalagay ng make up sa kaniyang mukha. Kakayanin niya ba talaga? Wala naman siyang ibang magagawa, kahit pa tumutol siya sa mga magulang niya. "Bilisan mo, Gracia. Kanina pa naghihintay ang señor Salvador." saad ng kaniyang ina nang dumungaw muli ito sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Pinagmamadali na siya at kanina pa nag hihintay ang kanilang bisita. "Opo mamá" tugon nito. MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gracia habang nakatayo na ito sa likuran ng pinto. Muling inayos ang suot na damit. Hinila niya iyon pababa. Naiilang siya sa maiksing damit na iyon. Hindi siya sanay. Isa iyong puting bestida na hindi lalagpas sa ibaba ng kaniyang tuhod ang haba. Hanggang siko ang manggas na lace, medyo nangangati pa roon ang dalaga. Puting tacunes na may taas na dalawang pulgada lang. Itinali niya ang kaniyang kulot na buhok na aabot hanggang sa itaas ng kaniyang baywang ang haba. "Okay lang 'yan, Gracia. Kaya mo 'yan." muling paalala nito sa sarili bago umangat ang isang kamay at hinawakan ang seradura ng pinto ng kaniyang silid. Dahan-dahan niya iyong pinihit. Medyo lumangitngit pa iyon dahilan upang mapatingin sa hagdan ang señor Salvador na naghihintay sa kaniya sa maliit nilang sala. Kinakabahan man ay nag simula na ring maglakad si Gracia pababa sa hagdan. Hanggang sa makita niya ang matandang lalake na kausap ng kaniyang magulang. Lihim pang napalunok ng kaniyang laway ang dalaga habang hindi manlang maialis ang paningin sa tatlong tao na naroon sa sala. "Señor, ito po ang anak namin. Si Gracia." nakangiti at pagpapakilala ng kaniyang ama sa kaniya sa matanda. "M-magandang umaga po señor Salvador." nauutal na bati nito sa matanda nang tumigil siya sa paglalakad dalawang dipa ang layo mula sa mga ito. Malapad ang pagkakangiti sa mga labi ng señor... naglakad ito palapit sa kinatatayuan ng dalaga. Kinuha ang isang kamay nito at dinala sa tapat ng kaniyang labi upang gawaran ng halik. "Magandang umaga. How are you señorita Gracia?" tanong nito. "My pleasure to finally meet you." anito. "Salamat po señor." "Puwede na po ba natin pag-usapan ang tungkol sa presyo at kasal nila, señor?" singit na tanong ng ina ni Gracia. "Yes Leticia. I don't have any words to say about your daughter. I liked her for my son." turan nito. Medyo nakaramdam pa ng hiya ang dalaga dahil sa harapang sinabi ng señor Salvador. Ngayon pa lamang sila nagkita pero gustong-gusto na kaagad siya para sa anak nito. Mayamaya ay mabilis na suminyas ang ginang sa dalaga upang muli siya nitong pabalikin sa kaniyang silid. Mag-uusap na ang mga ito tungkol sa perang ibabayad ng señor sa kaniyang mga magulang at maging sa kasal nila nang anak nito. Napapabuntong-hininga na lamang si Gracia na muling naglakad pabalik ng silid. Pabagsak itong umupo sa ibabaw ng kaniyang kama. Magkano kaya ang presyo niya? Ano kaya ang hitsura ng anak ni señor Salvador? Sana manlang bago sila ikasal makita manlang niya ang hitsura nito kahit sa larawan. Mga tanong na naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Mayamaya ay natahimik ito nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang puting sobre na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang tukador. Kunot ang noo na napatayo ito sa kinauupuan at naglakad palapit doon. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ng dalaga nang mabuksan niya iyon. Ang kaniyang passport. Kinuha iyon sa kaniya ng kaniyang ina noong nakaraang araw, dahil baka raw tumakas siya at hindi sumunod sa usupan at sa kasal nila ng anak ng señor Salvador. Mabilis na napalingon ang dalaga sa may pintuan. Nagmamadali itong lumapit doon at saglit na pinakiramdaman ang mga taong nasa sala at abala sa pag-uusap. "Gracia, ito na siguro ang tamang pagkakataon para tumakas ka. Hindi mo na kailangan na magpakasal sa kung sino mang lalakeng iyon. Umalis ka na lang." saad nito sa sarili. Ito na ang pagkakataon upang tumakas siya. Para hindi na matuloy ang kasal nila nang anak ni señor Salvador. Tila may biglang umilaw na bumbilya sa itaas ng kaniyang ulo at pumasok sa kaniyang isipan ang mga ideya iyon. MAINGAT na lumusot sa bintana ng kaniyang silid ang dalaga. Bitbit ang kaniyang maliit na bag na naglalaman ng iilan niyang mga gamit. Ang kaniyang passport, maging ang kakaunting pera na naipon niya noon pa. Sinasalakay man ng matinding kaba; pinilit pa rin ng dalaga na makalabas doon. Iyon lang ang alam niyang paraan para hindi matuloy ang kasal niya. Oo naiintindihan niya ang kaniyang magulang dahil nasa tradisyon na talaga ng bansang kaniyang kinalakihan ang gano'n. Ang ibenta ng magulang ang dalaga nilang anak. Dahil para sa mga ito, kapag lumagpas ng dalawampo ang edad ng isang dalaga na hindi pa rin nakakapag-asawa... malas ito sa pamilya. Pero hindi naman siguro masama kung hindi siya susunod doon hindi ba? Kahit papaano ay nasa pangarap din niya ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Makatagpo ng lalakeng magugustuhan at mamahalin niya, maging ito man sa kaniya. Hindi lang din naman siya ang unang susuway sa tradisyong iyon sa lugar nila kung makakatakas man siya. Marami na ring mas nauna pa sa kaniya. Mga kagaya niyang mas mahalaga pa rin ang pag-ibig kaysa sa paniniwala. "Gracia." dinig niya ang boses ng kaniyang ina mula sa labas ng kaniyang silid. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga na nag madaling lumabas sa bintana ng kaniyang silid. Tinanggal nito ang bag na nakasabit sa leeg at itinapon iyon sa labas ng kanilang bakuran. "Ah! Gracia. Ang tanga mo." sambit nito nang mahulog ang kaniyang bag sa loob ng bakuran. Dahil doon, kailangan niya pang bumaba sa likod bahay nila para makuha iyon. Ngunit wala na siyang oras. Dahil panigurado maaabutan siya ng kaniyang ina. "Gracia!" gulat na tawag sa kaniya ng kaniyang ina nang makita siya nitong nasa labas na ng bintana. "Anong ginagawa mo?" "Sorry po mama." hinging paumanhin na saad nito na sinabayan pa ng pag-iling bago tumalon sa medyo may kataasan nilang bakuran. "Gracia... saan ka pupunta?" Sa halip na pakinggan pa ang kaniyang ina, nagmamadaling tumakbo ang dalaga papalayo sa kanila. Hindi na nag abalang kunin ang kaniyang bag. "Gracia, bumalik ka rito. Gracia." sigaw ng kaniyang ina habang nasa bintana ito at tinatanaw siyang papalayo na. Malayo-layo na rin ang natatakbo ng dalaga. Hinihingal at nauuhaw na ito. Pinagpapawisan. Saglit itong huminto at inilibot ang kaniyang paningin... wala na siyang makitang kabahayan doon. Medyo nasa dulo na ata siya ng bukurin nila. Mayamaya ay may natanaw itong isang sasakyan sa 'di kalayuan. Muli itong tumakbo papalapit doon. Sinilip nito ang ilalim nang malaking trapal na nasa likod ng sasakyan, doon ay may nakita siyang isang basket. Walang pagdadalawang isip na sumakay doon ang dalaga. Nagtago sa ilalim no'n. Gano'n na lang ang laking tuwa nito nang mapagtanto niyang masarap na pagkain ang laman ng basket. May mga softdrinks pang naroon. Takam na takam itong nilantakan ang mga pagkain. "I'm on my way. Yeah, just wait for me okay." Dinig ni Gracia ang tinig ng lalake na nag salita bago sumakay sa driver seat. Mayamaya ay umandar ang makina ng sasakyan at pinatakbo iyon nang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD